|
AKO ng kami ay sasayaw sa jubillee |
Ikinasal ang mga magulang ko noong nobyembre 28, 1993 sila ay parehong labing siyam na taon . Ang aking ina ay si Donnabelle Zoleta at ang aking ama ay si Nelson Zoleta. Ang aking ama ay taga batangas at ang aking ina ay taga dapitan city, pero dito sya lumaki sa san pablo laguna. Dahil naghiwalay ang aking lolo at lola na sina Efren Empeno at si Ma. Florifes Empeno.
|
MGA KACHURCH MEMBER ko nung kami ay nag youth camp |
Nagbunga ang kanilang pagmamahalan ng limang malulusog at masisiglang bata. Pangalawa ako sa aming magkakapatid, ang panganay sa akin ay si Lady Fatima Zoleta at ang mga sumunod ay sina Honey licca Zoleta, Neldon Zoleta, Kirby Zoleta. Ipinanganak ako noong setyembre 5, 1995 sa kalagitnaan ng gabi. Sabi pa ng mama ko nahirapan daw syang mai-anak ako kasi daw malaki ang pisngi ko. Sobrang marami akong magaganda, masasaya, malungkot, nakakainis at nakakalokang karanasan. Katulad na lang sa tuwing nakikipaglaro ako sa aking mga pinsan palagi akong nadadapa, kaya palagi akong maraming sugat sa tuhod at sa siko. Pero akala nyo ba titigil na ako?hindi parin! kahit palagi akong nadadapa ayos lang basta masaya. At ng tumuntong ako ng limang taon kailangan ko ng pumasok sa kinder garten. Ayoko talagang pumasok noong mga panahong iyon. Palagi akong umiiyak kapag hindi ko nakikita ang mama ko sa loob ng room ko. Kasi sobrang hina ng loob ko noong bata pa ako. Syempre hindi naman ako palaging maihahatid at mababantayan ng mama ko. Kaya ang ginawa nya kumuha sya ng tagapagbantay ko. Palagi kong sinisilip si ate maica sa bintana, kaya siguro lagi akong napapagalitan ng teacher ko. At natatandaan ko din noon bumili ako nghamburger sa schoo, habang naglalakad ako kasama si ate maica pagkagat ko nung hamburger biglang natanggal yong ngipin ko sa unahan. Ano ba yan mas matigas pa yung hamburger sa ngipin ko. Siguro ang panget ko nung mga panahong iyon kasi bungalako. Pero syempre maaret akong bata palagi kong tinatanong sa mama ko kung kailan tutuboang ngipin ko at noon my kasabihan pa ang matatanda na itapon ko daw sa bubong ang ngipin ko at sasabihin ko daw "daga daga palit ngipin iyo pangetakin maganda". Bakit ba ako naniniwala doon, pero ayos lang din.
|
SI ATE AT AKO nong kami ay nagpunta sa temple |
Dumating yung pagkakataon na kailangan naming lumipat ng bahay kasi may hindi magandang nangyari sa pagitan ng mama ko at ng tito ko. Alam nyo ba na hindi ko alam na lilipat na pala kami ng bahay , ang sabi lang ng mama ko pupunta kami sa birthday ng pinsan ko. Nasa anim o pitong taon ako noon, siguro napansin ko lang na lumipat kami nung inililipat na yung mga gamit namin sa silangan.Silangan yung tawag ng mga tao sa batangas dun sa lugar na nilipatan namin. Siguro noong una sobrang nahihirapan akong mag-adjust pero sa huli nasanay din ako, kasi marami din namang nakikipag-kaibagan sa akin. Palagi kami ng ga kapatid ko na kumukuha ng mangga, kasi katabi nung bahay namin ay iasang malawak na lupa na pagmamay-ara ng ng isang amerikano. Sobrang masarap talaga yung mga prutas doon, kagaya ng guyabano, atis, papaya at mangga. At sa gabi sobrang daming alitaptap at sinasabi nung iba may diwata daw na nakatira doon. Syempre bata pa ako noon naniniwala naman ako. Marami ding kwentong katatakutan la lugar na iyon. Isa na lang yung kapit-bahay namin, naglalakad daw sila pauwi gabi na ng mga oras na iyon may isang babae daw na nakaputi ang nakasalubong nila. Nagtataka daw sila kasi parang hindi naglalakad yung babae. Sobrang takot na takot daw sila kaya bilis-bilis na silang umuwi. Hindi ko pa rin napapatunayan na totoo yun kasi simula ng kinuwento nila iyon hindi na ako lumabas ng gabi.
|
mga TROPA ko sa school |
Kailangan ko ng mag-enrol ng grade one at syempre bago pa ako sa lugar na iyon, sobrang ayoko talagang pumasok, kasi wala naman akong kilala. Pero lumakas ng kaunti ang loob ko kasi teacher naman ang lola ko na si Andrea Zoleta at naisip ko na may magbabantay sa amin ng ate ko, marami akong activity na sinalihan at isa na doon yung pageant para sa school. Sinali ako at ang ate ko ng lola ko doon. Hindi naan ako nanalo masaya pa rin kasi alam ko na may daya yung pageant na yun kasi yung apo ng pincipal yung nanalo, diba ang unfair non, naging masaya naman yung buhay grade one ko dun.
|
AKO ng kami ay nagswimming |
At syempre sobrang madami talagang pagbabago sa buhay ng mga tao. Naisipan ng mama at papa ko na bumalik ulit sa dati naming tirahan sa Brgy. San Buenaventura San Pablo City. Nakakapagod pabalik balik, pero ng nalaman ko iyon sobrang masaya talaga ako kasi makikita ko ulit yung mga dati kong kaibigan at mga kalaro. Doon ko ipinagpatuloy aking pa-aaral at ibang iba talaga yung piling ng nandun ka sa lugar na marami kang kakilala at alam at alam mo yung lugar na iyon. Dun din ako nagkaroon ng puppy love syempre mga crush-crush na iyan. Mga asaran at lokohan ng walang humpay at maya-maya mag-aaway na at magsusuntukan. Nakakatuwa diba! mga bata talaga.
Sa buhay ko noong elementary may isang pangyayari na hinding-hindi ko malilimutan. Noong pebrero 25, 2005 5pm, bumili kami ng ate ko at doon kami dumaan sa may iskinita, biglang my dalawang malaking aso sa isang bakod at tatlo naman doon sa kabila. Sobra kaming takot na takot ng ate ko kaya tumakbo kami at sa kasamaang palad sumabit yung kamay ko at syempre takot ako at ayokong makagat ng aso hinigit ko nalang sya. At pagtingin ko sa kamay ko may isang malaki at nagdudugong sugat. Sobrang na shock ako sa nakita ko at syempre babae ako ang sabi ko nagkapeklat na naman ako at dinala na ako ng mama ko sa hospital para tahiin yung sugat ko. Masakit sya kasi yung doktor walang pakialam kung malagyan ng alcohol at makalikot ang sugat ko. Piling ko tuloy kinakatay na baboy ako kasi sobrang sigaw na sigaw ako at nung tinurukan ako ng anistisya grabe sobra ang sakit at ramdam n ramdam ko habang isinusuot ung needle sa balat ko at sa tuwing nakikita ko yung peklat ko sa kamay naalala ko ang mapait na kahapon ang tatak ng aking kawalang malay..naks malalim yun ha!
|
TRES MARIAS ng swimming :) |
At heto na ang climax ng aking buhay, ang aking high school life. Masaya talaga ang naging buhay ko kasa marami akong naging kaibigan, marami akong natutinan sa school ng Col. Lauro D Dizon memorial national high school. Sobra akong maraming masayang karanasan at syempre hindi naman mawawala yung lungkot at ang pinaka masaya ay nung nagkaroon ako ng barkada na sobrang masaya silang kasama at tinawag namin ang aming samahan ng CHICOOLETZ, at syempre ang magaganda at mababait kong kaibigan ay sina Julie Rose Soriano, Micaela Revecensio, Sharmaine Ilustre, Allen eirish Munda, AJbbygail Palmenco at si Jamaica Marasigan. Palagi kaming nagkukulitan, nagsasalawan nagagala at syempre kapag may problema nagtutulungan at palagi kamig masaya at marami rin kaming nagiging tampuhan pero madali din namang nalulutas. Akala ko noon wala ng katapusan ang mga kasayahan na iyon at hindi sila magbabago pero totoo nga na walang permanente dito sa mundo. Nagbago sila at nagkawatak-watak sali syempre sobra akong nalungkot pero thankful parin ako sa kanila kasi marami silang naiwan na maganda at masasayang memory sa akin, sila yung nagbigay ng kulay at excitement sa buhay ko. Marami akong natutunan sa kanila palagi kong sinasabi sa sarili ko na maari ulit kaming magkasama-sama at maari ring bimalik yung dati naming samahan, kahit ngayon may kanya kanya na kaming buhay kasi yung isa kong kaibigan my asawa at anak na sya, may sarili na syang pamilya ngayon sana pare pareho kaming maging masaya sa mga pipilin namin. Ofcourse hindi mawawala sa buhay ko ang aking bestfriend na si Mariella Asendido marami kaming karanasan na sobrang nakakaloka katulad nalang ng tuwing pumupunta sys sa bahay namin marami kaming pinagkukwentuhan, sobra kasi syang madaldal kaya compatible na compatible kaming dalawa. At hindi ko malilimutan noong may sakit ako lagi lang syang nasa tabi ko, kasi noon fiesta ng san pablo dapat manonood kami ng mardigra kasi ang aye ko ay sasayaw pero masama talaga ang pakiramdam ko kaya hindi rin ako nakanood. At nung point na hindi ko na kaya dinala na ko ni mama at papa sa doctors hospital at kasama ko si ate yeth sobrang lumalakas talaga ang loob ko kasi sobrang posituve na tao nya. Palagi nya akong sinasamahan sa lahat ng pupuntahan ko at lagi syang nandiyan para sa akin at nandito naman ako para sa kanya. Pero sabi ko nga nagbabago ng ang lahat bigla syang nabuntis naiba na ang lahat kasi may malaki na syang responsibilidad. But i'm happy for her kasi alam ko masaya sya eventhough hindi na kami masyadong nagkikita alam kong were still bestfriend and it will last forever.
|
SI BEBE ang akin bunsong kapatid :) |
|
SI BEST FRIEND |
Syempre sa magandang kwento ng buhay ko hindi mawala ang mga expirience ko sa simbahan kung saan nabuild talaga ang strong faith ko at ang sarili ko. Ang THE CHURCH OF JESUS CHRIST OF LATTER-DAY SAINTS marami kaming actavity na ginagawa at madami akong friends dito. Palagi kaming may youth conference at youthcamp tuwing bakasyon at sobrang masaya sobrang madami kaming ginagawang activity na nakakatulong sa amin at ang bawat oras ko sa simbahan ay hindi ko malilimutan. Lalo na numg jubillee celebration namim nung sumayaw kami ng cultural dance sa central gym nakakaexcite kasi 50 years ng aming simbahan dito sa pilipinas, at syempre sa seminary nakakatuwang umattend doon at maramo akong natututunan sa bawat lesson n tinetake namin enjoy talaga. At tuwing pupunta sa temple yung last namin na punta sa temple h nung last december 2011 sobrang ganda talaga sa temple kasi ang daming lights at pagkagaling namin don pumunta kami sa jollibee, kainan at take picture. Super enjoy talaga at nakakapagod din but ayos lang kasi we are been blessed by God.
At ngayon fourth year na ko eventhough maraming trials ayos lang kasi madami namang magagandang karanasan at madami din akong naging bagong kaibigan. Isa sa magandang kaganapan sa aking fourth year life ay nung birthday ni mam we surprise her binilhan namin sya ng cake at baloon at alam namin na napasaya namin sya at yung mga bagong barkda ko ngayon syempre hinda naman tayo perpekto na magkakaibigan, my kaibigan kasi akong transferee sobra syang sensitive palagi syang umiiyak pero dapat talaga intindihin sya at tulungan na mag-adjust. Mabait naman sya at masayahin at matulungin din sya marami din kaming magandang karanasan nung nagpunta kami sa kanila field demo namin nun at nagala kami sa kanila. Marming sinabi yung nanay nya sa amen at kumain kami sa kanila ng masarap na saging ang saya talaga ng life ko isama pa natin yung masayang christmas party namin. Nagkaroon kami ng miss bebot infairness magaganda naman ang mga kaklase naming lalaki madami kaming game pero kahit usa dun wala akong sinalihan ang kill joy ko kasi naman inaantok na ako hindi rin mawawala yun sa tuwing mapapagalitan kami ng mga teacher namin. Ang tatamad daw kasi namin hindi daw kami marunong maglinis ng classroom. Alam nyo ba hindi na yata kumikintab yung sahig ng room namin ag tatamad kasi naming mag rugs kailangan pa naming mapagalitan para maglinis ng classroom namin pero ngayon malapit na kaming makagraduate naglinis na kami para naman sa mga susunod na gagamit ng room namin.
|
SI ATE AT AKO:) |
Siguro nagtataka kayo kung bakit wala isa man sa mga nabanggit ko o naisulat sa talambuhay ko ang nagkaroon ako ng love life. Dahil wala pa akong nagiging boyfriend wika nga ''NBSB'' NO BOYFRIEND SINCE BIRTH''. maraming nagtatanong sa akin kung bakit ayaw ko daw magboy friend madami naman daw nanliligaw palaging ang sagot ko ayoko pa kasi bata pa ko pati pampasira ng pag-aaral ang pakikipag relasyon para sa akin lang yun. Pwede namang friend muna may tamang panahon naman ang pag-ibig pati ang panahon nagyon marami ng kabataan ang nasisira ang buhay ang daming nabubuntis ng maaga. Hindi pinapanagutan kaya nahihirapan silang magpalaki ng anak at isa pa doon sobrang mahirap ang buhay ngayon kaya pag aaral muna ang dapat unahin.
Syempre hindi mawawala ang kwento ng buhay ko kasama ang pamilya ko marami kaming karanasan na masaya at malinugkot poer sa lahat ng iyon palagi kaming nagtutulungan at kahit palagi kaming nag aaway ng mga kapatid ko ayos lang yon kasi lambingan lang namin yun. Kaming dalawa ng ate ko lagi kaming nagkukwetuhan tuwing bago kami matulog tungkol sa nangyari sa amin sa buong maghapon at syempre sa mga manliligaw namin. Ang ganda ng bonding namin pero my isa talaga akong kapatid na hindi ko makasundo ewan mabigat talaga yata ang dugo namin sa isat isa sobrang taray nya kasi at guess what?madamot p pero ayos lang yun madami din naman kaming masayang bonding at dun sa dalawa kong kapatid na boy na parehas na makulit at adict sa computer palagi ko silang pinapagalitan para tumino pero wala atang talab at kailangan pa nilang pagalitan para lang sumama pagsisimba hindi naman sila masusunog kpag pumasok sila sa simbahan. At ang aking mapag mahal at mabait na papa palagi nya ako tinutulungan sa mga problema ko at sa mama ko na palagi akong pinagbabawalan at pinapagalitan sa tuwing inuutusan nya ako ayos lang kasi alam ko para sa akin naman iyon. At dito na nagtatapos ang kwento ng buhay ko.:))
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento