Sabado, Pebrero 25, 2012

"Ang Talambuhay ni John Pauline Alcantara Natuel"

AKO NA ITO NGAYON ;)

Ako po si John Pauline Alcantara Natuel, labinglimang taong gulang na ngayon. Nakatira ako sa Brgy. San Mateo San Pablo City, Laguna. Ipinanganak po ako sa malaking ospital ng San Pablo noong Marso, 20, 1996, sa oras na 7:30 ng umaga, at tuwang tuwa ang aking ama dahil sa kahawig niya ako. Bininyagan ako sa Nuestra SeƱora Delos Remedios Parish noong Setyembre 21, 1996, na araw din ng kapistahan sa aming Barangay. Si Fr. Jose Thor Villa Carlos naman ang nagbinyag sa akin. Ang aking mga magulang ay sila John Lida Natuel at Rowena Villareal Alcantara, at ang nagiisa kong kapatid ay si Fatima Alcantara Natuel, at ako naman ang kaniyang nakababatang kapatid at isa lamang ang agwat ng aming edad.


Nang ako ay baby pa... ;)
nang ako ay bata pa...
Ang aking ama ay tubong Bacolod City talaga ngunit lumuwas siya dito sa Laguna para magtrabaho at dito niya nakilala ang aking ina. Ang trabaho ng aking ama ay sa isang gawaan ng bunot, at siya ay magtatrabaho dito bilang isang ‘truckhelper’, samantalang ang aking ina naman ay isang mananahi. Walo ang agwat ng kanilang edad. Ang aking kapatid naman ay kasalukuyang nagaaral sa kolehiyo sa kursong Edukasyon. Madami kaming kamaganak dahil maraming kapatid sila mama at papa.

Kaming dalawang magkapatid ay laging may sakit noon at naikwento sa akin ngv aking ama na noong daw ako ay sanggol pa, pagkatapos naming magswimming sa labak ay ako raw ay naisugod nila sa ospital, sa kadahilanang ako ay may hika. Sobrang lagnat ang aking inabot pero nawala na rin ito at gumaling nang ako ay lumaki.



Noong bata pa kami wala pa kaming permanenteng tirahan, nakikitira lamang kami sa aming mga kamaganak at Lola. Pero noong naka tatlong taon na ako nagkaroon na kami ng sarili naming bahay dahil pinahiram muna kami ng lupang pagtatayuan ng bahay.

Napakaswerte namin at syempre ako rin kasi napakarami naming itinuturing na mga magulang, nandiyan ang aking Tiya Luvy, na tinatawag kong mommy at tinuturing kong isang tunay na ina kasi parang anak na rin ang turing niya sa akin. Simula pa noon lagi na akong nasa kanila, inaalagaan lagi at laging nahabol at syempre nandiyan din ang aking Tita Rina na kapag kami ay kinakapos dahil sa maliit na sweldo nila mama at papa ay lagging nandiyan at handing tumulong. Siya ay dating nagaabroad at lagi naming siyang tinatawagan kapag kami ay may problema o kung ano man dahil nga sa spoiled kami ni ate fatty sa kaniya. Ganoon din ang aking Tito Cano na natulong din sa amin noong kami ay bata pa, kaso namatay agad siya at di man lamang niya kami nakitang lumaki.

ako at ang aking mga pinsan.. ;)

ako at ang aking mga pinsan pati na rin si ate...

At noong ako ay nasa ika-anim na gulang na, ako ay pumasok na sa kindergarten sa Brgy. San Mateo elementary School, tanda ko pa noon sa tuwing papasok ako ay lagi akong umiiyak kapag wala si mama. Dahil sa hindi pa rin ako sanay na magisa at kapag tulog ako ay tainga pa rin niya ang hanap ko. Samantalang ang aking ama naman ang lagging nandiyan para turuan ako sa aking mga takdang aralin. Sobrang naiingget ako doon sa aking nakakatandang kapatid dahil sa matalino siya at mas lamang siya sa akin na kung minsan nga kami ay nagaaway at nagbabangayan.


At noong ako ay nasa Elementarya na doon pa rin ako sa San Mateo nagaaral. Nang ako ay nasa ika unang baiting na, ako ay nakaranas na ng unang Lakbay aral. Sobrang saya ko noon, kasama ko noon ang aking ina at ang aking ate na nasa ikalawang baiting naman. Sagot ng aking tita rina ang pambayad dito kaya kami nakasali. Ang pinakamasakit na nangyari sa akin na di ko malilimutan ay noong ako ay grade 4, nang malalaglagan ako ng kawit sa malaking daliri ko sa paa. Nang naglilinis kami noon, hindi ko namalayang nalaglagan na pala ako ng kawit noon at sobrang sakit nito, dahil walang tigil ang pagdugo ng aking sugat. Sa kabutihang palad, gumaling din ito. Sobrang tigas ng ulo ko noong ako ay bata pa, palaabsent kasi ako at tamad gumawa ng mga takdang aralin. Ayaw na ayaw ko talaga noon sa Math dahil sa ayaw ko nga sa aming guro, kaya noon ay isinali ako ng aking ina sa MTAP, para raw mahasa ako sa Math. Kaya habang natutoto ako sa MTAP ay nagugustuhan ko na rin ang Mathematics at noon nga din ay lagi ako at ang mga kaklase kong babae ay sumasali sa sayaw kapag kami ay may mga program sa paaralan. At noong pyesta rin sa amin ako at ang pinsan kong si Princess kasama ang iba pa naming mga kaibigan ay lumahok sa patimpalak sa pagsayaw, at mapalad namang nanalo ang aming grupo. Tuwang tuwa kami dahil ang pera naming napanalunan ay amin ding pinahatian noon. At tuwing bakasyon naman kaming magkakamaganak ay laging nagswiswimming at napasaya namin. Layas ako noong ako ay bata pa.

Noong Hulyo 2006, nasa limang baitang ako nang may isang napakalaking biyaya ang dumating sa amin nang binayaran ang aking ama sa kaniyang trabaho at super swerte rin kasi hindi siya kasali sa mga tinanggal kaya naman tuloy tuloy ang kaniyang trabaho roon. Napalaki ng naidulot ng perang iyon sa aming buhay. Ginamit naming ang pera sa pagpapagawa ng aming bahay at nakpagpagawa na rin kami ng sarili naming daluyan ng tubig at ganoon na rin ang pagkakaroon namin ng sariling lupa.

At noong ako ay nasa ika-anim na baitang na nagkaroon ako ng allergies sa  balat. Sobrang dami nito dahilan ng sobrang pagkain ng malalangis na pagkain, kaya bumakat ito sa aking braso. At noong Pebrero 4, 2008 naging malungkot ang aming pamilya nang namatay ang aking Lolang pinakamamahal ko at super close. Hindi ko na napigil ang aking pagiyak sa aming silid-aralan kahit na ito ay talagang nakakahiya, dahil ako ay labis na nalulungkot sapagkat wala na akong natitira pang Lola at Lolo sa ngayon. Dahil ang lola at lolo ko sa panig ng aking ama ay hindi ko pa nakikita. Dahil na rin siguro sa distansya. Nang natapos ang aming graduation, napakalungkot ko kasi mamimiss ko ang aking mga kaibigan dahil magkakahiwa-hiwalay na kami.

At noong Mayo, 2008 dumating ang aking tiya galing abroad at lahat kaming Natuel family ay nagbakasyon sa Bacolod sa loob ng 2 buwan. Tuwang tuwa ako at kaming lahat dahil napakamemorable nito dahil first time naming nakasakay sa eroplano. Ako ay nananabik sapagkat sa wakes ay makikilala ko na rin ang iba pa naming mga kamag-anak doon. Napakaraming masasayang bagay ang naganap sa amin doon, nagswimming kami sa ilog, at walang tigil sa pagkain, at marami rin akong nakilalang mga bagong kaibigan doon. At tuwing gabi nga doon ay laging may sayawan na nakaugalian na doon sa tuwing nalalapit ang kapistahan doon, at lagi kaming naandun. Noong araw ng kapistahan, madami pa naming kamaganak ang dumating kaya parang reunion na rin ang naganap at napakaraming pagkain ang inihanda ni Tiya para sa amin. Kinabukasan, papauwi na kami sa Maynila at for the first time din ay sumakay kami sa isang barko at napakaliki noon sobra. Isang araw kaming namalagi doon at ang gaganda ng tanawin sa dagat. At pagkagaling namin sa maynila ay agad kaming umuwi sa Laguna at nagpaenrol naman agad ako sa Dizon High para sa unang taon ko sa Secondarya. Napakalungkot ko kasi ayaw ko naming pumasok ko doon pero wala akong nagawa at doon din ako napapasok. Unang pasok ko pa lamang doon, hindi na ako naging masaya dahil hindi ko pa kilala ang aking mga bagong kamagaaral at ayun nga ako ay napabilang s a seksyong 1F. At ako ay tuwang tuwa kasi naging kaklase ko pa rin ang aking pinsang si Princess, na kahit papano ay kaclose ko pa rin doon at nakilala ko pa nga ang aking mga bagong kaibigan, sila ay sila mear at Charlene. Nagkaroon pa nga kami ng tawagan at yoon ay BFF. Kay Charlene ko unang natutunan magbike. First year din ako nang ako ay unang nagkaboyfriend, at siya ay si Eugene Funtanilla. Ka-schoolmate ko siya at parang magkabarkada lang kung ituring naming ang isat isa. Hindi pa kami ganoon kaseryoso dahil bata pa kami. Di ko talaga akalain gusto pala nya ko, dahil sa mga panahong iyon ay may lihim nadin akong pag hanga sa kanya. Naalala ko pa nung minsang binigyan niya ako ng sulat, na  naging dahilan para mahulog talaga ang loob ko sa kanya. Kaso hindi din kami nagtagal.., Sabi ko pa naman sa sarili ko na pag aayusin ko na ang aking pag aaral. Ngunit mababa pa din ang aking mga marka.                                                      
                                                                                                                                                                                                                                                                

         At noong bakasyon nagbakasyon kami ng aking kapatid at ang aking pinsang si ate leah, sa Bacolod city sagot ng aking tiya rina ang lahat ng gastos. At 2nd time naming ulit makasakay sa eroplano nagsaya lang kami doon ng tatlong lingo, at kumain kami sa isang sikat na kainan doon na ang tawag ay Palo palo at doon ko nakita ang pinaka paborito kong fish fillet na ang sarap sobra. At noong kinabukasan ay umuwi na kami na sakay sa eroplano. Balik na ulit kami sa laguna.  

Hayskul life ;D


         Noong nasa ikalawang baitang na ako ng high school, ako ay nalungkot dahil hindi kong inasahang bumaba ang aking seksyon. At  napabilang nga ako sa seksyong 3H at ang aking adviser ay si mam Nuevo,at hinayang na hinayang talaga ako..at ayun nag ayos na ako sa aking pag aaral 

         Nang nag 3rd na ako, ako ay masaya dahil kahit papano ay tumaas naman ang aking seksyon.at ako nga ay napabilang sa seksyong 3G at ang aking adviser ay s imam divina. Na para sa akin ito ang naging masayang year at seksyon dahil sa mga nakakatuwa kong mga naging kaklase, na napaka sasayang kasama. At nag ayos na din ako sa math dahil tumaas na din ang aking marka diyan na dati noong nasa 2nd yr. ay lagi akong kolelat talaga ako sa math.at ang ayaw ko noong guro ay si mam lee na lagi akong niloloko, dahil sa lagi ako noong nagpapagupit ng buhok..at nakilala ko nga ang aking mga kabarkadang sina Alyssa at diane na napaka babait. At si Alyssa at lo  vely naman ang kong kasangga sa pakikipag away kapag may inaapi sa isa amin. At itong 3rd yr. din ako natutong wag mahiya, na aalala ko pa noong nag model kami sa aming subject na cosmetology sa TLE. At ang hindi ko pa malilimutan, ang isa sa
pinaka mahalaga at pinakamasayang memories pinakamasayang memories sa pagiging highschool ito ay ang fist time kong mag js prom. Noong naranasan ko to ay sobrang saya pala .

    At noong bakasyon na nagkaron ako ng trabaho na taga trim ako ng nga tahi nila,kaso nagagastos ko din ang mga sweldo kasi lagi kaming nagoouting ng mga pinsan ko sa jarina brion at napakasaya SUPER!!

   At ito na sa wakas 4th year highschool na din ako,na dapat nasa section 4-e ako dahil un ang nakalagay sa aking card pero d ipla ako talaga kabilang don,sa 4-Faraday pala talaga ako kabilang. Masaya dahil tumaas na naman ang aking section at balik naman ako sa F. Unang pasok ko wala pa ako gaanong kaclose sa mga bago kong kaklase na una palang gusto ko nang lumipat ng ibang section kaso di ako pinayagan.At noong tumatagal din ay sobrang nagugustuhan ko na ang aking section , dumadami na din ang mga naging kaclose ko. At nakilala ko nga ang mga totoong mga kaibigan ko dun, na sila mariel,Julie,sarah at mikaela. Disyembre 17,2011 umattend ako at aking ina at ilan kong mga pinsan sa christmass party sa trabaho ng aking ama.. At sumali ako sa palrong singing contest ngunit ndi ako sinuwerte at natalo ako ,, pero ganun pa man masaya naman.
     at nito din akoy 4yh yr. ay nkasama ako sa fieldtrip namin ...at super ng enjoy ako sa mga na p;)untahan namin....;)
   At  nag js kami  noong pebrero 14 na napaka saya naman.

AKO at ang aking mga KAIBIGAN ...
JS Prom 2012
 SALAMAT AT MALAPIT NA DIN AKO MAKAGRADUATE NG HIGHSCHOOL.
MAMISS KO ANG AKING HIGHSCHOOL LIFE !! TNX LORD

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento