![]() |
Soriano Family |
![]() |
Adrian Bermijiso |
![]() |
Ivy and Ericson Caristea |
Ako ay hindi pumasok bilang day care student.noong ako ay anim na taon ay,pumasok ako nang kinder,pangarap ko noong maging teacher.Nagkinder ako at nagelementarya sa eskwelahan ng aming barangay, Sa San Diego Elementary School masaya ang aking elementary days.Naging kalaro ko ang aming mga kapit bahay at ang mga kaklase ko noon.Tuwing walangt pasok lagi kami nglalaro pero ngayon lagi na akong nasa bahay.
Ako ay naghayskul sa paaralang ng Col.Lauro D. Dizon Memorial National High School,kung saan ako nag-aaral sa ikaapat na antas ng hayskul.Noong unang pasukan sa unang antas ako talaga'y kinakabahan dahil unang taon.Hinatid pa ako noon ng aking pangalawang kapatid n c Ivy,na noon ay nasa ikaapat na antas ng hayskul.Ayoko pa sana mag paiwan ngunit hindi maari dahil may klase din siya noong araw na iyon,salamat na lang din,dahil may nakilala ako agad ngunit may kaunting kaba pa rin.pero ng malaman ko kaklase ko si Senica Sedino at Teodelene Mercado natuwa naman ako.Sila kasi ay kaklase ko noong ako ay nasa ika-anim na baitang ng elementarya lagi kami magkakasabay sa reses,sa lunch break at pati sa uwian namin at habang tumatagal marami na akong nagiging ka-close.Natatandaan ko pa nga na nagswimmin.g kami sa Boying Resort,kasama sina Evangeline,Teodelene,.Precious,Rona at ako.Naging masaya ang araw na iyon kahit maunti lamang kami.
Nakilala ko rin noong ako'y nasa unang antas ng hayskul c Sarah Faith E. Zoleta,siya ay matalik na kaibigan noon ni Precious.Siya ay isa na sa matalik kong kaibigan ngayon.
Noong nasa ikalawang antas na ako ng hayskul.Nang unang pasukan pa lang,konti nalang ang kaba ko.Salamat at section D pa rin ako,natuwa rin ako ng malaman kong kaklase ko pa rin sina Sarah.Pero napahiwalay sa amin si Teodelene,naging kaklase na din namin ang pinsan ni Senica na si Allen Irish.Sa mga nagdaang araw may mga naging ka-close na rin kami.At naging kaibigan,na araw-araw na naming nakakasama.Naging siyam kaming magkakaibigan ,kabilang si Ate Ella,Sharmaine,Senica,Sarah,Allen,Abby,Jhamaica,Jocel Aira at ako.Noong ika-12 ng Oktubre 2010 ,nagsimula ang aming pagsasamahan bilang chicoolet'z.Na naging Presidente rin ng aming klase,si Ate Ella pero napalitan siya dahil sa may kasalan siyan ginawa.Ngunit isang araw bigla na lamang sinabi ni Jocel Aira na itatransfer siya ng kanyang ina sa ibang eskwelahan.Doon na siya titira sa kanyang tita at doon na rin magpapatuloy ng pag-aaral.Naging malungkot rin kami,pero kahit nabawasan ng isa naging masaya pa rin kami.
Maliban sa Chicoolet'z,meron ding ibang magkakaibigan na may pangalan,ang Mamen,Salawer'z,Ungos,Wafakel'Z at Windanger'z.May mga alitan nangyari pero naayos din aman at agad nagkaintindihan.Medyo maingay minsan kaya napapagalitan kami.
Nasa ikatlong taon na ako ng hayskul.Naging masaya ulit ako dahil kaklase ko ulit ang mga kaibigan ko,pero isa na naman ang napahiwalay sa amin.Dahil naiba ang seksyon nya,si Jhamaica ay seksyon C at kaming pito ay section D pa rin.Pero masaya kami para sa kanya dahil napataas siya ng seksyon.At alam din namin na gusto nya mapataas.pero kahit iba na ang seksyon nya,lagi din kamin g napunta sa room nya.Lagi kaming ngababatian tuwing magkakasalubong kami.Wala kaming pagkakataon magkasama-sama,dahil iba ang schedule nya sa amin.
![]() |
Christine,Maine,Sen,Julie and allen |
First time din namin na mag junior-senior high prom dahil 3rd-year na kami.halos lahat kami sa room ay kasama,maraming nagagalak at masaya.Hawaiian noon ang tema ng junior-senior prom.Masaya ako noong gabing iyon dahil ang unang nagsayaw sa akin ay ang aking hinahangaan.
![]() |
Pau,Julie,Yhel and Ela |
Nagilat kami nina Sarah ng nakarating sa amin ang balita na buntis na si Sharmaine.Pero kahit buntis sya ay irregular siyang napasok sa school,upang kumuha ng mga xerox at lessons upang makagraduate.Minsan na rin naming nabisita si Sharmaine.At si ate Ella naman noon ay hindi pumapasok,nag-aalala din kami.Bigla nalang sinabi ni Jhona na nag text sa kanya ang pinsan ni Ate Ella,titigil na daw ito sa pagpasok.Di nga namin alam ang dahilan at gusto din nmin malaman.Samantalang ang iba kong kaibigan ayun busy at ganun din kami.Kaya walang oras para magkasama-sama muli.Noong nabalitaan namin na nanganak si Sharmaine,nagdesisyon silang bumisita muli pero di kami nakasama ni Sarah,dahil noong araw na iyon masakit ang aking mga paa at si Sarah ay uuwi ng maaga.Nagdesisyon kami ni Sarah na sa ibang araw nalang bumisita.
![]() |
Ela,Pau,Sarah,Yhel ang Julie |
Naging masaya ang naganap naming Christmas party sa aming classroom.Nagkaroon kami ng Ms.Faradaynians bebot 2012.at ang mga kalahok ay sina Glen Exconde,El Cloud,Ian Sumague,Alexis Barrios,Ivan Padilla at Junnel De Chavez pati si Angelo Aquino.At ang nagwagi ay si Junnel De Chavez.Nagpick-up lines din si Exconde at Barrios.Sumayaw din ang iba sa mga kamag-aaral.Ang grupo ay di nakasayaw dahil naiwan ng isang kagrupo namin ang cd.
Naging masaya din ang pasko at bagong taon naming pamilya,kahit wala ang aming ama dahil nasa kanyang trabaho ngunit kinabukasan din ay nandito siya.Taon-taon ay may ginaganap kaming Reunion o Christmas party sa aming compound kasama ang kamag-anak ng aking ama.At ngayong taon sa amin ginananap ang aming Christmas Reunion medyo maraming di nakapunta pero ayos lang,dahil napakasaya namin ng araw na iyon napuyat pa nga kami dahil gabi n ito natapos.
![]() |
4-faraday |
![]() |
4-faraday w/Mrs Laluon |
Noong ika-17 ng pebrero ay lumahok sa patimpalak sa telibisyon na showtime ang aming mga school mates sa dizon high.Ni-represent nila ang lunsod ng San PAblo.Di kami pumunta sa Pamana Hall noong araw na iyon,dahil ang unang antas at ikalawang antas lamang ang pinayagan.Kaya nanood na lang kami sa cellphone ng aking kaibigan.Sobrang saya namin nuing nalaman namin nanalo sila pasok sila sa weekly finals.At nung ika-18 ng pebrero 2012 ay lumaban ulit sila kami naman ang nanood sa pamana hall at ang saya ng manalo at makapasok sa monthly finals.
Marami kaming proyekto ngayon sa ibat-ibang subject,kaya unti-unti kong ginagawa ang aking proyekto para di ako mahuli sa deadline.Marami din kaming bayarin ngayon,naunti-unti ko na ring binabayaran para hindi masyadong malaki ang babayaran.
![]() |
4-Faraday w/sir Marfori |
Nag-iisip pa rin nga ako kung ano ang kurso na magandang kuninHinahayaan naman ako ng magulang ko na magdesisyon kung ano ang gusto ko.Gusto ko noon ay Psychology .Pero ngayon parang gusto kong magteacher.KAsi noong bata ako gusto ko talaga iyon.
Sana makapasa kami sa aming semi-finals,finals,NAT at makapagpasa ng mga proyekto at requirements upang wala kaming maging problema. Palapit na ng palapit ang araw ng graduation namin sana lahat kami ay makatapos.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento