Sabado, Pebrero 25, 2012

Ang talambuhay ni Ajohn R Caballa


Ang kasal ng aking nanay at tatay

                       Ang Talambuhay ni Aljohn Ramos Caballa

Ako at ang aking tatay
Ako si Aljohn R. Caballa, kasalukuyang nakatira sa Brgy. Sta. Monica, San Pablo City. Ako ay labinlimang taong gulang na at nasa ika-apat na taon sa sekundarya. Ipinanganak ako noong Marso 14,2011 sa San Pablo City Hospital. Ang aking ina ay si Rowena Ramos Caballa at Alan Bicomong Caballa. Tatlo kaming magkakapatid at ako ang bunso. Ang panganay ay nagngangalang Alwinn R. Caballa, mabait, masalaw at makulit ang kuya ko. Ang ate ko naman ay si Amira Jameel R. Caballa, ang ate ko ay maalaga, mabait at napakakulit. Ang aking ama ay pumanaw nang ako ay apat na taong gulang pa lamang at naiwan na kami sa pangangalaga ng aming tiyuhin na si Almer B. Caballa dahil kailangang umalis ng aking ina para mag trabaho sa Hong Kong para sa amin.
Kasama ko ang aking mga pinsan na bata pa rin
Graduation ko nang Kindergarten
Kasama ko ang aking mga pinsan at ang aking lolo
Kaming tatlong magkakapatid
Nang bumalik ang aking ina galing sa Hong Kong
Ito ang aming bunsong kapatid
Ang aking class picture nang elementarya
Nang ako ay second year
                Ako ay kumuha ng kindergarten sa Paaralang Sentral ng San Pablo City. Duon din pumapasok ang aking ate. Ang kuya ko naman ay sa Amadeo Cavite pumapasok at ang nagpapaaral sa kanya ay ang kapatid ng aking ina. Ang aking guro ay si Mrs. Santos .Ang aking tiyo ang naghahatid sa akin at siya rin ang umaatend sa mga meeting ng magulang at ang aking tiyo ang president ng klase. May Tricycle kami noon na sumusundo sa amin ng ate ko. Nang unang pasok ko ay ako ay natakot dahil nakita ko na umalis ang aking tiyo kaya ako ay tumakbo papunta sa room ng ate ko at pinaintindi niya sa akin na babalik din ang tiyo namin kapag tapos na ang klase. Ganun nga ang ginawa ko at hinintay ko na matapos ang klase at sinundo rin niya ako at nasanay na ako na ganun at hindi na ako tumatakbo kapag umaalis sa ang tiyo ko. Isang araw nga ay bigla na lamang akong nakaramdam ng sakit ng tiyan at kailangan ko ng mag bawas ngunit di ko sinabi sa teacher ko at sa shorts ako napadumi. Mabuti na lamang at may mabait na magulang ng kaklase ko na pinaliguan ako sa loob ng CR at ang damit na ginamit ko ay hiniram sa teacher ko. Nagulat ang tiyo ko nang dumating siya at matapos noon ay sinanay na niya akong dumumi bago pumasok sa paaralan. Nang kinder ako ay limang taong gulang pa lamang ako at pumanaw ang aking lolo sa sakit na Diabetes at nung burol ng aking lolo ay ang kulit ko kaya nung nag lalaro kami sa loob ng tricycle ay tumalon ako palabas at napadapa ako sa kalsada at buti na lamang ay hindi ako nahagip ng tricycle na dumaan. Nang tumungtong ako ng elementary ay sa  Paaralang Sentral pa rin ako pumasok. Ang teacher ko ay si Mrs. Vibar. Si Mrs. Vibar ay strikto pero magaling magturo dahil hindi ako matututong magbasa kung hindi dahil sa kanya. Si Mrs. Vibar ay namamalo ng kahoy kapag makulit ka. Papadapain ka niya sa lamesa at papaluin ka sa pwet. Isang beses lamang akong napalo ng teacher ko. Kagaya ng dati ay naging presidente ulit ang aking tito ko. Minsan, habang papunta kami sa paaralan ay napansin ko ang tiyo ko na nag sign of the cross nang dumaan kami sa isang simbahan. Tinanong ko kung bakit siya nag cross sign, sabi niya ay nag dasal daw siya para sa ligtas na byahe naming papuntang paaralan at sinabi niya sa akin na dapat daw ay masanay ako na mag sign of the cross din pag dadaan sa isang simbahan kaya pag dadaan ako sa isang simbahan ay nag sasign of the cross ako. Tuwing pasko ay umuuwi kami sa Amadeo Cavite upang dun mag diwang ng pasko. Nakakasama ko ang kuya ko duon at kasama ko rin ang tito ko at ate kapag pupunta kami sa Cavite. Uuwi rin kami sa San Pablo pagsapit ng kinabukasan dahil walang kasama ang lola naming sa bahay naming.Nung nasa unang baitang ako ay nagkaroon kami ng fieldtrip at sumama kami ng tito ko. Sa Bus kami sumakay at ako ay hindi sanay sa bus at ako ay nahihilo at nasusuka kaya sabi ng teacher ko ay palanghapin dawn g gamut na White Flower. Una naming pinuntahan ang JellyAce at ChocoChoco Factory.Mainit sa loob nun at hindi na kami nakapasok pa sa loob dahil sa sobrang dami ng sumama sa fieldtrip. Bumili na lamang kami ng Finished Products upang ipasalubong sa kapatid ko. Sunod naming pinuntahan ay ang Star City kung saan kami kumain ng tanghalian at pagkatapos magpahinga ay nag libot kami. Ako ay sumakay sa Bump Car at hindi akop marunong kaya nagpaikot-ikot lamang ako.Marami kaming sinakyan na Rides at masayang-masaya ako.Ang huli naming pinuntahan ay sa SM North EDSA. Marami kaming binili na mga bagay na gagamitin sa bahay. Masaya ako paguwi naming at natulog na ako dahil sa pagod.Nang nasa ikalawang baiting ako ay unang beses kong naranasan ang sinasabi nilang ``crush`` . Kaklase ako na nagngangalang Rose Alaine, maputi  siya pero sa unang tingin ay parang mataray kaya hindi ko siya kinakausap. Ang teacher ko ay si Mrs. Fule. Mabait na teacher si Mrs. Fule,magaling din siya magturo sa klase namin. Dati ay marami akong kaibigan at mahilig kami maglaro ng sikyo, ice ice water, bigmac at taguan.Minsan ng naglalaro kami ng sikyo ay hinabol ko ung isa kong kaklase tapos ay nadapa ako at nagkaroon ng malaking gasgas ang mukha ko at nagalit sakin ang tiyo ko at sabi ay wag na daw muna ako maglalaro dahil delikado daw. Ikalawang baiting ako non at ang kuya ko ay lumipat ng pagaaral ditto sa laguna sa San Pablo City National Highschool at nasa unang taon ng sekundarya.Ang ate ko naman ay lumipat sa Amadeo Cavite para mag aral sa ikalimang baiting. Ang kuya ko ay nagbubulakbol pala at hindi napasok sa paaralan at nag lalaro lamang nang Computer Games. Nang malaman ng tiyo ko ito ay agad na pinatigil siya at sa susunod na pasukan na lamang muli mag aral. Nasa ikalawang baitang din ako nang umuwi ang nanay ko at nagulat ako dahil ikakasal pala sila ng tiyo ko kaya tuwang tuwa ako dahil matatawag ko ng tatay ang nag alaga sa akin nang wala akong itay at magiging anak na niya ako. Masaya ang naging kasal nila kahit sa huwes lamang at marami ang naging bisita naming sa bahay. Masaya na natapos ang maghapon at sabay sabay kaming natulog. Nasa ikatlong baitang na ako at ang guro ko ay si Mrs. Umali. Mabait si Mrs. Umali at maganda. Bumalik ang ate ko dito sa San Pablo para mag aral muli sa Paaralang Sentral at siya ay nasa ikaanim na baiting na. Ang kuya ko naman ay nagpatuloy na muli ng kanyanga pag aaral sa Col. Lauro D. Dizon Memorial Nat. High School at umulit siya ng unang taon sa sekundarya. Makulit ako dati kaya kung ano ano ang nagagawa ko. Isang araw ay may nakita ko na mga bata na may binabato sa isang puno. Tinignan ko kung ano ang binabato nila at nakita ko na isang Beehive ang binabato nila. Pinaltok ko rin iyon ng bato at lumapit pa ako at siniritan ko ng juice na iniinom ko, tapos ay pagtalikod ko ay bigla akong sinugod nang isa sa mga bubuyog at tinusok ang likod ko kaya nag tatakbo ako pabalik sa aming silid at umiyak ako. Pagdating ng tanghalian ay nalaman ng tatay ko at sabi niya ay ang likot likot ko kasi kaya umuwi na kami. Grade 3 din ako nang umuwi na ng permanente ang nanay ko at dito na tumira kaya nang pasko na ay pumunta kami sa Cavite para bisitahin ang mga kamag anak namin doon at nag punta kami sa isang resort  at masayang masaya kami dahil hindi na muli babalik ng Hong Kong ang aking nanay.      Ang ate ko ay nagtapos na ng elementary kaya ako na lamang ang naiwan na pumapasok sa Central School. Nang ikaapat na baitang ako ay si Mrs. Lacambra  ang aking guro. Si Mrs. Lacambra ay matanda na ngunit mabait at magaling mag turo. Lagi siyang inis sa akin dahil makulit daw ako. Grade 4 ako nang matuto akong mag laro ng sipa, nag lalaro kami ng mga kaklase ko nito. Nung grade 4 din ay nag karoon ako ng mga kaibigan at pinangalanan namin ang aming grupo,Pinkee ang tawag namin sa grupo naming at 6 lng kami na mag kakasama. Isa sa anim ang naging crush ko, ang pangalan niya ay Jeanette Mae. Syempre maganda siya at napakabait at katabi ko siya sa upuan. Nang mga panahon na yun din nabuntis ang aking ina. Tuwang tuwa ako at mag kakaroon na ako ng batang kapatid, may tatawag na sakin ng kuya at may makakalaro na ako. Babae ang anak ng nanay ko. Ang pangalan niya ay Alana R. Caballa. Isinilang siya ng Oktubre 25,2011. Ikalimang baitang ko na at dalawang taon na lamang ay malapit na akong mag tapos ng elementarya. Ang teacher ko ay si Mr. Dones, mabait si Mr. Dones, pinapabayaan niya kami na mag laro ng libreng oras. May isa pa akong guro sa MSEP, Siya si Mrs. Leonzon, Si Mrs. Leonzon ay gusto lagi na mababango ang mga estudyante at ayaw na makakaamoy ng masangsang na amoy kaya lahat kami ay may kanya kanyang gamit para maging malinis ang katawan. Kaklase ko rin ang babaeng crush ko nung grade 2 pero hindi ko na siya crush dahil matagal na iyon at mabait pala siya at hindi mataray. Grade 5 ako nang magsimula akong matutong gumamit ng computer kaya hanggang ngayon ay dala ko na ito. Nagcocomputer ako tuwing lunchbreak malapit lang sa eskwelahan. Minsan pa nga ay konti lang ang kinakain ko para lamang makapaglaro ng computer. Sumali rin ako sa isang patimpalak sa eskwelahan dahil walang mapili sa aming klase ang aming teacher kaya ako na lang ang pinasali niya. Ang naka partner ko ay mataray at napakakulit. Hindi rin ako nanalo dahil marami kami na kasali kaya maliit talaga ang tsansa na manalo ko. Nung bakasyon ay nagpasya na umalis ng aking tatay papunta sa United Arab Emirates para mag trabaho para sa amin. Ibinenta na naming ang tricycle naming dahil wala na rin naming gagamit nito. Sa wakas at nasa huli na akong baitang sa elementary at ito ang pinakamasaya sa lahat ng elementary days ko. Ang aking guro ay si Mrs De Torres. Napakataray ni Mrs. De Torres, nagpapa squat siya sa unahan  kapag ikaw ay sobrang kulit at maingay, isang beses lamang akong napa squat ni Mrs De Torres pero makulit ako sa klase. Dati ay mahilig akong manghingi sa mga kaklase ko kapag recess at inis na inis naman sila pero kung ayaw naman nila akong bigyan ay pwede naman. May kaibigan ako doon na lagi kong kasama sa pagkain ng tanghalian. Ang lagi naming ulam ay Bicol Express at masarap magluto ung kinakainan namin. Nang Christmas Party namin ay ako ang nabunot ng teacher namin. Ang inregalo niya ay isang T-shirt na pula at hanggang ngayon ay sinusuot ko pa rin. Nang Valentines Day naman ay maaga akong pumasok dahil bibili ako ng rosas ng plastic lamang dahil mahal ang tunay na rosas. Pagdating ko sa silisd nain ay nakabukas na ito at may tao na sa loob at inilagay ko ang rosas sa upuan ng pag bibigyan ko. Marami ang nakakita nang rosas at nalaman kaagad nila kung kanino galling iyon. Buti na lamang at nalate ang bibigyan ko ng rosas pero nalaman pa rin niya dahil sa mga kaklase ko. Nang graduation na ay andun ang nanay ko at marami sa mga kaklase ko ang umiyak dahl mag kakaiwalay na daw kami at aalis na daw kami sa Paaralang Sentral. Kahit ako ay medyo napapaluha rin dahil pamula kinder ay duon ako pumasok at ngayon ay aalis na ako duon. Matapos ang graduation ceremony ay isinama ako ng nanay ko sa Greenwich at kumain kami bilang selebrasyon sa pag tatapos ko. Pag uwi ko naman ay meron din naming konting pag sasalo salo. Hindi ko rin naman namiss ang Paaralng Sentral dahil sa likod lang nito ako pumasok ng sekundarya,sa Col Lauro D. Dizon Memorial Nat. High School. Nagpaenroll muna ako sa Dizon High dahil kailangan na mag paenroll sa high school hindi gaya sa elementary na may section na agad pag nakuha nag grade. Ang aking seksyon nung unang taon ay 1-D at ang una naming guro ay si Mrs. Pasco. Napalitan ulit at naging si Mrs.Tolentino at muling napalitan at naging si Ms Miranda. Marami agad akong naging mga kaibigan at sama sama kami sa pag cocomputer pag bakante ang oras. Nahilig din kami sa sports kagaya ng soccer at nag ambag ambag kami para makabili ng soccer ball. 1st year ako ay kasama ko sa Dizon high ang aking kapatid na babae na 4th year na at graduating. Dati ay palitan ng room sa Dizon high at may nakikita akong babae na para sa akin ay maganda. Kapag mag papalitan na ng room ay pasimplie akong titingin sa kanya yun lang okey na ako. Ang paborito ko noong teacher ay si Mrs. Bautista at Science ang subject niya. Malinaw siyang magturo at intindi ko kaagad. Mataas ang grado ko sa kanya at okey lang din ang mga grado ko sa iba pang subject. Ako ang president ng klase naming dahil ibinoto ako ng mga kaklase ko dahil akala siguro nila ay isa akong responsible at mapagkakatiwalaan na tao pero hindi nila lama na nagkamali sila dahil isa akong tamad ng tao. Nahirapan ako noongpirmahan na ng clearance dahil marami ang mga requirements at nakawala pa ako ng libro kaya kailangan pang maghanap ng libro na ipapalit dito. Ang seksyon ko naman nung 2nd year ay 2-B. Tumaas naman ang seksyon ko na ikinatuwa ng magulang ko. Ang adviser namin ay si Mrs. Sotalbo, mukha siyang mataray pero mabait naman at napakagaling magturo ng TLE. Naging kaklase ko ang babae na lagi kong tinititigan ko nung 1st year pa lamang ako at ako ay aminado na crush ko siya. Mayroon din akong naging kaklase na kaklase ko noong grade 5 at grade 6 ako kaya may kilala naman ako. Marami rin akong naging kaibigan at sama sama kami sa kalokohan, salawan, bulakbulan at marami pang iba. Unang grading period ay mababa angmarka ko kaya nagalit sa akin ang magulang ko at sinabi ko na mag aaral akong mabuti. Tumataas din naman ang grade ko kahit papaano basta mag aaral ng mabuti. Ang seksyon namin ay sumali sa isang play na requirement para sa Filipino, ang play ay tungkol sa Florante at Laura at ako ay mambibigkas. Mabuti naman ang kinalabasan ng play at nakapasa naman kami sa Filipino. 2nd year din ako ng tuluyang maadik sa computer at iba pang bagay. Minsan ay pag bakante ang oras naming ay napunta na lamang ako sa computer shop para mag laro at minsan ay tipid na tipid ako sa baon para makapagcomputer lang. Mayroon akong barkada noon at lima kami. Ang tawg namin sa barkada namin ay TORPE dahil sa hindi naming kaya harapan ang aming mga hinahangaan na babae, pero wala na rin iyong grupong iyon dahil nagbabago naman ang mga tao at nagkakaroon nang confidence.3rd year na ako at sa kabutihang palad ay 3-B ang seksyon ko dahil ang baba talaga nang mga grado ko. Ang teacher namin ay si Ms. Lee at Mrs. Umali. Si Ms. Lee ay medyo mataray pero mahilig magbiro at magaling ding magturo.Si Mrs. Umali ay isang cosmetics teacher kaya hindi ko kayang ilarawan sa inyo kung paano siya magturo . Umuwi na ang akin ama galing sa United Arab Emirates at masaya na muli kami dahil sa buo na uli kaming pamilya. Nagpagawa ang mga magulang ko ng isang munting sari sari store na gagawin naming munting kabuhayan dahil hindi na muli babalik ang tatay ko sa ibang bansa para magtrabaho. 3rd year ako ngunit hindi pa rin ako nag babago. Masasabi kong torpe ako dahil hindi kko nakakausap ang babaing hinahangaan ko dahil inuunahan ako ng kaba sa aking dibdib. Ni isang salita ay wala akong nabitawan at wala akong nasabi. Juniors and Seniors Promenade namin noon at masaya naman ang buong gabi ngunit wala man lang akong isang naisayaw at hindi ko man lang naisayaw ang babaing hinahangaan ko. Nang malaman ni Ms. Lee na wala pa akong naisasayaw ay pumili siya ng babaeng isasayaw ko at isinayaw ko naman ang pinili niya dahil saying nga naman ang bayad kung wala ka man lang maisasayaw ni isa na babae. Kinabukasan ay sinisisi ko ang sarili ko kung bakit hindi ko naisayaw ang babaing matagal ko ng hinahangaan kaya imbis na magkulong sa kwarto ay nagpunta na lamang akong computer shop para palipasin ang inis sa pag lalaro ko ng computer. Sa susunod na lingo ay Valentines Day na kayamay naisip akong paraan para may magawa naman para sa babaing hinahangaan ko. Ang gagawin ko ay gigising ako ng maaga at bibili ng rosas sa palengke para ilagay sa upuan niya habang wala pang nadating na kaklaseat ayun nga ang ginawa ko. Wala nga nakakita sa akin ngunit maluha luha na ako nang malaman ko na wala pala kaming first subject. Makalipas ang isang araw ay nakaisip ulit ako ng paraan para masabihan ng happy valentines ang babaing hinahangaan ko at iyon ay ang bigyan ulit siya ng bulaklak pero ibang bulaklak, bulaklak na laruan ng kapatid ko na gawa sa goma pero maganda. Pagdating ko sa eskwelahan ay may nakakita na sa akin kaya sinabi ko na sa kanya ang gagawin ko at sinamahan naman niya ako at magkasama kami na inilagay ang rosas sa upuan niya na katabi lamang ng bintana. Pagsisimula ng klase ay wala akong rags kaya kailangan ko pang bumili sa baba at hindi ko tuloy nakita ang kanyang reaksyon pagkakita ng bulaklak pero sabi ng kakuntsaba ko ay kilig na kilig daw siya na ikinatuwa ko naman pero nalaman din niya na sa akin galing iyon. Hindi pa tapos dahil dumating ang aking tiyahin galing sa ibang bansa at may dala siyang tsokolate na hugis puso at hiningi ko ito at isang araw ay inilagay kong muli sa upuan niya. Pero kahit na ganoon ay hindi pa rin sapat para sabihin na hindi na ako torpe dahil sa tuwing makikita ko siya ay inuunahan ng kba ang aking dibdib at hindi ko maipaliwanag ang aking nadarama. 4th year na ako at ang seksyon ko ay 4-F, anlayo ng ibinaba ng seksyon ko dahil kasi sa kapabayaan ko. Masaya na rin ako dahil hindi ko na kaklase ang babaing hinahangaan ko at makakagalaw na ako ng maayos sa eskwelahan. Ang aking guro ay si Mrs. Laloon at napakagaling magturo ni ma`am kahit math ang subject niya. Kahit naman sa bago kong seksyon ay hindi rin naman maiiwasan ang magkaroon ng hahangaan kaya lang ay iba dahil nagagawa kong makausap ang babaing hinahangaan ko pero hindi niya alam na hinahangaaan ko siya.Mabuti na nga lamang at naisayaw ko siya sa JS Prom namin nang hindi niya nahahalata na may paghanga ako sa kanya na lubos ko namang ikinatuwa. Masaya rin ang bagong seksyon dahil may bagong kaibigan at hindi yung dati. Sa umpisa ay parang nakakailang pero pag tagal ay hindi na rin nakakailang dahil magkakakilala na ngayon ay
Pebrero 23,2012 nagtytype ako ng aking talambuhay sa computer na ito at nakangiti dahi naibahagi ko sa inyo ang aking talambuhay……SALAMAT
Ang Pangalan nga po pala ng babaing akin matagal ng hinahangaan ay SHYLLA

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento