![]() |
Jonna |
Pinanganak ako noong ika-28 ng nobyembre taoong 1995 sa ganap na alas 3 ng madaling araw sa Brgy .Concepcion San Pablo City .Pangalawa o bunso ako sa aming magkapatid .Lumaki ako sa kalinga ng aking ama at ina .
Ang nanay ko ang tanging nag aalaga at bumubuhay sa amin . Kahit anong trabaho ay pinapasok niya upang matugunan ang aming pangagailangan . Hindi kami sinusoportahan ng aming ama .
Lagi akong tinuturuang kumanta ng aking ina pero hindi talaga ako biniyayaan ng magandang boses .
Ako noong 3months old |
at ipinagtatanggol kay mommy kapag pinapagalitan niya ako . Kapag pyesta ng bayan ay magkakasama kaming nanonood sa plaza . Kumakain kami sa labas kapag may pera . Matagal ko ding nakasama ang aking
ama . Hanggang sa umabot na hindi na kayang pakisamahan ni mommy si daddy . Ang pamilya namin ay nabibilang sa Broken Family . Naghiwalay sila noong ako ay apat na taong gulang pa lamang .
Mahirap para sa amin ang ganitong sitwasyon.Tanging ang aking ina ang nagpaaral sa akin . Wala akong nakuhang tulong o suporta mula sa aking ama .
Nang ako ay pumasok ng kinder, ang kuya ko ang naghahatid at sumusundo sa akin . Mayroon kaming sari-sari store noon kaya hindi ako masyado naihahatid ni mommy.
Naging 2nd honor ako noong ako ay gumaraduate ng kinder . Ang gumastos ng handa ko ay ang aking lolo at lola na nasa Spain . Ang mommy ko ang nagsabit sa akin ng medalya .
pumunta lang sa handaan ang aking ama . Noong mga panahong ito makulit at malikot ako . Madami akong mga peklat dahil sugatin ako nung bata ako . Lagi ako nag dadagasa sa bike .
Yung iba naman ay nabububog ako . Lagi din kami nag aaway ni kuya, para kaming aso at pusa pero mabait naman ako at ang kuya ko . Paglalambingan lang namin yung pag aaway namin .
Mahilig ako sa mga larong pang lalaki, ayaw ko ng mga barbie at manika . Ang mga jilalaro ko ay jolens, habulan ,sikyo at patintero higit sa lahat ang pag BiBike . Mga lalaki ang kalaro ko kaya akala
Ako at Mommy ko |
Nang ako ay mag Elementary sa San Pablo Central Elementary School ako pinapasok ng aking ina . Lagi ako may kurot at palo ng hanger kapag hindi ko nakukuha ang itinuturo niya .
Si Mrs.Galvez ang naging teacher ko nung Grade 1 . Napakataray nito dahil matanda na . Kapag hindi nakakabasa ay pinapalo ng stick sa puwet o di naman kaya ay kunikurot .
Inis ako sa teacher kong ito dahil kapag mali ang ginawa ay pauulitin ito . Lagi din naman itong absent dahil lagi may sakit . Nang ako naman ay mag Grade 2 ang naging teacher ko naman ay si Mrs.Abayari,
Ako at si kuya |
Cute siya at mabait kaya ko siya naging crush . Barkada ko pa siya kaya lagi kami magkasama . Lagi kami nag lalaro ng sikyo sa labas ng building . Sabay-sabay kaming nauwi hanggang gate ng central dahil may service
ako noon . Meron akong naging kaklase na parang may kulang sa pag iisip at manyak . Hindi ko malilimutan ng bastusin niya ako, bigla ko siyang nasmpal at dumugo ang ilong niya .
Takot na takot ako sa teacher ko pero hindi ako napagalitan kasi alam niyang hindi ako ang may kasalanan . Ant turo din kasi sakin ng aking kuya kapag may nang aaway sakin ay pukpukin ko ng sapatos .
Naging Bestfriend ko dito si Victoria Kris Ramos . Mabait siya at ang nanay niya na si tita Baby . Naging kaklase ko din siya noong ako ay mag Grade 3 . Si Mrs.Alcantara naman ang naging teacher ko .
Mabait din siya . Classmate ko pa din si Kit . Doon niya sinabi sakin na crush din niya ako . Medyo naiilang na ko sa kanya noon . Grade 3 pa lamang ako ay may Cellphone na ako dahil niregalo ito sa akin
ni moomy noong ako ay mag Birthday . Grade 3 din ako noong mag asawa ulit ang aking mommy dahil ginugulo pa kami ni daddy . Sinabi ni mommy na huwag akong lalapit sa daddy ko dahil ibibigay niya ako dito .
Unang pagsasama pa lang ng aking mommy at ng pangalawa kong tatay na si Fidel Junio ay hindi ko na gusto . Sinasabihan ko siya na pera lang ang habol niya sa mommy ko . Sa una lang pala maganda ang ugali niya .
Lagi niya kong pinapakialaman daig pa ang tunay kong tatay . Laging pinapakialaman ang cellphone ko at pinapalo ako . Pinapahiya pa niya ako sa harap ng mga kalaro ko . Lagi ko din siyang sinasagot . Lagi kong pinapamuka
sa kanya na pera lang ang habol niya sa mommy ko at yon ang totoo .
Nang ako ay mag Grade 4 si Ms.Mojica naman ang naging teacher ko . Mabait ito dahil dalaga pa . Naging secretary niya ako . Nagkaroon ako ng classmate na makulit .
Nasuntok niya ako at sinumbong ko din siya kay Ms.Mojica . Pinapunta niya ang nanay at tatay niya sa school para kausapin ni Ms.Mojica . Napagalitan siya ng sobra dahil sa ginawa niya .
May isa pa din akong nakaaway si Krisha . Sinumbong ko siya sa mommy ko at pinuntahan siya nito . napagalitan siya ng mommy ko . Grade 4 ako ng sumali ako sa Siparnis .
Hindi ako nag diretso ng training dahil natakot ako noong ilalaban na ako . Blue Belter ako noon . Si Sir.Lagos ang trainer namin noon . Magaling siya magturo . Favorite subject ko ang Garden . Lagi kami nagtatanim ng halaman
at gulay . Nagdalang tao ang nanay ko noong ako ay Grade 4 . Lagi ako kasama ng mommy ko kapag nag papacheck up . Tuwang tuwa ako kapag nakikinig ko ang heartbeat niya . Excited na ko maging ate ng mga panahong yon .
Nang taong din ito ay nagpunta kami sa Pangasinan, probinsya ito ng aking Stepfather . Mabait naman ang mga tao dito lalo na sina inang at tatay piding . Maraming bata doon kaya hindi naman ako nainip . Wala lang doong
Television kaya nakakamiss din na manuod ng T.V . Sinasama ako ng mga Stepcousin ko kapag mag-uula ng baka at kambing . Masaya naman doon dahil marunong naman ako magdrive ng trycle simula pa noong ako ay Grade 2 .
![]() |
Ako, Mommy at Nene |
Tinuruan kasi ako ng aking kuya . Lagi ding gulay ang ulam namin doon . Madami din kasing tanim na gulay sina inang . Pumupunta kami sa Agno river . Napakalaki nitong ilog at madami na din daw ang kwento dito kaya hindi kami
naliligo doon . Ang pinakaayaw ko lang doon ay kapag umuulan dahil naglalabasan ang malalaki at mahahabang bulate . Konting ulan lamang ay babaha na agad . Mababait naman ang kapatid at mga tiyuhin ng Stepfather ko .
Artista ang tingin sa amin dahil maaoyos kaming manamit . Simple lang ang kanilang pamumuhay doon . Araw-araw ay laging ganon lang ang kanilang ginagawa . Doon din ako nakatikim ng kape na gawa sa sinangag na bigas .
Nung una masama ang lasa pero nung tumagal ay nagustuhan ko din . Tinuturuan din nila ako magsalita nga kanilang lenggwahe, medyo matigas lang ang pagkakabigkas nito dahil ito ay salitang Ilocano .
Mga isang linggo ang itinagal anmin doon . Nang ako ay mag Grade 5 si Ms.Daquil naman ang naging teacher ko . Mabait din siya dahil dalaga pa . Ang ayaw kong teacher ay si Mrs.Mandap . Teacher namin siya sa Math . Sobrang taray niya . Naging kaklase ko dito ang pumanaw
na si Michkee Dimayuga . Masaya ang Grade 5 life ko . Nagmamature na siguro kami kaya kami mga dalaga na kumilos . Lagi kami naglalaro ng chinese garter . Marunong pa ako noong mag Bending .
Nang ako ay mag Grade 6 si Mrs.Buenaflor ang naging guro ko . Mabait siya kahit may asawa na ngunit wala pang anak .Nagkameron den ako ng Super BestFriend sa si Shaekies Angeles na ngayon ay nasa California na . Nang taong ito ay nagkaroon ako ng aso na Canine Pitbull . Bigay ito ng aking kuya na si kuya Ryan . Pinaturukan namin ito
Bunso kong kapatid |
Noong March 23,2007 ipinanganak ang kapatid ko sa ina na si Nina Krizell Junio . Maliit lang siya dahil Menopose Baby na daw ito . 42 taong gulang na si mommy ng siya ay ipinanganak . Ang pagkakamali lang ng
nanay ko ay isinunod niya ang apelyido nito sa kanyang ama kahit hindi naman sila kasal . Akala ko magiging matino na ang stepfather ko dahil nag kaanak na sila ng nanay ko ngunit hindi pa din pala.
Tuloy pa din ito sa paninigarilyo at pag iinom . Kasalukuyan noong may apply si momy sa Spain kaya palagi siyang umaalis papuntang maynila . Kumuha siya ng makakasama namin sa bahay at mag aalaga sa kapatid ko .
Masarap din pala ang pakiramdam na may kapatid kang mas bata sayo . Tinuturuan ako ng mommy kong magpalit ng lampin at magbuhat para kapag may ginagawa siya ay mababantayan ko ang aking kapatid . Nang si nene ay mag isang taon ay madami
![]() |
Ako at Bestfriend kong si Shaekies |
na mangingibang bansa siya para matuguan ang aming pangangailangan . 1st Year ako nung umalis siya . Madaming tungkulin ang naiwan sa akin at madaming bilin . Mahirap para sa akin ang ganitong sitwasyon . Kumuha si mommy ng makakasama namin
sa bahay . Noong una madali at masaya ang pamumuhay namin noong umalis si mommy . Pero nang nagtagal lumabas ang tunay na anyo ng aking stepfather . Nangbabae ito at ginalpong niya ang lahat nang perang iniwan sa kanya ng nanay ko .
Pinabayaan niya ang aming negosyo . Doon ko napatunayan na talagang pera lang ang habol niya sa nanay ko . Sinumbong ko siya sa nanay ko at nag away kami ng stepfather ko . Binasag niya sa harapan ko ang cellphone na matagal iningat ingatan ng nanay ko .
Sa sobrang galit ko ay sinagot ko ito at agad tumakbo kina kuya . Simula noon ay hindi na ako umuwi . Doon na ako pinatira ni mommy ka kay kuya . Masakit para sa nanay ko ang nangyari at sobra akong naawa sa kanya dahil sa tuwing tatawag siya ay lagi
na lamang siya umiiyak . Pinagawa ni mommy ang bahay ni kuya upang magkameron ako ng sariling kwarto . Naging maayos naman ang pakikisama ko sa kanila pero nang minsang mag away si kuya at ate ay naidamay niya ako . Lagi daw ako nakasimangot .
![]() |
Ako at Daddy |
Sumama ang loob ko kaya naglayas ako samin at duon ako natulog sa pinsan ko pero kapitbahay lang din namin . Lagi din ako sinisingil sa mga nakukuha kong paninda sa tindahan kahit sa amin naman ito .
![]() |
Unang uwi ni mommy |
Nang makadalawang taon na ang aking ina sa Spain nagdesisyon siyang umuwi para maayos na ang aming problema at para makapg hiwalay na sa kanyang asawa . Puro problema lamang kami ng umuwi siya . Pag uwi niya ay agad kinausap ang aking stepfather .
Kinuha niya ang kapatid ko . Dahil sa pangyayaring ito, sa ROSARIO BATANGAS CITY kami tumira habang hindi pa nakakaalis ang mommy ko . Masaya naman dun dahil madami din kaming pinag-kakalibanagan namin . Dun ko din nalaman na nagkita na ulit si daddy florence at mommy .
Si daddy Florence ay unang kasintahan ng aking mommy . Mabait siya at tumutulong kay mommy . Magaan ang loob ko sa kanya dahil baka siya daw ang tunay kong daddy . Nang makaalis si mommy ay sa ate Analyn ko na lamang ako tumira . Maayos naman ang buhay at pagtira namin dito .
![]() |
Daddy Florence |
Last summer ay nag outing kami sa Laiya kasama ang aking mga kamag-anak . Sobrang saya namin . Patatlo ko na itong outing sa laiya kasama ng aking mga kamag-anak . Hindi ko maliliimutan ang mga bonding namin . Last April 21,2011 sa BAguio CITY naman kami
nagpunta kasama ang ate at mga kaibigan nito . Maghapon lamang kami doon . Unang beses ko ditong nakapunta kaya sobrang saya ko dahil unti-unti ko nang napupuntahan ang mga lugar na gusto ko . Nagpicturan kami sa lahat ng magandang lugar dito . Kahit medyo pagod ay inenjoy
![]() |
Sa Laiya |
pa din namin . Nagpapicture ako na suot ang katutubong damit nila . Nakakatuwa kasi mura lang sa kanila ang bayad .
![]() |
Sa Baguio City |
Sa High School Life ko naman ay sobrang saya . Nagkaroon ako ng isang Bestfriend at ito ay si Marius Villostas . Simula 1st year ay magkaklase na kami . Meron din akong mga naging tropa, sina Amina, Diane, Christine, Aries at Alice . Masyado lang ako friendly kaya
madami akong kaibigan . Madami kaming pinagsamahan sa kalokohan man o sa kabutihan . Naging mas masaya ang buhay High School ko noong nag 2nd year ako . Madami na kong nakilalang kaibigan . Isa sa pinakamahalaga kong nakilala ay si Arthur Cayamanda . Nakilala ko siya dahil kaklase
niya ang kakambal ni Marius . Naging magbhest kami hanggang sa naging BHE . Tumagal naman ang relationship namin ng isang taon . Sa sobrang kaselosan ko siguro kaya nagbreak kami . Madami kaming alaala at pinagsamahan . Ngayon kahit hindi na kami ay meron pa rin komunikasyon .
Ako ngayon sa kasalukuyan ay isang Graduating Studen na . Ilang buwan na lamang ay gagraduatae na kami . Kahit naging 4-F ako, masaya pa din ako dahil madami din akong naging kaibigan at bagong tropa . Sina Carina, Charlene, Joana, Melvin at Ian . Masaya sa 4-F dahil halos lahat kami ay
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento