Ang bawat isa sa atin ay may sarili – sariling kwento o karanasan sa ating buhay. May kanya – kanya tayong tinataglay na talento o ipnagkaloob sa atin ng Diyos na kailangan nating pag – ingatan o pahalagahan. Ang bawat isa sa atin ay may tungkulin na dapat gampanan. At ng sinimulan kong gampanan ang aking tungkulin dito ko nakilala ang sarili ko.
Ako si Maricar Biado Quintos, ipinanganak ako noong Hulyo 10, 1996 sa San Pablo City Hospital araw ng Miyerkules at sa oras ng alas – onse ng gabi. At ng ako ay ipinanganak tuwang – tuwa ang mga magulang ko. Kinabukasan ako ay dinala sa Pediatrician dahil ako ay na overdue. Sa isang araw dalawang beses akong tinuturukan umabot ito ng isang linggo. At ang aking doctora ay si Doctora Luz Emlano Exconde. At pagkatapos ng isang kami ay umuwi na.
|
bininyagan ako |
Pagkalipas ng ilang buwan, napagpasayahan ng mga magulang ko na ako ay pabinyagan na. At sa araw ng Enero 15, 1997 ako ay biniyagan sa San Pablo Cathedral. Pagkatapos ng binyagan kami ay umuwi na upang kumain, dahil sa araw ng aking binyag ay kasabay nito ang Fiesta dito sa amin sa Brgy. Bagong Pook, San Pablo City. Maraming tao ang dumalo sa aking binyag kaya ang mga magulang ko ay maraming ginagawa para asikasuhin ang mga bisita. Masaya ang araw ng binyag ko. Nagpalaro pa ang mama ko para sa mga bata.
|
1st birthday ko |
Habang tumatagal ako ay sinasanay na nang mga magulang ko na maglakad para masanay. At pagkalipas ng mga ilang buwan sumapit na ang aking unang kaarawan. Ang lahat ay abala para paghandaan ang aking kaarawan. Ang iba ay nagluluto at ang iba naman ay inaayos ang mga palaro. Ng magsimula na ang aking kaarawan marami ang nasiyahan dahil sa mga hinandang palaro, marami ang nag – enjoy sa aking party. Pagtapos ng party ko binuksan na ang mga regalo ko. Marami akong natanggap na regalo at ang gaganda nito. Isa ito sa magagandang nangyari sa aking buhay.
At nang ako ay lumalaki na ako ay natututo ng maglakad ng mabilis. Natututo na rin akong magsalita. At tuwang – tuwa ang mga magulang ko na sina Marina Biado Quintos at si Carlito Olivar Quintos. Sila ang mga magulang ko. Mahal na mahal nila ako at mahal na mahal ko rin sila.
|
nung bata pa ako |
Habang ako ay lumalaki ako ay nagiging makulit kaya sa sobrang sura ng mama ko sa akin ako ay kanyang ipinasok na agad sa paaralan noong ako ay apat na taong gulang pa lamang. Ayos lang sa mama ko na ako ay pumasok ng maaga dahil para daw kahit papaano mabawasan ang kanyang sakit sa ulo. Pero ang guro ko naman ang sumakit ang ulo dahil sa akin. Noong ako ay napasok na ng day – care ako ay nadede pa sa aking dede. Sa sobrang kakulitan ko ako ay naghuhubad ng uniform ko dahil sa sobrang init. Kaya kapag ako ay sinusundo ng mama ko ako ay nakahubad. Kaya ako ay napapgalitan. At ng ako ay kinder na may nagagawa pa rin akong kalokohan. Mayroon akong kaklase na nanghinge ng iniinom ko, binigyan ko siya pero habang iniinom niya yung chocolait tinabig ko ang kanyang iniinom kaya natapon lahat sa kanyang uniform. Umiyak na lang siya ng umiyak dahil imbis na mag – sorry ako inaasar ko pa siya.
|
kami ng teacher ko |
At nang ako ay nag elementary na masaya na ang mama ko.Nagsimula na ko mag grade-1.Akala ng mama ko ako ay matino na pero hindi pa pala. May ginawa na naman akong kalokohan, sinapa ko ang guro ko sa paa sa kadahilanang ayaw kong kumanta ng Lupang Hinirang kaya siya ay sinipa ko sa sobrang inis ko. Kaya pinatawag ang mama ko sinabi ng adviser ko na si Mrs. Magayam ililipat daw ako sa ibang section kay Mrs. Mandap, para daw doon hindi ako makakagawa ng kalokohan dahil si Mrs. Mandap ay sobrang taray. Kaya ako ay nanahimik dahil mataray ang maestra ko. Nang ako ay nag grade – 2 nagkaroon na naman ako ng bagong kakilala. May nagawa na naman akong kalokohan, ginupit ko ang collar ng kaklase kong babae, at tinusok ko sa mga mata ng lapis ko ang kaklase kong lalaki, at mayroon pa akong ginupit ang buhok. Kaya hindi nagtagal sa akin ang mga kaibigan ko, natakot na sila sa aking kaya lumayo na lang sila sa akin. At nang ako ay nag grade – 3 himdi ko pa rin naiwasan na hindi makagawa ng kasalanan, dahil nawala ang pencil case na ibinigay sa akin ng mama ko pero alam kong yung kaklase ko ang kumuha ng pencil case ko kaya ang ginawa ko kinuha ko ang bag niya nilagay ko sa banyo pero hindi ako nakuntento nilagay ko sa bowl ang bag niya pero naisip ko na yung ilalim lang ng bag niya ang mababasa kaya ang ginawa ko nilagay ko sa drum ang bag niya at binukasan ko ang gripo para ito ay mabasa. Umalis na ko sa banyo, dumating na ang kaklase ko at hinanap niya ang bag niya hindi ako naimik pero ako ay sinumbong ng iba kong kaklase kaya ako ay kinausap na ng guro ko at umamin na ako kaya pinatawag ulit ang mama ko. Kinausap ng guro ko ang mama ko napagpasyahan nila na ibili na langng bagong notebook ang kaklase ko.Ibinili ng mama ko ng gamit ang kaklase ko,nang pagkabigay kinausap ako ng mama ko na hindi na daw dapat ibili iyon ng notebook dahil ubos na puno na nang sulat,at kampi sa akin ang mama ko.Marami pa akong ginagawang kalokohan.At nang akoy mag grade-4 akala nang mama ko matino na ako pero hindi pa rin pala may nagawa pa rin akong kalokohan. Hinampas ko nang walis ting-ting ang kaklase kong may lagnat dahil ayaw niyang magwalis. Umiyak siya at sa sobrang galit niya sa akin sinumbong niya ako sa aming guro.Sa sobrang galit ko nung pagka-awas namin hinila ko ang buhok niya,sinumbong na naman ako. At pagsapit nang grade-5 may ginawa na naman akong kalokohan nagwala ako dahil pinilit akong mag sign sa autograph notebook ng kaklase ko,sa sobrang inis ko naipagpapaltok ko ang mga notebook na nakikita ko. At nang lumipas ang mga ilang oras mahinahon na ako. Kaya nung kinahapunan kami ay naglaro ng sikyo, ng di sinasadyang may nagdagasa sa may kanal , dugong-dugo ang nguso ng kaklase ko kaya tinulungan ko na hugasan ito. Sa sobrang lakas ng paghampas ng nguso niya sa kanal natanggal ang isang ngipin niya sa unahan. At nang akoy nag grade-6 lahat kami ay nagsipagtino na dahil kami ay graduating na. Inaayos namin ang mga sarili namin at ang mga grades namin para kami ay makagraduate. Masaya naman ang samahan ng aming section. Marami kaming mamimis sa San Pablo Central School kapag kami ay gumaraduate na. At mga masasayang ala-ala na mga ginawa naming. At nang nalalapit na ang aming graduation kami ay nagpapractice na nang martsa para sa graduation. Ngunit ako ay nangamba dahil ako ay may lagnat. Nangangamba ako na baka ako ay hindi maka attend ng graduation. At nang araw na ng aming graduation nawala ang lagnat ko kaya laking tuwa ko nang mawala ito dahil makaka attend na ako. Pina ayusan na ako ng buhok at pina make-upan na rin ako. Pero ng kami ay paalis na nang bahay bigla akong pinantal at nagkalagnat na naman ako. Kaya napag desisyunan na ng mga magulang ko na huwag na lang akong umattend. Kaya sa bahay na lamang ako at nagpagaling. Pumunta na lang ang mama ko sa school namin para kuhanin ang diploma ko. At ng bakasyon malimit akong mag-gala kasama ang mga barkada ko.
|
1st year ako |
Pasukan na naman. Highschool na ako. Excited ako at medyo kinakabahan dahil panibagong yugto na naman ng buhay ko. Marami na naman akong makikilala bagong kaibigan. Bagong pakikisamahan at pakikitunguhan.At nang akoy nagsisimula ng mag 1st year ako ay nagkaroon agad ng mga mga naging barkada ko ay sina Zharrina,Honey Joyce, Icca at Marjorie. Kami ay matatalik na magkakaibigan. Magkakasama kami sa mga kalokohan namin. At sa tuwing time ng MAPEH kami ay naglalaro ng luksong – baka. At tuwing tanghaling tapat kami ay nag – exercise. At pasapit ng alas – dos tsaka pa lang kami titigil. Kahit mainit at mahirap kami naman ay masaya naeenjoy namin ang lahat ng pagkakataon na kami ay magkakasama. Ganon lang ang buhay namin nung 1st year medyo may pagkaisip – bata. Nagbakasyon na naman, wala na naman gagawin sa bahay kung hindi matulog, kumain at maligo. Kaya gusto ko nang magpasukan.
|
2nd year ako |
2nd yaer na ako sa pasukan. Marami na naman akong makikilalang bagong kaibigan nakakalungkot at hindi kami kumpleto. Si Zharrina lumipat sa City High at si Marjorie lumipat sa Sto. Anghel at si Icca iba ang section, ang natira na lang ay kaming dalawa ni Honey Joyce. Kami lagi ang magkakasama at nang tumagal naging barkada namin si Jettcell. Ang saya – saya lagi namin. At nung nang Florante’t Laura na kami ay ako ang napiling Laura, pero hindi ko sineryoso ang pagganap ko dito kaya ang ginawa pinalitan ako kaya naging mang – aawit ako hanggang sa malipat ako sa mambabasa. Hindi namin masyadong napaghandaan an gaming tungkulin. Ngunit papaano ay may place na nakuha ang ibang characters namin. Kahit hindi man kami ang nagchampion masaya naman kami sa nagawa namin. Pagkatapos ng aming ginawa napagtripan namin magpabutas sa dila naging exciting ito para sa amin dahil 1st time namin ito. Pagkatapos ng pagbutas sa amin kami ay kumain para sanayin ang aming dila. Tumagal ng limang araw sa akin ang butas ko sa dila kaya hindi ito nagtagal nalaman ng mama ko kaya pinatanggal ito. Pero pagkalipas ng isang linggo, nagbutas ulit ako sa dila ko ng sarili ko, sabay – sabay kami ng pinsan ko at kaibigan ko. Pero nakita kami ng tito ko kaya sinumbong ako sa mama ko kaya pinatanggal ulit ito. Kaya tinanggal ko. Pero dahil matigas ang ulo ko nagbutas ulit ako sa kapit – bahay ko. Pero ito ay nakita ng kapit – bahay ko kaya sinumbong na naman ako sa mama ko. Kaya ayon pinatanggal ulit at hanggang sa hindi na ko nagpabutas. Bakasyon na naman, boring na naman. Wala na komng ginawa kung hindi gumala ng gumala.
|
miming namin |
Pasukan na naman. 3rd year na ako panibagong yugto ng buhay ko. Mga bagong kaklase at kaibigan ang nakilala ko. At ang mga naging barkada ko ay sina Honey Joyce, Jettcell, Jan Norinell, Clarissa Joy at Cleverlynn. Kami ay masasaya lagi magkakasama kami lagi sa kalokohan. Lagi kaming naggagala sama – sama kaming naglalagalag. Nung Christmas party kami ay nagdiretso sa Balumbong para magswimming. Masaya kaming nagswimming ng araw na iyon pagkatapos non umuwi na kami. At ang mga sumunod na araw kami ay malimit maggala dahil nilulubos na namin ang mga bawat oras na kami ay magkakasama dahil malapit na ang bakasyon. Ngunit isang araw, ang sumira n gaming kaligayahan. Nabalitaan namin na nalunod sina Clever at ang kanyang boyfriend na si Ian. Nung una hindi ako naniniwala, pero napatunayan namin na patay na talaga sina Clever at Ian. Kaya kami ay nagpasiyang pumunta sa burol nila. At nang makita ko si Clever sa kabaong di ko napigilan na hindi mapaiyak. Halos yakapin ko na ang kabaong niya, dahil hindi ko matanggap na wala na ang kaibigan ko. Sobrang miss ko na ang kaibigan ko. At nang dumating na ang araw na ililibing na sila hindi ko talaga mapigilan ang iyak ko. Sabay silang minisahan sobrang iyak na iyak kaming magbabarkada. Pagkatapos ilibing ilang linggo akong di makarecover dahil hindi ko talaga tanggap na wala na sila. Kaya hinarap na lamang namin ito dahil ito ang totoo. Kahit sobrang hirap pilit kinakaya.
|
4th year na ko |
Kaya nung nag 4th year kami lalo kaming nalungkot dahil si Clarissa Joy ay 4-Keats at sa Jettcell lumipat na ng Lake City at si Jan Norinell ay 4-Harvey at si Honey Joyce ay 4-Irving at ako ay 4-Faraday sobrang lungkot ko talaga. At nung ako ay pumasok na sa 4-Faraday gusto kong magpalipat ng ibang secton, dahil piling ko wala akong kaibigan. Pero hindi kalaanunan nagkaroon ako ng mga kaibigan sina Mariel at Maxwell masaya kami sa tuwing kami ay nagkakalokohan.
|
kami ng kambal ko |
Ngunit ng tumagal naging ka - tropa ko sina Jhuncel (Fudge), Misty (Kambal), Kayee (Mahal), Mae (Thart), Nikka (Wiszhart) , Fatima (Yhanie) , Vilanie (Mahmen), Shara (Poxzh) at Bibbo. Kami ay nabuo noong September 03, 2011. Noong kami ay nag tree – planting sa Malabanban. Hindi man kami nakaakyat sa tuktok ng bundok para magtanim masaya pa rin kami pagkatapos non nag – Ultimart kami. Pagkatapos non ay umuwi na kami. Pagkalipas ng isang buwan monthsary na naming magkakatropa pero hindi namin ito nacelebrate ng ayos dahil kami ay nag – act as a teacher. Masaya naman ang aming pagtuturo. Ginagalang kami bilang guro. Naranasan namin kung paano maghirap ang isang guro pero kahit mahirap masaya naman. Lumipas ang mga araw lalo kaming nagkakalapit sa isa’t – isa. Paminsan hindi maiiwasang hindi mag-away pero kahit nagkakaroon ng away nagkakaayos din masaya naming sinasalubong ang araw – araw. Nung kami ay half – day pa lagi kaming nasa amin para doon magpalipas ng oras, nanonood kami lagi ng horror. Pero panandalian lang ito dahil naging whole – day na kami. Nanibago na kami sa bago naming schedule. Marami kaming masasayang memories lalo na kapag may concert lagi kaming kumpleto para magsaya. At nang lumipas ang ilang buwan nagkaroon kami ng Fieldtrip. Madami kaming section sa isang bus. Pero sa lahat ng section kami ang pinakamagulo at pinakamaingay ang hinhintay lang naming mapuntahan ay ang Nuvali lalo na ang Enchanted Kingdom. At nang marating namin ang Nuvali sumakay agad kami sa speedboat para maikot ang Nuvali. Pagkatapos naming mag Nuvali ay sa Enchanted Kingdom naman ang sunod naming pinuntahan. Ang una naming sinakyan ay Space Shuttle. Mahigit isang oras kaming nakapila dahil maraming nakapila at nang kami ay sasakay na ng space shuttle lahat kami ay kinabahan dahil sobrang taas at bilis nito. Pagkababa namin ang buhok namin ay gulo – gulo, nakita naming ang mga stolen shots sa monitor, ang sasama ng picture namin. Ang sunod naming sinakyan ay curse – away akala namin ay wala itong apekto pero nung sumakay na kami meron pa pala kahit nasa gitna kami may epekto din pala at pagkatapos non dali – dali kaming sumakay sa jungle – log nung sumakay kami don basang – basa kami ng tubig dahil sa lakas at bilis ng pagbagsak ng aming sinakyan. Sobrang saya talaga naming noon. Sayang at tatlo lang ang nasakan namin. Pagkatapos non ay umuwi na kami. Kina Yhanie kami dumeretso dahil dun kami matutulog kami nina Bibbo, Kambal, Tutxz. Kinabukaan umuwi na kami, baon namin ang masasayang ginawa namin. Pagkalipas ng ilang araw naisipan naming mangaroling dahil nalalapit na ang Christmas party. Ilang gabi kaming nangarolng kahit nakakapagod masaya naman. Naka 2900 kami isang linggo lang naming napangarolingan yon. At nang sumapit na ang Christmas party namin ang lahat ay nasayahan lalo na nung nagsimula na ang Ms. Bebot 2011 ang lahat ng contestant ay abala dahil sa kanilang pagpapaganda at nang rumampa na an gaming mga kaklase ang lahat ay nagtlian. Ang iba ay nagtalo pa kung sino ang mananalo. At nang i – announce walang iba kung hindi si Junnel De Chavez.
Maraming Salamat sa pagbasa ng aking talambuhay!!!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento