Lunes, Pebrero 20, 2012

Ang Talambuhay ni Angelo Aquino


Ako po si angelo aquino ipinanganak noong march 10,1994. Ako po ay nakatira sa #786 brgy. concepcion San Pablo City Laguna. Ang aking ina ay si Josephine Aquino ipinanganak noong december 31, 1964 at ang aking ama ay si Arnulfo Aquino. Ipinanganak noong October 15, 1969. Kami po ay apat na magkakapatid ang panganay ay si Arianne Joy Aquino. Ipinanganak noong october 11, 1992 . Ang pangatlo ko po kapatid ay si John Albert Aquino. Ipinanganak noong april 23, 1999 at ang bunso ko po kapaitd ay si Joseph Aquino Ipinanganak noong june 4, 2000.Ako po ay nag-aral nung elementary sa Guerilla Elementary School simula kinder hanggang grade 6. Ang teacher ko po nung ako ay grade 1 ay si mam. Josue siya po ay retired na ngayon sa pag tuturo. Ang teacher ko naman poh sa grade 2 ay sa mam. Ona siya poh ay isang matandang dalagang teacher na retired na din sitya sa pag tuturo. Ang teacher ko po nung grade 3 ay si mam. Suelto para sakin siya po ang pinakamabait q teacher kasi pinatawad niya poh aq sa nagawa ko kasalanan ko sa kanya.Siya po ay nagtutuo pa din poh hanggang nagyon sa aming school . Ang kanyang tinuturuan ngaun ay grade 2 students. Ang teacher ko po nung grade 4 ay si mam. Yani. Siya po ay isang magandang babae na mataray at nananakit ng kanyang estudyante kapag nakagawa ng kasalanan sa kanya at hanggang ngaun ay nagtuturo pa din siya sa grade 4. Ang teacher ko po nung grade 5 ay si mam. Aro siya po ay mabait at mataray minsan hanggang ngayan ay nagtuturo pa din siya sa school namin at ang kanyang tinuturuan ay grade 5 at ang tyeacher ko nung grade 6 ay si mam. Ciolo mabait din siya na teacher ko nung ako ay grade 6.


Nunag ako po ay timuntong ng 1st year ang naging adviser ko po ay si mam. Tolentino siya naman poh ang pinakamabait ko teacher nung ako ay naging high schol. siya ay isang english teacher at napaka galing niya magturo. Ang naging adviser ko nung ako ay 2nd year ay si mam. Delos Angeles. Siya po ay napaka taray n teacher ko sa science pero hindi siya nananakit ng estudyante kahit na mataray siya ay mahal na mahal namin siya at saka ang galing niya magturo ng lessons s science. Ang adviser ko nung unang 3rd year ko ay si sir. Gutierez siya po ay isang MAPEH teacher na matangkad na lalake at nagtuturo ng iba't ibang kaalaman sa MAPEH lalo na sa health.Ang adviser ko nung ikalawang 3rd year ko ay si sir. Esquivias siya po ay T.L.E teacher siya poh ay magaling magturo ng electronics sa mga estudyante at napakagaling niya sa chess.At ang adviser ko ng 4th year ay si mam. Laloon siya po ay isang math teacher siya naman ay sabrang galing magturo ng math at ipinapaliwanag talaga sa estudyante ang mga mahihirap na lessons niya.


Ako po ay nagkaroon ng girl friend ang pangalan niya ay Glaiza Pangilinan. Kami po ay nagkakilala sa online game na Grand Chase at nung nagkakilala po kami ay lagi ko n siya tinutulungan sa kanyang mission sa Grand Chase at naging txt mate kami at dumating sa puntong nag aminan na kami dalawa noong december 15, 2011 .At naging maganda kinalabasan ng aming pagmamahaan at tumagal ang aming relasyon ng dalawang buwan lamang kasi nagkaroon kami ng hindi pagkakaintindihan na humantong sa paghihiwalay naming dalawa. Nung araw ng mga puso ay nagkaroon kami ng junior senior prom na ginanap sa San Pablo central gym na ang theme ay Victorian Party. Kami poh buong section ay magkakasama sa table ay lagi kami nag pipicturan sa aming table at masasabi ko na pinakamasayang araw ko dahil nakasayaw ko ang dati ko crush na si Risa Fraulein Villapando nung isinayaw ko siya ay kabadong- kabado ako at nung nakausap ko n siya habang nagsasayaw kami ay hindi ko siya matingnan ng diretso sa mata kasi nahihiya ako.Malapit na ang aming graduation sana maga graduate kamina buong 4-Faraday.


Ang aking ama ay maliit, masipag, mapagmahal, at maalahanin. Ang aking ina ay mas matangkad sa aking ama, mapagmahal din at masipag, at maputi. Ang aking kapatid na babaae ay matalino, medyo tomboy, at siya ay nagtatrabaho ngayon sa Sta.Rosa Laguna, at hindi siya nakapagtapos ng college dahil sa mahal ng tuition niya. Ako naman ay mabait, masipag, mapagmahal, at may hitsura at nag-aaral ngayon sa Col. Lauro D.Dizon Memorial National High School bilang 4th year student. Ang sunod sa akin n aking kapatid ay marunong magmaneho ng tricycle, oblong ang ulo, at pogi daw siya. Ang bunso ko kapatid ay may hitsura din, at medyo makulit. Ang aking kapatid n babae at ang sunod sakin na kapatid ko ay mana sa aming ama na matigas ang buhok at maliit at ako at ang bunso ko kapatid ay mana sa aming ina na matangkad.


Bago sumapit ang aming christmas party ay nakaisip ang aming president na si Jhuncel Deriquito  ng contest na ang pamagat at BEBOT Ms. Faradarnianz 2012 at pinasali ako ng mga kaklase ko dun sa event na yun ay nag praktis kami ng sayaw na ang kanta ay fireworks. Nung kami ay nag papraktis ng sayaw ang aming choreographer ay si Charlene Cruz siya ang nagturo sa amin ng steps ng kantang fireworks. Nung dumating na ang araw ng aming christmas party ay hindi ako nakasali kasi wala ako damit na isusuot sa contest na yun. Pero nakisaya din ako sa party namin kahit hindi ako kasali sa contest at least hindi na ako mapapahiya nun siguro kung nagkataong kasali ako dun sigurado ako na pagtatawanan at magsisigawan sila kapag ako ay rumampa na at siguro kabadong kabado ako kasi first time ko sana sumali sa event na yun. Ang binili ko para sa nabunot kong kaklase na si Ma. Nikka Krista Aytona ay isang pitaka na 50 pesos. At ang judges sa BEBOT Ms. Faradaynianz 2012 ay sina Mr. Jasper Del Valle, Ms. Rainzel Atienza, Mr. Marcial Villanueva, Mrs. Carmen Aquino, at ang aming adviser na si Mrs. Janice Laloon. Ang mag contestant ay sina Junnel De Chavez, Glen Mark Exconde, Ian Clark Sumague, El Claud, Alexis Paolo Barrios at si Ivan Christian Padilla. Nung nagsimula na ang contest ay isa isang nagsilabasan ang mga kandidata ng BEBOT Ms. Faradaynianz 2012 ay sigawan palakpakan at meron pang nag picturan. At nang natapos na ang pagrampa ng mga kandidata ay nagsimila na ang kanilang talent portion ang bawat kandidata ay nagpakita ng angking husay sa kanilang talento at nang matapos ang talent portion ay nagsimula na ng question and answer portion ang lahat ng kandidata ay sumagot sa tanong na "bakit ikaw ang karapat dapat na maging BEBOT Ms. Faradaynianz 2012" at ang lahat ng kandidata at nagpakita ng angking galing sa pagsagot sa tanong. At nung i-anounce na ang nanalo sa BEBOT Ms. Faradaynianz 2012 ay kabado ang lahat ng kandidata at ang nanalo ay si............... Junnel De Chavez nagkamit siya ng 100 pesos cash. Nung natapos na ang contest ay kumain na kami. Ang kinain namin at spaghetti, sandwich, juice at gulaman.Siguro ako na yata ang pinakamalas na nakakuha sa exchange gift kasi ang ibinigay sa akin ni Ian Clark Sumague ay isang toothbrush at isang puting panyo ang pakiramdam ko nun sa sarili ko ang malas ko kasi yun lang ang nakuha ko at nung araw ng aming christmas party ay nasira ang aking sapatos,  pero ang christmas party na ito ang pinakamasayang christmas party ko kasi ngayon ako naka experience ng ganun event sa buong buhay ko.

Nung araw ng mga puso ay naganap ang aming Junior Senoir prom na dinaluhan ng napakadaming mag aaral ng Col Lauro D. Dizon Memmorial National High School. Ang Junior Senior prom ay naganap sa San Pablo Central Gym at ang theme ng aming prom ay Victorian Party. Ang aming suot ng mga lalaki ay coat ang tie at sa mga babae naman ay cocktail or long gown. Ang aming kinain noong Valentines day ay rice, chicken, pork, at para sa desert ay fruit salad. Nung nag umpisa na ang event ay rumampa ang lahat ng candidates ng bawat section. Ang representative ng aming section ay si Jonna Mae Sahagun at si Ian Clark Sumague. Bago kami nakapag sayaw ng babae ay nagkaroon muna ng picture taking ng lahat ng dumalo sa Junior Senior prom at saka nag party muna kami sa dance floor na ang kanta ay fresh like dougie, teach me how to dougie na ang sumayaw ay si Leobert Culla. Lahat ay napatawa sa sayaw ni Leobert Culla at wala ni isa ang naghamon na makipag showdown sa kanya. At nung oras na nang sayawan ay nagkuhanan agad sila ng maisasayaw nila at ang aking first dance ko ay si Christine Castillano ng 4- Curie at ang aking last dance ay si Lea Grace Jamesula.

 March 8, 2012 nang sumali ako sa clan na the cutest and hottest ever society clan or TCHESC clan na ang aming founder ay si Jhuncel Deriquito at nakakilala ako ng mga bagong kaibigan sa pagsali ko sa clan at masaya ako kasi naing bahagi ako ng clan ni Jhuncel. Nung una ay nahihya pa ako nakipagkilala sa ibang ka clan namin kasi baka mataray sila pero nagkamali ako ang babait pala ng mga ka clan namin pero nung unang EB ko ay sobrang nakakatakot kasi nag away ang mga ang iba namin ka clan dahil na din sa sobrang kalasingan nila. Ang venue namin nung unang EB namin ay San Nicolas nung una ay nagpaiwan ako at ako ay sununod na lang sa kanila pero hindi ko alam ang bahay ng ka clan namin kaya nag antay ako sa HONDA at buti na lang ay may sumundo sa akin na ka clan ko at isinama ako sa venue. Nung ikalawang EB ko ay sa Sta. Monica naman ang aming venue katulad nung uinang venue ay nag inuman din sila pero umuwi ako agad.


March 10, 2012 ang aking ika- 18 taon gulang. Ang aking kaarawan ay simple lang nag luto ng pansit bumili ng cake at ipinamahagi ang aking handa sa mga kapit bahay namin at nung hapon ay nag computer ako at naglaro ng idate kasama ang mahal ko na si Glaiza Pangilinan. At nung araw na yun ay may naka away kami sa idate isang lalaking manyak at binabastos niya ang girl friend ko at wala siya respeto sa babae at kung makita ko siya sa personal bubugbugin ko siya dahil sa pambabastos niya sa girl friend ko. Akala ko nung una ay magiging masaya ang birth day ko peo hindi ako naging masaya kasi nagalit sa akin ang girl friend ko dahil na din sa kakulitan ko pero napatawad niya ako sa pag hingi ko ng tawad sa kanya at kahit papaano ay naging masaya ako sa birth day ko kasi nakasama ko ang mahal ko kahit sa online game lang.



Nakilala ko si Nicole Toneza siya ay nakilala ko sa online game na Grand Chase nagkakilala kami kasi tinulungan ko siya sa quest niya at nakipag kaibigan ako sa kanya at nakipag couple siya sa akin sa Grand Chase at ini add ko siya sa facebook.... grabe ang cute niya nakaka inlove ang mukha niya kung pede ko lang na ligawan siya ay gagawin ko pero long distance kami at nagkaka usap kami ng dahil sa Grand Chase at facebook at ang kanyang kaibigan na si Szhia. Siya ang unang ini add ko sa facebook at nakipag laban sa akin sa tetris..... humanga ako sa kanya kasi ang galing niya mglaro ng tetris at tinalo din niya ako sa Grand Chase..... super galing niya. Ang tawagan namin ni Szhia ay thartz at ang tawagan namin ni Nicole at yam. Ang sarap kasama nilang dalawa kasi hidi ako nabobored na kasama sila kasi ang sarap nila kasama at napaka masayahin nila.


Dito na poh nagtatapos ang aking talambuhay sana nasiyahan kayo sa pagbabasa ng aking munting talambuhay at maraming salamat sa lahat ng naging kaibigan ko, sa mga kaklase ko, sa ka clan ko at kay Glaiza, Angelica, Szhia, Nicole, Darlene, Trixie, at Trishalyn silang lahat ang naging inspirasyon ko.......... THANK TO ALL OF YOU masaya ako at nakilala ko kau lahat at naging part na kau ng buhay ko......




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento