Biyernes, Pebrero 24, 2012

Ang Talambuhay ni Ian Clark Nuque Sumague

 Isa sa mga nais kong ipagpasalamat sa Panginoon ay ang mabigyan tayo  ng pagkakataong mabuhay dito sa mundo upang maranasan at maramdaman natin kung paano maging masaya at harapin ang mga hamon na nakalaan para sa atin. Kaya masasabi kong masuwerte ako dahil nabiyayaan ako ng maayos at masayang pamilya. Subalit hindi sa lahat ng panahon ay mayroong pamilyang masaya lamang ang mararanasan. Halos lahat ng pamilya ay magkakaroon ng pagsubok at problema sa buhay. Ibinigay sa atin ang mga ito ng Panginoon upang maging matatag, matapang at malakas pa tayo sa mga problemang pagdadaanan natin.




Nanay at Tatay ko
Ang aking ama na si Ricson Castillo Sumague na masipag, masikap at matiyaga na lumaki sa Sta.Maria Magdalena ay nakilala ang aking ina na si  Celia Mercado Nuque na mabait at masayahin na nagmula sa Guadalupe II-A San Pablo City. Niligawan ng aking ama ang aking ina.At sila ay nagkaroon ng mahabang taong relasyon. At sa pagdaan ng panahon napagisip-isip nila na bumuo na ng pamilya. Noong Nobyembre 15, 1992 naganap ang pinaka-espesyal na araw sa kanila yun ay ang pag-iisang dibdib nila sa harap ng Altar. Naging masaya ang okasyon na yun.


kapatid ko
Nagkaroon sila ng tatlong anak, ang panganay na si Rexcel Nuque Sumague, ang pangalawa na si Ann Tricia Nuque Sumague at ako na si Ian Clark Nuque Sumague. Sila ang aking dalawang kapatid na nakasama at nakalaro ko sa aming bahay. Ang aking kuya na si Rexcel ay ipinanganak noong Marso 21, 1993, nakapagtapos siya ng 2nd year college sa kursong “Information Technology” sa tulong ng aking mga masisipag na magulang. Siya ay isang kapatid na maaasahan sa lahat ng tulong, kapag ako ay may pagkakataong may kailangan sa kanya hindi siya nagdadalawang-isip na tulungan ako. May pagkakataong nagkakasamaan kami ng loob dahil sa asaran. Subalit nagkakaayos din naman kami. Siya ang kuya ko na kahit masyadong asar ay marunong namang magpakumbaba. Ang aking ate naman na si Ann Tricia ay ipinanganak noong Septyembre 14,1994. Nag-aaral siya sa ngayon sa DLSP sa kursong “Business Administration”. Siya ay masipag at mabait, siya ang mas naging ka-close ko kaysa sa aking kuya dahil sa kanya ko nasasabi ang mga problema ko, ang mga gusto kong sabihin tungkol sa lovelife ko, sa mga bagay na gusto kong marating sa buhay ko, kung paano namin iaahon ang aming pamilya at kung paano kami makakatulong sa aming mga magulang. Halos lahat ng sikreto ko ay nasabi ko na sa kanya. Tulad na lang nung napasali ako sa “FRATERNITY” sa kanya ko unang nasabi yun dahil ayoko pa munang malaman ng aking mga magulang. Ayokong magalit sa akin ang aking mga magulang, isang utos ng aking ama ang aking nasuway kaya natatakot akong malaman nila ito. Kung minsan din naman ay nagkakasamaan kami ng loob ng aking ate pero nagkakaayos din parang kami ng aking kuya.


si Ian Clark
 Ako naman si Ian Clark Nuque Sumague,labing-anim na taong gulang. Ipinangananak sa San Pablo City,Laguna noong Mayo 29, 1996. Lumaki ako sa pag-aalaga ng aking mga magulang kasama ng aking dalawang kapatid. Pinalaki kami ng aming mga magulang sa tama at maayos na paraan. Masuwerte ako dahil nabigyan ako ng mga magulang na masisipag at masisikap. Ang aking ama na nagtatrabaho para sa aming pamilya, nagsusumikap para makapagtapos kami ng pag-aaral. Gusto niya lahat kami ay makapagtapos, dahil ayaw niyang masira ang kinabukasan. Ang aking ina naman na nag-aalaga sa amin at tumutulong din sa aming magkakapatid para makapag-aral ay isang butihing ina. Siya ang nagturo sa amin kung gano kaimportante ang pag-aaral sa aming buhay. Halos naging strikto sila sa amin nung mga bata kami. Hindi kami masyadong pinapalabas ng aming bahay. Dahil gusto nila mag-aaral lang kami.


Nung ako ay nagsisimula ng mag-aral nung ako ay bata gusto ko nasa labas lang ng aming classroom ang nanay ko, dahil natatakot ako kapag nag-iisa lang ako, gusto ko kasi ay binabantayan niya ko. Kapag ako ay nahuhuli sa mga gawain noon ako ay umiiyak dahil ayoko ng naiiwan akong mag-isa.


Nag-aral ako ng elementary sa Guadalupe Elementary school. Nanibago ako nung ako ay elementarya na, dahil mga bago na ang  aking mga kaklase. Nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan at mga bagong kalaro. Nagkaroon ako ng interes mag-aral dahil ng matuto akong sumagot sa subject na math ay mas lalo ko pang ginalingan. Mas nag-aral akong mabuti dahil alam kong masaya ako sa ginagawa ko. Kaya ako ay naging 3rd honor sa aming klase. At dumating din naman sa akin yung panahong iyon ang pagkakaroon ng crush o paghanga sa isang babae. Kaya lalo akong ginanahan pumasok araw-araw. Napili kami ng aming guro para lumaban sa math contest. Kaya kinailangan naming mag-aral lalo ng mabuti. At nang kami ay lalaban na kinakabahan kami dahil sampung iba’t-ibang mga paaralan ang makakalaban namin. Nang mag-uumpisa na ay sinabihan ko siya ng GOODLUCK. Ngumiti siya sa akin at nagpasalamat. Makalipas ang ilang araw, dumating na ang resulta ng aming sinagutan. Kami ay pang 6th lamang. Nalungkot kami dahil 6th lang kami, pero sabi sa amin ng aming guro ay ayos lang daw iyon, kasi ginawa naman namin ang aming makakaya. Mabuti na lang daw ay hindi panghuli.


Nagkaroon kami ng MTAP iba’t-ibang school ang kasama namin. Madami kaming natutunan. Madami rin kaming naging bagong kaibigan. Nakaaway ko pa ang isa kong kaklase dahil nalaman niyang may gusto ako sa crush niya. Kaya hindi ko na lamang pinansin ang kaklase ko. Pero ng malaman kong crush din ako ng crush ko mas lalo pang lumakas ang loob ko para kausapin at lapitan siya. Kaya nagkaroon kami ng magandang pagkakaibigan. Bininigyan ko siya ng mga sulat. Siyempre mga bata pa kami nun, kaya hindi pa namin alam yung ginagawa namin.
Nung ako ay grade-3 na naging 3rd honor ulit ako, kaklase ko pa rin ang aking crush. Halos lahat na naging kaklase ko dati ay kaklase ko ulit. Kaya nung unang pasukan ay laking tuwa ko nung makita ko ulit siya, naging titser pa namin ang kanyang lola. Kaya nahihiya na kong lapitan siya non dahil baka magalit ang lola niya, pero alam pala ng kanyang lola na crush ko siya. Napasali na naman ako sa mga lalaban para sa math. Pinag-aral kami ng aming guro. At ng matapos kami sa laban ay nalaman na agad naming kinabukasan ang resulta, pang 7th kami. Nakakalungkot, dahil hindi na naman kami napasama kahit sa 3rd place. Pero ang importante ginawa namin lahat ang aming makakaya. Kapag awasan na maglalaro na kami ng basketball ng mga kaklase ko o kaya naman ay magba-bike ng magkakasama.Kapag minsan naman ay sa school kami naglalaro ng habulan o taguan.


Nung ako ay grade-4 na, nagkaroon kami ng mga bagong kaklase. Sa una hindi pa naming sila kinakausap pero ng tumagal ay naging magkakaibigan din kami. Ang bago naming kaibigan ay sinasamahan namin sa kanilang bahay, kumakain ng mga snacks,umiiinom ng softdrinks. Masayang nag-uusap, nagkukwentuhan at nakikinig ng mga kanta. Kapag nagkayayaan ay gumagala kami sa mga malalayong lugar ng sama-sama. At paminsan-minsan ay nagkokompyuter kami. Tinuruan nila ako kung paano gumamit ng computer. Kaya minsan napapagalitan kami ng aming mga magulang. Sa sobrang paglilibang sa pagkokompyuter, hindi ko namamalayan na nauubos ko na ang aking pera para lang makapag-computer. Halos dumating ako sa pagkakataong kumukuha na ako ng pera sa aking magulang. Lahat ng pera ko ay nagagastos ko sa mga pagkain, pagkokompyuter at kung anu-ano pa. May oras na nagpapagabi ako sa computer shop dahil nalilibang ako sa paglalaro. Sinundo ako ng aking tatay sa computer shop dahil gabing-gabi na ay wala pa ako, nang dumating sa bahay hinampas niya ko ng tambo, hindi ako kumaen non, dahil sa sobrang sama ng loob ko sa tatay ko. Pero nagkaayos din kami. Isang araw nahuli ako ng aking nanay na kumukuha ng pera sa kanya . Kaya pinagalitan niya ko. Sumama ang loob niya sa akin. Simula non ay hindi ko na inulit ang ginawa ko. Naging masama na pala akong anak dahil sa pansarili kong kagustuhan. Hindi din naman nasayang ang mga samahan naming magkakaibigan ,dahil kahit na sinusuway ko ang aking magulang ay nakuha ko pa ring itigil ang mga masamang nagawa ko at naging 2nd honor naman ako sa klase namin.


 At ng grade-5 kami ay panibagong mga kaklase na naman ang mga nakasama namin. Mga bagong kaklase na mayroon dalang masamang impluwensya sa amin. Dahil sila ay marunong ng magbisyo. Kagaya ng pag-iinom at paninigarilyo. Pero kahit minsan ay hindi kami tumikim non dahil alam naming masama yun. At pag-tumulad kami sa kanila ay baka mapagalitan kami ng aming magulang. Pero hindi kami nagpa-impluwensya sa mga ginagawa nila at kami ay nag-aral na lang. Nakita ng aking guro ang pagkahilig ko sa pag-guhit. At napili ako ng aming guro para sa lumaban sa drawing contest. At nakuha ko naman ang 2nd place. Natuwa ako sa naging resulta. Dahil 1st time ko lang sumali sa drawing contest. Hindi ko man nakuha ang 1st place. Pumangalawa naman ako sa naganap na contest na yun. At naging 2nd honor ako.


Nung grade-6 ako nagkaroon ako ng panibagong guro. Ang pinakaayaw kong guro dahil mataray daw sabi ng ate at kuya ko. Pero akala ko lang pala yun dahil sadya lang talaga siyang ganon pero mabait siya. Siya ay si Mrs. Perez. Siya ang nagturo sa amin kung pano maging responsable sa lahat. Kaya kung wala kaming assignment ay pinaparusahan niya kami. Kaya lagi naming ginagawa ang bawat assignment na binibigay niya. Sa kanya kami natuto ng kalinisan. Dahil gusto niya laging malinis ang kapaligiran. Nagtanim kami ng iba’t-ibang gulay. Pinapanatili naming malinis ang classroom. Nagkaroon na naman ng labanan sa drawing contest at math. Ako ang napili niya upang lumaban pero nabigo na naman ako dahil 4th lang ako sa math contest at 8th sa drawing contest. Siguro nga hindi lang para sa akin ang mga bagay na ganon. Maraming proyekto ang ginawa namin dahil kami ay magtatapos na ng elementarya. Siya ang titser na naging malapit sa amin dahil parang naging kaibigan na rin namin siya. May oras na masaya kami sa classroom at may oras din namang seryoso. Nagkaroon kami ng pagkakataon para masabi naming ang mga sama ng loob namin sa isa’t-isa kasama ang aming guro. Lahat kami ay nag-iyakan.Dahil pinaliwanag ni mam kung bakit siya ganon. Gusto niya lang na maging responsable kaming bata para naman maging maganda ang pakikisama namin sa mga taong makakasama pa namin. Pagkatapos non ay nagluto kami ng pagkaen at sabay-sabay kaming kumaen. Dumating na ang araw na magtatapos na kami ng elementarya, nakakalungkot kasi mamimis namin ang isa’t-isa. Pero natuwa din kami kasi natapos namin ang unang hakbang sa pag-aaral. Kailangan na naming maghiwa-hiwalay. Pero bago mang yari un nagkaroon muna kami ng pagsasalo para mag-celebrate.
1st year ako
Nag-aral ako ng 1st year highschool sa Col. Lauro D. Dizon National Highscool kung saan nag-tapos ang aking mga kapatid. Doon ako nagkaroon ng mga bagong kaibigan at mga kaklase. Kinabahan ako sa unang pasukan dahil wala pa akong mga kakilala at baka mataray an gaming maging guro. Halos lahat kami ay hindi pa nag-iimikan. Nakaroon din agad ako ng paboritong guro yun ay si Ms. Nuevo. Naging paborito ko siya dahil sa husay at galing niyang magturo sa math. Lahat kami ay naninibago pa. Pero nang tumagal tagal nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan. Lagi kaming sabay-sabay kumain, gumala at umuwi.Mas masaya pala ang maging highschool, pero mas masaya pa rin dati dahil masaya lang kaming naglalaro.Pero nagkaroon ako ng girlfriend 1st pa lang hindi ako alam na dadating ako sa sitwasyong iyon.Nabasa pa ng aming guro ang sulat niya para sa akin,at wala akong nagawa kundi tumahimik na lamang. Masaya lang kami non, pero naghiwalay din kami ppagkatapos ng ilang buwan, dahil sa mga bagay na hindi pa namin maiintindihan.
Nagkaroon ako ng tahi sa kaliwang kilay noong 2nd year ako,dahil sa away. Kaya pinapunta ang aking magulang sa school. Dinala ako ng aking ina sa hospital para ipatahi ang sugat ko. Nagalit ang aking ama’t ina dahil sa nangyari.At nagmahal ako ng babaeng hindi ko inaasahang makikilala ko, niligawan ko siya. Hindi ko nga alam kung sineryoso ba ko. Dahil mukang ayaw naman niya sa akin pero pumayag siyang maging girlfriend ko. Kaya ng hindi ko na natiis,dahil parang wala lang talaga sa kanya. Kaya nakipaghiwalay na lang ako. Tapos may niligawan ulit ako.Naging girlfriend ko siya. Minahal ko din naman. Ilang buwan kaming nagtagal, pero nakipaghiwalay din ako.
Furiouzo
 Napasali naman ako sa fraternity, dahil nagkayayaan kami ng mga kaklase ko. Nalaman din naman agad ito ng aking ate. At hindi rin nagtagal ay nalaman din ito ng aking ina. Pero hindi ko nalamang pinasabi sa aking ama dahil alam kong magagalit lamang siya.Ganoon pala talaga pag-highschool hindi maiiwasang maimpluwensyahan ng iba.Halos madaming beses kami napaaway. Nakaroon ulit ako ng bagong girlfriend pero niloko niya lang ako, Ilang buwan din kaming naglokohan. Pero mahal niya daw ako. Hindi ko nga rin siya maintindihan, dahil kung mahal niya ko hindi niya yun gagawin. Buti na lang mayroon akong mga kaibigan na nagpapalakas ng loob ko sa mga ganyan.


4th year
Ngayong 4th year highschool ako. Hindi ko inaasahan na magiging adviser namin ang paborito kong guro noong 1st year ako. Kaya sa unang tingin ko pa lang ay magiging maganda ang samahan naming lahat.  Nagkaroon na naman ng mga bagong kaklase. Ang iba sa amin ay hindi magkakakilala pero ang iba naman ay naging kaklase na nila nung 3rd year. Hindi ako komportable sa mga bago kong kaklase nung una. Pero nang tumagal ay nagkakasiyahan na kami at  nagkakausap na. Hindi ko namamalayan ay mayroon na naman akong minahal. Naging girlfriend ko siya ng ilang buwan. Naging masaya kami kasama ang aming mga kaibigan. Pero mauuwi din pala kami sa paghihiwalay, nang dahil lang sa pagkakamali. Sa ngayon, magkaibigan kami. Mas lalong lumalim ang pagsasamahan namin dahil nagkakaroon ang iba naming kaklase ng mga hindi pagkakaintindihan. Pero nagkakaayos din naman. Mas masaya pa pala ngayon, masaya kaming lahat, nagkakaroon ng pagkakaisa, may mga gustong guro at may ayaw din naman , magkakasama kaming tumawa at mayroon din namang pagkakataong nag-iiyakan, naging masaya kami sa lahat ng aming guro ngayon. Halos sa lahat nagkakaisa kami. Kahit na habang tumatagal ay lalong mas humihirap ang mga gawain, pero ang importante gagraduate kami lahat. At sabi nga ni Mrs. Laloon dapat walang matitira sa amin dahil dapat lahat kami ay  gagraduate. Masaya ako dahil ito ang hinding hindi ko makakalimutan sa highschool life ko. FARADAYNIANS. At sa lahat ng naging guro namin simula 1st hanggang 4th year hindi namin kayo makakalimutan. Salamat po sa inyo. Sa pagtitiyagang magturo sa amin.
My Family
Sila ang aking pamilya. Masaya at maayos na pamilya. Kami ay masayang magkakasama sa isang tahanan. Nagkukwentuhan, nagtatawanan at minsan naman ay may iyakan. Dahil minsan nagsasabay-sabay ang init ng mga ulo. Kaya minsan hindi ko rin sila maintindihan. Kapag may hindi nagustuhan ang aking mga magulang na ginawa namin ay nagagalit sila, dahil gusto ng aming mga magulang na maging maayos kami. Ang magulang namin ang nagturo ng magagandang asal at maayos na pakikitungo sa mga tao.  Sila din ang nagturo sa amin kung paano kami aangat sa buhay, sila din ang tumulong sa amin para makapag-aral. Sabi nila mas maganda na makapagtapos kami ng pag-aaral. Dahil hindi kami makakapaghanap ng magandang trabaho kung hindi kami makakapagtapos. Kaya nagsusumikap kaming makapagtapos. Kaya gagantihan namin ang kanilang ginawa para sa amin. Magtatapos kami, para kami naman ang tutulong sa kanila. Hindi ko man laging magawang maging masipag. Pero ginagawa ko naman ang lahat para hindi sila biguin sa kanilang pangarap para sa akin. Nung bata ako nagagalit ako kapag napapalo o pinagsasabihan nila ako. Pero ngayong binata na ako, naiintindihan ko na kung bakit nila ginagawa yun. Hindi dahil may galit sila sa akin kundi gusto nilang maging responsable akong bata pag lumaki na ako. Sila ang pinakamahalaga sa akin. Dahil sila ang aking pamilya. Pamilyang makakasama ko at dadamay sa aming magkakapatid.
Mirage
Dito namin nasimulan ang magandang buhay. Nagkaroon kami ng sasakyan. Ito ang pagod ng aking mga magulang. Dito ko nakita na kapag may tiyaga ka ay may nilaga. Ito ang gusto ng aking ama. Dahil mahilig siya sa mga sasakyan. Gustong niyang magkasasakyan dahil gusto niyang makita ang pinaghirapan niya at ng aking ina. Hindi man sobrang mahal ang sasakyan pero makakatulong ito sa trabaho niya o para sa emergency. Dito kami sama-samang sumasakay kung  san man kami pupunta. Napamahal na din sa amin itong sasakyan na ito. Dahil ito ang nagbigay sa amin ng pag-asa para ipagpatuloy ang takbo ng pinapangarap namin sa buhay.
My nephew
Sa hindi naming inaasahan, ang aking kuya ay nag-asawa. Nabuntis ang kanyang girlfriend. Nung una ay nagalit ako sa kanya dahil hindi muna siya nagtrabaho bago mag-asawa pero wala na naman akong magagawa dahil kagustuhan niya yon. Noong Enero 26, 2011, ipinanganak ang kanilang anak. Pinangalanan itong John Rhexcenn. Masaya ako, dahil mayroon na akong pamangkin. Maliit siya nung inilabas, pero ngayon ay malusog na. Kinuha ako para maging ninong ng aking pamangkin. Naging masaya ang  1st birthday niya dahil halos ng lahat pamilya, kaibigan nilang mag-asawa, mga ninong, at ninang ay pumunta. Ang daming regalo at pagkain. Sa ngayon ay unti-unti na siyang nagsasalita at naaalalayan na ding maglakad.
My Relatives








Binubuo kami ng masayang pamilya ng aking ina, kaming lahat ay nagkakaroon ng masasaya at maaayos na pagsasama. Nagtutulungan at nagdadamayan sa isa’t isa. Kaya masasabi naming maayos at masaya ang aming pamilya. Subalit dumadating din naman kami sa puntong may hindi nagkakaintindihan. Pero hindi rin naman pinapatagal. Sa lahat ng mga bonding namin kami ay magkakasama.  Sila ang dahilan kung bakit mayroon kaming maaayos na pamilya at maipagmamalaking pamilya. At masaya din naman sa pamilya ng aking ama. Mayroon din masasayang bonding. Minsan sama-sama kaming magsimba sa malalayong lugar. Hindi man kami nanggaling sa mayamang angkan. Pero masasabi kong mayroon kaming sariling yaman. Yun ay ang masaya naming pagsasama-sama.


Madami man tayong mga problema sa buhay, hindi pagsuko ang paraan para malutas ito.  Mas magandang umisip ng paraan para mas maging maayos at maganda pa ito. Kaya pahalagahan niyo ang buhay na ibinigay sa inyo. Kaya bawat araw na dumadaan sa akin ay hindi ako nauubusan ng oras sa aking pamilya. Dahil gusto ko silang makasama hangga’t nandyan pa sila. Yan ang aking buhay simple pero masaya.






Maraming salamat po sa pagbasa!!! :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento