Ang
talambuhay ni Vielanie Katigbak Laguras
|
vielanie.23 |
Ako po ang naging simbolo ng pagmamahalan ng
aking ina na si prescila katigbak at ang aking tatay na si Wilfredo Laguras. Ang
trabaho ng aking tatay ay tricycle driver at ang dating trabaho ng aking ina ay
isang guro. Ako po ay ipinanganak noong September 27 1996 sa Brgy. Concepcion
San Pablo City.Maaga po kaming iniwan ng aking mahal na ina dahil siya ay may
sakit na hika , ininom nya lahat ng kanyang gamut na akala nya ay gagaling
siya. Matagal din noong naiburol ang aking ina dahil ang aking tatay ay nasa
abroad , iyak ng iyak noon ang aking tatay
dahil sa mabait , maasikaso at mapagmahal na ina at asawa ang aking ina.
Lumaki kami sa piling ng aking mga lolo at lola sa side ng aking ina. Dalawang
taon palang ako ng nawala ang aking ina. Napakahirap para sa akin ang walang
ina dahil sa matatanda at mahihina na rin ang aking lolo at lola. Sila ang
nag-aasikaso , nag-lalaba , at nag-aalaga sa amin noon. Kame po ay limang
magkakapatid ayon ay sina john wilfre , john ace , viola at si john jeric.
|
my family.. |
Tatlo
na ang may asawa sa amin at ako rin ay may lima ng pamangkin , at ang isa ay
nasa tiyan na ng aking ate. Ako na lang ang nag-aaral sa amin , lahat ng aking
kapatid ay tapos na ng high school, isa lang ang nakatutung sa amin ng college
dahil sa hindi kame kayang pag-aaralin ng aking tatay. Sabi ng aking tatay ay
pag-aaralin nya daw ako ng college dahil nag-iisa na lang naman daw ako. May
trabaho na ang aking kua jeric sa calamba at doon ay nag-boboard doon. Minsan
binibigyan din ako ng pera ng aking kuya at pati na rin ang aking tatay.
Nag-kinder ako sa Concepcion Elementary
School ang aking teacher ay si mam edna.Nagkaroon ako ng bulotong noon pati ang
aking bespren na si Maria Isabel Alega. Malapit na noon ang graduation , so
kailangan naming mag-papicture , ang panget tuloy ng picture naming noon dahil
sa peklat ng bulotong. Ang nag sabit sa akin noon at ang nag sabit ay ang aking
tita na si mama aileen , nasanay na kame na iyon ang tawag sa kanya , kapatid
ng aking nanay. Grade 1 na ako ang teacher ko ay si mam alvarez , istrikta siya
pero mabait sa mga estudyante nya. Tuwing uuwe na kame ay pinapabangohan nya
kame para daw pag umuwe at inamoy ng magulang , mabango.Grade 2 na ako ang
teacher ko ay s imam paz agustin siya ang guro na napaka bait kahit na ang
kulit kulit naming napaka haba pa rin ng kanyang pasensya. Pinagtitinda nya
kame noon ng istik-o sa tapat ng pinto namin , kasi imbis daw na maglaro ay
magtinda na lang dahil sa mapapawisan lang daw. Pero minsan pinaglalaro nya
naman kame.Grade 3 na ako ang teacher ko ay s imam Castillo , ang payat kung
naging teacher. Lage lang kameng laro ng laro.Masaya din naman ang schooling
ko. Grade 4 na ako ang teacher ko ay si mam aliazas ang tulugin kung teacher. Meron
dating kumanta sa akin ng narda isang grade 3 student iyon ay si john Michael
carandang na pinsan ko pala.Nakakakilig noon , kahit bata pa ako may crush na
ako. Grade 5 na ako ang teacher ko ay s imam mollasgo , ang prangka at mataray
ang teacher na ito. Naglalaro kame noon ng Chinese garter ng biglang ang
bespren kong si Isabel ay na aksidente at nauna ang baba nya at acrush ko na
noon si Kenneth clark agustin. Grade 6 na ako ang teacher ko ay si mam Navarro
, lage kaming napasok noon ng maaga dahil sa naglalaro kame ng jackstone ,
Chinese garter , at Pamela 1. Napaka saya ng pagiging grade 6 ko dahil sa
nagkaroon kame ng swimming sa laiya batangas , treat ng aming principal na si
sir Hernandez dahil sa kame daw ang unang batch na nahawakan nyang graduating. Overnight
ang swimming naming noon , madami din ang sumama noon , muntik pa nga akong
hindi makasama noon dahil sa aking tatay. Pagkatapos ng swimming graduation
naman ang inaasikaso namin. Nagprapraktis kame noon ng graduation lage na
kameng nag aasaran ng aking crush na si Kenneth. At ayon graduate na ako.
Salamat naman..
|
me my self and i;)) |
YES!! High School na ako , pumasok ako
noon sa COL. LAURO D. DIZON MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL. Kasama ko noon
mag-enroll ang aking lolo dahil sa ang aking tatay ay hinding hindi nasama sa
mga ganung bagay.Nang mag-enroll ako ay naging 1-E ako.Naging classmate ko noon
si maurine kaklase ko noong elementary pero hindi kame close kaya ang nakasama
ko noong una ay si Giselle Lacsam.Siya ay katabi ko noon sa upuan. Naging kaibigan
din naming noon sina Louis zaidon Mendoza , Elaine Aquino at si roger
Ibanez.Lage namin silang kasama sa pag-rerecess , pag-lulunch , pag uwe at
minsan paggawa na project.Lage akong hated sundo ng aking tatay dahil sa hindi
pa ako masyadong sanay sa pag punta sa bayan.Sobrang tahimik lang ako noon
dahil sa nahihiya ako sa bagong classmate , dahil bagomng pakikisama nanaman.
|
ako at c kathrine . |
2nd
year high school na ako kasama ko noon si Giselle lacsam pag-eenroll at ako ay
naging 2-E at si lacsam ay naging 2-D. Kame nina Louis , roger at Elaine ay
magkakasama pa din. Una kong nakilala sina kathrine irish mae banzuela at si
Vanessa becina , lage ko silang nakakasama sa pagkaen ng recess at lunch at
tuwing uuwi magkakasabay din kame , maging sa paggawa minsan ng project kasama
ko sila. Nalaman ko na tumigil na pala si Giselle lacsam dahil sa tinatamad at
wala daw siyang kaclose noon , puro daw maarte at suplada ang mga kaklase nya.
Kalahati na ng taon nakilala at naging kaclose ko sina Raquel abogona , Pauline
dioyo , sharrah Santiago , jenny sabinosa , jennylyn Villanueva , danica
alcantara , kathrine irish mae banzuela , Louis zaidon Mendoza , kristel Janine
pascual , romalyn Valencia at robelyn
alimagno. Doon ko nalaman na kailangan na palang magpaganda dahil sa dalaga na.
Dito ako natutung magpolbo , mageyeliner at magmascara. Lage kameng may bonding
moments ng DJ`s o Dhangerous Jhigz.
|
dhangerous jhig`z.15 |
Masaya kame lage , walang plastikan at away
na nagaganap. Isang araw nagpunta sila sa amin at nag-inom kame ng the bar ,
wala naming tama ang ininom namin. Pagkatapos naming uminom , pumunta kames a
bukid garden ginala ko sila sa ilog doon , at napigtal noon ang tsinelas ni
danica dahil sa medyo naulan noon kaya madulas ang lupa at nadulas din ako noon
e nakapalda pa naman ako noon. Nagpalit kame ni danica ng tsinelas kaya ako ay
nag yapak papunta sa amin , buti na lang walang masyadong tao sa aming dinaanan
kasi nakakahiya.Noon din nagka-boyfriend ako ito ay si Eugene selpo , siya ay
nakatira at anapasok sa sta. cruz. Nakuha nya ang no. ko sa aking bespren na si
Isabel. At nagkita kame at niligawan nya ako at sinagot ko sya noong December
31 2010. Noong malapit na ang fiesta ng bayan lage kameng nagkikita at
nagkakasama pamamasyal. Tumagal din naman kame ng 3months , nakipagbreak ako
dahil sa b.c na sya at walang time para sakin at makyo din naman siya. Malapit
na ang pagtatapos naming ng 2nd puro memories ang naalala ko dito.
Kinakabahan na ang DJ`s dahil baka magkahiwa-hiwalay kame.
|
dj`s w/ ninay.. |
3rd year
na ako , ako ay 3-E pa rin , nag mga naging classmate ko nung 2nd year ako. Hindi na kame
kumpleto ng DJ`s napahiwalay sina kristel , romalyn at Pauline naging 3-C sila , sina Louis ,
danica at Vanessa naman ay naging 3-D. Ang natirang DJ`s nalng sa E ay kame
nina Raquel , kathrine , sabinosa , Villanueva , sharrah , robelyn. Ang adviser
naming noon ay si mam Herrera , ayos naman ang pag-giging adviser nya noon sa
amin. Nagvolunteer kame noon nina kathrine , sharrah , sabinosa at Raquel.
Maraming pinagagawa ang officer noon sa amin kahit sobrang hirap na kinakaya pa
rin namin. Kailangan kasi sa C.A.T ay masipag , hindi maarte , may tiwala sa
sarili , at ang pagtitiyaga. Unang nag quit noon si kathrine dahil sa
nagka-lagnat siya noon , sumunod na ako dahil sa tinatamad at nahihirapanan rin
ako , dahil sa mga punishments at pinapagawa. Pagkalipas ng mga 3 buwan nag
quit na din sina Raquel at sharrah dahil sa kahihiyan na ipinapagawa sa kanila
ng mga officer. Ang tumagal sa amin ay sina jenny sabinosa at ang dalawa ko
pang kaklaseng sina kayee at misty Claire. Meron sa aking nanliligaw noon iyon
ay si jhonas kaklase ko siya noong ako ay 1st year , hindi ko
aakalain na manliligaw siya sa akin noon. Maganda at sweet siyang manligaw kaya
sinagot ko siya noong October 15 2011. Lage nya ako noong inaantay kahit na
nauuna siyang umawas at nagiintay pa ng matagal.
|
fashion show namin.. |
Nagkaroon kame noon ng fashion
show dahil ang subject naming noon sa T.L.E ay cosmetic kaya dapat pagpasok
naming naka make up at kulot na , na sarili ang gagawa , kung anung pinagaralan
doon ay iyon din ang i-aaply sa iyong mukha. At iyon naging success naman ang
pag fafashion show namin ang saya saya , kahit noong una , hiyang hiya kame.
|
js ng 3rd year w/ sair ian.. |
Ito ang hinihintay ng lahat ang Juniors Seniors Prom Night , ang theme ng JS
noon ay Hawaiian party , ang panget pakinggan at parang ang panget ng suot ng
mga lalake ay polo na bulaklakin at
nakashort lang sila , sabi ng iba nakit daw hindi pa ginawang formal ,
sabi naman ni sir baka daw walang pera ung iba kaya Hawaiian party na lang.
February 11 , 2011 ang JS noon parang ang panget panget noon ng JS pero pagka
pasok namin ang saya saya at ang ganda ng pag.oorganize ng party. Una ay
sumayaw muna ang mga teacher at ang mga cotillion. Pagkatapos ay tinug tug na
ang sweet songs , sigawan ang lahat. First and last dance ko noon si jhonas
,kahit cool off kame inamo at sinayaw nya pa rin ako. Sinayaw din ako noon ni
lincon , kahit na mabilis at hindi man lang nya ako inihatid ay ok lang masaya
na rin ako noon. Sinayaw din ako noon ng bespren kong si jonnel dioso , kahit
ang tangkad tangkad ko kumpara sa kanya. Sinayaw din naman akon ng teacher ko
na si sir guiterrez , teacher ko ng values at ang teacher ko na makulit sa math
na si sir villareal , sabi ng mag kaklase ko may crush daw sa akin , anla ewan
ko ba. At pagkatapos naman ng JS nag punta kames a dizon high at nagikot sa
oval , kasama ang bmga kaklase ko at si jhonas ang sweet pa rin naming noon kahit
na cool off kame.
|
kasama ko dito si nikka(haneh) |
YES!! Fourth year na ako , 4E ang
nakalagay sa card ko kaya ang saya say ko noon kasi , straight section E ako.
Nang naghahanapan na ng section by room ay hindi naming makita ang pangalan
namin nina sharrah , danica , joanna , kayee at misty. Nakita naming ang
pangalan namin sa 4F , surang sura kame dahil ang nakalagay sa card namin
ay E tas ganun. Nag-intay kame ng
tanghale sa canteen dahil pang-tanghale kame. Ang adviser naming noon ay si mam
Janice laloon na akala naming ay mataray hindi naman pala. Sobrang nakakaantok
ang pagiging pang hapon , pero ok lang naman dahil alam mong hindi ka malalate
dahil ang time naming noon ay 8:30 ng maga. Naplipat kame noon sa new building
dahil sa pagiging istrikta n gaming principal , bago kasi sya at gusto
kasi nya na maging maayos na ang school
na dizon , kailangan ta laga ng disiplina. November noon kame ay nging whole
day na dahil sa kami daw ang kukuha ng
National Achievement Test. Nang naging 4th year ako naging
kame ni lincon , pero wala din itong kakwenta kwenta.Lage ko noong kasama sina
nikka , sharrah at Joanna.Hanggang nakilala naming an gaming naging TROPA na
sina maricar , misty , kayee , nikka , sharrah , fati , joanna , melvin at
jhuncel. Masaya silang kasama kaso minsan hindi na talaga kame nag
kakaintindihan..At meron kame noong JS PROM , masaya naman kahit papaano , marame kameng pic. ng tropa kasama ang aming adviser.
|
js namin nung 4th year w/ ma laloon..;)) |
Meron din akong tropa sa amin ayon ay sina
weiland , kyra , Isabel , nicka , gilleann , geenelly , trixie , lenlen , Lloyd
, jm.c , ara p. , ara j. , alichie , jm l. , jay.c , nik , darell at ivan.
Masaya silng kasama , walang plastikan at awayang nagagawa , meron ding mga
lovelife na nbubuo dito. Kame ang Tropang Gaslaw , magaslaw man totoo naman.
Ito ang kwento ng aking buhay , may lungkot
, kasiyahan , at mga kagaslawan at ang magulong lovelife ko. Salamat sa mga
naging parte at naging parte nagbigay kulay sa buhay ko. ;)