Sabado, Pebrero 25, 2012

Ang Talambuhay ni John Melvin M Tubigan

ako yan John Melvin M Tubigan
Ako ay si John Melvin M Tubigan 16 na taong gulang, isinilang ako noong enero 20 taong 1996 sa  SPC Medical Hospital. Ang aking ina ay si Melba Guevarra at aking ama ay si Danilo Tubigan.At ang kapatid ko ay si Melanie Elpa kasal na siya ngayon kay joseph Elpa. Noong June 26 2011. Ako ay nakatira sa Brgy Sto Angel. At nagtapos naman ako ng pag aaral sa Sto Angel Elementary School,  Tanda ko pa noon nung grade 1 ako nakopag away agad ako sa grade 4 sa simpleng pakakabungguan lang yun .Naghahabulan kasi kaming mag kakaklase noon eh nakkabungguan kame yun bigla sya nanuntok gumanti na ako pero yun nga talo ako. Tas nung grade 2 ako section B ako non tas nakasali pa ako sa mr and ms sa school naming at nagging 1st runner up mr grade 2 pa ako noon. At nung nakasali ako doon nagkaroon ako ng maraming kaibigan mula kasi noon nawala na pagiging mahiyain ko, natuto na akong makihalubilo sa iba.Nung grade 3 naman ako may nakaaway ulit ako pero panalo naman ako,at grade 3 akomula matuto akong maglaro sa computer at unti unti na akong naadik unang laro na natutunan ko ay ang Ran Online ang ganda taalga nyang laruen exciting bawat pupuntahan mo, tapos yun maraming laro na akong madaling natutunan noon.  Nung grade 4 naman section A ako dahil sa nanggaling ako sa section B noon  grade 3 ako nung grade4 mas marami pa akong nakilala at nung grade 5 naman sikyong laro ang lagi naming nilalaro lagi kaming panalo noon, Nagmula lang yun nung pinaglaro kami ni Sr.Bobby ng sikyo nagustuhan na naming ung laro kaya mula nun pagkaawas naming ng tanghali yun na lagi naming nilalaro nung grade 6 naman sipa na lagi naming nilalaro kahit pawisan na tuloy tuloy parin kami at nung grade 6 din ako nagsimulang maglaro ng sepak nakita ko palang kung papaano paglalaro nito naengganyo na ako kayayun nagpursige akong matuto at yun paunti unti natuto ako sa paglalaro nito
gagawa kami nya ng film
ako sa bahay ng kapatid ko
At ngayon ay nagaaral ako sa Col Lauro D Dizon Memorial National High School,Nung 1st year ako ay nakasali ako sa player ng sepak nd Dizon High hirap talaga araw araw ka natakbo sa oval kahit napaka init tuloy parin kayo pero nung division meet nawala lahat ng pagod ko kasi kahit ganun kami ang nakakuha ng 3rd place kahit nawala pa yung pinakamagaling saamin di parin kami nagpadaig sa iba kaya yun nagging 3rd kame. Nung 2nd year naman ako ay dapat kasali ulit ako sa player kaso nawalan ng entry ang Dizon High ng taong iyon, At tanda ko pa noon na guidance kame kasi naggayahan lahat kaming magkakaklase sa sagot sa math , isinumbong kami noon kasi hindi naming pinagaya 1 naming kaklase kaya yun para makaganti ngsumbong siya sa guro naming, lahat pa kami nun kabado kagulo basta kame, pero nalampasan din naman naming yun. Nung 3rd yrea naman ako ay nagging playerako wala ayun ganun pari n araw araw naming ginagawa ang pagpapa practice sa initan at pagtakbo sa oval.ako ay nasa ikaapat nantas na at magtatapos na ng sekondarya. At ngayon bilang isang 4rth year student marami akong napagdaaanan ang magkaroon ng kaaway, magkaroon ng kaibigan, ng msasandalan sa bawat problema yung papayuhanka pag may nararamdaman ka, pasasayahin ka pag malungkot ka. At ang pinaka maganda yung makakasama mo sila sa kalokohan, sa pag iingay sa pagkukulitan yun yung mga bagay na hindi ko mkakalimutan. Dahil sa tingin ko kung hindi mo naramdaman ang mga ito parang hindi mo rin naranasan kasi naman itong mga bagay na ito ay natural lang na mapagdaanan ng isang estudyante.
picture namin nung J.S
pic nia nung J.S
Itong picture nito ay kinuhanan noon J.S 2012 ng Dizon High. Itong nasa picture ay ako at ang aking girlfriend na si Joanna Mae Banayo. Kami ay 6months na nagging kami noong August 17. Ngayong 4rth year lang kami naging mag classmate. Napakatray nyan si mae pero mabait,maasahan at lageng nasa tabi ko pag may problema ako. At siya nga din pala yung 1st gf  ko na nakilala ng parents ko. Tanda ko pa noon Tree Planting noon biglang umulan nakakasura pa nga noon nasa kalagitnaan na kame ng pagakyatan ng bigla ng lumakas ang ulan kaya pinabalik n kame basing basa kmeng lahat noon at putikan ang mga damit kaya yun niyakag ko si mae at mga kabarkada ko samin sinama ko mga kabarkada ko para di mahalata si mae ayun pala sila pa magtuturo kay mae ayun nalaman na ng kapatid ko na kung sino girlfriend ko. At wala akong kamalay malay na ininterview na pala ng kapatid ko si mae ako kasi ang bumili ng ulam naming noon at pagbalik ko sa amin dami na nya nalamantungkol sa amin pero mula noon naging ayos na si mae sa pamilya ko lage na siyang pinapupunta ng nanay kopag may handaan sa amin.
si ate nympha at ako

 Ang seryoso ko no kuha sa Bukid Garden Resort kasal ito ng aking kapatid na si Melanie Tubigan noong June 26 2011, At ang kasama ko ay ang aking kapatid na si Nymha Guevarra kapatid ko siya sa ina pero kahit ganun ang turingan naming ay tunay ng magkapatid mabait siya basta sumahod siya ay lage kameng kumakaen sa Jollibee. Pati mga damit ko siya ang bumibili. Itong kapatid ko nasi ate anie ay napkataray, masungit lageng moody pero pag kaylngan mo ng tulong tutulungan k talaga nyan ganan ang kapatid ko. 8 years na silang magkasitahan ng kanyang napangasawa una ay palihim sila na magkasintahan at nung nalaman ng nanay ko na may boyfriend na kapatid ko ay hinimatay ito dahil siya ay 18years old pa lamang. Pero yun pala ay 17 years pa lamang pala ay magkasintahan na sila.Pero natanggap din ni inay na ganun na may boyfriend na ate ko.at pagkatapos noon ay malimit nang pumunta samin si kuya Joseph bumibisi bisita nanganga musta siya palagi. At tanda ko pa noon lage niya akong ikinakain sa Jollibee at sa Mcdo.Ang saya saya ko palage noon at tuwing b-day ko lage siyang may regalo sa akin. At ngayon naman ay tinuturuan ako ni kuya joseph na mag gitara at ngayon marami na akong alam na kanta na matutugtog ko sa pag gamit ng gitara.  
nung nag aaral ako mag gitara
kapatid ko na nagpunta sa Quatar si kuya mike
Ang seryoso ko no naman no, 3rd year ako nyan nagaaral ako mag gitara. Pero nag picture picture muna ako nyan. Sa una ang hirap talaga lalo na kaliwa ako pero kung gusto mo talaga kahit mahirap kakayanin mo to. Yung gitara naman na gamit ko ay sa kuya ko siya ang nagtuturo sakin mag gitara, meron pa nga siyang banda eh. Galing talga nya kahit nu sabihin kong kanta alam nyang tugtugin sa gitara. Pero nayon la na nagtuturo sakin kasi nasa Quatar na siya, nakakalungkot nga kasi samin siya ang pinaka maingay, pinaka magulo samin basta dumating sya noon ang ingay na sa aminpero mula nung umalis siya un bihira ng maging mainay sa amin. Pero kahit ganun ayos narin sakin yung pag alis nya kasi alam ko naman ginawa nya yun kasi gusto nyang paghandaan ang kinabukasan nya pag nag asawa siya at nagka anak siya. Gusto nya nga dinako na sumunod dun sa Quatar pagkatapos ko pero parang ayaw ko kasi ayaw kong mahiwalay sa pamilya ko.
ako at ang pamangkin ko
Tanda ko pa nung nag bagong taon kami sa bahay ng kapatid ko ang saya noon picture picture kami tapos kwentuhan kulitan tapos ayun din yung bagong taon na nalaman ng kapatid ko na may girlfriend ako, kinakabahan talaga ako noon kasi di ko ina akala namalalaman ng kapatid ko yun. Gawa lang naman kasi yun nung pamangkin ko pinakealaman cellphone ko yun nabasa ang text tapos di pa nakuntento nakipagtext din at kinuha pa yung number pero wala nangyari na eh pinabayaan ko na lang. Yan yung pamangkin ko yung kasama ko sa piture ang ganda nyan nakasali nga din pala sya sa mutya ng San Pablo kasali sya sa top 10 noon, napaka taray din nyan, maarte, pero mabait  maaasahan mo kasi yan pag may kaylangan ka.
buong pamilya ko
Ito naman yung pasko na hindi ko makakalimutan kita mo naman ang dami namin. Di pa kami kumpleto nyanwala p dyan yung kapatid ko na si ate Gina nakatira nasa Zambales may asawnarin sya doon.Una kong papakilala dito sa picture ay ang tatay ko siya dyan yung naka green na may saklob mabait yan pag walang sumpong,kaya dapat lagi mo lang susundin kung anu ang utos nya kasi pag isang beses  na hndi mo nasunod utos nako magagalit na yan. Ang sunod naman ay ang nanay ko naka green din sya na nakaupo, napkabait din nyang nanay maaruga sakin maalahanin pag may kaylangan ako yan natulong sa akin pag may sakit ako sya lagi nag aalaga saakin sya nag aasikaso sa pag inom inom ko ng gamut. Ang sunod ay si nep kapatid ko siya sa ina , naipakilala ko na siya dyan sa 1 picture.And sunod ay si ate Arlyn siya ang nag hahatid sundo sa akin nung ako ay grade 1, maraming hirap yan na ginawa sa akin pag may kaylangan ako sa school siya ang nabili at minsan siya ang nagaw pag may mga meering siya taga attend pag kuhanan ng card siya lage kumukuha basta npaka bait nyan sakin. At may anak nga pala siya si Janno at Mark magkapatid talaga yanbasta kalokohan lageng magkasangga nagtutulungan at may pagkakataong nagkakasagutan pag may hindi napagkasunduan.Ang sunod ay si kuya Jun, kapatid ko siya sa ama luko ting kapatid ko na ito kasalito sa frat samin.dalawa rin nagging asawa ni kuya Jun, 4 naging anak nya,pero magkakasundo rin lahat ito. Yung naka pula naman jacket pamangkin ko yun mas matanda p yansakin kasi nga kapatid ko sa ina ang ina nya yun kaya pamangkin ko siya, may 2 n syang anak teacher ang asawa nya ang galing nila parehas mag drawing talagang talentado sila parehas. Yung naka pink na jacket naman ay si sister Ana ina ng asawng kapati ko, At yung nakaputi ay pamangkin ni sister Ana si kuya Noel. Yung may hawak naman na baby ay pamangkin ko di si TenTen, At yung katabi nya na nakaupo ang asawa nya sa Zambales na sya nakatira at nagbabakasyon nalang dito sa Laguna, at yungnaka puti naman ay si ate Carla asawa siya ni kuya Jun, at anak nila yung bata na hawk hawak ni ate Carla siya si Aveng ang kulit nyan, nakapa pla kaibigan nyan,at matalino marunong narin yang sumipolatnkakapaglaro nayan ng baraha. Ang wala pa dyan ay si kuya Ariel, kuya Lito, kuya Marvin, Ate liza, mga kapatid ko ya yan sa ina. Si kuya Ariel ay ang nag alaga sakin mula ng ipinanganak ako nawalan siya ng trabaho dahil sakin lage kasi syang absent nun paralang maalagaan ako kaya yun, ngayon nagtitinda sya ng nestle ice cream nag over age na siya sa ibang kompanya na eh kaya nawalan na siya ng pag asa maghanap ng trabaho kaya nga pinangako ko sa sarili ko pag nakapagtapos ako at nakahanap ako ng magandang trabaho tutulungan ko sya at ang pamilya na para man lang kahit papaano makabawe ako sa pag aalaga nya. Si kua Lito naman ay layas kong kapatid kung saan saan na yan nakapunta, hiwalay yan dati sa asawa at nagka asawa na ng bago, nagtatatoo din sya ng sarili nya, basta nag iba ugali nya nung nagkahiwalay sila ng dati nyang asawa, pero ngayon may asawa na siya di na sya katulad na dati  nagtratrabaho din sya sa nestle. Si kua Marvin naman ang kasundo ko basta basketball paguusapan basta umuwi sya galing Batangas lagi syangmay balita tungkol sa PBA at NBA, player din sya ng company nla, siya din ang malimit magbigay sakin ng pera at sya din lage nagpapasa sa cp ko ng mga bagong laro. Si ate Lisa naman ang kapatid ko na basta pagkain pag uusupan alam na matakaw ako, siya din yung kapatid ko na nagmana ng mga ugali at kamuka ni din inay. Yan ang buhay ko magulo dahil marami pero masasabi ko lang Masaya ako sa mga kapamilya ko.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento