Miyerkules, Pebrero 22, 2012


Ang Talambuhay ni Marinel Mendoza

                           
                             Ako po si Marinel M.Mendoza. Ipinanganak noong August 26,1995 sa Doctors hospital sa San Pablo City. Ang mga magulang ko ay si Mary jhane Mesina at Cornelio Mendoza. Ang magulang ko ay house wife lang at ang tatay ko ay isang hardinero. Kami ay apat na magkakapatid. Ang panganay ay  si Marie Anne Jhannelle M. Mendoza, ang pangalawa ay ako , at ang pangatlo ay si Francis Niel M. Mendoza, at ang bunso naman ay si Marie Eunice M Mendoza. Nakatira kame ngayon sa lola ko dito sa San Pablo. Dati kami ay nakatira sa Los Banos, lumipat kami dahil sa pang gugulpe ng tatay ko sa mama ko.
                                     Nag-paenrol ako ng high school sa Col Lauro D Dizon Memorial National High School. 1st year ako nun sa seksyon F pero napatigil dahil sa impluwensya ng kabarkada. Nag ulet ako ng 1st year at nagseryoso na ako. Ang naging guro ko ay si Mrs Claire Gonzalez. Nag-aral akong mabute para makapasa at makapag 2nd year at natupad ito. Nakarating ako ng 3rd year ng maayos at naging guro ko naman si Mrs Herrera. Madami akong naging mga kaibigan. Palage ko sila kasama at nagtutulungan sa mga problema. Minsan nagkakaroon kami ng hindi pagkaka unawaan pero nagkaka ayos din kami sa matinung pag-uusap.
.
.
                            Nag-aral ako ng kinder sa Day Care Center malapit sa amin. Palagi ako hinahatid ni mama sa pagpasok. Binabantayan ako ni mama palage mula nag nagkasakit ako nung baby pa ako ng broncho pneumonia. Madali akong mahilo kahit mapagod ako ng konti. Pag lumiliban ako sa klase , si mama ang nag aalaga sa akin. Mahirap para kay mama na sunbaybayan ako dahil wala pang trabaho sang aking ina at ang aking ama. Kahit papano ay nakatapos ako sa kinder.

                                 Nag-aral ako ng Elementarya sa Ambray ,naging masaya ang pag-aaral ko dahil madami akong nakilalang mga bagong kaibigan at mga kabarkada. Nag- aral akong mabuti para makatapos at maipagmalaki ng aking magulang. Naranasan kong magkaroon ng engrandeng birthday party sa amin at sa skul. Kahit kami ay mahirap ay nagpursige si mama na pag-aralin ako kahit wala ang tulong ng tatay ko. Nalaman ko na may sakit akong broncho pneumonia. 
                                       Nahospital ako ng ilang linggo dahil sa sakit na ito . Naramdaman ko yung sakit lalo na kapag tinuturiukan ako ng anesthesia at nilalagyan ng dextrox .Pagkatapos ng pangyayaring yun, naging matamlay ang aking pakiramdam. Ngunit ng lumabas na ako ng hospital, masaya na ako dahil hindi ko na daranasin ang ginawa nilang iyon sa akin. 
                                     Noong nasa grade 4, nagkaroon ng intramurals. Lahat ng estudyante ay nagperform ng mga folk dance. Naging maayos ang pagdaraos nito. Noong ako'y nasa grade 5, nagkaroon kami ng Kids From. Nanghiram lang ako ng damit sa kapatid ko para may maisuot. Nung time ng Kids From walang nag sayaw sa akin ni isa. Sa grade 6 naman umatend din ako ng Kids From dahil ito ay pang grade 5 at pang grade 6. Humiram lang ako ng damit sa aking pinsan, pagkaikling damit.

                                  Malapit na ang graduation namin noon, nagpapraktis na kami. Kinabahan pa ako noon dahil hahawakan daw na mam sa ulo kung saino ang hindi makakagraduate. Paiyak na ako ng time na yun at sobrang kabado pero binibiro lang pala kami na mam dahil lahat daw kami ay aakyat ng stage at gagraduate. Tuwang-tuwa kami nun kase akala ng mga classmate ko hindi kami makakagraduate. Noong araw ng graduation, masayang masaya kami. Kinanta namin ay Hawak Kamay at Glowing Inside. Lahat kami nun ay nag-iiyakan.





                                      Nasa 4th year na ako ngaun at nagpupursigeng mag-aral at makagraduate para magkaroon ng magandang kinabukasan. Mahirap man ang mga aralin pero iniintindi ko parin ito at pinag aaralan. Nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan dahil napahiwalay ako sa mga kabarkada ko. Madali ko naman sila nakasundo. Nakilala ko si Kim Dungo na nanligaw sa akin ng 4th year ako. Siya ang naging inspirasyon ko sa pag-aaral ko. Ngaun pinagsisikapan kong mag-aral at makatapos dahil malapit na kami makagraduate. Sana makapasa ako at makagraduate para makatulong sa aking magulang. Hanggang dito nalamg :) gud luck sa akin. ! 







Walang komento:

Mag-post ng isang Komento