Sabado, Pebrero 25, 2012

Ang Talambuhay ni Kayee Evangelista


 


 


 
ako ngayon 



Bago muna ako ipananganak ay nagkakilala, nagkatuluyan at nagpakasal ang aking mga magulang na si Vicente at Leonor Evangelista. Pinanganak ako noong September 5, 1996 sa Brgy. San Ignacio, San Pablo City Laguna. Ako ay may tatlong kapatid na sina Lester, Kaile at Kim Paul Evangelista. Ako ay pangalawa sa bunsong magkakapatid. Noong bata pa ako ay lagi akong naglalaro kasama ang aking mga kababatang pinsan. Maglilimang taon pa lang ako ay nagsimula na akong pumasok sa paaralan ng San Ignacio, kinder pa lang ako ay nagkaroon agad ako ng kaibigan o kalaro kapag recess at tanghalian. Hinahatid sundo ako ng aking ina.
Noong grade – 1 ako ay lagi akong naiyak kapag iniiwan ako ng aking ina para umuwi muna sa aming bahay. Pinasali ako ng aking teacher na kumanta sa program kahit di ko masyadong sa ulo ang kanta na “Dadalhin”. Lagi akong niloloko ng aking mga kaklaseng lalaki. Tuwing bakasyon ay lagi kaming nag suswiming o kaya naman ay nagpipiknik sa may ilog o sa dagat. Tamad akong mag – aral noong elementarya pa lang ako, lagi akong laro at nood lang ng T.V.. kaya lagi akong bagsak o mababa tuwing nagkakaroon ng test. Nagkaroon ako ng kaaway o kaya nama’y may nag – aaway pero kahit minsan ay hindi ko ito pinatulan. Noong nag grade – 6 ako ay naging masaya ako dahil hindi ko na sila makikita o makakausap dahil maghihiwa – hiwalay kaming magkaklase.
           Tumungtong na ako ng 1st year at nag – aaal sa Col. Lauro Dizon. Nagsisimula pa lang akong makisama o makisalamuha sa aking kaklase pero unang araw pa lang ay nagkaroon ako ng kaibigan at meron din akong kaklase na kaklase ko din ng elementarya. Nagkaroon ako ng kaklase na namatay ang kanyang ama kaya pinag- desisyonan ng buong klase na pumunta at makiramay sa aming isang kaklase na namatayan. Nagkaroon ako ng crush at siya ay naging kaibigan ko ngunit hindi niya alam na may gusto ako sa kanya dahil masyado pa kaming bata para maintindihan iyon. Noong bakasyon, ako ay ang mga ginagawa ay ang maglaro, manood ng t.v., kumain at matulog kaya lagi akong napapagalitan ng aking ina. Itong taong ito ay naging masaya. Noong 2nd year naman ako ay hindi na masyadong tahimik at nahihiya ng makisama o makipagkaibigan sa aking mga kaklase dahil ang iba rito ay kaklase ko na ng 1st year at lahat sila ay madaling makipagkaibigan o makisama sa kanila. Ang aming section ay nagkakasundo sa mga desisyon, wala kaming masamang sinasabi sa  bawat isa at kahit na mayroong dalawang grupo ay wala itong masamang maririnig at sinasabi sa bawat isa. Kapag nagkakaroon ng tampuhan ay nagkaka – ayos agad dahil ayaw ng bawat isa na maagkagulo at masira ang samahan ng aming section. Nabuo ang aming grupo noong October 17, 2009, ito ay kaarawan din ng aming isang kaibigan at ang pangalan ng aming grupo ay A.K.A. Mhine. Lagi kaming masaya, lagi kaming sabay kumain ng recess, tanghalian at sabay – sabay din kaming umuwi. Sama – sama din kami sa kalokohan, asaran o biruan at kapag nagkakatampuhan ay inuunawa na lang ang isa’t – isa.
   

       Ang 2nd year ko ay masaya dahil sa maayos o nagkakasundong section, nabuo ang aming grupo ang “A.K.A. Mhine” at walang alitan sa bawat isa. Dito ko rin naranasang maggala o mamasyal sa iba’t – ibang lugar, pumunta sa bahay ng aking mga kaklase at hapon na hapon na umuwi. Noong bakasyon ay yun at yun pa rin ang aking ginagawa pero minsan ay nagbubukas naman akong libro kahit papaano.
Noong 3rd year ako ay nagpunta kami sa bahay ng isa kong kaibigan, nagpakalayo at nakakapagod pero sulit naman dahil mas nakilala pa namin ang isa’t – isa. Maganda ang tanawin roon, naglakad kami ng napakalayo para lang makita at makapunta doon. Naging masaya naman kami kahit na napagod at napagalitan pag – uwi. Hindi kami masyadong nagkakaisa sa room, dahil may ilan kaming kaklase na hindi masyadong makasundo. Sumali ako sa pagiging volunteer ng C.A.T. organization para maging officer, magawa ang hindi ko pa nagagawa, magkaroon ng maraming kaibigan at malaman ang mga hindi ko pa nalalaman. Tuwing umaga ay kailangan kong magreport sa mga officer o kaya naman kay Sir Marfori at tuwing hapon ay kailangan ko ding magreport. Bago muna kami umuwi ay kailangan munang maglinis at itapon ang basura, kasama ko sa paglilinis sina Joven. Marami akong naging kaibigan ngunit meron akong hindi masyadong kinakausap dahil sa tingin ko ay hindi kami magkakasundo. Nag volunteer din ang aking  crush, pero tuwing hapon lamang kami nagkakausap at nagkakasama dahil hindi ko siya kaklase pero kahit ganon ay hindi pa rin nagbago ang pagtingin ko sa kanya ngunit lalo ko pa siyang nagustuhan. Ang tikas niyang tumindig at ang galing niya sa ginagawa namin sa C.A.T. . nagkaroon ulit ako ng crush dahil napakatalino at ang galing din niya sa gawain ng C.A.T. at laong – lalo na ang kanyang tindig. Lagi kong kasabay sa pag – uwi ang aking crush dahil isa siya sa aking mga kaibigan, lagi kaming nagkukwentuhan habang naglalakad, lagi naming napag – uusapan ang tungkol sa mga nangyari sa buong maghapon. Nagsasabihan din kami ng tungkol sa aming mga sarili kaya lalo naming nakilala ang isa’t – isa. Nagsabi siya sa akin ng tungkol sa kanyang gustong ligawan, na kahit na crush ko siya ay hindi ko masabi, dahil iba ang gusto niya. Humingi siya sa akin ng advise para kung paano manligaw, mga ugali ng babae at mga hilig at gusto ng isang babae. Sinabi ko sa kanya ang kailangan at gustong malaman tungkol sa babae. Nahihiya siyang manligaw kaya nagpatulong siya para ligawan ito. Kahit masakit ay ginawa ko para lang maging masaya siya at maging sila ng kanyang nagugustuhan. Kinaibigan ko muna siya para malaman ang kanyang ugali, gusto at ayaw. Marami akong nalaman at natutunan sa kanya dahil siya ay mabait at masayahing babae. Nung nagtagal ay sinabi ko na ang kailangan kong sabihin na kung pwede manligaw ang aking crush na kaibigan at pumayag naman ito dahil alam niyang mabait at totoong magmahal ito. Bago muna naging sila ay nalaman ko na hindi pa totoong mahal nung babae ang aking crush na kaibigan ko at naging sila na hindi masyadong mahal nung babae ang aking crush na kaibigan ko.
 

ang aking bhabe at sweetie
ang aking tropa 03



      1st time kong sumali sa J.S. Prom, ang theme ay Hawaiian kaya hindi ko alam kung saan ako makakahiram o makakabili ng damit na susuotin ko sa araw ng J.S. . J.S. na, sabay – sabay kaming magpipinsan na pumunta at naging masaya ang aking J.S. kasama ang aking mga kaklase at kaibigan. Ang una at huli kong kasayaw ay parehas kong crush ng 3rd year. Nag – pikturan kami at masayang masaya kami. Bago ako umuwi ng bahay ay pumunta muna kaming magpinsan sa Dizon. Mag – aalasingko na kami nakauwi. Pagkadating ko ay natulog agad ako. Hapon na ako nagising at pagkagising ko ay kumain agad ako. Malapit nang magbakasyon, kaya naman namasyal kaming magkakaibigan. Pero kahit bakasyon na ay hindi pa rin ako makakapagliwaliw dahil may summer training kami ng mga volunteer. Kahit na may training ay masaya pa rin ako dahil marami akong mas lubos pang makikilala at magiging kaibigan. Ang nagtuturo sa amin ay Sir Vic, siya ay napakabait kahit na siya ay istrikto kapag gumagalaw sa form pero kahit ganon ay gustong gusto ko siyang magturo sa amin dahil marunong siyang makisama sa amin. Tuwing tanghali ay sabay – sabay kaming kumakain na nakakamay. Sa isang linggo ay nagtetest kami ng mga tinuturo sa amin, kapag Friday naman ay natutulog kami sa school para gawin ang mga activity at kapag umaalis si Sir ay nag – aaral kami at kumakain ng mangga. Bago matapos ang aming summer training ay tumulong kami para sa sagala at nagbuhat kami ng arko. Gabing – gabi na kami nakauwi sa school. Pagkadating namin ay nagpahinga kami at nagsimula na ang open forum namin. Mga 11 p.m. na kami nakatulog at kinabukasan ay nag – practice kami para sa graduation naming at para maging officer na kami. Nag – practice na kami maghapon  kaya kami ay pagod na pagod pero kahit papaano ay naging masaya ako. Huling gabi na naming magkakasama – samang matulog kaya sinulit na namin itong lahat. Kinabukasan ay graduation na naming, naghahanda na kami sa aming susuotin at maya – maya ay nagsimula na ang aming graduation. Nakasama ako sa 2nd Batallion staff. At nagsiuwian na kami ng tanghalian na. Pag – uwi ko ay binalita ko agad sa aking ina ang mga nangyari sa amin. Magpapasukan na naman kaya bumli na kami ng gamit para sa pasukan.
 

ako at thulhulabxz
 

     Pasukan na naman at 4th year na ako, sa unang araw ko ay hindi gaanong masaya dahil ayoko ng maging kaklase ang iba, pero bandang huli ay naging masaya naman kami. Ang unang linggo ko ay naging masaya dahil wala masyadong gingawa at dumating na ang mga ilang linggo ay naging marami na ang ginagawa dahil marami ang nagiging assignment. Hindi nagtagal ay naging whole day na kami. Dahil lumipat kami ng room at ang naging room namin ay sa new – building. Nung 1st grading ay medyo madali ang ginagawa pero nung nag 2nd grading ay medyo mahirap dahil masyadong marami na ang mga ginagawa. Nagkaroon ng ng maraming activity sa school kagaya ng concert. Kapag kumukuha kami ng test ay lagi akong pumapasok ng maaga dahil kailangan kong pumasok ng maaga para tumulong sa paglilinis ng aming commandant. Habang naghihinatay kami ng test ay nagsasama – sama kami para magbonding. 3rd grading na, kailangan nang magseryoso para makagraduate at makapasa sa 4th year. Naging masaya ako ngayong quarter dahil puro activity sa school at lagi kaming magkakasama kapag may kailangang gawin kagaya nung Christmas party sama – sama kaming nangaroling para makaipon para sa gagastusin namin sa Christmas party. Pero kahit lagi akong gabing umuuwi  ay naiintindihan naman nila ako dahil kailangang kung gawin para makagraduate at makapasa ako sa 4th grading na, malapit na ang graduation pero bago muna mag graduation ay maghahanda muna para sa J.S. ang theme ng J.S. ay formal dress. At J.S. na, naghintayan kami sa may guard house para sabay – sabay kaming  pumasok sa J.S. Prom. Ang una at huli kong nakasayaw ay ang aking kaklase, naging masaya kaming buong klase at nag – pikturan kami, sabay – sabay kaming kumain, sumakit ang aking paa sa pagsasayaw pero kahit masakit ay naging masaya naman ako.  Mga 5 a.m. na ako nakauwi dahil hinintay ko pa ang aking pinsan dahil sabay kaming uuwi. 9hours lang ako nakatulog dahil ang aking kapatid at pamangkin ay maingay kaya agad akong nagising. Pagkagising ko ay agad akong kumain at natulog ulit dahil inaantok pa ako. Natulog ulit ako ng 4 na oras. Nagising ulit ako ng maggagabi na. Kinabukasan ay may pasok pero inaantok pa rin ako, agang – aga pa lang ay pinag – uusapan na ang nagyari sa nakaraang J.S. magdadalawang linggo pa lang ang nakakaraan ay kumuha na kami ng Semi – finals. Ang oras ng test ay 7:30 ng umaga ang simula at apat na subject ang aming tinest. Pagkatapos ng test namin ay nagpunta kami sa bahay ng kaklase naming para gumawa ng film. Mga mag – aalasingko na ako nakauwi pero hindi ako pinagalitan. Sumali ako sa Clan at ang pangalan ng clan ay tchesc. Malapit na akong gumaraduate kaya ginawa kong masaya ang aking highschool life.


 Maraming Salamat po sa inyong pagbasa!
ang aking mga  kaklaseng lalaki
pinakamamahal kong tropa
ang aking tagapayo at tropa ko

ang aking mga kaklase
ako at ang aking butihing tropa

ang aking tropa

















Walang komento:

Mag-post ng isang Komento