 |
ako toh si fatima joyce |
Ako nga po si Fatima Joyce Garcia Abellano.Sa palayaw at katawagang Fati or Fatima. Ipinanganak
ako noong Dec.25, 1995 at isinilang ako sa San Pablo City.Ang aking ina na si
Eleonor Abellano ay nag iisang nagsisikap at nag aaruga sa amin ng aking
kapatid, para makapagtapos kami ng aming pag aaral ginagawa niya ang lahat sa
abot ng kanyang mkakaya dahil ang aking ama na si Charlie Abellano ay hindi
kami sinisustentuhan at hindi na din kami iniintindi kahit kamustahin kami
hindi din!! 2 yrs.old pa lang ako ang aking ina at ama ay hiwalay na po agad kaya
nkakalungkot isipin na lumaki kami ng aking kapatid na hiwalay ang aking mga
magulang. Ako ay nakapagtapos ng elementarya sa San Pablo Central School doon ako natutong magsumikap at mag aral talaga ng mabuti! Sa Central na
din po ako nagtapos ng aking kinder .. nung padating na ang nalalapit kong pagtatapos
o “graduation” ng grade 6, ako naman ay naging masaya dahil nakaraos at nakapag
tapos na din po ako ng elementarya at naging masaya din ako at isa sa hindi ko
makakalimutang pangyayari ay ang mga pinagdaanan ko noong ako ay elementarya. Dumating
na ang bakasyon at masaya ako dahil lagi kong kasama ang aking mga kaibigan. Natutuwa
ako at mararanasan ko na din ang High School Life at excited na din akong mag 1
st
year at syempre ang makapagtapos ako ng aking pag aaral. Gusto ko na kasing
makahanap at magkaroon ng magandang trabaho!
 |
ang aking ina(eleonor abellano) |
Balikan po
natin yung elementary ako, noong ako po ay kinder ako ay hindi nakaakyat ng stage sa kadahilanan pong ang aking ina ay
nasa trabaho at may seminar po hindi siya nakauwi noong araw ng graduation ko. Ako
po ay naging malungkot noong araw na yon, ako po ay umiiyak noon. Noong ako ay
grade 1 naman po ako ay hindi naging
masaya dahil ang aking guro ay nananakit at napakataray po. Nanunusok din po
siya ng bolpen at laging galit sa akin. Na experience kop o talaga ditto ang
takot at lagging pangangatal sa tuwing siya ang aking guro. Hindi din naman po
pumayag ang aking lola at lolo pati na din po ang aking ina sila po ay
nagreklamo at ginawa po nila ang lahat para mapatalsik ang aking gurong ito sa
kanyang posisyon pero wala pa din silang nagawa dahil ang principal sa mga
panahong iyon ay ninang niya sa kasal. Ito po talaga ang masamang nangyari sa
akin noong ako ay grade 1.
Noong ako
naman po ay grade 2 hanggang grade 3 nanging masaya naman po ako dahil ang akin
pong guro ay naging mabait naman po sila sa akin at napakisamahan ko din po
sila ng ayos. Mabuti at maayos naman po kasi silang nakisama sa akin, kaya
sinuklian ko lang yung kabutihan nila sa akin.. noong ako naman po ay nasa
grade 4, naging malungkot din po ako pero may araw at oras naman po akong
masaya. Kaya po ako naging malungkot dahil ang akin pong magulang o guardian ay
lagging pinapatawag sa kadahilanan pong
nananakit daw po ako ng aking kaklase pero hindi naman po, dahil sila po ang
una! Noong ako naman po ay grade 5 naging masaya din naman po ako dahil mabait
at naging responsable po talaga ang aking mga guro sa akin pati nakasama din po ako sa fieldtrip, noong ako ay grade 5
lang po ako nakasama sa ganitong kasiyahan dahil na din po sa aming kahirapan at kailangan ko pong
intindihin ang aking ina dahil siya lang din naman po mag isa ang nag papaaral
sa amin ng aking kapatid. Dumating na din po ang pinaka iintay ko sa lahat ay
ang pagiging grade 6 ko at ito na yung oras para ako ay makapagtapos ng
elementary..! Naging masaya ang aking pagtatapos dahil ginawa ang lahat ng
aking ina para ibigay sa akin ang aking gusto, march 27,2007 ako nakaranas
umakyat ng stage at ito na ang pagtatapos ko ng elementary. Kinabukasan nagsaya
kami at ibinigaylahat sa akin ng aking ina at kami ay nagswimming kasama ko ang
aking mga kaibigan pati po mga pinsan ko at ang iba ko na din pong kamag anak. Maghapon
po kaming nagsaya, at naging masaya naman po ako gawa po ng aking ina. Malaking
pasalamat po talaga ako sa aking ina dahil kahit po matigas ang ulo naming ng
aking kapatid ay hindi siya nagsasawang sumuporta sa aming mga pangangailangan
at pinalaki niya po kami ng maayos kahit hindi po kumpleto ang aming pamilya at
ang kulang pa po sa amin ay ang aking ama at siya ang dapat na nagtatrabaho
dahil siya ang padre de pamilya, sobrang nakakalungkot po talagang isipin kapag
pinag uusapan pa talaga ang mga pamilya ako ay nalulungkot at naiiyak. Gagawin ko
po ang lahat at pag aayusin kong mabuti ang aking pag aaral para makatulong po
ako sa aking pinakamamahal kong ina. Hanggang sa nagbakasyon na po kami at
noong bakasyon masaya ako na lagi kong kasama ang aking mga kaibigan sa
kasiyahan o ang pag sswimming naming lagi. Isa din po sa nagbibigay sa akin ng
kasiyahan ay ang aking mga kaibigan na walang sawang tumulong sa akin tuwing
ako ay may problema. Na enjoy ko din naman po ang aking bakasyon. Excited na
akong magpasukan para ma experience ko na ang High School Life!!!
Dumating na
ang pasukan at ako ay 1st year na, 1st day of school may
naging kaibigan na po ako dahil ayokong
mag isa at walang kaibigan kaya nakipagkilala nap o agad ako at hanggang sa
buong taon ng aking 1st year lagi ko na po siyang kasama at kami na
pong dalawa ang naging magkaibigan. Masaya po ako noong kami ay laging
magkasama, nagkaroon din naman po ako ng malaking tiwala sa kanya at
pinakisamahan niya din po ako ng maayos kaya sinuklian ko ang kanyang magandang
ginawa sa akin at nagawa sa akin. Mabait din naman po akong kaibigan kung
mabait sa akin yung aking kaibigan mas mabait ako sa kanila pero kung hindi
sila ganon sa akin sorry! Mga friends
hindi ako magiging mabait sa inyo.
Noong ako ay 2
nd-3
rd
high school, naging masaya din naman po ako. Nung ako ay naging high school na
experience ko ang lahat ng aking kasiyahan. Isa na rin po sa kasiyahang ito ay
ang pagdalo ko sa mga activities at mga party, masaya po ako dahil ang akin
pong ina ay hindi po mahigpit sa akin at lagi po akong pinapayagan sa tuwing
may mga ganitong kasiyahan o gaganapin dahil ayaw niya daw po maranasan ko ang
naranasan niya nung siya ay high school
o kabataang tulad ko. Naisip ko din po na swerte na din ang tulad ko
dahil hindi ako nakakaranas o hindi nararanasan ang pagtitinda o pagtatrabaho
kasabay ng aking pag aaral at ako po ay nakakapag aral ng maayos hindi po
katulad nung ibang kabataan at mga bata ay hindi po sila nakakaranas ng pag
aaral o edukasyon dahil na din pos a kahirapan nila at kulang din sa mga pangangailangan.
Ginagawa din po kasi ng aking ina ang lahat ng kaya niyang gawin para lang po
makapagtapos kami ng aking kapatid ng pag aaral kaya kailangan ko talagang
pagbutihin ang aking pag aaral at makapagtapos ako ng maayos. Ito nap o ang
pinakamasaya kong year sa aking high school ang pagiging estudyante kop o bilang 4
th year .Dito po ako naging
masaya ng sobra sobra dahil pos a aking madaming naging kaibigan at nakilala ko
po ang mababait kong TROPA at wala ding sawang magbigay ng lakas ng loob sa
akin tuwing ako ay may problema lalo nap
o noong ako ay nagkasakit ng UTI. Wala po sila sawang suporta sa akin at
pagbibigay ng lakas ng loob sa akin, lahat naman po ng kaklase ko buong
4faraday lagi silang andyan para sa akin kasi po noong ako ay nagkasakit ng UTI
1week po akong nka confine malala po kasi talaga ang UTI ko. Nung sinabi po ng doctor
na nahagip na po right kidney ko, iyak na iyak po ang aking ina hindi niya po
alam ang gagawin niya. Ang mga kaklase ko ay nag iyakan din po at naging
malungkot silang lahat dahil po sa nalaman nila tungkol sa akin.! Nakakataba din
naman po pala ng puso na marami din po palang nagmamahal sa akin. Bakit po kaya
ganon sa tuwing may sakit o may taning na ang buhay ng isang tao at mahal na mahal
mo pa sa buhay tsaka nalalaman ang kahalagahan ng isang tao? Ito naman po ang
pinakamalungkot na nangyari sa akin ngayong 4
th year po ako.. at isa
pa din pos a pinakamalungkot na nangyari sa akin ay yung nawala o namatay po
ang aking lola dahil po sa kanyang sakit ilang buwan din po siyang lumaban at
nahirapan. Bago po siya mawala naalagaan ko pa po siya, ang hirap po para sa
akin ang mawalan ako ng isang lola dahil siya po ang nagpalaki sa amin ng aking
kapatid at hindi niya po kami pinapabayaan sa tuwing may problema din po ang
aking ina siya lang po ang nag iisang natulong sa aking ina kaya nung nawala po
siya ang hirap hirap po. Ngayong 4
th year din po ako nakaranas ng
pagtitiis at sobrang pagtitipid dahil nagkaroon po ng malaking problema ang
aking ina kaya hangga’t kayak o pong magtiis at intindihin ang aking ina
ginagawa ko po.
 |
Gabi ng Prom |
 |
Ang aking mga Kaibigan |
 |
Ang aming butihing tagapayo |
 |
Ako at ang aking kaklase |
Ikuwento ko
na din po pala yung nangyari sa aming magkakaklase nung nakaraang js. Naging masaya
naman po ako noong js namin dahil nagawa ko po ang lahat ng gusto kong gawin at
syempre masaya po talaga ako gawa ng aking mga TROPA.. natutuwa din po ako
dahil medyo madami pong nagsayaw sa akin at karamihan sa nagsayaw sa akin ay
mga kaibiagan ko at yung mga dati kong kaklase. Dito na po nagtatapos ang aking
talambuhay na minsan masaya at may malungkot din ..
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento