Sabado, Pebrero 25, 2012

Ang Talambuhay Ni Kevin B. Pingol


Ang  pangalan ko ay Kevin B. Pingol, Ako ay nakatikra sa Brgy. Sta. Felomina San Pablo City, Laguna, Ako ay 17 years old na at napasok ako sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School, 4th year na ako doon at malapit na ang aming graduation, ito ang simula ng aking buhay.
ako ^^
                Ang panglan ng aking mga magulang ay sina Elvie Ballras at Joseph Pingol, Noong 1991 nag apply ang aking ina sa Big Mac Burger sa Lucena City bilang isang kahera napadistino siya sa Pagsangjan sa mantalang ang aking ama naman ay nakatira sa Pagsangjan Laguna at an gang trabaho ng aking ama ay isang Tricycle Driver, Doon sila nagkita at nagkilala simula ng sila ay nagkamabutihan si papa ay nanligaw na, Hanggang sa nalaman ng magulang ni mama na may nanliligaw sa aking ina ay pinagresign ng magulang ni mama ang aking ina pero sinundan parin ni papa ang aking ina. Isang araw inimbitahan ni papa si mama na manuod ng sine pero hindi na si mama pinauwi at pinaghanap ng magulang ng aking ina si mama pero hindi nila natagpuan ito, pinasabi na lamang na wag uuwi ng bahay hanggat hindi pa sila kasal at noong august 05,1992 nag pakasal si mama at si papa pero walang dumating na kamag anak si mama sa araw ng kanyang kasal, Pagkalipas ng ilang araw ay umuwi sila sa bahay ng mga magulang ni mama at tinanggap nalamang sila, Si mama at si papa ay nanirahan sa manila at doon sila nagkaroon ng limang anak ang unang anak ay si Aris siya ay namatay noong isang buwan pa lamang sa hindi maipaliwanag na sakit, Pagkalipas ng ilang taon ipinanganak ako ni mama noong February 26,1995. Noong isang taon pa lamang ako kami ay tumira parin kami sa manila dahail doon may trabaho ang aking ama nakaisang taon lang si papa sa trabaho at siya ay natanggal sa kahirapan ng buhay ay lumipat na kami sa cavite, Nag lagi kami ng dalawang taon hindi rin nag kaigi ang buhay namin doon kaya nag pasya sila na lumipat sa San Pablo City,Laguna. Nag karoon ako ng bukol malapit sa may tainga at napansin agad nito ng aking mga magulang nag pasya sila na ako ay kanilang ipa opera sa doctor para matanggal ang bukol at doon ito ay natanggal ng maayos. Noong ako ay nag limang taon pinapasok ako ng aking mga magulang sa kinder garten. Noong 1999 ipinanganak ang pangatlong anak ni mama na si Christian Pingol siya ay Grade 6 na sa Elementary dito siya napasok sa Brgy. Sta. Felomina Elementary School pagkalipas ng ilang taon ipinaganak naman ang pang apat na anak ni mama at papa na si Joseph Pingol Jr. siya ay napasok na ng Elementary siya ay Grade 3 na at doon din siya napasok pagkalipas ulit ng ilang taon ipinanganak naman ni mama si Katherine Pingol siya naman ay kinder pa lamang. Noonng nag anim na taon ako ay nakatapos na sa Kinder Garten at nagpatuloy parin ako sa pag aaral sa Elementarya ipinasok ako ng aking mga magulang sa Grade 1 sa amin at doon nalaman ko na may talento  pala ako sa pag guhit lahat ng aking makita noon sa libro ay iginuguhit ko sa aking mga papel maayos pa ang buhay naming noon hindi pa nag loloko ang aking ama at ng nag Grade 2 na ako ay may roon ng nang aapi sa akin lagi nila akong niloloko dahil sa peklat ng opera ko sa may tainga kaya lagi akong nauwi sa amin napaka iyakin ko kasi kaya lagi nila ako inaapi sa mga pag uwi ko sa amin lagi nalang na punta ang aking ama sa paaralan para pag sabihan ang mga nang aapi sa akin, Sa paglipas ng panahon nagging Grade 3 na ako marunong na akong mag basa bg mabilis at mag sulat ng dikit dikit at nagkaroon ako ng mabubuting mga kaibigan mas nakilala ko pa ang aking mga kamag aaral at sa mga araw nayon nag loko ang aking ama pinagtaksilan nya ang aking ina pero hindi alam iyon ng aking ina, Nag karoon ng sama ng loob ang aking lolo at ang aking lola dahil pinagtaksilan ni papa si mama dahil don lalo pang nagalit ang lahat ng partido ni mama kay papa, Nagkroon ng alitan tito ko at ang aking ama dahil sa mga pinaggagawa ni papa na hindi naman tama pero nagbabago na si papa pilit na niyang binabago ang kanyang sarili dahil gusto niya na kaming makasama pero  huli na ang lahat ayaw na ni mama sa kanya dahil hindi na ni mama kayang pakisamahan ni mama si papa dahil don nagsisisi na si papa sa mga pinag gagawa ni papa kay mama tama ang kasabihang “nasa huli ang pagsisisi”. May hindi lang ako maintindihan kay papa bakit kaya kailangan niya pang gawin ang mga bagay na iyon wala naman katuturan ang pinag gagawa niya, Nakasira at nakasakit lang lang siya ng damdamin at sinira lang niya ang kanynag pangalan sa mga tao.  Ako ay naging grade 4 na ako ay napalipat sa ibang section dahil sa bumaba ang aking mga marka noong ako ay nasa Grade 3 pa lamang, Sa paglipat ko sa ibang section ay nag karoon ako ng mga bagong kaibigan at bagong kaaway dahil sa pag bago ng aking section lagi nila ako inaapi katulad ng dati lagi parin pinapapunta ang aking ama upang pag sabihan na wag akong apihin at lalo pang na linang ang aking talento sa pag guhit dahil pinapatawag ako ng ibang guro  para mag guhit at nang ako ay mag Grade 5 nakakaintindi na ako ng English na salita at lagi kaming isinasama ni papa sa bayan upang mamasyal sa bayan para na rin mapasyal ang aking mga kapatid nang ako ay mag Grade 6 na marami ng nagbago dahil kailangan ng magseryoso sa pag aaral para makagradute, Noong kami ay malapit ng makagraduate naaksidente ako at nagtamo ako doon ng hiwa sa tabi ng aking kanang mata nag aayos kami sa graduation naming ng bigla  akong sinuntok ng aking kamag aaral at hinabol ko ang aking kamag aaral upang makaganti sa ginawa niya sa akin sa paghabol ko sa aking kamag aaral hindi ko alam na may kawad pala na naka harang sa dadaanan kaya sumabit ang muka ko sa kawad dahil sa pag kakasugat sa aking mata, gumaraduate ako na may sugat sa mukha at noong araw na n gaming graduation halos lahat ng kamag aaral ko ay lumuha nang tumugtug ang kanta ng pamamaalam naming sa isa’t isa.
si mama at ang kanyang kasama sa trabaho sa ibang bansa
si ate gina ang nag alaga sa amin nung si mama ay nasa ibang bansa
si mama, si joseph at si katherine
si bunso, si lola at si ate gina


ang lola ko at ang mama ko

si joseph at si katherine
mga sasakyan ng amo ni mama
                Tumigil ako ng pag aaral sa pagkat kulang ang pera namin kakaunti ang sweldo ni papa para makapag aral ako ng high school kaya nag pasya si mama na magibang bansa para makapag aral ako ng high school at matustusan ang mga pangangailangan naming lahat sa pang araw araw , Pag kaalis ni mama dito sa pilipinas, Si papa na ang nagaalga sa amin ng nagtagal may naririnig kaming paninira sa pag aalaga ni papa sa amin tapos nalaman na ganoon nga daw may nag sumbong kay mama dahil don nagpasya si mama na ipaalaga kami kina ate gina para maalagaan daw ng mabuti dahil don pinauwi ko si papa sa Batangas City sa mga kapatid niya dahil wala siyang mahanap na trabaho dito, pag kalipas ng isang taon 12 anyos na ako pumasok na ako ng high school sa 1st year sa Col. Lauro D. Dizon Memorial Natinal High School sa unang pasok ko sa school sa dizon medyo kamado pa ako dahil hindi pa ako marunong umuwi ng mag isa sa bayan at sa bawat awas naming ng aking kamag aaral napunta kaming playstation zone upang mag laro kami ng aking kamag aaral, Lagi kaming nag lalaban sa playstation at madami akong nagging bagong kaibigan at nang naging 2nd year na ako yung iba kung kamag aaral ay tumaas ng section pero meron parin akong mga bagong kamg aaral, Pinadalhan ako ni mama ng bagong cellphone para daw mag karoon ako ng komunikasyon kay mama pero hindi ko rin naman masyadong nagamit dahil lagging tinatago ng aking tita na si ate Gina at ni kuya Ronnie saa pag tagal nagkaroon narin ako ng girlfriend dahil sa masyado pa akong bata hindi pa ako pinapayagan ng aking ina pero ang aking ama ay payag basta hanggang girlfriend lang daw hanggang sa dumami sa huli din naman nag kakahiwalay hanggang sa nakilala ko si Nona akala ko siya na pero nag hiwaly parin kame. Nang ako ay 15 years old na 3rd year high school na ako masyado ng nagiging mahirap ang paborito kong math marami ng solution pero pinagsikapan ko parin itong intindihin, nag kahiwaly kame ng best friend ko na si Richard dahil tumaas ako ng section at ng makakilala ko ang mga bago kong kamag aaral na laman ko na dalawa sa aking mga kamag aaral ay marunong mag gitara dahil don nag sikap akong mag aral ng gitara noong bakasyon at nalaman ko na mahirap at masakit sa kamay ang gitara sa una pero pag nasanay kana wala ng kahirap hirap ang pag gitara at ng pumasok na ako ng 4th year high school may nakilala akong marunong ding mag gitara at lalo pa akong natutong mag gitara, Naging kamag aaral ko ulit  ang aking limang kamag aaral noong 1st year na si Ivan, Marinel, Lopez, Mariano at si Fatima, Hindi naging  mahirap skin ang pag kakaibigan sa mga bago kung kamag aaral dahil may kilala naman akong limma sa mga bago kong kamag aaral, noong una natatakot ako sa aming adviser na si Mam Janice Laloon dahil kilala ko siya sa pagiging mataray na guro pero sa pagtagal nakilala ko ng husto ang aming adviser siya pala ay masayahin at mabait na guro. Noong ako ay lagging napunta sa San Juan para mag computer nag luko ako sa school dail biglang naging whole day an gaming pasok dhail sa pag ka adik ko sa computer hindi na ako nakakapasok ng pang hapon naming subject kaya dahil don bumaba ang aking marka sa 3rd grading period pero nakapasa pa din ako buti nalang hindi ako nakasama sa deliveration dahil kung napasama ako hindi pa sigurado na makakagraduate dahil don nag bago ako pinapasukan ko na ang mga pang hapon  naming subject, Lagi kaming pabago bago ng guro sa Values hanggang sa naging  guro namin si Mam atienza na maganda na mabait pa, ang guro naman naming sa Filipino ay si Sir Villanueva siya ay mabait at masayahinh tao dahil nakakatawa kasi siya magturo maraming mga kakulitanag alam kaya hindi nakakaantok mag turo tatawa kapa ng tatawa kaya nga ang swerte naming lahat dahil lahat ng guro namin ay mababait, Nang nagkakwentuhan ang barkada ay nag tanung ang aking isang barkada na kung anu ang aking kukuning kurso sa college wala pa akong maisip na isasagot pero noong nag punta kami sa San Pablo Colleges may nag tour sa amin at itinuro samin ang mga pwede naming kuning korso sa college nalaman ko na maganda pala ang korsong I.T. kaya ang kukunin kong korso sa college ay I.T. dahil may kaugnayan din ito sa computer.
ang aking lola
                Umuwi si mama dahil nag karoon ng pang yayari na hindi inaasahan na heat sroke ang aking lolo kaya lahat ng mga anak ni lola at lolo ay pinapa uwi sa Pilipinas, Sinundo namin siya sa Ninoy International Airport. Sa pag uwi ni mama maraming nagbago sa kanya dahil napakahaba ng kanyang buhok at ang puti niya, Bago kami umuwi ng bahay dumaretso kami sa ospital upang Makita ni mama si lolo ang kanyang ama humingi siya ng tawad dito dahil sa mga hindi niya pagsunod sa mga pangaral sa kanya.

             J.S. Prom namin magaganda ang lahat at magagarbo ang mga suot noong oras na nang pag sasayaw nag hahanap ako ng tamang kanta para maisayaw ko ang gusto kung isayaw lahat sana ng babae naming kamag aaral ay isasayaw naming kaso nahihiya ako sila lang ang nagsayaw ng iba pa naming kamag aaral, Ang kapansin pansin ang kagandahan ni aytona dahil para siyang manika gusto sana naming isayaw kaso nahihiya kame kaya hindi naming siya naisayaw sa pagtagal nakakaantok din pala dahil pag wala kang ginagawa nakakatulog 4am na kasi ang tapos ng J.S. Prom. Malapit na ang kaming gumaraduate ng high school sana magkita kita parin kame dahil gusto kung Makita sila kahit tapos na ang pasukan gusto kong Makita ang dating 4-Faraday ng Dizon High.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento