Linggo, Pebrero 26, 2012

Talambuhay ni Mc Lester Y. Diaz



Ang Talambuhay ni Mc. Lester Y. Diaz

Noong  ika-isa ng Setyembre taong 1995, ipinanganak ang isang bata na nagngangalang Mc. Lester Diaz at ang bata na iyon ay ako. Nakatira ako sa Barangay Sta. Monica sa lungsod ng San Pablo. Ang mga magulang ko ay sina Romeo Diaz at Carina Diaz. Mayroon akong dalawang nakakatandang kapatid na babae sila ay sina Sarah Jean Diaz at Zandrah Diaz. Bunso ako sa aming magkakapatid.

Simple lang an gaming pamumuhay doon sa aming lugar, maayos an gaming bahay, maayos din ang aming  pamilya. Lahat kami ay magkakasundo at nagtutulungan. Habang ako ay lumalaki sila ang gumagabay sa akin at nagtuturo ng mga magagandang asal. Lagi nga nila akong pinangangaralan, dahil noong ako’y maliit pa, ako ay sadyang malikot at dahil doon ay madalas akong makagawa ng mga pagkakamali.

Noong ako’y nag-anim na taong gulang na, ay hinarap ko na ang aking responsibilidad sa pag-aaral. Pumasok ako ng “kinder” sa mababang paaralan ng Sta. Monica, doon ay nag-aral ako ng mabuti. Lumipas ang mga araw ng aking pag-pasok ay nakakilala ako ng mga kaibigan, nakikipagtulungan sila sa akin sa paggawa ng mga Gawain sa ekwelahan . Tuwing awasan naman ay hindi ako agad nakakauwi sa amin dahil nakikipaglaro pa ako sa kanila. Minsan ay umabot sa puntong sinundo na ako ng aking Nanay sa eskwelahan para ako’y pauwiin na. Kahit na mahilig akong maglaro noon ay hindi ko pinabayaan ang aking pag-aaral. Nagsumikap pa rin ako at ang bunga nito ay noong ako ay nakapagtapos na may karangalang natanggap.

Noong ako naman ay tumungtong na ng unang baitang mas nag-sumikap pa ako sa pag-aaral. Ipagpaliban ko muna ang paglalaro at mas binigyang pansin ko ang pagsisipag sa pag-aaral at dahil ditto ay nakakuha ako ng matataas na marka. Masayang Masaya ako noon.Ngunit ang saya pala na iyon ay panandalian lang.Noong ako ay nasa ikalawang baytang na ay nahilig ako sa paglalaro at panonood ng ``Cartoon''at dahil doon ay napabayaan ko ang hilg ko sa pag-aaral.At sa isang iglap ang hilig ko sa pag-aaral ay nawalang parang bula at simula noon ay nakakuha ako ng mababang marka hanggan sa nagtapos na ang pasokan.

                                                                                                                                                                                         
            Noong ako ay tumungtong na ng  ikatlong  baytang ay hindi naging maganda ang simula ng aking naranasan noong simula ng pasokan dahil ang mga iba kong kaklase noon ay magkaka-kilala naat ako aynwala pang kilala kaya noong una ay inaasar nila ako,pero noong nakakilala ako ng mga kaibigan ay agad kong kinausap ang mga kaklase kong nang aasar sa akin at tinanong ko kung ano ang problema nila sa akinat sumagot sila ng wala lang at gusto lang daw nila akong asarinat tinanong ko ulit silakung ano ba ang gusto nilang mangyari, hinamon ko sila ng suntukanat noong una ay patawa-tawa pa sila ,pero noong itinulak ko ang pinuno nila at tinanonng ko kung lalaban ba siya ay agad siyang sumagot ng hindi at humingi rin sila ng pasensya sa akin .Hindi nag-tagal ay naging katropa ko rin sila .Masalaw sila sa iba pero pagdating sa akin ay matino sila dahil alam nila na magagalitin ako noon.At ako narin ang naging pinaka malakas sa amin noong kami ay nasa ikatlong baytang.


            Noong naman ako ay nasa ika-apat na baytang na ay maraming bagong kaklase ang napadag-dag sa amin,noong una ay tahimik lang sila at halos walang imik, ngunit habang tumatagal ay unti-unting lumabas ang kanilang tunay na ugali ,mabait  sila kung mabait din ang iyong pakikitungo mo sa kanila at kung maangas naman ang pakikitungo mo sa kanila ay hindi maganda ang dating nito sa kanila.Malalakasdin sila pero hindi nila ito pinayayabang sa amin dahil sila ay hindi mayayabang. Mag-kakaibigan kaming lahat pero iba ang kanilang t ropa sa amin,pero kahit ganoon ay mababait parin sila sa amin. Kaya noon ay hindi ako masyadong nag-yayabang dahil alam ko na may katapat ako sa amin at kailan man ay hindi sumagi sa isip ko na sila ay kalabanin dahil mabait naman ang kanilang pakikitungo sa amin.Hanggang matapos ang pasokan ay kamiparin ang magkakatropa.

            Mas naging masaya naman ang karanasan ko noong ako ay tumungtong na ng ika limang baytang na ,       pero naging malungkot din dahil bumaba ng seksyon yung mga nauna kong katropa dahil sila ay bumaba sa seksyon B at ako naman ay nasa seksyon A parin.Ngunit ayos lang naman iyon dahil ang  naging mga katropa ko naman ay yung mga bagong kaklase namin noong kami ay nasa ika-apat na baytang palang. At noon ay kaming malalakas na ang naging magkakatropa ,ngunit binawasan ko na noon ang hilig ko sa away dahil ang mga kabarkada ko ay wala rin hilig dito,pero kapag may  naargabyado sa amin ay handa kaming lahat na t umulong, ganyan katatag ang samahan namin noon.


            Malaki ang nagbago sa akin noong ako ay nasa ika anim na baytang na .Mahilig kaming gumimik noon pero marami kaming napapag talunan ng mga kabarkada ko noon ,dahil minsan ay hindi kami nag kakasundo sa mga gimik na ginagawa namin at napansin nila na madaling uminit ang ulo ko noon at dahil doon ay umuupo nalang ako sa isang tabi at pinapabayaan ko nalang sila na magtalotalo kung ano ang mga gagawin namin kapa g kami ay gumigimik noon.Pero hindi naman lagi kapag kami ay lagi kaming nagtatalo-talo,mas madalas din na kami ay nagkakasundo sa gusto naming gawin o puntahan.,minsan kaming lhat ay gustong mag-laro ng ``BASKET BALL'' at dumadayo kami sa malapit na ``basketball court '' .bukod dito marami pa kaming napag kakasunduan na gawin Isang araw ay habang kami ay naglalaro ng mga ka-tropa ko ay kinausap nila ako at sinabi nila na magagalitin daw pala ako at pinayuhan nila ako na baguhin ang ugali kong iyon at sa halip ay dapat daw akong maging pasensyoso palagi.,agad akong sumagot noon at sinabi ko na pipilitin ko na baguhin ang ugali kong iyon at hindi nag tagal aynagawa ko nga itong baguhin at simula noon ay hindi na ako mabilis magalit, hanggan ako ay makapag tapos ng elementarya.


Noong nagbakasyon na ay lagi akong naglalaro ng basketbol, hanggang sa dumating na nga ang araw ng pagtapak ko sa “High school.” Pumasok ako sa mataas na paaralan ng Colonel Lauro D. Dizon , ditto ako pumasok dahil dito rin nag-aral at nagtapos ang aking mga ate. Unang araw noon ng pasukan sa eskwelahan  at wala pa akong kakilala kahit na isa hindi ako gaanong nakaimik, tahimik lang ako na nakaupo sa aking upuan. Hindi ko pa nga alam noon kung saan-saan ang aming mga silid aralan para sa aming mga aralin . Sumusunod lang ako noon sa aking mga bagong kaklase kung saan ba an gamin silid at saka ko palang nalaman noong araw na iyon kung saan ang aming mga klase. Isang araw ay nawalan kami ng klase sa “Values”, dahil wala pa kaming titser noon  at nagkausap-usap kaming magkakaklase, noong una ay akala ko ay mayayabang sila pero mali pala ang akala ko dahil noong nakausap ko sila ay mababait naman pala sila. Habang tumatagal nakabisado na namin ang ugali ng bawat isa at naging magkakatropa na kaming lahat.  

Noong ako naman ay naging “Second year” na ay bumaba ng seksyon ang iba naming kaklase, pero mayroon namang dumagdag na mga bago naming kaklase. Mababait din sila at hindi nagtagal ay halos kaming lahat ng mga lalaki sa aming seksyon ay magkakatropa na. Simula noon ay kami-kami na ang lagging magkakasama. Noong ako naman ay tumungtong sa “Third year” mayroon din na napadagdag sa aming seksyon pero hindi naming sila ka-tropa, pero ayos lang dahil mababait din naman sila. Ang tropa naming ay nakaupo sa likod samantalang ang iba naman ay sa bandang unahan nakaupo. Masaya sa aming tropa dahil pagkami ay nagkikita ay lagging may kwela at lahat kami ay masaya.

Subalit ngayon ako ay naging “Fourth year” na ay nagkahiwahiwalay na kami ng seksyon , pero ayos lang iyon dahil nagbabatian pa rin naman kaming lahat sa tuwing kami’y nagkikita-kita. Nakilala ko sina dionglay payos at si Enmacino at kami ay laging nag -aasaran pero wala sa amin ang napipikon dahil alam naman namin sa aming sarili na katuwaan lang ito. Halos araw-araw ay kami ay naglolokohan at minsan ay isinasama na namin yung iba naming kaklase . Ang pinaka masalaw sa amin ay si Dionglay pangalawa si Payos pangatlo naman si Enmacino at ang painaka mabait sa aming lahat ay ako. Ngayon ay marami na rin akong mga bagong kaibigan at mas magugulo pa sila ngayon, kaya nga lagi pa rin kaming Masaya. Ang isa sa aking tropa ay madalas na walang kwenta ang mga sinasabi pero kahit na ganoon ay nakakatawa pa rin naman at yung isa naman ay tingnan mo lang ay mapapatawa ka na, at marami pang ibang nakakatawang ugali ang aking mga katropa. Lahat kami ay magugulo, mayroon nga akong kaklase na hindi ko alam kung maaawa ako o matutuwa  dahil kahit nasasaktan na ay nakatawa pa rin siya. Masaya talaga sa aming klase dahil wala sa amin ang pikon at lahat kami ay marunong makisama.

Maraming nakakatuwa at masasayang pangyayari ang nararanasan ko sa araw-araw  na ako ay pumapasok sa eskwelahan. Halimbawa nalang ay sa paglalaro naming ng basketbol , minsan kami ay panalo at minsan din naman ay natatalo kami . Masaya din naman ang paggagawa naming ng mga “group projects”, dahil kapag kami ay may ganitong Gawain hindi na naming maiwasan ang mga paggawa ng mga kalokohan dahil doon lahat kami ay masaya.  Habang ang iba naman na hindi naming katropa ay nakikitawa na rin at dahil doon ay halos lahat na ng kaklase ko ay kaibigan ko na rin.

Noong ika-14 ng Pebrero ay nagkaroon kami ng “JS prom” na aking dinaluhan. Sa pag hahanda ko sa pagdalo ay bumili pa ako ang bagong polong aking ginamit. Sinamahan ako ng aking ina sa pagbili at sa pagmamadali pa nga naming noon ay nakalimutan pa naming an gaming payong sa may tindahan ng mga damit. At noong gabing iyon ay nagkita kita kami ng aking mga kabarda sa my tapat ng “Celestron Cable TV” at saka kami pumunta sa loob ng “Central gym” kung saan ginanap ang pagtitipon. Pagkatapos ng paunang programa ay isinayaw ko na ang aking mga kaklaseng babae pati na rin yung mga hindi ko kakilala.  At nagsaya ako buong gabi, noong matapos ang pagtitipon ay pumunta kami ng aking pinsan sa “computer shop’ at doon na kami nagpa umaga.


Subalit sa likod ng mga masasayang nangyayari sa buhay ko ay may mga malulungkot din mga bagay na katumbas ang mga ito, dahil minsan ay napapagalitan kami at hindi lang iyon dahil naranasan ko na ngang maguidance dahil sa pangongopya noong pampanahunang pagsusulit namin noong ako ay nasa ikalawang antas pa lamang. At ito ay nagsilbing aral sa akin para hindi ko na ito muling ulitin pa, hindi lang iyon ang aral na natutunan ko sa pagpasok sa eskwelahan kundi ang pagiging malakas ang loob at positibo palagi, itinuro ito sa akin ng aking mga kabarkada. Dati nga pala ay hindi pa ako gaanong palaimik dahil mahiyain talaga ako dati, pero dahil sa mga naging barkada ko ay lumakas ang loob ko kaya ngayon ay lagi na akong nagsasalita at nagpapatawa pa nga ako minsan. Ito ang aking buhay sa loob ng paaralan.

Ang mga pinagkakaabalahan ko naman kapag wala kaming pasok sa eskwelahan ay ang panununod ng telebisyon. Naglalaro din ako ng basketbol kasama ang aking mga pinsan. Nag-aaral din ako kung paano tumugtog ng gitara, noong una ay nahirapan ako dahil kailangan ito na maglipat ng “chords” ng mabilisan at dipende pa ito sa kanta, pero noong araw-araw na akong nag-ensayo ay sa wakas natuto na rin akong mag-gitara at nakakatugtog na ako ng ilang kanta at minsan pa nga ay ako pa ang nagtuturo sa aking mga pinsan ng mga bagong kanta na alam kong tugtugin. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin akong nag-aaralo tumugtog ng gitara dahil hindi pa naman ako gaanong kagalingan at marami pa akong dapat matutunan. Bukod pa dito ay mahilig rin akong maglaro ng mga “computer games”, tulad ng “Ran Online at Special Force” pero ngayon nageensayo pa akong maglaro ng “DOTA”, tinuturuan pa ako ng aking pinsan kung paano ang mga dapat gawin pag-naglalaro nito.

Kapag walang pasok hindi lang pag-lalaro ang alam kong gawin tumutulong din ako sa mga gawaing bahay, ako ang nagwawalis sa aming bakuran at pati na rin  sa loob n gaming munting tahanan. Ako rin ang naghuhugas at nagliligpit ng mga pinagkainan namin. Minsan kapag wala akong ginagawa ay sumasama ako sa bukid. Malaig kasi doon at masarap ang hangin dahil sa marami doon g mga puno. At dito po nagtatapos ang aking talambuhay.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento