Martes, Pebrero 21, 2012

Ang Talambuhay Ni Mariel Aquilo Palma

                                                     Ang  Talambuhay ni Mariel A. Palma


Nung ako ay kinder pa lamang
Nagsimula ang buhay ko noong nagkakilala ang aking mga magulang .. Ito ay sina Maricel Aquilo at Roderick Palma . Bata pa ng ikasal ang mama ko ky papa . . 18 pa lamang ng  si mama .ng ako ay kanyang ipinagbuntis,, ipinanganak nya ako noong ika-03 ng Pebrero Taong 1996.Pinangalanan nya akona Mariel Palma para daw kahawig ng pangalan nya .. 4 years old pa lamang ako ng ako ay tinuruan ni mama na magbasa ..Ipinasok nya ako sa Day Care Center sa Brgy. namen .. Lagi nya akong isinasama sa mga events sa school,. Luho ako noong ako ay bata pa dahil ako pa lamang ang anak nila .. Nung ako naman ay nag grade one ,Ipinasok nya ako sa Branzza , kalapit Brgy. namen yon, dun nya ako ipinasok dahil nandon mga pinsan ko..  Tutok ako ni mama  nung ako ay grade one, kaya ako ay nagka sabit ng ako ay nagtapos ng grade one..


eto na yung bunso kong kapatid :)
 Taong din ito ay buntis si mama sa ikalawang kapatid,, grade two naman ako ng  ipinanganak ni mama ang aking kapatid ito ay sa Jan Cedrick Palma, pinangalanan naman itong Cedrick para naman daw kahawig sa pangalan ni papa na Roderick,, masayang masaya na ako noon dahil nay bago na akong kapatid, natutuwa rin ako dahil malusog sya ng isinilang ni mama..

Picture ko nung katatapos ko lanh mag muse
 Grade-4 ako ng itinaransfer ni mama sa Brgy, namen. pasukan pa lang kinakabahan na ako dahil bago lang ako. Election din noon nung nalaman kong binoto ako ng isa sa mga kaklase ko, hindi ko pa nun alam na ako na ung 'MUSE' .Nung nalaman ko nun umiyak ako dahil hindi pa ako sanay sa mga ganito pero napapayag din ako ni mama, kasi experience na rin daw un para saken.Pinaghandaan ni mama ung damit ko para sa pagmumuse ko.Rarampa lang naman Pagkatapos nun kasali din ako sa Candidate for Bb.Sto.nino.. nagka award naman ako, Ms. friendship nga lang. Pero happy pa din ako.kasi kahit papano may award pa din ako. at tsaka doon ko nalaman na palakaibigan pala ako kahit transferee lang ako

Kame ng bestfriend ko
.Grade-5 naman ako nung medyo nagkaka layo na kame ng loob ng bestfriend ko. Siya ay si Ella Mae Umali. Siya rin un naging bestfriend ko nung ako ay kinder. Un din kasi ang dahilan kaya ako tinaransfer ni mama para daw makasama ko yung bestfriend ko. nung Grade-6 ako nagkaroon kami ng transferee, babae sya. Ang pangalan nya ay Maria Theresa Salloman, nakatabi ko sya sa upuan kasi inuna kame ng titser ko kasi maliit daw kame sa hulihan. Para na kaming magkapatid nun kasi dun na rin sya nauwi at nakain sa work ni mama, tapos sabay pa kaming pumasok kaya mas lalo na akong hindi naging malapit sa bestfriend ko, meron na rin naman syang mga new friends, siguro masasabi kong selosa ako pagdating sa kaibigan kasi nagagalit ako kay Theresa kapag hindi niya ako isiinasama o kinakausap pero agad din syang nag sosorry saken.tuwing lunch nalang lagi kaming nasa may puno at umaakyat. medyo may pagka boyish si Theresa kaya pati ako napapasama. Masaya naman kasi ini enjoy na rin namen ung mga days kasi malapit na kaming gumaraduate sa Elementary. mismong graduation nun wala pa si Theresa, akala ko hindi sya makaka attend pero late lang pala , masaya ako nung nakita ko na sya.medyo naiiyak rin ako nun dahil magtatapos na ako ng Elementarya.at sinabi nya na hindi sila sigurado kung dito pa sila titira, nangungupahan lang kasi sila dito, e si Ella naman e taga dito lang. malapit lang samen.Maraming gift din akong natanggap mula sa dalawa kong bestfriend.at sa iba ko ring mga kaibigan. bakasyon na nun nung nalaman kong isa sa mga kaklase ko ang namatay, burol niya nung nalaman kong pinsan ko siya.. siya ay si Reygie Vergara, mabait siya ..
Picture ko nung nag high school
Kasama ko na dito yung mga classmate ko
Kame rin to !
Tinatanong ako ni mama noon kung saan ko gustong pumasok ng high school, napag isipan naming mag pipinsan na sa Dizon Memorial National High School kami pumasok. lima kami non, pero dalawa lang ang natupad na pumasok dun.Ako lang at si abby. muntikan pa nung hindi matanggap si abbhy, umiyak sya  non. Ako kaya lang ako natanggap kasi inenroll ako ng tita ko kasi may kilala sya sa dizon na guro, Taga kanila. Masaya ako non dahil nalaman kong natanggap din si abby kasi may form sya. Magkaklase din kami sa seksyong 1-C. First Year ako, gusto ko nalang laging gumala at nun time na un din ako nagkaroon ng first Boyfriend, anak siya ng ninang tina ko. Natatawa lang ako nun dahil masyado pa kaming bata para sa bagay na un. at wala pa rin akong alam sa pagboboyfriend . Napilitan lang ako dahil makulit si pat, lagi nyang gusto na sabay kami pauwi pero ayoko dahil puro gala lang ang nasa isip ko. magaganda rin ang grade ko nun. nakarating na rin ako sa Pandin Lake dahilan ng kagalaan ko. naging kabarkada ko din si Abby nun. kasi siya lang ang may alam ng daan papunta sa paradahan namin.First Year din ako nung nalaman ni mama na may boyfriend na ako, napagaltan nya ako, pinag imis nya ako ng Bahay namin. Nalaman lang naman nya ito dahil sa bestfriend ko. nabasa niya kasi ung text sakin, pero ung mommy ni pat alam ung tungkol samen, kasi sinabi ni pat. pero hindi nagalit si ninang. 
Second Year naman ako nung bumaba ng isa ang seksyon ko. Naging seksyon D nalang ako. pero dun sa seksyong un, nagkaroon ako ng maraming kabarkada, Siyam kami noon. Sina Joseph, Sherwin, Jochel, Arlyn, Kier, ferlyn, Joy at Lea. na kung minsan ay mayroong tampuhan pero nakaka ayos-ayos din kami. dun ko rin nakilala si Aldrian Mendoza, First Year siya nun, Crush na crush ko siya kasi muka siyang bumbay. kinuha ko yata ung number niya kasi nagkakatext kami nun e. pero ung kuya niya ang nakipag meet saken. si kuya Mark. hindi siya ganong kamuka ni Aldrian.pero mas mabait si kuya Mark kesa sa kanya.. Hindi lang si aldrian yung crush ko nun .

Hobby Balcueva
 Si hobby din, taga samen naman siya , kapitbahay namen .. Alam din nun ni hobby na Crush ko siya, pero malungkot din  kase nagbabakasyon lamang siya dito sa San Pablo,Laguna taga Manila talaga siya , kaya bago siya umalis dito, nag iwan siya sa aken ng picture niya at kinuha rin niya number ko.. masayang masaya ako nun , kase si hobby palang nakikilala ko na ganun kabait , tsaka Loyal din siya.. kaya nung aalis na siya nalungkot  ako ng sobra , pero sinabi niya sa aken na babalik naman daw siya dito, kaya sabi ko ok. lang pala kase babalik din naman pala , pero dun siya talagang nag aaral sa Commonwelt sa Manila .. 


Third year ako
Third year ako , pero seksyon D parin ako . kaso nga lang na dating 9 kame e 5 nalang kase tumaas yung seksyon ng iba kung kasamahan pero wala naman na bumaba samen ..Third year din ako nung sinabi sa aken ni Aldrian na hindi daw siya dito papasok , akala ko niloloko lang ako nun , pero totoo pala ,, madali ko rin kagad natannggap yun kase Crush ko lang naman yun e, tas Third year din ako nung manligaw sa aken yung isa sa mga naging classmate ko nung ako ay First year pa lamang  , kaya pala lagi niya akong pinapahiram ng Libro sa A.P tas kaya rin pala inaantay nya ko kahit 5pm pa ang awas ko,, may Effort naman pala siya ,, kase hindi naman kame gaanong close nun noong First year pa ako.. ngayon ko lang din narealize na sweet pala siya sa lahat ng bagay , malapit na yung birthday niya nun March 03 , kaya para masaya yung bday niya yun din mismo yung date at day na sinagot ko siya ,, kase kita naman sa kanya na Loyal din siya .. kaso hindi ko rin alam kung ano talaga yung tunay na ugali niya ,, siguro makikilala ko lang siya kapag nakasama ko siya , ramdam ko yung Effort na ginagawa niya sa akin dati . kaya di ko rin masisisi yung sarili ko ,,  sana nga lang di ako umiyak mg dahil lan g sa kanya ..
Nag JS kame nitong 4thyear
Fourth Year ako , nung naging seksyon Faraday na lang ako tuluyan na kameng nagka hiwa hiwalay ng mga kabarkada ko nung 2nd at 3rd year hanggang sa ako na lang ang natira , pero dito sa seksyong to , naging masaya ang Friendship life ko , kase hindi ko nakakaaway ang mga kaibigan ko pati mga classmate , masaya yung seksyon namen , lagi na lamang tawanan na tawanan , nitong Fourth Year din ako naki pagbreak dun sa Boyfriend ko nung Third Year , para na kaseng nahihiya siya oh ewan ? basta parang nagbago na tingin ko sa kanya . kakapasukan palang nun nung nag break kame june 22 ata ?  hindi ko na matandaan eh . pero hindi ko na muna iniisip yung mga bagay na yun kase Graduating Student ako mas Priority ko na mag aral muna kesa maki pag relasyon , may tamang panahon naman para dun , mag iintindi muna ako sa pag aaral para maka graduate ,, At hanggang ngayon single na ako , tsaka na ako mag boboyfriend ! .. sa ngayon din nasisiyahan ako sa mga nagiging grades ko ... 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento