|
Christmas party nung 3rd year.. |
|
Ako nung 3rd year.. |
Ako po si Ma. Khrista Nikka Venzon Aytona, labing anim na taong gulang. Ipinanganak ako noong ika 20 ng Disyembre taong 1995 sa lugar ng Obando, Bulacan. Ako po ay nakatira sa 53-7 P. Alcantara Street, San Pablo City. Nagsimula akong matuto at mag aral sa San Pablo City Central School. Dito po ako nag aral ng Kinder. Ang guro ko noon ay si Mrs. Piniero . Lagi akong napapagalitan ng guro ko noon dahil sa sobra kong kakulitan, pero ngayon malaki na ang pinagbago ko. May kakulitan pa rin pero hindi na tulad ng dati. Marami akong naging kaibigan noong kinder pa lang ako, ilan sa kanila ay schoolmate ko pa rin hanggang ngayon sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National HighSchool. Masaya ang nagging karanasan ko noong kinder pa lamang ako. Nuna nag Christmas Party kami, tandang tanda ko pa ayginanap yun nung kaarawan ko Disyembre 20. Hindi ko na alam kung anong yun dahil medyo may katagalan na. Niregaluhan ako ng mga kaklase ko at adviser, dahil nga bata pa ako nun. Sobra akong natutuwa ako kapag nakakapagbukas ako ng mga regalo na para sa akin. Nang tumungtong ako ng entablado nung Kinder, si mama ang kasama ko. Pagkatapos ng graduation ay kumain kami ni mama sa labas. Sa sumunod na taon naman ay sa San Pablo Central School ko pa din ipinagpatuloy ang aking pag aaral, ilan sa mga kaklase ko noong kinder ay naging kaklase ko pa rin noong nasa unang baiting ako. Lagi akong natatakot noon pumasok dahil sa guro ko na medyo may katarayan. Sya si Mrs. Vibar, maputi, maliit at medyo may katandaan na. Pero kahit ganun kailangan ko pa rin ipagpatuloy ang aking pag aaral. Nakilala ko noon si Celine nasyang nagging kasa kasama ko sa kung saan saan. Kaming dalawa ang lagging magkasama, tuwing recess, lunch at kahit pag uwi. Sya ang nagging matalik kong kaibigan noong nasa unang baitang pa lamang ako. Pero habang tumatagal na an gaming samahan ay nakakasundo na namin an gaming guro. Lagi na naming syang kabiruan pero kapag seryoso talaga sya, ni mapangiti ay hindi naming magawa lalo na kapag sya ay nagtuturo. Noong nasa unang baiting din ako, meron akong naging crush, ang pangalan nya ay si John Elsher Amante . Madalas nya kong niloloko kaya kung minsan napipikon na din ako , pero kahit ganun sya sakin pinapabayaan ko na lang dahil iniisip ko nagpapansin lang sya sakin. Si mama pa rin ang lagging naghahatid nun sakin kapag papasok na ko. Noong nasa ikalawang baiting na naman ako, sa Sa PabloCentral School ko pa rin ipinagpatuloy ang aking pag aaral ngunit sa pagkakataong ito hindi ko na kaklase si Celine na syang matalik kong kaibigan noong nasa unang baiting pa lamang ako. Pero dahi nasa ikalawang baiting na ako, karamihan sa amin ay wala pa ding kakilala dahil napahiwalay din sila sa mga kaibigan nila. Lahat ng mga kaklase ko noong nasa ikalawang baiting ako ay nakasundo ko naman. Ang guro ko noong nasa ikalawang baitang ako ay si Mrs. Almario, sya ay napakabait, maintindihin at isa sa napakagaling na guro ng Central School kaya naman isa din sya sa mga naging paborito kong guro noon. Noong nasa ikalawang baitang ako, tuwingpag awas naming ay naglalaro kaming magkaklase. Kadalasan pa ay ako ang taya dahil napakabagal kong tumakbo. Kaklase ko pa rin ng taong yun si John Elsher Amante. Noong nasa ikatlong baitang naman ako, lagging an gaga kong pumasok dahil lola ko noon ang nag aasikaso sa akin. Ang guro ko noong nasa ikatlong baitang na ako ang guro ko noon ay si Mrs. Escolano. Halos lahat din ng mga kaklase ko noong taong yun ay kasundo ko din. Lagi kaming magkakasabay ng mga kaklase ko pag pauwi na. Natuto na ako noon na pumasok ng mag isa pero hinahatid parin ako ng lola ko hanggang UCPB Bank dahil may overpass na noon. Pero pag uwian na, nasabay na lang ako sa mga kaklase k. Noong nasa ikaapat na baitang naman ako. Marami na akong naging karanasan. Ang naging guro ko noong nasa ikaapat na baitang ako ay si Ms. Mia Mojica. Sumubok ako noon na mag audition sa San Pablo City Central School Chidren’s Choir at natanggap naman ako. Napabilang ako noon sa mga Alto. Nung natanggap na ako, halos araw araw na kami nag eensayo dahil lagi kaming iniimbitahan sa kung ano anong okasyon. Noong mapabilang din ako sa choir ng Cental ay naranasan konh kumanta sa plaza dahil malapit ng ipagdiwang ang araw ng fiesta. Medyo kinakabahan ako noong gabing yun kasi nasa unahan pa ako, pero ayos lang din dahil marami naman kaming kasali. Ang nagtuturo noon sa amin ay si Ms. Elaine Adajar, sya ay mataas at napakagandang babae. Sa tuwing nakanta sya, kami ay sobrang humahanga dahil napakagaling din nyang kumanta. Pero kapag oras na ng ensayo, sobra syang seryoso dahil gusto nya, magawa naming yun ng maayos. Ang lagi naming isinusuo noon ay yung tshirt na pinatatakan namin noon na hanggang ngayon ay nasa akin pa rin pero hindi ko na maisuot dahil hindi na kasya. Ag ilan pang mga miyembro noon ng aming choir ay sa Col. Lauro D. Dizon pumasok. Hanggang ngayon pag nagkikita kita kami ay nagbabatian pa rin. Noong nasa ikalimang baitang na ako, sa Silang West Elementary School, sa Silang Cavite ko ipinagpatuloy ang aking pag aaral. Nakilala ko dun sina Jea, Mary Rose, James, Renz, Aica ay Kimberly na swilang mga nakasundo ko. Ang naging guro ko noon ay si Sir. Villanueva na syang guro namin sa English. Ang uniporme naming dun ay tulad lang ng isinusuot ko sa San Pablo Laguna kung saan ako nag aral ng una hanggang ikaapat na baitang. Noong nasa ikaanim na baitang na ako, ang ilan sa mga kaibigan ko ay tumaas ang seksyon at ang ilan naman ay bumaba kaya kami ay nagkahiwa hiwalay. Marami kaming naging adviser noong nasa ikaanim na baitang ako. Nakalimutan ko na rin kung sino sino ang mga yun. Noong graduation namin, ang kanta noon ay Yesterday’s Dream. Hindi din ako pamilyar sa kantang yun dahil noon ko lang yun narinig, pero maganda naman sya at ang sarap ulit ulitin. Matapos kong maka gradute saSilang West Elementary School sa Cavite ay bumalik na ako sa San Pablo, Laguna para ipagpatuloy ang aking pag aaral at dun na mag aral ng high school. Sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School ako nag enroll ng first year kung saan dun din nag aral amg mga pinsan ko. Sa section D ako napabilang at naging Adviser namin si Mrs. Gonzales. Nakilala ko noon sina Jennina Garcia, Eunicelle, Rona Palejon, Ronabel Palarca, John King Maralit at marami pang iba na nakasama ko araw araw. Nahikayat kaming sumali noon sa Supreme Student Government, kami nina Rona at Ronabel. Tumakbo ako bilang 2
nd year Representative lang muna dahil baguhan pa lang ako. Nung lumabas ang resulta, isa ako sa mga nanalo dahil tatlo naman ang kinukuhang panalo dun. Nagkaroon kami noon ng Acquaintance Party ng mas maraming kakilala. Noong nag field demo naman ay sumali din ako dahil may grade daw yun sa MAPEH , 1
st year at 2
nd year ang nanalo noon. Kaya naman tumaas an gaming marka nun sa MAPEH . Noong 2
nd yar naman ako, umupo na kami sa pwesto. Masaya ang naging karanasan ko noon, karamihan sa aming mga nanalo ay mga kapartido na namin kaya hindi na kami nahirapang makisama. Ilan naman sa mga kaklase ko noong 1st year ay hindi ko na naging kaklase noong 2
nd year, ang ilan ay bumaba at ang ilan naman ay tumaas. Nagkaroon ulit ako ng mga panibagong kaibigan, dito ko nakilala sina Maurine, Veronica at Deneery. Sila ang naging kasa kasama ko noong 2
nd year at hanggang ngayon ay mayroon pa rin kaming komunikasyon sa isa’t isa dahil sa Col. Lauro Dizon pa rin silanag aaral tulad ko maliban na lang kay Deneery, lumipat na kasi sya sa Cavite matapos ang pag aaral ng 2
nd year sa Dizon. Marami kaming naging bonding na magkakaibigan, nag swimmingdin kami noon sa Boying. Ang adviser naming noon ay si Ms. Claire Dioso. Guro din namin sya sa Science. Nang malapit ng matapos ang taon, tatapusin ko na ang aking nasimulan. Kaya naman nag file ulit ako ng candidacy bilang 3
rd year representative ulit sa pangalawang pagkakataon sa Supreme Student Government. Nang lumabas ang resulta ay nakita ko ang pangalan ko sa mga nanalo. Medyo marami ang sumuporta dahil marami na ang nakakakilala sa akin. Sumama ako noon sa partido ni Ate Angelica Tayobong . Karamihan sa mga kapartido namin ay nanalo din. Nang tumungtong ako ng 3
rd year. Marami akong naging masayang karanasan. Ang adviser naming noong 3
rd year ay si Mrs. Banagale.
|
Modelling nung 3rd year sa Cosmetology. |
Cosmetology kami noong 3
rd year kaya marami akong natutunan. Natutunan kong mag aral mag manicure, mag make up, magkulot at kung ano ano pang pagpapaganda. Naranasan ko rin noong mag fashion show na kung saan ay nanalo kami bilang 3
rd.
|
Kaming dalawa ni Vanessa. |
|
Ako at si Sharrah .. |
|
Faradaynians .. |
Kami kami yun nina Vanessa, Veronica, Michelle, Cristy, Jochelle, Vina at marami pang iba. Mahabang preparasyon ang araw nayun para sa amin dahil nagpractise pa kami ng modeling at pinag isipang mabuti kung ano ang pwedeng isuot na magiging unique kami. Successful naman ang pagod naming dahin nagkaroon kami ng mataas na marka. Noong nag field demo naman, natalo kami dahil 1
st year at 2
nd year ang nanalo. Naranasan ko din noon na sumayaw sa opening ng SM City Sa Pablo, piling sections lang ang nakasama noon. Sobrang saya ng mga araw na yon para sa amin. Kasama ko palagi ang aking mga kaibigan sa kahit na anong lakad. Pagsapit naman ng Enero, madalas ng napapag usapan ang tungkol sa Juniors Seniors Prom. Karamihan sa amin ay excited na. Ang naging theme nung isang taonay Hawaiian, noong una parang hindi kami ginaganahan sumali dahil parang kaonti lang ang kasali. Pero habang papalapit na ginaganahan na din kami dahil halos araw araw na itong pinapag usapan. Noong araw ng Junior Seniors Prom noong Feb. 11, 2011, sobrang saya pala at naging maganda ang kinalabasan ng gabing yun. Nagsimula ang JS Prom nang 7:00 ng gabi at natapos ng 4:00 ng umaga. Hindi ko makalimutan ang gabing yun, ni hindi man lang kami nakaramdam ng antok at sulit naman ang aming ibinayad. Kinabukasan nun ay sabado,bumawi naman kami ng tulog. Pagpasok ko ng lunes, Valentines Day noon. Ang ilan sa mga nagsayaw sa akin noong JS Prom, ang ilan ay nagbigay ng mga bulaklak. Nag umpisa na ulit magkaroon ng eleksyon, at lumaban na ulit ako.Tumakbo naman ako bilang ingat yaman ng organisasyon. Sa partido ni Neo Villareal ako sumali, karamiha sa amin ay mag kakakilala na. Nung lumabas ang resulta, nanalo pa rin ako. Dalawalang kami noong naglaban bilang Ingat Yaman. Ako at si KhryssLeanne Omnes. Noong nag 4
th year na ako, nakilala ko sina, Vielanie, Sharraay Joanna Mae. Kaming apat ag laging magkakasama. Noong nasa kalagitnaan na ng taon, madagdagan nakami at napabilang sa amin sina Jhuncel, Fatima, Misty, Kayee, Melvin at Maricar.
Nabuo kaming lahat noong October 3, 2011. Lahat kami ay nagkakasundo at nagkakaisa. Karamihan sa aming magakakaibigan ay nahalal sa Class Organization kaya hindi na kami nahihirapang ayusin ang mga problema sa aming klase. Noong November 3 ay umalis kami nina Neo, Kenna , Shelo at si Ma’am Marie. Pumunta kami ng Baguio para dumalo sa National Leadership Training ng Supreme Student Government. Tumagal kami dun ng halos pitong araw. Marami ding dumating na artista kaya mas lalo kaming nag enjoy. Umuwi kami ng San Pablo Laguna noong October 10 ng umaga. Marami ding naganap na concert nang taong ito, pero isa sa mga kamag aaral namin ay nasawi. Nagkaroon noon ng Benefit Concert para sa kanya, para makatulong kami ng pinansyal.
|
Kaming dalawa ni Vielanie .. |
|
Ako si Sir Villanueva at Fatima .. |
Noong nag JS Prom naman, naging masaya pa rin ang pangyayaring yun. Ang naging theme naming ay Victorian Party, lahat ng mga bababe ay naka head dress tapos naka cocktail dress ang mga lalaki naman ay naka pang amerikana. Nagsimula parin ito ng 7:00 ng gabi at natapos ng 4:00 ng umaga. Sa ngayon malapit nakaming magtapos ng high school. Dito na nagtatapos ang aking talambuhay. Kung minsan masaya, minsan naman ay malungkot.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento