 |
AkO tO:) | |
|
Ako nga pala si
Wency E. Merano, pero bago ko lubusang ipakilala ang sarili ko, gusto ko munang
ikwento sa inyo ang dahilan kung bakit nandito ako sa mundo. Kukwento ko sa
inyo kung paano nagkaibigan ang aking mga magulang. Nakatira silang dalawa sa
parehong lunsod ng Davao. Sa edad na labing-anim na taong gulang grumaduate si
Mama ng highschool, pero sa kawalan ng pinansyal mas pinili na lamang ng aking
ina na lumuwas na lang sa Maynila upang manilbihan bilang katulong upang
makatulong naman siya kahit papaano sa kanyang magulang at para na rin
makatulong sa kanyang mga kapatid na nag-aaral pa lamang.
Sa kabilang dako
naman ang aking tatay ay nakatira sa Barangay Dumanlas Buhangin, Davao City.
Mahirap lang ang pamilya ng aking tatay kung kaya’t ang tanging ikinabubuhay
lang ng magulang ng aking tatay ay pagtatanim ng palay at saging. Malayo sa
bayan ang tinitirahan ng aking tatay kung kaya’t malayo sila sa kabihasnan at higit
sa lahat wala silang kuryente kung kaya’t maaga pa lang kinakailangan ng gawin
ang mga dapat kailngang gawin bago pa man lumubog ang haring araw at nang
tumungtong sa edad na labing-walong taong gulang ang aking tatay ay naisipan
ring makipagsapalaran sa Maynila upang hanapin kung saan naroroon ang aking
ina. Bata pa lang kasi sila iniwan na sila ng kanilang ina upang magtrabaho.
Namasukan si itay bilang kargador at di kalaaunan ay natanggap naman ito.
 |
nanay ko po :) |
|
Sa paglipas ng
panahon, nagpatuloy ang kanilang pakikipagsapalaran. Si mama ay nagpatuloy pa
rin sa pagiging katulong sa Malate, Manila at si papa naman ay nagdedeliver na
lamang ng mineral water hanggang sa magkatagpo ang dalawa. Noong nagdedeliver
si papa ng tubig sa bahay ng pinapasukan ng aking ina, nagkataong wala ang amo
ng aking ina kung kaya’t ang aking ina na lang ang kumuha ng idineliver na
tubig ng aking ama. Natulala siya kay mama na animoy nakakita ng multo na love
at 1
st sight pala ito sa kanya, hanggang sa dumating na araw-araw na
pinapuntahan ng aking ama si mama upang masilayan lang nito ang kanyang muka.
Di kalaaunan ang matagal na paghihintay ng aking ama ay nauwi rin sa masayang
pagtityaga. Nakuha ng tatay ko ang loob ng aking ina. Sa maraming taong
nakalipas nananatili pa rin ang matamis nilang pag-iibigan at kasabay nito
nagkita ang mag-ina ang tatay ang lola ko. Ipinakilala ng itay ko kay lola ang
aking ina at agad namang tinanggap ito ng aking lola. Hanggang sa magkaroon ng
sapat na pera umuwi ang aking ina sa Davao upang makatulong na sa kanyang mga
magulang. Makalipas ang ilang buwan, binalikan ni mama si papa sa Davao City
upang yayain na magpakasal at tinanggap naman ito ng aking ina. Pinili nilang
mabuhay na magkasama sa ibang lugar kaya’t napadpad sila sa Lungsod ng San
Pablo sa lalawigan ng Laguna. Bunga ng kanilang pagsasama ipinanganak ng aking
ina ang malusog na sanggol.
 |
nag mature na po ako |
|
Ipinanganak ako
noong Hunyo 17, 1995, sabi ng nanay ko ako daw ay ipinaglihi niya sa balot
dahil noong siya ay naglilihi pa lang ay kain na lang ng kain ng balot ang
kayang ginawa at sa tuwing uuwi ang aking ama ng gabi galling sa kanyang
trabaho. Lumipas man ang ilang taon, patuloy pa rin ang takbo ng aming buhay
kasabay nito ang unti-unti kong paglaki.
At ng nagging
pitong taon na ko, sinimulan ko ng pumasok ng unang baitang sa paaralan ng
elementarya ng San Gregorio. Unang araw sa school kung kaya’t abot-abot ang
kaba ko, 1st mapalayo sa magulang kaya naman umiiyak ako sa tuwing
siya ay umaalis sa aking tabi. Pero ganon pa man nasanay na rin ako dahil na
rin sa aking mga kaibigan sila kasi ang nagpapasaya sa akin noong oras na wala
sa aking tabi ang aking magulang at ng mga ilang araw ako ay tuluyan ng nasanay
na sa pagpasok.
At pagtungtong
ko ng grade-2 kami pa rin ang magkaklase, ang saya kasi wala ng magkakahiyaan
sa amin sa araw-araw naming pagsasama-sama. Mga bata kami kung kaya’t di pa rin
mawawala sa amin ang maglaro gaya ng habul-habulan, tumbang-preso, tagu-taguan,
patintero, sikyo at marami pang iba kaya pagkatapos naming maglaro grabe an
gaming pawis, tagaktak talaga.
Grade-3 na ako
medyo may pagbabago na pagdating ng ikatlong baitang hanggang ikalimang baitang
dahil marurunong na kami mahiya at medyo may mga crush na kami. Sa pagtungtong
naming sa grade-6 madami na sa amin ang nagkaroon ng pagbabago, ang dating
madaldal ay ngayon ay nagging mahinhin na, ang dating pala away ngayon ay
mabait na, mga pagbabago sa sarili, gaya ng paglaki ng mga dibdib ng mga babae,
paglagong ng boses ng mga lalak. At pagminsan naman di maiwasan ang pag-aawayan
sanhi ng di pagkakaunawaan pero sa bandang huli nagkakabati rin naman. Kaya
noong grumaduate kami marami sa amin ang naiyak at nalungkot sa paghihiwalay
naming iyon umaasa kaming pag nagkita ulit kami kung hindi man sa school edi sa
kasalukuyan. Naging masakit at malungkot din sa akin ang aming paghihiwalay
pero alam ko namang baling araw magkikita at magkikita rin kami. Bakasyon na
pero malungkot pa rin ako dahil sa paghihwalay naming magbabarkada ganon pa man
excited pa rin ako sa pagpasok sa highschool upang makahanap ng bagong kaibigan
at nagtagumpay naman ako sa aking paghahanap ng kaibigan. Marami akong nagging
kaibigan lahat sila ay gusto akong maging kaibigan. Naging masaya din ako sa buhay
highschool akala ko magiging mahirap sa akin madali lang pala. Maraming
pagkakaiba dito kumpara noong ako ay elementarya pa lang. Noong ako ay 2
nd
year nagkaroon ako ng crush ditto. Dito ko lang naramdaman ang tunay na
kahulugan ng pag-ibig. Hindi ko na pinasyang ipaalam sa kanya ang tunay kong
nararamdaman dahil baka magalit siya inilihim ko na lang ito sa kanya, hanggang
titig na lang ako sa kanya. Hindi ko rin kasi kayang makipagkaibigan man lang
sa kanya, kasi sobra talaga akong nahihiya sa kanya. Masasaya rin ang mga
kaganapan noong ako ay 2
nd year gaya ng kami’y nag florante’t laura
kami isa rin kami sa maraming naghahangad na makamit ang 1
st place
kung kaya’t lahat kami ay porsigidong porsigido hindi man nakamit namin ang
aming minimithi masaya pa rin kami sa pagakat an gaming Flerida na si Roamay
Irah Rubiato ay nakakuha ng 1
st place ang aming Aladin naman na si
John Emil Cosico ay nakakuha ng 2
nd place.
 |
ako at si khatie |
|
 |
ako sa may tabi ng lake |
|
 |
tri zhone grupo namin |
|
Pirmahan na ng
clearance, hindi talaga madali ang daming kailangang gawin para mapirmahan lang
aming clearance. Sa pag-akyat namin ng 3
rd year hindi namin alam
kung sinu-sino ang magkakaklase iniisip ko na sana kami pa rin ang magkaklase.
Mabuti na lang kami ulit, wow! Tumaas ng isa ang king section mula sa F
patunggong E at higit sa lahat kasama ko ulit ang aking mga kaibigan na si
Paula, Janice, Giselle at Michelle. At may isa pang dahilan kung kaya’t labis
labis ang aking kaligayahan sa pagiging 3
rd year ko kauna-unahan
kong mararanasan ang J.S. Prom Hawaiian ang theme kung kaya’t medyo kakaiba. Pinaghahandaan
ko ang aking susuotin nagging excited ako at noong araw na iyon dumating na ang
pinakahihintay namin. Kasama kong pumunta sa Central Gym ang kaklase kong si
Michelle na kaklase ko rin ng elementarya. Kung kaya’t sanay na ako sa kanya
kaya itinuturing ko na siya bilang aking bestfriend sa tagal ba naming
magkasama kaya alam na namin ang tungkol sa isa’t-isa. Nagsimula ang J.S. sa
mananayaw na may gamit na apoy, ang ganda nilang tingnan at ang lahat ay
wiling-wili na mapanood ang mga mananayaw. Kumain kami ng sabay-sabay sa may
sulok. At nang tumugtog na ang sweet lahat ng kalalakihan ay nagsisitayuan
upang maghanap ng mga babaeng gusting makisayaw sa kanila. At dumating din ang
punto na tinugtog ang paborito kong kanta ang pamagat ay “I LOVE YOU, MORE THAN
YOU EVER KNOW” kasi sa tuwing tinutugtog iyon naiisip ko yung mga memory na
magaganda at nakakakilig at syempre makakalimutan ko ba naman ang aking crush.
Syempre hindi!, kaya habang tinutugtog iyon nag iimagine ako na kasayaw ko
siya. Ang saya talaga ng araw na iyon.Hinding-hindi makakalimutan ang araw na iyon paguwe kinabukasan ang mga pagmumuka puro loshang na kaya nakakahiyang sumakay sa tricyle kasi pinagtitinginan ka ng maraming tao at talaga naman nakakaantok pagdating ko sa aming bahay deretso agad ako sa aking kama hindi na nga ako nag almusal nagising ako ng alasdose saktong pananghalian at pagkatapos na tulog ulet ako minalas pa nga ako pagkagising ko ng hapon kasi nadulas ako sa likod ng aming bahay namin habang may dala dalang miriyenda sayang lang tuloy bukod sa wala na akong nakain ang dumi dumi ko pa purp putik ang bandang pwetan ko kaya dali dali akong naligo.
 |
ako at aking bestfriend |
|
 |
ako habang nakahiga |
|
Pagkalipas ng ilang buwan bakasyon na naman at mag4th year na ako ano kaya ang pakiramdam ng maging 4th year bumaba ang seksyon ko at napahiwalay ako sa iba kong mga kaibigan sino sino kaya ang mga bago kong magiging kaibigan 4f ang seksyon ko ngayon o 4faraday WoW ! naglevel up ang mga seksyon. Nagkapangalan sa pagbago kaya ng mga seksyon namen magbago din kaya ang takbo ng aking buhay.Unang pasok sa room madame akong kilala na naging klasmate kona date at meron din namang hindi.Pero alam ko balang araw di naman ako nabigo naging close ko naman sila ang totoo masaya nga silang kasama eh ! nagkaroon ako ng mga kaibigan na sabay sabay kaming kumakaen,sabay sabay magkwentuhan,at marami pang ibang masasayang pangyayari.Sumunod na ilang araw nagkaroon kame ng ideya,ang 4faraday ay magkakaroon ng hiking ito ay sa balumbong pero nakakatawa ang pinaghandaang hiking ay nauwi sa palpak na paguusap.Ang nangyari tuloy 4 lang kameng magkakaklase na dumalo sa hiking kasama ang ibang hindi kilalang personalidad pero sa huli umuwe kame ng masaya kahit na basa ang aming mga pantalon yun nga lang nakakapagod kaylan kaya ulit ito mauulet.Lumipas ang ilang buwan lalo namin nakilala ang bawat isa pero pagminsan di talaga maiiwasan ang mga iringan pero sa huli nagkakabati naman.Walang araw na lilipas na di kame tumatawa,pero di maaalis sa isipan namin ang graduation nakakalungkot mang isipin na may iiwanan kang isang taong mahal na mahal mo.Nakilala ko lang siya nung naging player ako di ko alam kung bakit ko siya naging crush eh ! hindi ko alam kung bakit ko siya naging crush eh !! Di ko naman siya parating nakikita kasi magkahiwalay ang lugar ng aming pinagpapraktisan siguro na love at first sight ako sa kanya kaya siguro ganun nalang kabilis ang pagtibok ng aking puso.
 |
ako sa class room namen |
 |
ako sa tagaytay |
Isa sa pinaka masayang nangyari sa buhay ko noong nagkaroon kame ng fieldtrip.Ang dame nga naming pinuntahan gaya ng museum sa UPLB,residence iNN sa tagaytay , Novali,at ang pinaka masaya sa lahat ay sa enchanted kingdom pagpunta namin dun pinunntahan agad namen ang space shuttle grave ang lakas ng kabog ng puso ko first time ko lang makasakay doon.Buti nalang nandon ang crush ko kaya nabawasan ang tibok ng puso ko at ng malapit na kami sobra sobra ang aking nararamdaman di ko mapaliwanag di ko alam kung maiiyak ako o magsisisigaw sa sobrang kaba ng kami na ang susunod,nagsimula ng umandar grave nakakatakot ang tunog na nagsimula na kaming tumaas ang bilis bilis pababa grave para kang itatapon sa sobrang bilis kaya nung pababa kaya nung pagbaba namin para kaming nalugi , marami sa amin ang nahilo pero parang gusto ko pang ulitin yun umuwi kame ng masaya sakay ng bus nakaranas ako ng sobrang pagkahilo at nasusuka grave di ko alam kung ano ang gagawin gustong gusto ko nang umuwi at ng makarating ako sa aming bahay nagsuka talaga ako at nung nakahiga ako sa kama filing parang nakasakay uli ako sa mga rides ng enchanted kingdom,-Kinabukasan training ulit ng badminton.Division meet na kaya ako ay kabado gagaw-in ko lahat para manalo sa laban nain pero ok lang naman kahit di manalo basta ibinigay ko ang lahat pagkatapos nun ay pinuntahan ko ang aking crush sa dizon kasi lalaban na siya .At ng lumaban na siya nakakatuwa kasi nanalo na siya kaya proud na proud ako sa kanya kaya pagkatapos ng division meet pasukan na naman balik na naman sa date pero ung crush ko nagtetraining padin para sa STACAA masaya ako kasi araw araw ko siyang nakikita pwera lang sabado at linggo at talagang nagkataon sa tuwing nagpapraktis sila ng parada lageng nasa harap ng room namin ang saya talaga ang sarap niya talagang titigan gusto ko na talagang sabihin ang aking tunay na nararamdaman ngunit pinangungunahan ako ng kaba.Malapit na ang graduation kung kayat' desidido na akong ipaalam sa kanya na mahal ko siya.At para naman sa aking mga kaibigan sana walang magkakalimutan kahit na grumaduate na kame at sana wala parin mag bago magkaibigan sa habang panahon.Dito muna matatapos ang masaya kung talambuhay abangan ang mga susunod na kaganapan sa aking buhay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento