Miyerkules, Pebrero 22, 2012

   Ang  Talambuhay  ni  Pria May Samia. Barcelona                              




 Ako si Pria May S .Barcelon labing limang taong gulang.Nakatira  sa BRGY. IV-E  BARLETA SUBDIVISION SAN PABLO CITY.Isinilang ako noong Agosto 3, 1996 at ipinanganak ako sa BRGY. STA. MONICA  S.P.C.At may dalawa akong kapatid sila ay sina Princess Joy S. Barcelon at si Arryu S. Barcelon.Isinilang ang ate ko ay noong Hulyo 7, 1994 at ang bunso kong kapatid naman ay noong Hulyo 21, 2007. Ang mga magulang ko ay sina Maribel H. Barcelon at si Rogelio M. Barcelon.Isinilang ang ina ko ay noong Marso 18, 1973 at ang ama ko naman ay isinilang noong Enero 14,1967.Ang trabaho ng tatay ko ay isang trycycle driver lng at ang ina ko naman ay sa bahay lamang.Ang ina ko ay panganay sa lahat  na magkakapatid, sila ay sampung magkakapatid at ang tatay ko naman ay pangatlo sa magkakapatid at apat silang magkakapatid .Nakapagtapos Ako Elementarya sa Bagong Lipunan Elementary School una hanggang ika anim na baitang. Nung ako ay nasa ikatlong baitang ang naging guro ko ay si mrs. isleta dito nakaranas ako ng palo sa palad dahil sa hindi ako nakikinig sa kanya . At nung ako naman ay nasa ikaapat na baitang ang naging guro ko naman ay si Mrs.Abutan siya ay isang dalaga at siya yung naging paburito kong guro sa elementarya.Di niya ugali na magalit sa amen . Nung nasa ikalimang baitang  ako ang naging guro ko naman ay si Mrs.Avenido siya naman yung nakapansin  sa aking taling .Gustong-gusto nia yung taling ko. At nung nasa ika-anim na baitang na ko dito ay naging guro ko ay si Mrs. Mitra siya yung napakataray ko namang  na naging guro nung ako ay elementarya.Siya rin yung naging guro ko na nagbigay sa aken ng mababang marka sa mathematics at english .Pero sa bandang huli pinasa pa rin ako, at nung malapit na ang graduation lalo akong nagpwersige na mag-aral. At nung graduation na ay masayang-masaya ako. Nagkaroon din naman kame ng kunting handa.May naging kaibigan ako siya ay si Romarie Untalan ,siya  yung kaibigan kong  naging mabait sa aken at  siya yung naging kaklase ko siya mula ikatlo hanggang ika-anim na baitang.Dati nakatira kame sa BRGY. STA. MONICA ,pero nagkaproblema dahil kailangan na daw umalis ang mga nakatira dito kaya nagpasya na ang mga magulang na umalis sa lugar na ito.




MAMA KO ITO




Eto ang mama ko nung bente-anyos siya.Ang mama ko ay nakatira sa occ.mindoro,isinilang siya noong Marso 18,1973.Masaya ako dahil naging ina ko siya ,at marami akong natutunan sa kanya.Napakabuti niyang ina para sa amen.Kahit minsan di ko sinusunod ang mga utos niya ay di siya nagagalit sa akin.Nagpapasalamat talaga ako na binigyan ako ng inang mag-aaruga para sa amen.




ANG AKING BUNSONG KAPATID




Eto ang aking kapatid siya ay apat na taong gulang na ngayon..Dahil ako ay nasundan ay labing-isang taon ako noon.Siya yung naging pangalawang buhay ng aking ina dahil ipinagbubuntis siya ng aking ina ay may sakit ito sa puso.Sa awa ng diyos nakaligtas ang aking ina sa panganib at dahil sa kanya lang kasi nahirapan ang aking ina sa panganganak.Kaya naman mahal namahal ko ang aking kapatid..




TITA JANE KO ITO


Marami na rin kaming pinag samahan, minsan napunta ako sa kanila para mag-sabi lang nang mga problema ko..Ito ang tiya ko na napakabait sa aken ..parang pangalawang ina ko na rin siya ..pag pinapagalitan ako ng aking mga magulang ay siya ang nagtatanggol sa akin..Minsan ako ay nagagalit sa kanya ay pilit ko pa rin pinipigilan di ko alam kung bakit? kasi siguro sa sobrang bait niya kasi sa akin..Nagpapasalamat ako sa anking tiyahin kahit di niya ako tunay na anak ay mabait siya sa akin at palagi siyang nandito para sa akin..








PINSAN KO ITO
Eto ang aking pinsan sila ay si jeny at si realyn. Ang mama niya ay si mary jane siya ang mabait na naging tiya ko. Sila ay nakatira ngayon sa SAN RAFAEL .Ang babait pa nang mga ito si jeny ay tumira sa amen nung siya ay pinanganak ng kanyang ina.Halos isang buwan hanggang apat na taon siya ng nakatira sa amen, tinanggap siya ng mga magulang ko dahil pagkatapos ng kanyang ina magpahinga sa panganganak ay kailangan itong magtrabaho .. Gusto ng mga magulang ko si jeny  gusto kasi ng tatay ko na masundan ako , kasi dalwa lnag kame ng ate ko noon. nang masundan ako ng lalaki malungkot din ako dahil di na ako ang bunso .. at nang manganak si mama di na namin naasikaso si jeny kaya nagdesisyon ang tatay ko na isauli muna si jeny sa kanyang ina, dahil nga nanganak na si mama kaya napabayaan na ..Pero naging dahagi rin ng duhay namin ang pinsan ko dahil itnuring na rin  namin itong kapatid..

CLASS PICTURE NAMIN NUNG ELEMENTARY


Eto ang class picture namin nung kame ay nasa ika apat na baitang.Dito ang naging adviser namin ay si Mrs.Abutan, at nandito rin ang mga kaklase ko sila venus,joan,kim,lesly,lealyn,jonalyn.Naging kaibigan ko rin sila.At sa BAGONG LIPUNAN ELEMENTARY SCHOOL ako nakapagtapos ng elementarya..





4-FARADAY NA LALAKI
Eto naman ang 4- FARADAY na mga lalaki,masayaako dahil sila ang naging kaklase ko .Kahit na tinatarayan ko sila ay mabait pa rin sila sa aken.Eto na yata  yung  pinakamasayang taon at pinakamasayang naging kaklase ko.kasi nung nakaraang taon parang wala lang at higit sa lahat wala silang pagpapahalaga kase nasa lower section .At masaya ako dahil makakagraduate kameng lahat.

4-FARADAY NA BABAE
Eto naman ang mga 4-FARADAY na babae ,naging masaya ako sa kanila kahit may mga bagay na di sinasadyang pangyayari katulad ng pag-aawy namin ni nikka ,ayaw ko lang kasing ganun .Pinagtataasan pa niya ako ng boses niya .At nung unang pasukan di ko rin gudto ang ugali niya nagalit pa nga ako dahil yung ako ay pumasok ng hapon time iyon ng math nagsasabi lang naman ako kung papaano gawin ang sasagutan para bang pasinghal pa ang sagot sa aken.At may nakilala ako ayun ay si joanna at si sharrah , naging mabait sila sa aken kaya naman naging kaibigan ko silang dalawa.Pero masaya pa rin ako na naging kaklase ko silang lahat.

ETO ANG 4-FARADAY NUNG NAG -J.S
At eto naman ang J.S PROM nang 4-FARADAY ito ay ginanap nung FEB.14.2012 .Ang saya ng j.s namin kase kahit nakakapuyat ay tuloy pa rin ang saya namin.Di pa nga ako sana makaka-attend na j.s, dahil wala pa akong mapiling damit na susuotin buti na lang ay may nagpahiram sa aken ng damit.At muntik pa akong ma-late dahil ang bagal kong kumilos , paiyak na nga ako eh!! napagalitan pa ako mama ko dahil nga dun sa nangyari. At nang nakarating na ako , ay medyo kinakabahan ako  dahil first time kong sumali sa J.S. At dun ay nagkita-kita kame nang kaibigan ko.At naging masaya ako dahil naramdaman  ko yung  saya lahat ng kaklase ko.Sulit nga eh!!! ang kagandahan dun caterring ang ginawa nila para sa j.s. AT  ng mag-umpisa ang j.s eto na ang pinakahihintay ng lahat ang pag-sayaw ng mga guro at ang pagrampa ng mga candidate.Di dun nagpahuli ang aming representative sila ay sina Jonna Mae sahagun at si Ian Clark Sumague.Nagpalakpakan lahat ng 4FARADAY ng sila na ang rarampa.pagkatapos nun ay nag pahinga na sila at nag umpisa na ang pag-sayaw ng mga estudyante.At meron din naman sa akeng sumayaw...at masasarap ang mga pagkain,nang matapos kameng kumain nag- C.R muna kame nila joy at princess  ng nasa C.R na kame biglang nadulas si princess sa hagdanan. Napatawa ako ng kaunti sa nangyari,at buti na lang walang nakakita sa nangyaring iyon.










4- FARADAY
Eto ang mga kaibigan ko nung nag J.S sila sina joy,princess,jamlly,at sara.Naging masaya kame nang araw ng J.S namin, nandito ang kulitan, diruan ng mga kaibigan ko. Ang nakasama ko dito nung unang pasukan ay si jamlly di ko pa kasi kilala sila joy nung unang pasukan ang tingi ko pa nga kay joy ay maarte di pala nagkamali ako ng hinala ayun pala napakabait niyang kaibigan... At nang makilala ko si joy ay dun na ako nasama palagi, kasi nakahanap na ng tunay na kaibigan si jamlly pero okey lang sa aken iyon dahil nakakuha na rin ako ng tunay na kaibigan at iyon ay sila joy at si princess.. At nung unang pasukan ay magpaplipat na sana ako ng section pero nagdalawang isip ako kasi naman wala akong kakilala kundi yung naging kaklase ko nung 3rd year pa ako siya ay si aquino,eh!! nahihiya pa ako at nakakaasar pa late pa akong pumasok nung araw na yun..Pero naisip ko na hindi na ako magpapalipat ng section dahil dito sa 4-FARADAY naramdaman ko yung saya . Eto na ang pinakamasayang section na napasukan ko. Di pati ako pinayagan ng aking mama na magpalipat nang section, sabi ng mama ko kung ano ang nakalagay sa card ko ayun ang sundin ko. Sinunod ko rin naman ang utos nang mama ko.Naging masaya ako dahil sila ang naging kaibigan ko ...Marami din akong natutunan sa mga kaibigan ko .Nagpapasalamat ako sa mag kaibigan ko dahil kahit nag-aaway kame patuloy pa rin ang pag-uunawaan.





Eto ang  pinakamasayang section na napasukan kong taon ito. marami akong natutunan sa mga guro ko at sa mga kaibigan ko. At nagpapasalamat ako sa aming adviser na si mam LALOON dahil naging mabuti siyang guro para sa aken ,At ngayong 2012 marami akong nabagong ugali at sana makapagtapos ako ng aking pag-aaral dahil kahit mahirap lang kame ay gusto kong maiahon ang aking mga magulang sa kahirapan at masuklian para naman maging masaya din kahit papaano ang aking mga magulang .At kung matutupad lahat ng aking mga pangarap ay di hadlang aking aking katayuan para hindi ko makamit lahat ng aking mga pangarap.Nagpapasalamat ako sa aking ina na nagpupwersige na makapagtapos  kame ng aking kapatid.At huli nagpapasalamat ako kay GOD na kahit mahirap lang kame ay binigyan pa rin ako ng mga magulang na mag-aaruga sa habang panahon. At dito na po nagtatapos ang aking talambuhay.. 







































































Walang komento:

Mag-post ng isang Komento