Ako si Rejean De Villa Gisalan labing pitong taong gulang ipinanganak noong Nobyembre 01, 1994. Nakatira ako sa Brgy 2-f maharlika hi-way San pablo city ng Laguna.Panganay ako sa aming magkakapatid.
Yan ang bunso naming lalaki ang pangalan niya ay Ryan GisalanTuwang tuwa sila kaso di rin nagtagal at binawi agad ang buhay nito.Laking hinayang at pagsisisi nga ng magulang ko kasi nag iisang anak nila na lalaki yon. lMasakit man sa amin pero kailangang tanggapin, ng mamatay yon halos mawala sa pag iisip ang aking ina kinatagalan nalimutan
at natanggap na rin.
Ilang taon na din ang nakararaan ay napag isipan nilang mag anak ulit kasi nalulungkot kami kasi dadalawa kami at yun ay babae nang inilabas pero sa aming tatlo ayan ang pinaka mabait, malalaahanin at mapag bigay ang pangalan niya ay Aisa Gisalan..
Nang pumasok ako ng kinder sa (DEBES) means Don Enrique Bautista Elem.school ay wala akong alam kung hindi ang maglaro ng maglaro hanggang sa mag grade 4 ako. Nang mag grade 5 na ako hindi na ako masyadong naglalaro kasi nahihiya ako, unti-unti na akong natututong magayos sa aking sarili.
Nang mag grade 6 ako, doon ako maslalong nag improve sa aking sarili. Kami ng bestfriend ko na si Irene ay na isipan naming sumali sa Drum and Lyre Band,nag sabi kami sa teacher namin na sasali kami sa Drum and Lyre Band at pagka hapon nun ay sumali na kami sa pag practice pero hindi pa alam ng mga magulang namin na sumali kami kaya ang ginawa namin bago kami umuwi dumaan muna kami sa simbahan, nagdasal kami na sana pag sinabi namin sa aming mga magulang na sumali kami sa Drum and Lyre Band ay pumayag sila, pagkatapos namin magsimba ay umuwi na kami at sinabi na namin sa aming mga magulang na sumali kami,at natuwa kami kasi tinupad ng diyos ang aming hiling. Lagi kaming lumalaban sa iba't ibang lugar at masaya pa noon ay todo suporta ang aking ina kasi tuwing tutugtog kami sa ibang lugar lagi niya ako sinasamahan,lagi kming nanalo at kinukuha pa kami ng mga congressman at iba pa para tumugtog sa kanilang programa na isinasagaw.
Yan ang class picture namin kumuha ako niyan para hindi ko sila makalimutan hanggang sa pagtanda ko. Lahat sila kaclose ko wala akong naging kaaway sa kanila, lahat sila ay nakapunta na sa aming bahay kasi tuwing tanghali umuuwi ako sa amin para kumain at sinasama ko naman sila kasi malapit lang ang aming bahay sa school kaya umuuwi ako ng tanghalian sa amin. Napakasayang kumain kapag kasabay mo ang iyong kaibigan at ang iyong pamilya.Tuwing may girl scout camping kami lagi akong sinasali ng aking magulang kasi gusto nilang maranasan ko ang mga dapat kung maranasan kaya nasanay ako sa kanila na lahat ng gusto ko ay nasusunod, naiinggit na nga ang kapatid ko sa akin na si chris ann kasi lagi daw akong kasali samantalang siya ay di makasali minsan lang pag may pera na sobra,kasi ako talaga ang lagi nilang inuuna ewan ko ba kung bakit basta ang alam ko lang ay mag enjoy ng mag enjoy sa ginagawa ko, kasi hindi naman ako nagtatanong sa kanila kung bakit nila ginagawa ito sa akin,bata pa kasi ako hindi ko pa maintindihan ang mga ganyang bagay,kaya tuwang tuwa naman ako kapag ang lahat ng gusto ko ay nasusunod kahit na ang kapatid ko ay hindi kasali.Nang kami ay mag gagraduate na ng elementary ay nalulungkot ako kasi hindi ko na sila makakasama at makikita kasi maghihiwa hiwalay na kami kaya naisip ko na sabihin sa mga kaibigan ko na iisa lang ang papasukan namin ng high school ,pumayag naman ang ang mga kaibigan ko nag aral kami ng high school sa Dizon High noong 2007-2008,ang saya namin kasi lagi kaming magkakasama kahit magkakaiba kami ng section.
magkabalikan ulit sila, habang naglalakad na ako pauwi ay paulit ulit kong sinasabi sa aking sarili kung bakit ganito ang nangyayari sa amin at bakit ngayon pa sa kaarawan ko pa nangyari ang malas talaga ng trese,nasa bahay na ako noon nakita ko sina papa at mga kapatid ko ay natutulog na kaya ang ginawa ako naman ay pumunta naman ako ng san gabriel para puntahan si mama at yung kinakasama niya pero hindi ko na sila naabutan doon kasi sabi ng tito ko ay kakaalis lang daw,hindi ko napigilang umiyak sa harap ng tito ko.Hindi na muna ako umuwi sa amin nakaupo lang ako sa labas ng bahay nila habang umiiyak,hindi ako natulog magdamag kasi iniisip kong kung paano pa kaya magkakaayos ang aking mga magulang at ang pinaka kinagagalitan ko at sinisisi ko ay si lola Nelia kasi yan ang naging tulay sa relasyon ng aking ina at doon sa lalaki.Dahil sa kanilang paghihiwalay napatigil kaming dalawa sa pagaaral nalungkot ako kasi malapit nang magbakasyon ng ako'y tumigil at hindi ko narin nakita ang mga kaibigan ko naputol na ang communication naming magkakaibigan. Umuwi si mama sa aming bahay pinabalik niya ulit ako sa school at tapusin ko na lang daw yung taong iyon,para hindi na ako bumalik ng firstyear pero hindi naman pumayag ang aking ama na maiwan ako sa aking ina,pinuntahan ako ni papa sa school at pinilit ako na sumama ako sa kanya ayoko sana sumama kaso wala akong magawa kaya naisama parin ako ni papa papuntang maynila habang sumasakay kami ng bus umiiyak ako ng patago kasi naiisip ko si mama kasi hindi ako sanay na mahiwalay sa kaniya .
Tumira kami ng dalawang buwan sa maynila sa caloocan city kasi doon nagtatrabaho si papa,nagtext ako kay mama na nandito ako sa maynila kasi hindi alam ni mama kasi tinakas lang ako ni papa kasi ang alam ni mama ay nasa school ako hinahanap nga daw ako kasi hindi pa ako umuuwi. Kinabukassan pumunta si mama sa maynila para bisitahin kami at ng pauwi na siya dito sa San Pablo Laguna ay sumama na ako,at pagkatapos magpapasukan na dinaanan ako ni papa dito sa Laguna bago umuwi kami ng bicol inihatid nalang kami ni mama sa terminal masakit man sa loob pero walang magagawa kasi iyon ang desisyon ni papa. Nasa bicol na kami at sinalubong kami ng aming lola at nang mga tito namin kinabukasan umalis kaagad si papa papuntang maynila para magtrabaho at kami ang natira doon sa una maganda ang pakikisama nila sa amin pero habang tumatagal ay nag iiba ang turing nila sa amin tumagal kami ng 3years sa bicol dito ko naranasan ang lahat lahat ng hirap. Natuto akong mangahoy,mag igib sa bundok, maglaba at iba pa. Lagi kong ginagawa habang pumapasok tuwing pag awas ko.Hindi ko na kaya kasi kami na lagi ang inaasahan sa lahat ng bagay kaya naisipan naming bumalik ng San Pablo,nagtext ako sa aking ina para padalhan kami ng pera at nakabalik na ulit kami dito.Wala kaming bahay kasi binenta na pala ni papa kaya nakikitira nalang kami sa aming lola pero maayos naman ang pagsasamahan namin.
Dito na kami nagpatuloy ng pag-aaral nang magpapasukan na pinapili kami ni mama kung saan kaming school magaaral sa dlsp sana kasi doon pumapasok ang tito ko kaso malayo at gubat pati kaya naisipan ko na sa dizon high nalang pumasok,at ng mag eenrolan na sa dizon inenrol kami ni tita welmay at ni mama at ng magpapasukan na firstday of school syempre bago palang kami hindi namin alam kung saan ang room at section namin kaya ang ginawa namin ng kapatid ko ay nagtanung tanong kami sa mga dumadaan kasi ang kapatid ko ay 2ndyear at ako naman ay 4thyear,nalaman na namin ang room ng kapatid ko inihatid ko siya at pagkatapos nakita ko si ate ella siya ay classmate ko kaya ko siya nakilala kasi siya yung tinanong ko kung saan ang room ko at yun nalaman ko sa kanya ako unang sumama hanggang sa makilala ko na rin ang iba kong mga classmate, palipat lipat ako ng sinasamahan hanggang sa mahanap ko ang nararapat na maging kasama ko at ka close ko.Sina joy bolano, jallmy de luna at sarah jane gapaz. Sila ang lagi kong kasama sa school, ang nagpapatawa at tumutulong sa lahat ng problema ko kaya nga kahit na maggagraduate kami hindi ko sila makakalimutan wala ng mas hihigit pa s kanila pero may isa parin pala akong bestfriend yung nasa bicol ang pangalan niya ay elma.
Yan naman ang mga barkada at kalaro ko mula noong bata pa ako hanggang ngayon magkakasama parin kami,sasama kami pag gumigimik napakasaya nga e, eto ang buhay ko.
Thanks sa nagbasa ng talambuhay ko.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento