Sabado, Pebrero 25, 2012

Ang Talambuhay ni Joanna May T Banayo  


Ako yan Joanna Mae Banayo
 Ako si Joanna May T Banayo isinilang ako noong Mayo 18 1996, ako ay labing limang taong gulang na, isinilang ako ng aking inang si Corazon Banayo sa Quezon City Manila. Ang aking pagsilang ay kasunod ng kaarawan ng aking kapatid na si John Martin Banayo na aking kuya. Ako ay nagtapos ng elementarya sa aming paaralan n gaming Brgy Sta Elena, at ngaun sa High School ay napasok sa Colonel Lauro D Dizon Memorial National High School. Ako ay nasa ikaapat na antas na at magtatapos na ng sekondarya. Nakatira ako sa Brgy Sta Elena San Pablo City.  At dito narin ako lumaki at nagkaisip dito rin namulat ang aking isipan na hindi paganun ka tanda magi sip. Pinalaki ako ng aking ama na si Henry Banayo tinuruan nya akong gumalang sa kapwa tao. Mabait din syang ama. May kapatid ako na pangalawa sa aming magkakapatid siya ay si John Rapael Banayo. Kaming tatlo ay nkapagaral sa Dizon.
kuya rafael, kuya martin, ako at si papa
nung bininyagan ako
Noong ako ay tatlong taong gulang sa Bacoor Cavite kami nakatira natatandaan ko pa nga noon naglalaro kami ng kuya kong si Rafael sa hagdanan nakita kasi ng kuya ko sa panganay kong kapatid na nagpapadulas siya doon sa hagdan ginaya naman ng kuya ko ang ginawa ng panganay kong kapatid .Tapos  nung nakita ko din silang naglalaro sa hawakan ng hagdanan ginaya ko naman sila nagpadulas din ako tapos napatangkab at ang nasugatan sakin ay ang baba ko. Habang ginagamot ako ng mga mama ko pinagtatawanan ako ng mga kuya ko syempre bata pa ako non iyakin pa ako. At iyong naikwento sakin ng mga magulang ko sakin noon pasko ay bininyagan ako sa Maramag Valencia Bukidnon, walong buwan pa lamang ako dito. sinabi sa akin ng magulang ko na naiyak ako pag binubuhat ako ng ibang tao.Natatawa nga ko noon  dahil lakas daw ng  iyak ko. Tapos kinuwento rin sa akin ni mama na nabuhat daw ako ng lolo ko. Bata palang ako namatay na kaagad ang lolo ko sabi ng mama ko noong binuhat ako ng lolo ko hindi daw ako umiyak .

ako si kuya rafael at kuya martin
Noong apat na taong gulang na ako lumipat kami ng tinitirahan. Una ay sa Maynila tapos ay sa cavite at lumipat naman kami sa San Pablo City, dito naman ako lumaki at nakapagaral ng Elementarya at Sekondarya. Nag simula akong mag aral noong apat na taong gulang  ako noon nag aral ako noon sa aming Brgy. Tanda ko pa nga noon excited pa ko noong pumasok pinagyayabang ko pa noon sa papa ko na papasok na ako sa Paaralan. Malayo pa nga lang ang pasukan nag pabili  kaagad ako ng gamit ko sa mama ko. Tpos noong magpasukan na nga iyon natakot ako noon dahil iniwan ako noon ng mama ko pero hindi naman ako noon umiiyak, nakita ko nga mga kaklase ko na kung hindi naiyak ay nagwawala dahil wala iyong mga magulang nila sa tabi nila, kahit nga teacher naming ay inaaway narin. Natatawa na nga lang ako sa mga kaklase ko dahil iyak na sila.
buong pamilya ko
Alam nyo ba nung nasa elementary pa ako noon ang kinahiligan ko ay maglaro syempre, hindi ko narin naiiwasan na dahil sa paglalaro ay nasasaktan at nasusugatan . Na aalalako pa noo isinasama ako ng dalawa kong kuya sa ilog tapos maliligo kami angsarap pa nga maligo dun eh, tpos pag uwe naming papaluin kame kasi hindi kami nagpapa alam nakakatuwa p ngang alalahanin. At nung binilhan ng bisikleta ng mama ko si kuya twing hapon, tapos pag minsan naglalaro at nabibike kami sa subdivision tinatakas pa nga naming yung bike sa  sa kuya ko tapos yun nagbibike kami kahit hindi nya alam na gigagamit naming yung bike. Tapos nung binilisan ng kuya ko pagpapatakbo yung sa pagpepedal bigla kaming nagdagasa kinarma kami nung araw na iyon. Pero hindi naman lahat sa talambuhay ko ay paglalaro o pageenjoy ang kinahiligan ko, kahit naman nung elementary ako nagkaroondin naman ako ng hilig sa pag aaral.
Grade 6 ako nung grumaduate ako sa elementarya tuwang tuwaako noon dahil mag hi-high school na ako kahit wala akonh nai uwing medalya ang mahalaga ay ang pagkaka graduate ko sa elementary.
Noong pumasok ako ng 1st year high school sa dizon high ay hindi ako masyadong maayos sa sarili lagi akong hagard hindi ako nagpupulbo. Tapos nung mag 2nd year na ako nagkaroon ng mga kaibigan na pala ayos kaya ayun naging pala ayos narin ako sa sarili ko, naging Masaya pagiging 2nd year ko noon dito nabuo ang samahan ng barkada ko na sa lahat ng bagay ay walang laglagan kapag may problema ay tulungan. At pag hindi kakain ng tanghalian ang isa lahat kami hindi narin nakain. Lage kaming nagbobonding at nagkukulitan sobrang saya talaga pero kahit minsan nagkakatampuhan  nagawakami paraan para magka ayos narin ka agad. Nung 3rd year na ako nagkahiwahiwalay na kaming magbabarkada dahi nagka iba iba na kami ng section may mga tumaas at bumaba kaming mga kabarkada  at meron din naman akong kabarkada ko na nakasama ko pa nung 3rd year. Nung 3rd year din ako naranasan  ko ang imatured na paguugali nagkokopyahan talaga kami at nagtutulungan sa sagot atminsan na kami ay nahuli sa pagkokopyahan na minusan kami pasado na nga bumagsak pa naging aral na rin sakin tung pangyayaring iyon ginawa kasi naming yun para makauwi ng maag at makapaggala pero pagkatapos nun di ko nayon inulit. Kahit nagkahiwa hiwalay kaming magkakabarkada marami parin akong naging kaibigan dito ko rin  naranasan ang unang j.s prom ko na Masaya kasama ang aking mga kaibigan sama sama pa kami noong magkakaklase ang tema nga noon ay Hawaian party. Noong una ang sama nito para sa akinpero hindi pala nung pumasok ako sa gym ng central ang gandapala hindi rinako nabagot habang nakaupo ako noon sa isang tabi,ang saya talaga noon . Pagkatapos nga ng j.s naming noon ay gumala pa kami nakakatuwa nga parang dati dati ay bata pa ako at elementary pa lamang ako tapos ngayon ay 4th  year na ako sobrang bilis talaga ng pahahon dati wala pa akong alamsa ibang bagay bagay tulad ng crush pero ngayon ay alam ko na.
picture ni melvin
Maraming dumaan sa buhay ko ng pagiging high school siguro pag grumaduate ako mamimiss ko ang lahat ng mga ito, mga kaibigan ko at mga pangyayaring memorable. Ngayong nasa ikaapat na taon na ako sa high school, unang araw pa ng pasukan tatlo pa lamang kaming magkakabarkada at magkakasama noon, nagulat nga ako noon dahil yung crush ko noong 3rd year ay naging kaklase ko pa ngayon, sobra talaga nyang tahimik noon lagi syang nakaupo sa isang sulok. Hindi alam ng crush ko na lagi ko syang tinititigan, yun nga palang crush na nababanggit ko ay kasalukuyang boyfriend ko ngayon hindi talaga ako makapaniwala dahil dati nakikita ko lang sya tapos naging crush ko at ngayon ay boyfriendko na . Nung una nga naging kumplikado pa ang relasyon naming pero naging maayos na rinkami, kung hindi dahil sa kaibigan ko  hindi kami magkaka ayos.Ang pangalan ng boyfriend ko ay John Melvin Tubigan, sobrang bait talaga ng taong ito kahit anong gusto ko binibigay nya at nirerespeto nyaako bilang isang babae.
sa rm namin yan
Tanda ko noon September 3 2011, ipinakilala nya ako sa pamilya na sobrang nahihiya ako noon at kinakabahan talaga napapuntaako noon sa kanila noong tree planting yung araw na yunay umulan yun kasi nga basing basa kami nagpuntakami sa kanila para magpatuyo ng damit nung una akala ko ayun lang pero bila akong pinakilala. Nakilala ako ng kanyang ama at ina pati narin ng mga kapatid nya ,mabait silang lahat sa akin. At nung pasko naman siya naman ang pinakilala ko sa aking pamilya, kinakabahan talaga kaming dalawa noon ,talagang di mawala ang kaba saaming dalawa. Pero nung naipakilala ko na siya ay napaka saya na naming noon at yun ang pinaka Masaya kong pasko. pero hindi ko talaga makalimutan ay nung makilala ko ang kasintahan ko ngayon. Noong una kasi inaasar asar niya lang ako ang lagi nya lang pinang aasar sa akin ay yung pambara na “WEH DI NGA”  hindi ko alam gumagawa nap ala siya ng motibo noon at hindi naman niya alam na gusto ko rin siya. Ang dami pang tumututol  noon sa amin dahil may naririnig ako na paiiyakin niya lang daw ako pero kahit ang dami nilang sinasabi tungkol sa boyfriend kong si Melvin dedma lang ako dahil hindi naman ako naniniwala. Nanliligaw na siya sa kin noon at sinagot ko na siya noong  August 17 2011 iyon. Tuwang tuwa nga siya noong sinagot ko siya. Sobrang bait nya talaga araw araw niya akong hinahatid sa paradahan kahit malimit kaming nag aaway araw araw man kaming magkatext hindi talaga kami nagkakasawa. At higit sa lahat tapat kami sa isat isa, ang maganda pa sa relasyon naming ay legal kami sa pamilya ko at pamilya nya. Pero ang pinaka ayaw ko talaga yung lagi kaming nag aaway, napakataray ko daw kaya lagi kaming nagkaka away kaya magbabago na ako pero baka sa Bukidnon ako mag aaral   sa College, pipilitin ko na hindi kami magkahiwalay lahat gagawin ko para walang magbabago sa aming dalawa. Lagi nga nyang sinasabi sakin na dapat pag ka graduate ko ay babalik agad ako.pangako ko naman yun sa kanya na babalik agad ako at hindi ko siya iiwan, at hindi ko siya iiwan. Tawag pa nga sakin ni Melvin ay TARAY kasi nga lagi akong mataray  sa kanya  , ang tawag ko naman sa kanya ay BIBBO. Tawag iyon sa kanya ng pamilya niya eh.
picture ko nung J.S
Sumali ako ng J.S PROM, ito ang huli kong J.S PROM ngayong high school. Magkakasama kaming magkakabarkada at magkakaibigan. Syempre ang ka date ko  nung J.S namin ay si Melvin na aking boyfriend  pumunta nga siya sa amin para may kasabay ako papuntang sa PROM. Kung ang tema dati ay Hawaiian ngayon ay British Invasion. Ang saya ng party. Sobrang saya talaga. Kahit konti ang nag sayaw sa akin ,dahil gawa ni Melvin parang nakalista lang sa kanyang isip na kung sino lang iyung pwedeng magsayaw sa akin pero ayos na iyon, kasi hindi naman siya katulad ng iba na wala talaga nakipag sayaw gawa  ng mga boyfriend nila na ayaw pag sayaw sa iba. Pero para sa akin ayos na iyon atleast ipinapakita sa akin ni melivn na mahalaga ako sa kanya, kahit pagkatapos ng prom naming bonding parin ng barkada ko.
picture namin nung J.S
    Ang section ko ay 4FARADAY  kahit hindi ganun ka taas ang naging section ko  naging Masaya naman ako dahil ang mga naging kaklase ko ay hindi naman boring hindi katulad sa ibang section. Kapag may binigay na takdang aralin na dapat gawin tulungan kaming lahat at kapag napagalitan dahil sa kaingayan o katamaran sama sama lahat ay damay. Tulad na lang nung pumunta kami sa sampalok lake para lang kumain  tapos nakita kami ng teacher ko noong 3rd  na  nagdadate daw eh hindi naman kumaen lang naman kami ng isaw sa lake ayon napagalitan ang 4faraday . kalahati ng 4faraday ay nanduon sama sama kaming lahat na napagalitan. Pero hindi naman lahat ng kalokohan ang ginnagawa namin pag may problema yung isa tulungan din kaming lahat  hindi naming pinababayaan ang isa pag may problema damayan talaga kaming lahat. Kaya kami nanduon sa lake galing kami sa pamana hall noon para suportahan naming ang mananayaw ng dizon high ang pangalan ng grupo nila ay tiklad kasi sasayaw sila sa sikat na programa ng showtime, isang masayang experience na din iyon, dahil nakapag suporta kami sa isang sikat na palabas at isang grupo ng mananayaw ng dizon high     
picture namin nung kabatan na ang sarap balikan
  Maraming nangyari sa buhay ko minsan nga naalala ko parin iyung mga pangyayari noong bata pa ako ang bilis nga ng panahon dati rati ay nakikipag laro pa ako sa dalawa kong kuya ngayon tulad ng paliligo sa ulanan ng hubad paggagala ng sama sama. Pero kahit hindi na naming nagagawa yung mga bagay na iyon ay nakatatak na naman yun saaking isipan.Maraming salamat sa pagbabasa ng talambuhay ko ako nga pop ala ulit si Joanna mae banayo ng 4faraday.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento