ako sa kasalukuyan |
masiyahin kasi akong tao |
Napakasaya nila na isinilang kanilang panganay na anak at kauna-unahang anak na nagnagagalang "JHUNCEL M. DERIQUITO" at ako nga iyon na excited ng ipabasa ang aking masaya , malungkot at napakachallenging na talambuhay.Siguro excited na kayo na malaman ano??
Perobago iyon ipakilala ko muna ang aking mga lolo't lola ang mga magulang ng aking ama ay sina Delia Deriquito at Rodrigo Deriquito SR. ang magulang naman ng aking ina ay sina Leonora Lawigan at Proceso Manalo.sa katunayan nga puro kami broken family , super hirap tlaga ng hiwa-hiwalay kayo.hayyyyy....
Dalawa kaming magkapatid na anak ni papa kay mama ang isa ko pang kapatid ay si Julie 1st year siya ngayonat nakatira kasama ni papa sa Tiaong,Quezon. Sige simulan ko na alam kong hot na hot ka na hehe..
ang aking kapatid nung graduation |
Bininyagan ako sa Catholic Church pero noong sumapit ako ng pitong taong gulang iyon nabinyagan ako sa The Church of Jesus Christ of Latter-day saints buong pamilya namin ay naging miyembro ng simabahang iyon. Napakasarap maging miyembro doon bukod sa napapalapit ka na sa Diyos dumadami pa ang kaibigan mo.
Taong 2003,nang ako ay pumasok sa unag baitang sa paaralan ng Sta. Ma.Magdalena Elementary School hindi na nga ako nag kinder nun at nag saling ket lang sa grade 1 tsaka natatawa din ako kasi kung bakit ba naman ng mga panahong iyon ay ayaw na ayw ko mag paiwan kay mama sa room grabe nun hindi nga ako makapaniwala tapos nilipat naman ako sa Sta. Monica na paaralan kasi baka doon na ako magtutuyag ng pasok pero iyon ang akala nila hindi pa rin at wala silang nagawa pero sa huli ay sa magdalena pa rin ang bagsak ko pero sa mga nangyari na ganun ay nakapasa pari ako at makakatuntong na rin sa ikalawang baitang.Ang teacher ko noon aysi Mrs. Annalisa G. Catabio.
Taong 2004,nasa pangalawang baitang naman ako noon tanda ko naman na galit na galit sa amin amg aming guro naulan pa naman ng mga araw na iyon at hapon na ay hindi pa din kame nakakaawas at saka buntis pa naman yung guro namin sadya kame hindi pinauwi ni mam dahil ang ginagawa ng mga kaklase ko ay kung anu-ano ang pinapatse at tinatalsik samay pader iyon bang sumusupla sila ng papel umuwi kame ay pagabi na at nakita na nnamin na ang aming mga magulang ay nasa labas na at kakaunin na kame. Ang teacher namin noon ay si Mrs.Marivic.
Taong 2005, nasa pangatlong baitang ako nun,ang natatandaan ko naman noon ay lapis palang ang ginagamit ko tapos ang tanda ko noon ay isa ako sa estudyante na unang napagamit ng ballpen dahil maayos daw akong magsulat,ang teacher ko noon ay si Mrs. Belen B. Belen.
Taong 2006,nasa ikaapat na baitang ako ang natatandaan ko ay dito na lumalabas ang kaingayan ko galit na galit na ang aking mga guro sa akin ngali ngali na nga ako na masaktan , at saka yung goro ko nga nung grade 4 ako grabe sa akin iyon pinipingot ako sa tainga noon sa sobrang kaingayan ko sobra kasi ang kaingayan ko ewan ko ba sa sarili kokung bakit ang ingay ingay ko noong elementary ako. Natatawa nalang ako kasi batang isip pa kasi ako.
Taong 2007,nasa ikalimang baitang na ako na mga panahong iyon. Isang taon nalang graduation na. Naku! ang guro ko naman nung grade 5 ako ay galit din sa akin kasi maingay daw ako pero ako naman ay mahilig pagsulatin sa black board at pinagtitinda ako kame nun sa canteen pag recess na. Ang teacher ko rin nung grade 5 ay si mam cartabio.
Taong 2008,sabi kpo sa sarili ko gagawin ko po ang lahat makagraduate lang ako at makapagtapos ng aking pag-aaral.Kumuha kami noon ng NAT(National Achivement Test) matagumpay naman kasi naging 2nd kami sa over-all grabe nga nga kasi 25 na estudyante lang kami at iisa lang ang section namin kaya siguro walang hahatak sa amin pababa .Sayang saya ako noon dahil graduation na namin, ang guro ko ay si Mrs. Judicel Manalo at si Mam Alimon.
Marso 27, 2008, araw ng aking pagtatapos sa elementarya abala ang lahat para sa paghahanda sa aking graduation hindi ko alam ang aking nararamdaman magkahalong saya at kaba ang aking nadarama na mga panahon iyon. Kinagabihan ng aking pagtatapos, hindi ko akalain na ganito ang manhyayari sa amin nag-iba ang ihip ng hangin totoo nga siguro na ang lubos na kasiyahan ay may kapalit na kalungkutan.Naging weird noon ang ugali ni papa as in super weird talaga. Nagwala siya ng sobra noon tapos sa sobrang takot namin tumakbo kami sa labas.Sabay tuloy namin kina lola,tapos lumipas ang mga araw bumalik kami kina papa tapos ako naman ang gustung-gusto kina lola kasi parang nawalan na rin ako ng amor kay papa na sa huli ay pinagsisihan ko na din ng sobra ng hirap ng broken family ang pamilya.Tapos nung gusto na namin na bumalik ya huli na ang lahat kasi naipagbenta na nila ang bubong ng aming bahay .Paano pa kami makakabalik sa bahay na wala ng bubong di'ba?Kaya mahirap mang isipin pero kailangan na tanggapin na talagang broken family na kamiat masakit man itong isipin,ang masakit pa nito ay ang nagkaroon na ng katipan si papa nakuha sa pakikipagtextmate .Noon sinubukan kong pumunta kina papa at sinama nga ako ni inay Delia kina papa sobrang bait nung una sa akin nung kabet ni papa pinaghain pa nga niya ako ng pagkain ko kala ko tototo iyon pala ay pakitang-tao grabe ang gusto niya pala ay utus utusan kami at gawing katulong at ang hindi kop pa malilimutan ay iyong pinagsabihan ako nung ina nung kabet ni papa sobra siya kong makapagsalita hindi ko kayang pakisamahan ang mga ganung uri ng tao,pero hindi ko nalantg siya pinansin dahil alam kong nakakatanda siya at isa sitang guro.Iniisip ko pa rin ang kapakanan ng aking kapatid ana ngayon ay nasa piling ni papa at doon nakatira na baka pati siya ay maapektuhan,sa tototo nga lang namimiss ko na siya.
Taong 2009,1st yr. high school na ako unang araw ng high school life dito sa CLDDMNHS grabe ang kaba ko noong una pero masaya naman marami akong mga naging bagong kaibigan na magpapasaya muli sa akin sa kabila ng aking mga naranasan .Adviser ko noon si Mrs.Baylon at ang section ko noon ay section ay B,ginawa kong lahat ang magagawa ko upang mapataas ang aking marka na hindi pati maapektuhan ng nangyari sa aking pamilya.
Taong 2010,buhay sophomore naman ako ngayon medyo confident na naman ako sa sarili ko kasi 2 yrs. na ako sa dizon high .Kala ko nga mawawala ako sa section B iyo pala ay hindi pa 2-B ako noon adviser ko noon si Mrs.Sotalbo,naging masaya din ang pagiging sophomore ko nagkaroon na ako ng crush sa dizon.
kame kasama ang mga kaklase ko nung 2nd year |
Taong 2011,buhay JUNIORS na ako ngayon para sa akin naging masaya din naman ang pagiging Juniors ko pero naging challenging din para sa akin kasi ng mga panahong iyon naospital sa mama ng mahigit isang buwan at ako din ang nagbantay nito kasi kasi wala na namang ibang magbabantay si l;ola nagtratrabaho tsaka yung asawa naman ni mama ngayon kailangan din magtrabaho kaya pati pag-aaral ko noon naapektuhan na sana nga titigil na ako noon e pero tinulungan ako ng aking ng aking adviser na si Mrs.Lyn Joaquin kung wala siya hindi ako gragraduate sa mga panahong ito,abot abot pa rin ang aking pasasalamat sa kanya,si mama naman ay siguro nagtatanong kayo kung bakit naospital si mama ganito kasi iyon kasi nabuntis siya nung bago niyang asawa ayaw ko man na tanggapin at mahirap man tanggapin wala naman akong magagawa kundi ang tanggapin nalang dahil andyan na yan e at hindi ko na maibabalik pa ang nakalipas ,pero sa kasalukuyan napamahal na rin ako sa kanya.Ang pangalan niya ay Crisel.Kaya lumala noon ang kalagayan ni mama dahil nakadumi na ang bata sa tiyan niya.Ang dasal ko nha noon sa Panginoon ay na gumaling na siya,si lola panay din ang dasal niya may awa na talaga ang Panginoon at dininig Niya ang aming panalangin.Maraming,maraming salamat lalo't higit sa Kanya.Pasalamat na din talaga ako at nakapasa ako ng 3rd yr.
ako kasama si Mam Lyn Joaquin adviser ko nung nag JS PROM kame |
buong klase namin nung 3rd year na umatend ng JS PROM |
Taong 2011,ito na ang isa din sa pinakahihintay ko ang pagraduate ko masasabi kong naging super saya talaga ng aking pagiging high school lide minsan nga naisip ko parang ayoko pang gumraduate kasi mamimiss ko lahat lahat lahat ang mga kaklase ko,adviser ko,ang mga kaibigan ko at lalonhg lalo na ang mahal na mahal ko na tropa ko,pero sa kasalukuyan naging super challenging din ang life ko kasi hindi din naman maiiwasan ito ang pagkakaroon ng problema ay kaakibat na ng ating buhay pero think positive pa rin ako lagi sa lahat ng dagok sa aking buhay.Lubos nga lagi ang aking pasasalamat sa akong mga kaklase,guro at syempre at syempre ang aking tropa dahil palagi silang nandyan para sa akin.noong nakaraang js hindi ako nakasali dahil sa kakapusan ng pera pero nung isang taon ay nakasali ako at least naexperience ko ang juniors and seniors promenade di'ba?babalkan ko lang ang nangyari sa akin nung js ko nung juniors pa ako dun ako nag ka crush at ngayong 4th yr. at ngayong 4th yr. ay narealize ko na mahal ko pa siya,pero ayaw ko na masyado pa ako na umasa sa kanya dahil para sa akin wala na akong pag-asa na kanyang magustuhan.Sinayaw pa nga niya ako nung js at hindi ko naman akalain na magiging kaklase ko siya ngayong taon.Ang mahalaga sa akin ngayon ay may inspiration na ako sa akingt pag-aaral,naramdaman ko naman na mahal niya dun ako siya si CARLO JAMES FERNANDEZ,17 yrs.old taga Lipa,Batangas naging kami noong JAN. 11 , 2011 sa katunayan nga niyan ay nag 1 month na kami masaya ako sa kanya dahil tanggap niya kung sino at ano ako.Sa kasalukuyan nga ay ako ay excuted na siyang makita ngayong April.Sa ibang pagkakataon ay kailangan mo din namang magparaya ang hirap ng ganun di,ba?kaysa naman na magmukha ka ng tanga ,kaya wag na nating ipagpilitan ang sarili natin sa taong hondi naman tayo mahal Siguro naguguluhan kayo sa mga pinagsasabi ko ngayon anu?Ganan ang lovelife ko minsan kailangan mo din magbigay kahit sobrang sakit sa'yo ang mahalaga ang mahalaga sa akin ngayon may bago na na nilalaman ang puso ko.goodluck nalang sa aking lovelife.
ako kasama ang mga kasalukuyan kong tropa |
Sa kasalukuyan din ay mayroon akong clan at ako ang founder nito at ang pangalan nito ay THE CUTEST AND HAPPIEST EVER SOCIETY CLAN napakasaya ko rin bilang isang founder ng clan na ito.Ang aking co-founder ay si ryanine o boxz innu,dati kasi hot fm texter's clan ang tawag sa clan namin kaso ayaw naman ng manager ng hotfm .Sa katunayan nga e nakaatend na ang isang dj ng hotfm si DJ ROB KNIGHT atb pinag mitingan nga noon na parang hindi sang-ayon ang kanilang manager, kaya naghanda na ako ng panibagong pangalan.Naisip kong buuin ang clan na ito para mag ka kita kita ang mga texter's ng hotfm na hindi ko rin inaasahan na dadami ng 100+ ang aking members hindi nga ako makapaniwala noon e.Sa susunod na eb panglimang eb na kami at sa mga na yon napakarani na nangyari may mga nag-away ,nagkatuluyan at kung anu-ano pa may nagkasamaan ng loob .Mayroong may mga trabaho na na maga members,mga estudyante at kung anu ano pa.Noong nakaraan ngang eb pumunta kami sa bahay noong isa naming ka clan kay bealicouz sobrang saya doon sobrang babait ng kanyang mga magulang.
February 8 , 2012, nabuo ang CUTEST AND HAPPIEST EVER SOCIETY CLAN grabe nga noon sabi ko mamimiss ko ang Hotfm Texter's Clan ,naisip ko ang pangalang ito dahil cute kami,hehe Ano daw angb sabi?Happiest kasi sobrang saya ng clan namin madami ngang nagquit kasi hindi daw active pero subukan nilang umatend ngb eb sobra ang saya at closeness namin parang magkakapatid na rin kami.Kahit ganito ang clan namin may mga dumadating pa rin na trials pa rin na dumadating ,may mga issue na rin kaming kinakaharap si mama nga medyo tutol sa aking clan pero hindi ko ipagpapalit ang frienship na nabuo ko sa clan na ito,lambingan kami ng lambingan at nagtuturingan na parang magkakapatid .Ako kasi ang ugali ko pag may gusto akong gawin think positive lang lagi para maging maayos at maging matagumpay lalong lalo na ang clan ko.Sobra din ang kasiyahan ko kasi parami na ng parami ang friends ko.
ako kasama ang mga tropa ko |
Sa kasalukuyan din nakatira ako kina lola na kahit lagi niya akong binubungangaan mahal na mahal ko siya dahil isa siya sa tumutulong sa akin sa pag-aaral at dahilan ko din kung bakit ako nagpupunyagi jna makatapos para matulungan ko sila kasama na rin si mama at ang kapatid ko para matulungan ko rin siya kapag nakapagtapos na ako.Mahal na mahal ko ang family ko.
Mga readers at sa mga makababasa ng talambuhay kong ito,maraming maraming salamat pon nawa'y naging masaya kayo sa pagbabasa nito atb naging magiliw kayosa pagbabasa.Ako nga po pala ulit si Jhuncel M.Deriquito masayahing tao ngunit sa kabila nito ay may mga bagay pa rin kayo na hindi nalalaman.
ako kasama si ian,mae at jonna na kaklase ko ngayong 4th year |
ako kasama ang isa ko pang tropa na si nikka |
GOD BLESS US ALL!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento