Biyernes, Pebrero 24, 2012

                            ANG TALAMBUHAY NI JOY L. BOLANO
Baby Joy

mama&tatay
     Isinilang ako noong ika-18 ng enero, taong 1995 sa Mauban,Quezon. Ang aking mga magulang ay sina Cristina Lorino Bolano at Oliver Cuba Bolano. Ako ay may tatlong kapatid.Ito ay sina Joan,Christian at Jack.

mga kapatid ko
      Noong bata pa ako tumira ako sa Mauban Quezon kasama ng aking ama at ina noong ako ay nagiisang anak p lamang . Doon ay nabuhay kami ng maayos at tahimik. Noon ay sagana ako sa materyal na gamit gaya ng damit,laruan at iba pang gamit pambabae s tuwing uuwi ang aking ama galing sa kanyang trabaho.Sagana din ako noon sa pagkain kaya mataba at malusog ako noon. Ako rin ay isang malikot na bata noon kaya ang aking peklat s mukha ay nagiwan ng palatandaan na ako ay nasabong ng isang tandang dahil s aking kalikutan.Ako ay nasaktan at umiyak iyon ang dahilan kaya duguan ang aking mukha na ikinagalit ng aking ina, na imbes ay pagsabihan ako ay pinagalitan pa.Noong araw na iyon ako natuto at nadala. Nagkaroon ako ng "phobia" sa manok.Habang ako ay lumalaki ako ay naging masasakitin na naging dahilan ng unti-unting pagpayat ng aking katawan. Mahina ang aking resistensya kaya madali akong dapuan ng sakit.Hanggang sa kung saan-saang pagamutan ako dinala.Lumipat kami dito sa sa San Pablo Laguna. Kami ay naghirap sa kadahilanang nawalan ng trabaho ang aking ama. Dito sa Laguna nmin pinagpatuloy ang buhay, dito narin ako pinag aral ng aking mga magulang. Kahit mhirap ang buhay ay hindi ito naging hadlang para ako ay makapagaral. Nagsikap ang aking mga magulang upang ako ay makapagaral at maibalik ang dati naming buhay.

 noon ako ay kinder:}
  Ako ay nagaral ng kinder sa Paaaralang Elementarya ng San Marcos.Marami akong nakilalang mga bagong kaibigan. Noong pumasok na ako nang ika-unang baitangay inilipat na ako ng aking mga magulang sa Paaralang Elementarya ng Sta. Maria Magdalena . Marami mga napagdaanan noong ako ay nasa elemementarya pa lamang.Minsan pa nga ay pinalalabas ako ng titser ko sa labas ng classroom dahil sa aking kakulitan.Ako ay nakatayo habang sila ay nagkaklase sa loob.Iyon ay nangyari noong ako ay nasa ikilawang baitang.Noong nasa ikatlong baitang naman ay meron akong nakilala na naging matalik kong kaibigan. Ang pangalan niya ay Jhuncel m. Derequito na sa simula pa lamang ay Magdagdag ng captionaking naging kaklase. Siya ay naging mabait na kaibigan sa akin.naging magbestfriend kami at nagsabihan ng kanya-kanyang mga sikreto . Masaya ako noon  kasi sa tuwing wala kaming guro ay naglalaro at naghahabulan kami sa labas ng klasrum. Sa tuwing uwian na sa hapon ay kami ay naglalaro ng "chinese garter"at 'roller coaster". masayang masaya ako noon dahil puro laro ang aking inaatupag. Noong ako ay nasa ika anim na baitang na sa elementarya ay natuon ang aking pansin sa pagaaraldahil huling taon ko na iyon sa elementarya at gusto ko ng maka-graduate sa ikaanim na baitang. Kaya ako nagsumikap na gawin lagi ang aking mga aralin at proyekto. Nagaral akong mabuti at sa wakas , nakagraduate narin ako ng elementarya. Noong araw ng graduation aking nakamit ang  dking diploma na nagpapatunay na ako ay nakatapos ng elementarya.Magkahalong lungkot at saya ang aking naramdaman. Masya ako dahil sa loob ng mahigit anim na taon sa wakas ako ay nakapagtapos at ako ay nalungkot din noong arw na iyon dahil mahhiwalay na ako sa aking mga kaibigan at samga gurong napamahal na sa akin dahil sila ang tumayong pangalawang magulang sa amin na nagtutuwid nang aming mga pagkakasala sa loob ng eskwelahan.

" first day high"
class picture noong 1st year
GSP ng 1st year
    Dumating na ang araw ng bakasyon ngunit sa bahay lng kami nag bakasyon. Bakas sa aking mukha ang pagkalungkot sa tuwing maiisip ko ang mga masasayang araw nmin kasama ang aking mga kaibigan at mga kaklase.Noong bakasyon ay itinuon ko ang aking pansin sa pagtulong sa mga gawaing bahay. Masaya kaming mag anak noong bakasyon. At natapos na ang bakasyon na siya namang pagdating ng arw ng pasukan. Ako ay kinabahan sapagkat tutuntong na ako ng highschool life.Nang pasukan na ay hindi ko alam ang aking gagawin dahil wala pa akong kakilala . Kinakabahan din ako dahil unang beses ko rin na makikita ang aking guro sa highschool pero noong kalahatian na nang taon ay marami narin akong nakilala at naging kaibigan . Naging mabait sila sa akin, nagkaroon kami ng mga tawanan at asaran. Masaya kaming nagsamasama tuwing lundh time. Sa paguwi naman namin sa  hapon ay sama-sama kaming umuuwi ng aking mga kaibigan. Nagkaroon kami ng class picture ngunit ako ay wala noong arw na magpiktyuran pero kahit ako ay wala doon ay kumuha parin ako para namn may remembrance ako sa aking mga kaklase. Noong araw kasing iyon nagkaroon kami ng GSP para sa paggunita nito. Ito ay ginanap sa FVR Granstand sa aming school.Naaalala ko pa na napapagalitan kami ng aming guro dahil sa aming kaingayan, minsan pa nga ay nagkakaroon kaming magkakaklase ng hindi pagkakaunawaan dahil sa mga tsismis tsimis. Pero naayos din naman iyon ang problemang ito.Noong malalapit na ang bakasyon ay nagkaroon ng labanan sa ibong adarna. Nag-ensayo kami ng nag-ensayo upang manalo kami. Maraming pagod at oras ang aming ginugol dito para maging maganda ang presentasyon namin tuwang-tuwa na naman ako dahil malapit na ang bakasyon. Makapaglibang at makapaglaro na naman ako. Makakasama ko rin anng aking mga pinsan na halos buwan ang binibilang sa pagkikita namin.

class picture noong 2nd year
   Noong ako  ay nasa 2nd year high school nag-adjust na naman ako ulit. Dahil iba-iba na ang aking mga naging kaklase. Ako ay masaya kasi napapunta ako sa section na pumapangalawa sa pinaka mataas na section. Di ko akalain na mapapapunta ako sa sectiong iyon noong una ay kaya ko pang makipagsabayan sa mga nileleksyon pero nong tumatagal na ay lalo na akong nahirapan buti na laman ako ay mayroong mga kaibagan na pwedeng makatulong sa akin para maintindihan ko sila ang mga nakasama ko at naging mga barkada ko. Lagi kaming magkakasama sa tuwing kami'y kakain. Marami akong hindi makakalimutan sa sectiong ito. Natutunan kong makisama sa ibang tao. Nang ako ay mag-3rd year high school natuto akong magcutting. Nung unang klase palang ay umabsent na agad ako kaya marami akong grades na bumaba hanggang sa nalaman ng mga magulang ko na ako ay nagloloko. Kinausap ako ng magulang ko at ng teacher ko tungkol sa ginawa ko at sinabi nilang ipagpatuloy ko ang aking pagpasok.

    Hanggang sa pinagpatuloy ko ang aking pagpasok at ngayon ay nasa 4th year high school na ako. pinagbubuti ko na ang aking pag-aaral. Marami akong nakilalang sa sectiong kinabibilangan ko na 4-faraday. Masaya ako sa sectiong kinabibilangan ko kasi may pagkakaisa sa lahat ng bagay lalo na sa kulitan tawanan at asaran at ang pinakamasaya ay pag na kasama ang isa sa gulo lahat ay nagtutulungan para sa lahat at ang tawag namin doon ay juan for all all for juan.

 JS PROM
ako ito"" hehehe
   Febrary 14 2012 JS PROM na at ang saya ng aming JS kahit nung una ay boring pero sa pagsisimula ng sayawan kanya-kanyang sayawan sa unahan ng teach me how to doggie. At noong nag-umpisa na ang sayawang sweet yes kanya-kanyang pagandahan at ang iba naming kaklase na lalaki ay paramihan ng maisasayaw at ang hindi ko malilimutang sayw ay nung kunin ako ng crush ko sa ibang section na si Charles Policarpio. At ang hindi ko makakalimutang kanta ay yung one last song dahil yung kantang iyon ay ang kantang isinayaw ako ng crush ko at nung mga bandang madaling araw na malapit nang mag-uwian ay inaantok na ako dahil masyado na kaming pagod sa paglakad ng may mataas na hills at masyado na kaming puyat ng mga oras na yun.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento