Isininalang ako
noong ika-24 ng Setyembre taong 1995, sa
Dagatan Blvd. San Pablo City sa gana na alas sais ng umaga. Pinangalanan ako ng
aking mga magulang na CARINA dahil ito ang kombinasyon ng kanilang mga
pangalan. Hindi sinunod ng aking ina ang apelyido ko sa aking ama dahil hindi
sila kasal. Ako ang pangalawa sa magkapatid. Ang pagitan ko sa aking panganay
na kapatid ay anim na taon. Meron akong balat sa kanang binti dahil ayon sa
aking ina naglilihi binibigyan daw siya ng pambili ng ubas ngunit hindi siya
bumibili.
Noong ako ay bata
pa lamang sa Sampaloc Lake kami nakatira kung saan ako isinilang, ngunit hindi
nagtagal lumipat kami sa Tondo Manila. Habang ipinagpapagawa kami ng bahay ng
aking ama sa Sta.Rosa Laguna sa lugar kung saan naroon ang kamag-anak ng aking
ina.
 |
Ako at aking ina |
Ang aking ina ay si
Edna Dela Cruz noong ako ay kaniyang isinalang siya ay 26 taong gulang pa
lamang, pangalawang asawa siya ng ama ko nag akala siyang hindi na babalik ang
unang asawa ng ama ko na 20 taon sa Hongkong kaya’t nakipagpisan ang ama ko sa
ina ko. Dahil sa pagmamahal ng ina ko sa aking ina noong nalaman nilang bumalik
dito sa Pilipinas ang unang asawa ng daddy ko inilayo kaming mag-anak para di
kami matunton at magulo. Napatira kami sa San Mateo ngunit natunton pa din
kami. Ang aking ina at ama ay ipinaglaban ang kanilang pagmamahalan ngunit noong
ang aking ama ay naospital ipinahiya kami ng unang asawa ng daddy ko. Mahal na
mahal ng mama ko ang daddy ko kaya handa siyang magtiis anu mang mangyari.
 |
Ate Nerrisa, Ako at si Mark Joseph ang aking bunsong kapatid |
 |
Ako at ang aking ama noong birthday ko ng 5 years old |
Ang aking ama naman
ay si Carlito Biglete, 47 taong gulang siya noong ako ay isinilang. Siya ay
auditor sa San Pablo Central School. Para sa mama ko at sa kamag anak namin
siya ang pinakamabait na asawa, anak, ama at kamag-anak, halos lahat ng
nangangailangan ay tinutulungan niya wala
siyang pinipili dahil siya ay may busilak na puso. Napili niya ang mama
ko sapagkat ayaw na niya sa dati niyang
asawa ngunit noong bumalik ang una niyang asawa dito wala siyang nagawa dahil
meron din silang dalawang anak na lalaki, sila ay sila Kuya Glen at Kuya
Botchok noong panahong ako ay nasa sinapupunan pa ng aking ina iniwan ng aking
ama ang kaniyang dalawang anak habang ang unang asawa niya ay nasa Hongkong,
noong panahon ding iyon nangungulila ang dalawa kong kapatid sa ama dahil nasa
amin nga ang daddy ko.
Noong ako ay apat
na taong gulang tinuturuan na ako ng aking ina,ama at ate ko na magbasa at
magsulat. Ipinasok ako sa San Juan Day Care ng mama ko sabi ng aking guro ay
pwede na daw akong sa bahay na lamang mag aral dahil may matalas daw akong
kaisipan upang maging estudyante ng grade school. Noong panahong iyon maluwag
kami sa pinansyal, dahil malaki ang kita ng ama ko. Lumaki ako ng may sapat na
atensyon ng aking mga magulang kung kaya’t para sakin maswerte akong bata. Sa
tuwing aalis kami libangan na lang ng mama at daddy ko na ikain ako sa kung
saan saang fast food chain. Naglalaro ako kasama ang ate ko, at halos lahat ng
laruan dito ay kumpleto ako.
 |
Noong sumagala ako kapartner ko c John Paul |
Habang lumalaki ako
lalo akong inaalagaan ng mga magulang ko. Ilang taon pa lamang ako ay nalaman
ko na agad ang istorya ng pagmamahalan ng mama at daddy ko dahil ginugulo kami
ng unang asawa nito.
 |
Noong Tree Planting namin sa Malabanban Ako, si Herbert, Charlene, Jonna at Ian |
 |
Reunion namin noong New Year 2011 |
Nagsimula akong mag
aral noong ako ay apat na taong gulang, marami akong binabasa sa bahay kaya’t
maaga akong naging magaling sa pagbabasa. Ipinasok ako ng mama ko sa Day Care
ngunit ang naging desisyon ng aking guro ay sa bahay nalang ako turuan dahil
ako ay isa daw matalinong bata, nangunguna daw ako sa klase. Natatandaan ko pa
noong ang aming klase ay math subject, tinatakpan ng aking guro ang mga numbers
tapos itatanong samin kung anu yon lagi ako ang nakakasagot ng tama. Hindi ko
alam habang nasago ako pinapanuod pala ako ng aking ina kung kaya’t siya tuwang
tuwa. Noong araw ding iyon napagpasyahan ng aking guro na sa bahay nalang ako
turuan dahil sa aking angking talino. Nagsimula nman akong pumasok ng grade 1
sa San Pablo Central dahil maganda daw
ang turo doon. Naroon ang aking ama pinupuntahan ako sa aking silid-aralan para
hatidan ako ng pagkain at pera. Naalala ko din na nadwende akpo sa bangbang ng
gilid ng aming silid-aralan. Araw-araw akong nilalagnat noong ako ay
pinaglalaruan ng dwende mga isang linggo bago ako gumaling. Pumasok ako ng
grade 2 sa Central pa din ngunit noong
grade 3 ay nagtransfer ako sa Sta.Rosa Laguna dahil doon na kami nanirahan.
Hanggang grade 5 na ako sa Sta.Rosa at noong grade 6 ay ang aking guro ay si
Mam Baylon sa Alaminos Elem. School pumasok ulit ako doon dahil doon na ulit
kami nanirahan. Nagkaroon ng problema ang aking mga magulang at ang kanyang
pangalawang asawa kung kaya’t sa kalagitnaan ng taon ng aking pag aaral sa
grade 6 nagpasyang umuwi na ulit kami sa Sta.Rosa Laguna, nakiusap ang aking
ina s aking guro na kung pwede pa akong itransferred sa Sta.Rosa Lag. Ngunit ang
sabi ng aking maestra hindi na daw pwede kaya’t napagdisisyunan na lamang na
tuwing araw ng pagsusulit tsaka ako pumasok, kung kaya’t tuwing exam na lamang ako pumapasok binibigyan
naman ako ng reviewer. Laking pasasalamat ko dahil naunawaan ng aking guro ang
aming problema. Pinakiusapan niya ang
aking ibang titser dahil nga sa aming problema. Nakagraduate ako ng masayang masaya kasama ang aking ina
laking pasasalamat ko sa aking guro dahil sa kanyang taglay na kabaitan.
Nagsimula ang graduation namin ng 12’oclock ng tanghali. Pinaayusan ako ng mama
ko sa parlor pati ang buhok, nakarating kami sa school ng ala-una at nagsimula
ang program. Nakuha ko ang aking diploma ng may pasasalamat sa boung taong
sumuporta sa akin lalu na sa aking ina. Umulan ng malakas nuong araw na iyon,
sabi ng mga nanay naming makukulit kasi ang magsisipagtapos ngayon. Natapos ang
aming graduation ng 5:30pm at pagkatapos kumain kami sa labas.
 |
Ako at ang aking mga pinsan noong nagswimming kame sa southpick resort |
Ipinasok ako ng
mama ko sa JZGMNHS noong ako ay 1
st year June 6, 2008 ang unang araw ng aming pasukan
maaga ako naghanda para makarating ng maaga sa eskwelahan. Ang aking guro ay si
Mrs. Marquinez, marami na agad akong nakilala mga kaibigan. Ilang buwan ding
nakalipas nagkaroon ulit kami ng problema at iyon ang naging dahilan ng aking
pagliban sa klase. Kinausap ako ng aking ina na makipag-usap sa aking guro na
ako ay kukunin na niya ako gayong siya ay nakatira sa Alaminos. Naitransfer ako
sa Alaminos National High School at naging maayos naman ang aking pag aaral
doon.
 |
Noong nagpunta kami sa EK |
Noong Abril 1,2009,
graduation ng kapatid ng kaklase kong si princess, inimbitahan nila kami ng
aking kaibigang si Jhenrose na pumunta sa bahay nila dahil may simpleng
selebrasyon. Pumunta kami ng pagabi na di naming namalayang gabi na pala dahil
sa aming kasiyahan, hindi na kami pinauwi ng ama ni princess kinabukasan nalang
daw dahil delikado sa lugar na iyon, doon nalang daw muna kami magpalipas ng
gabi. Nangangamba kami dahil alam kong hindi pwede ang gustong mangyari ng ama
nito ngunit wala kaming magawa. Yung
gabing iyon sinagot ko si Christian Jaron, ngunit noong may barkadang dumating
si Princess nagustuhan ako, nagselos si Christian dahil sweet siya sa akin pero
hindi naman, nagalit ako kay Christian ng gabing din iyon nakipag-break ako sa
kanya, tumakbo siya papuntang labas at hinabol namin siya dahil dis-oras na ng medaling
araw ng nangyari yon naisip naming baka siya makursunadahan.
 |
Ako at ang aking kapatid na si Nerrisa |
Nagkaroon kami ng
swimming batch 2008-2009 sa Garden Of Eden kasama ang 2-C at naroon din ang
pamangkin ng asawa ng aking guro na si John Carlo Furio, ang taong matagal ng
nanliligaw sakin noong araw din yun ko siya sinagot dahil napaaway siya sa
pagtatanggol sa akin.
Bakasyon na ulit
naglalaro nila Ruth,Pillar,Julie Anne,at Nina, maya-maya nakaramdam ako ng
sakit ng puson, umiyak na ako sa sakit nung ako ay umihi mayroong dugo iyak ako
ng iyak dahil natakot ako, pumunta ang kapitbahay naming dahil itatanong kung
bakit ako naiyak at nung nalaman niya meron na daw akong buwanang daloy ng dugo
o menstruation naroon din sa kwarto ko si John Carlo para icomfort ako. Naging
ok ako dahil pinaligo ako ng kapitbahay namin, nakalabing dalawang araw bago
natapos ang aking menstruation. Pagkalipas nito nagkaroon naman ako ng bulutong
ang naging dahilan ng pagkakaroon ng peklat sa aking binti.
 |
ito ang una kong minahal na si jaybee ticzon |
Pasko noon, pumunta
kami ng aking ina sa Lake na di inaasahan na malaman namin na noong Feb. 26
yumao na ang aking ama sampung araw matapos ang kanyang kaarawan. Paskong pasko
ay iyak kami ng iyak ng mama ko pinaghahanap daw kaming mag-ina sa Sta.Rosa
ngunit hindi kami makita para makapunta sa burol ng ama ko. Dalawang linggo
bago magpasukan kinausap ako ng mama ko na doon muna ako tumira sa mga tita ko
dahil nahihirapan na daw siyang pag aralin ako. Inasikaso ng mama ko ang mga
requirements ko para itransfer sa Dizon High.
 |
Si Kuya Nat, Ate Analyn, Anniel at ako noong nasa 8 waves water park and hotel kami nagbreakfast kami sa Pancake House |
 |
Ako ito :) |
Noong unang pasukan
ng aking pagiging 3
rd year high school ako ay nasa section H ang
adviser ko ay si Mrs. Omana. Una kong naging kaibigan si Jessa Buitizon siya ay
mabait at responsableng mag-aaral transferee din siya sabay kaming kumakain at
umuuwi. Isang linggo na kaming pumapasok, nagbotohan na kami ng mga magiging
officers ng aming section naging muse and escort kami ni Herbert Hernandez ang
taong sabi ng aking mga kaklase ay may crush daw sakin, siya ay may kayabangang
taglay, may girlfriend pero nangungulit sa akin.Binigyan niya ako ng sulat na
ang nilalaman pa ay puro kabaduyan, tinanggap ko naman ito dahil baka masabihan
niya ako ng suplada.Noong mga panahong iyon ay M.U pa kame no Arvin Landrito sweet kami sa isa't isa at lagi kaming magkasama. Himdi nagtagal ang aming samahan nagkailangan na kami sa isa't isa at minsan nalanag din nagkakasama. Kapag minsan hinahatid ako pauwi ni Herbert sa bagong pook.
Setyembre 8, ng kami ay nagkausap sa aming room, naging seryosohan ang aming
usapan noon dahil umuulan nagpapatila pa kami. Kinabukasan, nahuli ako ng
pinsan kong mayroon akong cellphone eto ung bagay na ayaw nila habang nag aaral
ako, napagalitan ako at umiyak ako dahil naramdaman ko na sobrang higpit nila
sakin, umalis ako para umuwi na sa mama ko. Ngayon, maayos at malaya na ako ang
naisip ko nalang aanhin ko ang yaman nila kung sobrang iistrikta naman nila .
 |
Ako at ang aking Boyfriend na si Herbert |
Dec. 23 nagtext
sakin si Herbert at nagtapat siya sakin
di naming inaasahan na magdamagan kaming magkakatext noon. Umamin siya sakin ng
kanyang nararamdaman, napakasweet niya sakin, kahit may girlfriend siya
masayang masaya daw siya kapag kasama at kausap niya ako.Natulog kami ay umaga na alas-singko
tapos nagising kami ng alas-dyis, nagkakatext pa din kami. Kinabukasan, Pasko
na, nakipagkita siya sakin sa lake kasama ang kuya niyang si Herbie. Iniintay naming
sila Arvin dahil may balak kaming magkasiyahan. Alas-otso na ng gabi ng kami ay
natapos. Hindi na ako pinauwe ng mama ko dahil galit na galit siya
sakin,binalak ko na sa binan laguna na ako umuwi sa bahay ng kapatid ko. Noong
mga oras na iyon ay si Herbert ang aking kadamay, sinamahan niya ako hanggang
kami ay pumuntang turbina doon na kami nagpalipas ng magdamag.
January 12, 2011 birthday
ni Nerissa nagpunta kami sa plasa doon ko din siya sinagot napakasweet niya
talaga sakin at alam kong mahal niya talaga ako. Feb. 25 noong may miniconcert
sa Dizon, doon naming ipinagtapat ang aming relasyon. Masayang masaya ang aming
tropa sa kanilang nalaman. March 25 noong ipinagdiwang naming ang aming 1st
monthsarry, nagpainom kami sa lake kasabay ng aming pagbibigayan ng singsing.
Kinilig anlahat sa aming ipinakita.
Nagtagal kami ng lalong tumitibay kahit na may kaunting di
pagkakaunawaan minsan, palagi man kaming nag aaway pero di kami sumusuko . Alam
naming marami talagang suliranin sa isang relasyon.
Jan. 12 2012 ang aming 1st Anniversarry kasabay
ng 49th Birthday ng mommy niya, napakasaya namin sa araw na ito.
Isinelebreyt namin ang aming anibersaryo sa prosperity kasama ang mommy niya. Close
na close na ako sa pamilya niya kaya habang tumatagal napapamahal na din ako sa
kanila.
 |
Noong aming JS Prom Ako at si Herbert |
Noong February 14, 2012 nagkaroon kami ng Junior ang Senior Promenade. Masaya naming ipinagdiwang ang araw ng mga puso. Marami pang okasyon ang dadating lalo na at nalalapit na ang aming graduation.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento