Sabado, Pebrero 25, 2012

Ang Talambuhay Ni Kevin B. Pingol


Ang  pangalan ko ay Kevin B. Pingol, Ako ay nakatikra sa Brgy. Sta. Felomina San Pablo City, Laguna, Ako ay 17 years old na at napasok ako sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School, 4th year na ako doon at malapit na ang aming graduation, ito ang simula ng aking buhay.
ako ^^
                Ang panglan ng aking mga magulang ay sina Elvie Ballras at Joseph Pingol, Noong 1991 nag apply ang aking ina sa Big Mac Burger sa Lucena City bilang isang kahera napadistino siya sa Pagsangjan sa mantalang ang aking ama naman ay nakatira sa Pagsangjan Laguna at an gang trabaho ng aking ama ay isang Tricycle Driver, Doon sila nagkita at nagkilala simula ng sila ay nagkamabutihan si papa ay nanligaw na, Hanggang sa nalaman ng magulang ni mama na may nanliligaw sa aking ina ay pinagresign ng magulang ni mama ang aking ina pero sinundan parin ni papa ang aking ina. Isang araw inimbitahan ni papa si mama na manuod ng sine pero hindi na si mama pinauwi at pinaghanap ng magulang ng aking ina si mama pero hindi nila natagpuan ito, pinasabi na lamang na wag uuwi ng bahay hanggat hindi pa sila kasal at noong august 05,1992 nag pakasal si mama at si papa pero walang dumating na kamag anak si mama sa araw ng kanyang kasal, Pagkalipas ng ilang araw ay umuwi sila sa bahay ng mga magulang ni mama at tinanggap nalamang sila, Si mama at si papa ay nanirahan sa manila at doon sila nagkaroon ng limang anak ang unang anak ay si Aris siya ay namatay noong isang buwan pa lamang sa hindi maipaliwanag na sakit, Pagkalipas ng ilang taon ipinanganak ako ni mama noong February 26,1995. Noong isang taon pa lamang ako kami ay tumira parin kami sa manila dahail doon may trabaho ang aking ama nakaisang taon lang si papa sa trabaho at siya ay natanggal sa kahirapan ng buhay ay lumipat na kami sa cavite, Nag lagi kami ng dalawang taon hindi rin nag kaigi ang buhay namin doon kaya nag pasya sila na lumipat sa San Pablo City,Laguna. Nag karoon ako ng bukol malapit sa may tainga at napansin agad nito ng aking mga magulang nag pasya sila na ako ay kanilang ipa opera sa doctor para matanggal ang bukol at doon ito ay natanggal ng maayos. Noong ako ay nag limang taon pinapasok ako ng aking mga magulang sa kinder garten. Noong 1999 ipinanganak ang pangatlong anak ni mama na si Christian Pingol siya ay Grade 6 na sa Elementary dito siya napasok sa Brgy. Sta. Felomina Elementary School pagkalipas ng ilang taon ipinaganak naman ang pang apat na anak ni mama at papa na si Joseph Pingol Jr. siya ay napasok na ng Elementary siya ay Grade 3 na at doon din siya napasok pagkalipas ulit ng ilang taon ipinanganak naman ni mama si Katherine Pingol siya naman ay kinder pa lamang. Noonng nag anim na taon ako ay nakatapos na sa Kinder Garten at nagpatuloy parin ako sa pag aaral sa Elementarya ipinasok ako ng aking mga magulang sa Grade 1 sa amin at doon nalaman ko na may talento  pala ako sa pag guhit lahat ng aking makita noon sa libro ay iginuguhit ko sa aking mga papel maayos pa ang buhay naming noon hindi pa nag loloko ang aking ama at ng nag Grade 2 na ako ay may roon ng nang aapi sa akin lagi nila akong niloloko dahil sa peklat ng opera ko sa may tainga kaya lagi akong nauwi sa amin napaka iyakin ko kasi kaya lagi nila ako inaapi sa mga pag uwi ko sa amin lagi nalang na punta ang aking ama sa paaralan para pag sabihan ang mga nang aapi sa akin, Sa paglipas ng panahon nagging Grade 3 na ako marunong na akong mag basa bg mabilis at mag sulat ng dikit dikit at nagkaroon ako ng mabubuting mga kaibigan mas nakilala ko pa ang aking mga kamag aaral at sa mga araw nayon nag loko ang aking ama pinagtaksilan nya ang aking ina pero hindi alam iyon ng aking ina, Nag karoon ng sama ng loob ang aking lolo at ang aking lola dahil pinagtaksilan ni papa si mama dahil don lalo pang nagalit ang lahat ng partido ni mama kay papa, Nagkroon ng alitan tito ko at ang aking ama dahil sa mga pinaggagawa ni papa na hindi naman tama pero nagbabago na si papa pilit na niyang binabago ang kanyang sarili dahil gusto niya na kaming makasama pero  huli na ang lahat ayaw na ni mama sa kanya dahil hindi na ni mama kayang pakisamahan ni mama si papa dahil don nagsisisi na si papa sa mga pinag gagawa ni papa kay mama tama ang kasabihang “nasa huli ang pagsisisi”. May hindi lang ako maintindihan kay papa bakit kaya kailangan niya pang gawin ang mga bagay na iyon wala naman katuturan ang pinag gagawa niya, Nakasira at nakasakit lang lang siya ng damdamin at sinira lang niya ang kanynag pangalan sa mga tao.  Ako ay naging grade 4 na ako ay napalipat sa ibang section dahil sa bumaba ang aking mga marka noong ako ay nasa Grade 3 pa lamang, Sa paglipat ko sa ibang section ay nag karoon ako ng mga bagong kaibigan at bagong kaaway dahil sa pag bago ng aking section lagi nila ako inaapi katulad ng dati lagi parin pinapapunta ang aking ama upang pag sabihan na wag akong apihin at lalo pang na linang ang aking talento sa pag guhit dahil pinapatawag ako ng ibang guro  para mag guhit at nang ako ay mag Grade 5 nakakaintindi na ako ng English na salita at lagi kaming isinasama ni papa sa bayan upang mamasyal sa bayan para na rin mapasyal ang aking mga kapatid nang ako ay mag Grade 6 na marami ng nagbago dahil kailangan ng magseryoso sa pag aaral para makagradute, Noong kami ay malapit ng makagraduate naaksidente ako at nagtamo ako doon ng hiwa sa tabi ng aking kanang mata nag aayos kami sa graduation naming ng bigla  akong sinuntok ng aking kamag aaral at hinabol ko ang aking kamag aaral upang makaganti sa ginawa niya sa akin sa paghabol ko sa aking kamag aaral hindi ko alam na may kawad pala na naka harang sa dadaanan kaya sumabit ang muka ko sa kawad dahil sa pag kakasugat sa aking mata, gumaraduate ako na may sugat sa mukha at noong araw na n gaming graduation halos lahat ng kamag aaral ko ay lumuha nang tumugtug ang kanta ng pamamaalam naming sa isa’t isa.
si mama at ang kanyang kasama sa trabaho sa ibang bansa
si ate gina ang nag alaga sa amin nung si mama ay nasa ibang bansa
si mama, si joseph at si katherine
si bunso, si lola at si ate gina


ang lola ko at ang mama ko

si joseph at si katherine
mga sasakyan ng amo ni mama
                Tumigil ako ng pag aaral sa pagkat kulang ang pera namin kakaunti ang sweldo ni papa para makapag aral ako ng high school kaya nag pasya si mama na magibang bansa para makapag aral ako ng high school at matustusan ang mga pangangailangan naming lahat sa pang araw araw , Pag kaalis ni mama dito sa pilipinas, Si papa na ang nagaalga sa amin ng nagtagal may naririnig kaming paninira sa pag aalaga ni papa sa amin tapos nalaman na ganoon nga daw may nag sumbong kay mama dahil don nagpasya si mama na ipaalaga kami kina ate gina para maalagaan daw ng mabuti dahil don pinauwi ko si papa sa Batangas City sa mga kapatid niya dahil wala siyang mahanap na trabaho dito, pag kalipas ng isang taon 12 anyos na ako pumasok na ako ng high school sa 1st year sa Col. Lauro D. Dizon Memorial Natinal High School sa unang pasok ko sa school sa dizon medyo kamado pa ako dahil hindi pa ako marunong umuwi ng mag isa sa bayan at sa bawat awas naming ng aking kamag aaral napunta kaming playstation zone upang mag laro kami ng aking kamag aaral, Lagi kaming nag lalaban sa playstation at madami akong nagging bagong kaibigan at nang naging 2nd year na ako yung iba kung kamag aaral ay tumaas ng section pero meron parin akong mga bagong kamg aaral, Pinadalhan ako ni mama ng bagong cellphone para daw mag karoon ako ng komunikasyon kay mama pero hindi ko rin naman masyadong nagamit dahil lagging tinatago ng aking tita na si ate Gina at ni kuya Ronnie saa pag tagal nagkaroon narin ako ng girlfriend dahil sa masyado pa akong bata hindi pa ako pinapayagan ng aking ina pero ang aking ama ay payag basta hanggang girlfriend lang daw hanggang sa dumami sa huli din naman nag kakahiwalay hanggang sa nakilala ko si Nona akala ko siya na pero nag hiwaly parin kame. Nang ako ay 15 years old na 3rd year high school na ako masyado ng nagiging mahirap ang paborito kong math marami ng solution pero pinagsikapan ko parin itong intindihin, nag kahiwaly kame ng best friend ko na si Richard dahil tumaas ako ng section at ng makakilala ko ang mga bago kong kamag aaral na laman ko na dalawa sa aking mga kamag aaral ay marunong mag gitara dahil don nag sikap akong mag aral ng gitara noong bakasyon at nalaman ko na mahirap at masakit sa kamay ang gitara sa una pero pag nasanay kana wala ng kahirap hirap ang pag gitara at ng pumasok na ako ng 4th year high school may nakilala akong marunong ding mag gitara at lalo pa akong natutong mag gitara, Naging kamag aaral ko ulit  ang aking limang kamag aaral noong 1st year na si Ivan, Marinel, Lopez, Mariano at si Fatima, Hindi naging  mahirap skin ang pag kakaibigan sa mga bago kung kamag aaral dahil may kilala naman akong limma sa mga bago kong kamag aaral, noong una natatakot ako sa aming adviser na si Mam Janice Laloon dahil kilala ko siya sa pagiging mataray na guro pero sa pagtagal nakilala ko ng husto ang aming adviser siya pala ay masayahin at mabait na guro. Noong ako ay lagging napunta sa San Juan para mag computer nag luko ako sa school dail biglang naging whole day an gaming pasok dhail sa pag ka adik ko sa computer hindi na ako nakakapasok ng pang hapon naming subject kaya dahil don bumaba ang aking marka sa 3rd grading period pero nakapasa pa din ako buti nalang hindi ako nakasama sa deliveration dahil kung napasama ako hindi pa sigurado na makakagraduate dahil don nag bago ako pinapasukan ko na ang mga pang hapon  naming subject, Lagi kaming pabago bago ng guro sa Values hanggang sa naging  guro namin si Mam atienza na maganda na mabait pa, ang guro naman naming sa Filipino ay si Sir Villanueva siya ay mabait at masayahinh tao dahil nakakatawa kasi siya magturo maraming mga kakulitanag alam kaya hindi nakakaantok mag turo tatawa kapa ng tatawa kaya nga ang swerte naming lahat dahil lahat ng guro namin ay mababait, Nang nagkakwentuhan ang barkada ay nag tanung ang aking isang barkada na kung anu ang aking kukuning kurso sa college wala pa akong maisip na isasagot pero noong nag punta kami sa San Pablo Colleges may nag tour sa amin at itinuro samin ang mga pwede naming kuning korso sa college nalaman ko na maganda pala ang korsong I.T. kaya ang kukunin kong korso sa college ay I.T. dahil may kaugnayan din ito sa computer.
ang aking lola
                Umuwi si mama dahil nag karoon ng pang yayari na hindi inaasahan na heat sroke ang aking lolo kaya lahat ng mga anak ni lola at lolo ay pinapa uwi sa Pilipinas, Sinundo namin siya sa Ninoy International Airport. Sa pag uwi ni mama maraming nagbago sa kanya dahil napakahaba ng kanyang buhok at ang puti niya, Bago kami umuwi ng bahay dumaretso kami sa ospital upang Makita ni mama si lolo ang kanyang ama humingi siya ng tawad dito dahil sa mga hindi niya pagsunod sa mga pangaral sa kanya.

             J.S. Prom namin magaganda ang lahat at magagarbo ang mga suot noong oras na nang pag sasayaw nag hahanap ako ng tamang kanta para maisayaw ko ang gusto kung isayaw lahat sana ng babae naming kamag aaral ay isasayaw naming kaso nahihiya ako sila lang ang nagsayaw ng iba pa naming kamag aaral, Ang kapansin pansin ang kagandahan ni aytona dahil para siyang manika gusto sana naming isayaw kaso nahihiya kame kaya hindi naming siya naisayaw sa pagtagal nakakaantok din pala dahil pag wala kang ginagawa nakakatulog 4am na kasi ang tapos ng J.S. Prom. Malapit na ang kaming gumaraduate ng high school sana magkita kita parin kame dahil gusto kung Makita sila kahit tapos na ang pasukan gusto kong Makita ang dating 4-Faraday ng Dizon High.

Ang talambuhay ni Ajohn R Caballa


Ang kasal ng aking nanay at tatay

                       Ang Talambuhay ni Aljohn Ramos Caballa

Ako at ang aking tatay
Ako si Aljohn R. Caballa, kasalukuyang nakatira sa Brgy. Sta. Monica, San Pablo City. Ako ay labinlimang taong gulang na at nasa ika-apat na taon sa sekundarya. Ipinanganak ako noong Marso 14,2011 sa San Pablo City Hospital. Ang aking ina ay si Rowena Ramos Caballa at Alan Bicomong Caballa. Tatlo kaming magkakapatid at ako ang bunso. Ang panganay ay nagngangalang Alwinn R. Caballa, mabait, masalaw at makulit ang kuya ko. Ang ate ko naman ay si Amira Jameel R. Caballa, ang ate ko ay maalaga, mabait at napakakulit. Ang aking ama ay pumanaw nang ako ay apat na taong gulang pa lamang at naiwan na kami sa pangangalaga ng aming tiyuhin na si Almer B. Caballa dahil kailangang umalis ng aking ina para mag trabaho sa Hong Kong para sa amin.
Kasama ko ang aking mga pinsan na bata pa rin
Graduation ko nang Kindergarten
Kasama ko ang aking mga pinsan at ang aking lolo
Kaming tatlong magkakapatid
Nang bumalik ang aking ina galing sa Hong Kong
Ito ang aming bunsong kapatid
Ang aking class picture nang elementarya
Nang ako ay second year
                Ako ay kumuha ng kindergarten sa Paaralang Sentral ng San Pablo City. Duon din pumapasok ang aking ate. Ang kuya ko naman ay sa Amadeo Cavite pumapasok at ang nagpapaaral sa kanya ay ang kapatid ng aking ina. Ang aking guro ay si Mrs. Santos .Ang aking tiyo ang naghahatid sa akin at siya rin ang umaatend sa mga meeting ng magulang at ang aking tiyo ang president ng klase. May Tricycle kami noon na sumusundo sa amin ng ate ko. Nang unang pasok ko ay ako ay natakot dahil nakita ko na umalis ang aking tiyo kaya ako ay tumakbo papunta sa room ng ate ko at pinaintindi niya sa akin na babalik din ang tiyo namin kapag tapos na ang klase. Ganun nga ang ginawa ko at hinintay ko na matapos ang klase at sinundo rin niya ako at nasanay na ako na ganun at hindi na ako tumatakbo kapag umaalis sa ang tiyo ko. Isang araw nga ay bigla na lamang akong nakaramdam ng sakit ng tiyan at kailangan ko ng mag bawas ngunit di ko sinabi sa teacher ko at sa shorts ako napadumi. Mabuti na lamang at may mabait na magulang ng kaklase ko na pinaliguan ako sa loob ng CR at ang damit na ginamit ko ay hiniram sa teacher ko. Nagulat ang tiyo ko nang dumating siya at matapos noon ay sinanay na niya akong dumumi bago pumasok sa paaralan. Nang kinder ako ay limang taong gulang pa lamang ako at pumanaw ang aking lolo sa sakit na Diabetes at nung burol ng aking lolo ay ang kulit ko kaya nung nag lalaro kami sa loob ng tricycle ay tumalon ako palabas at napadapa ako sa kalsada at buti na lamang ay hindi ako nahagip ng tricycle na dumaan. Nang tumungtong ako ng elementary ay sa  Paaralang Sentral pa rin ako pumasok. Ang teacher ko ay si Mrs. Vibar. Si Mrs. Vibar ay strikto pero magaling magturo dahil hindi ako matututong magbasa kung hindi dahil sa kanya. Si Mrs. Vibar ay namamalo ng kahoy kapag makulit ka. Papadapain ka niya sa lamesa at papaluin ka sa pwet. Isang beses lamang akong napalo ng teacher ko. Kagaya ng dati ay naging presidente ulit ang aking tito ko. Minsan, habang papunta kami sa paaralan ay napansin ko ang tiyo ko na nag sign of the cross nang dumaan kami sa isang simbahan. Tinanong ko kung bakit siya nag cross sign, sabi niya ay nag dasal daw siya para sa ligtas na byahe naming papuntang paaralan at sinabi niya sa akin na dapat daw ay masanay ako na mag sign of the cross din pag dadaan sa isang simbahan kaya pag dadaan ako sa isang simbahan ay nag sasign of the cross ako. Tuwing pasko ay umuuwi kami sa Amadeo Cavite upang dun mag diwang ng pasko. Nakakasama ko ang kuya ko duon at kasama ko rin ang tito ko at ate kapag pupunta kami sa Cavite. Uuwi rin kami sa San Pablo pagsapit ng kinabukasan dahil walang kasama ang lola naming sa bahay naming.Nung nasa unang baitang ako ay nagkaroon kami ng fieldtrip at sumama kami ng tito ko. Sa Bus kami sumakay at ako ay hindi sanay sa bus at ako ay nahihilo at nasusuka kaya sabi ng teacher ko ay palanghapin dawn g gamut na White Flower. Una naming pinuntahan ang JellyAce at ChocoChoco Factory.Mainit sa loob nun at hindi na kami nakapasok pa sa loob dahil sa sobrang dami ng sumama sa fieldtrip. Bumili na lamang kami ng Finished Products upang ipasalubong sa kapatid ko. Sunod naming pinuntahan ay ang Star City kung saan kami kumain ng tanghalian at pagkatapos magpahinga ay nag libot kami. Ako ay sumakay sa Bump Car at hindi akop marunong kaya nagpaikot-ikot lamang ako.Marami kaming sinakyan na Rides at masayang-masaya ako.Ang huli naming pinuntahan ay sa SM North EDSA. Marami kaming binili na mga bagay na gagamitin sa bahay. Masaya ako paguwi naming at natulog na ako dahil sa pagod.Nang nasa ikalawang baiting ako ay unang beses kong naranasan ang sinasabi nilang ``crush`` . Kaklase ako na nagngangalang Rose Alaine, maputi  siya pero sa unang tingin ay parang mataray kaya hindi ko siya kinakausap. Ang teacher ko ay si Mrs. Fule. Mabait na teacher si Mrs. Fule,magaling din siya magturo sa klase namin. Dati ay marami akong kaibigan at mahilig kami maglaro ng sikyo, ice ice water, bigmac at taguan.Minsan ng naglalaro kami ng sikyo ay hinabol ko ung isa kong kaklase tapos ay nadapa ako at nagkaroon ng malaking gasgas ang mukha ko at nagalit sakin ang tiyo ko at sabi ay wag na daw muna ako maglalaro dahil delikado daw. Ikalawang baiting ako non at ang kuya ko ay lumipat ng pagaaral ditto sa laguna sa San Pablo City National Highschool at nasa unang taon ng sekundarya.Ang ate ko naman ay lumipat sa Amadeo Cavite para mag aral sa ikalimang baiting. Ang kuya ko ay nagbubulakbol pala at hindi napasok sa paaralan at nag lalaro lamang nang Computer Games. Nang malaman ng tiyo ko ito ay agad na pinatigil siya at sa susunod na pasukan na lamang muli mag aral. Nasa ikalawang baitang din ako nang umuwi ang nanay ko at nagulat ako dahil ikakasal pala sila ng tiyo ko kaya tuwang tuwa ako dahil matatawag ko ng tatay ang nag alaga sa akin nang wala akong itay at magiging anak na niya ako. Masaya ang naging kasal nila kahit sa huwes lamang at marami ang naging bisita naming sa bahay. Masaya na natapos ang maghapon at sabay sabay kaming natulog. Nasa ikatlong baitang na ako at ang guro ko ay si Mrs. Umali. Mabait si Mrs. Umali at maganda. Bumalik ang ate ko dito sa San Pablo para mag aral muli sa Paaralang Sentral at siya ay nasa ikaanim na baiting na. Ang kuya ko naman ay nagpatuloy na muli ng kanyanga pag aaral sa Col. Lauro D. Dizon Memorial Nat. High School at umulit siya ng unang taon sa sekundarya. Makulit ako dati kaya kung ano ano ang nagagawa ko. Isang araw ay may nakita ko na mga bata na may binabato sa isang puno. Tinignan ko kung ano ang binabato nila at nakita ko na isang Beehive ang binabato nila. Pinaltok ko rin iyon ng bato at lumapit pa ako at siniritan ko ng juice na iniinom ko, tapos ay pagtalikod ko ay bigla akong sinugod nang isa sa mga bubuyog at tinusok ang likod ko kaya nag tatakbo ako pabalik sa aming silid at umiyak ako. Pagdating ng tanghalian ay nalaman ng tatay ko at sabi niya ay ang likot likot ko kasi kaya umuwi na kami. Grade 3 din ako nang umuwi na ng permanente ang nanay ko at dito na tumira kaya nang pasko na ay pumunta kami sa Cavite para bisitahin ang mga kamag anak namin doon at nag punta kami sa isang resort  at masayang masaya kami dahil hindi na muli babalik ng Hong Kong ang aking nanay.      Ang ate ko ay nagtapos na ng elementary kaya ako na lamang ang naiwan na pumapasok sa Central School. Nang ikaapat na baitang ako ay si Mrs. Lacambra  ang aking guro. Si Mrs. Lacambra ay matanda na ngunit mabait at magaling mag turo. Lagi siyang inis sa akin dahil makulit daw ako. Grade 4 ako nang matuto akong mag laro ng sipa, nag lalaro kami ng mga kaklase ko nito. Nung grade 4 din ay nag karoon ako ng mga kaibigan at pinangalanan namin ang aming grupo,Pinkee ang tawag namin sa grupo naming at 6 lng kami na mag kakasama. Isa sa anim ang naging crush ko, ang pangalan niya ay Jeanette Mae. Syempre maganda siya at napakabait at katabi ko siya sa upuan. Nang mga panahon na yun din nabuntis ang aking ina. Tuwang tuwa ako at mag kakaroon na ako ng batang kapatid, may tatawag na sakin ng kuya at may makakalaro na ako. Babae ang anak ng nanay ko. Ang pangalan niya ay Alana R. Caballa. Isinilang siya ng Oktubre 25,2011. Ikalimang baitang ko na at dalawang taon na lamang ay malapit na akong mag tapos ng elementarya. Ang teacher ko ay si Mr. Dones, mabait si Mr. Dones, pinapabayaan niya kami na mag laro ng libreng oras. May isa pa akong guro sa MSEP, Siya si Mrs. Leonzon, Si Mrs. Leonzon ay gusto lagi na mababango ang mga estudyante at ayaw na makakaamoy ng masangsang na amoy kaya lahat kami ay may kanya kanyang gamit para maging malinis ang katawan. Kaklase ko rin ang babaeng crush ko nung grade 2 pero hindi ko na siya crush dahil matagal na iyon at mabait pala siya at hindi mataray. Grade 5 ako nang magsimula akong matutong gumamit ng computer kaya hanggang ngayon ay dala ko na ito. Nagcocomputer ako tuwing lunchbreak malapit lang sa eskwelahan. Minsan pa nga ay konti lang ang kinakain ko para lamang makapaglaro ng computer. Sumali rin ako sa isang patimpalak sa eskwelahan dahil walang mapili sa aming klase ang aming teacher kaya ako na lang ang pinasali niya. Ang naka partner ko ay mataray at napakakulit. Hindi rin ako nanalo dahil marami kami na kasali kaya maliit talaga ang tsansa na manalo ko. Nung bakasyon ay nagpasya na umalis ng aking tatay papunta sa United Arab Emirates para mag trabaho para sa amin. Ibinenta na naming ang tricycle naming dahil wala na rin naming gagamit nito. Sa wakas at nasa huli na akong baitang sa elementary at ito ang pinakamasaya sa lahat ng elementary days ko. Ang aking guro ay si Mrs De Torres. Napakataray ni Mrs. De Torres, nagpapa squat siya sa unahan  kapag ikaw ay sobrang kulit at maingay, isang beses lamang akong napa squat ni Mrs De Torres pero makulit ako sa klase. Dati ay mahilig akong manghingi sa mga kaklase ko kapag recess at inis na inis naman sila pero kung ayaw naman nila akong bigyan ay pwede naman. May kaibigan ako doon na lagi kong kasama sa pagkain ng tanghalian. Ang lagi naming ulam ay Bicol Express at masarap magluto ung kinakainan namin. Nang Christmas Party namin ay ako ang nabunot ng teacher namin. Ang inregalo niya ay isang T-shirt na pula at hanggang ngayon ay sinusuot ko pa rin. Nang Valentines Day naman ay maaga akong pumasok dahil bibili ako ng rosas ng plastic lamang dahil mahal ang tunay na rosas. Pagdating ko sa silisd nain ay nakabukas na ito at may tao na sa loob at inilagay ko ang rosas sa upuan ng pag bibigyan ko. Marami ang nakakita nang rosas at nalaman kaagad nila kung kanino galling iyon. Buti na lamang at nalate ang bibigyan ko ng rosas pero nalaman pa rin niya dahil sa mga kaklase ko. Nang graduation na ay andun ang nanay ko at marami sa mga kaklase ko ang umiyak dahl mag kakaiwalay na daw kami at aalis na daw kami sa Paaralang Sentral. Kahit ako ay medyo napapaluha rin dahil pamula kinder ay duon ako pumasok at ngayon ay aalis na ako duon. Matapos ang graduation ceremony ay isinama ako ng nanay ko sa Greenwich at kumain kami bilang selebrasyon sa pag tatapos ko. Pag uwi ko naman ay meron din naming konting pag sasalo salo. Hindi ko rin naman namiss ang Paaralng Sentral dahil sa likod lang nito ako pumasok ng sekundarya,sa Col Lauro D. Dizon Memorial Nat. High School. Nagpaenroll muna ako sa Dizon High dahil kailangan na mag paenroll sa high school hindi gaya sa elementary na may section na agad pag nakuha nag grade. Ang aking seksyon nung unang taon ay 1-D at ang una naming guro ay si Mrs. Pasco. Napalitan ulit at naging si Mrs.Tolentino at muling napalitan at naging si Ms Miranda. Marami agad akong naging mga kaibigan at sama sama kami sa pag cocomputer pag bakante ang oras. Nahilig din kami sa sports kagaya ng soccer at nag ambag ambag kami para makabili ng soccer ball. 1st year ako ay kasama ko sa Dizon high ang aking kapatid na babae na 4th year na at graduating. Dati ay palitan ng room sa Dizon high at may nakikita akong babae na para sa akin ay maganda. Kapag mag papalitan na ng room ay pasimplie akong titingin sa kanya yun lang okey na ako. Ang paborito ko noong teacher ay si Mrs. Bautista at Science ang subject niya. Malinaw siyang magturo at intindi ko kaagad. Mataas ang grado ko sa kanya at okey lang din ang mga grado ko sa iba pang subject. Ako ang president ng klase naming dahil ibinoto ako ng mga kaklase ko dahil akala siguro nila ay isa akong responsible at mapagkakatiwalaan na tao pero hindi nila lama na nagkamali sila dahil isa akong tamad ng tao. Nahirapan ako noongpirmahan na ng clearance dahil marami ang mga requirements at nakawala pa ako ng libro kaya kailangan pang maghanap ng libro na ipapalit dito. Ang seksyon ko naman nung 2nd year ay 2-B. Tumaas naman ang seksyon ko na ikinatuwa ng magulang ko. Ang adviser namin ay si Mrs. Sotalbo, mukha siyang mataray pero mabait naman at napakagaling magturo ng TLE. Naging kaklase ko ang babae na lagi kong tinititigan ko nung 1st year pa lamang ako at ako ay aminado na crush ko siya. Mayroon din akong naging kaklase na kaklase ko noong grade 5 at grade 6 ako kaya may kilala naman ako. Marami rin akong naging kaibigan at sama sama kami sa kalokohan, salawan, bulakbulan at marami pang iba. Unang grading period ay mababa angmarka ko kaya nagalit sa akin ang magulang ko at sinabi ko na mag aaral akong mabuti. Tumataas din naman ang grade ko kahit papaano basta mag aaral ng mabuti. Ang seksyon namin ay sumali sa isang play na requirement para sa Filipino, ang play ay tungkol sa Florante at Laura at ako ay mambibigkas. Mabuti naman ang kinalabasan ng play at nakapasa naman kami sa Filipino. 2nd year din ako ng tuluyang maadik sa computer at iba pang bagay. Minsan ay pag bakante ang oras naming ay napunta na lamang ako sa computer shop para mag laro at minsan ay tipid na tipid ako sa baon para makapagcomputer lang. Mayroon akong barkada noon at lima kami. Ang tawg namin sa barkada namin ay TORPE dahil sa hindi naming kaya harapan ang aming mga hinahangaan na babae, pero wala na rin iyong grupong iyon dahil nagbabago naman ang mga tao at nagkakaroon nang confidence.3rd year na ako at sa kabutihang palad ay 3-B ang seksyon ko dahil ang baba talaga nang mga grado ko. Ang teacher namin ay si Ms. Lee at Mrs. Umali. Si Ms. Lee ay medyo mataray pero mahilig magbiro at magaling ding magturo.Si Mrs. Umali ay isang cosmetics teacher kaya hindi ko kayang ilarawan sa inyo kung paano siya magturo . Umuwi na ang akin ama galing sa United Arab Emirates at masaya na muli kami dahil sa buo na uli kaming pamilya. Nagpagawa ang mga magulang ko ng isang munting sari sari store na gagawin naming munting kabuhayan dahil hindi na muli babalik ang tatay ko sa ibang bansa para magtrabaho. 3rd year ako ngunit hindi pa rin ako nag babago. Masasabi kong torpe ako dahil hindi kko nakakausap ang babaing hinahangaan ko dahil inuunahan ako ng kaba sa aking dibdib. Ni isang salita ay wala akong nabitawan at wala akong nasabi. Juniors and Seniors Promenade namin noon at masaya naman ang buong gabi ngunit wala man lang akong isang naisayaw at hindi ko man lang naisayaw ang babaing hinahangaan ko. Nang malaman ni Ms. Lee na wala pa akong naisasayaw ay pumili siya ng babaeng isasayaw ko at isinayaw ko naman ang pinili niya dahil saying nga naman ang bayad kung wala ka man lang maisasayaw ni isa na babae. Kinabukasan ay sinisisi ko ang sarili ko kung bakit hindi ko naisayaw ang babaing matagal ko ng hinahangaan kaya imbis na magkulong sa kwarto ay nagpunta na lamang akong computer shop para palipasin ang inis sa pag lalaro ko ng computer. Sa susunod na lingo ay Valentines Day na kayamay naisip akong paraan para may magawa naman para sa babaing hinahangaan ko. Ang gagawin ko ay gigising ako ng maaga at bibili ng rosas sa palengke para ilagay sa upuan niya habang wala pang nadating na kaklaseat ayun nga ang ginawa ko. Wala nga nakakita sa akin ngunit maluha luha na ako nang malaman ko na wala pala kaming first subject. Makalipas ang isang araw ay nakaisip ulit ako ng paraan para masabihan ng happy valentines ang babaing hinahangaan ko at iyon ay ang bigyan ulit siya ng bulaklak pero ibang bulaklak, bulaklak na laruan ng kapatid ko na gawa sa goma pero maganda. Pagdating ko sa eskwelahan ay may nakakita na sa akin kaya sinabi ko na sa kanya ang gagawin ko at sinamahan naman niya ako at magkasama kami na inilagay ang rosas sa upuan niya na katabi lamang ng bintana. Pagsisimula ng klase ay wala akong rags kaya kailangan ko pang bumili sa baba at hindi ko tuloy nakita ang kanyang reaksyon pagkakita ng bulaklak pero sabi ng kakuntsaba ko ay kilig na kilig daw siya na ikinatuwa ko naman pero nalaman din niya na sa akin galing iyon. Hindi pa tapos dahil dumating ang aking tiyahin galing sa ibang bansa at may dala siyang tsokolate na hugis puso at hiningi ko ito at isang araw ay inilagay kong muli sa upuan niya. Pero kahit na ganoon ay hindi pa rin sapat para sabihin na hindi na ako torpe dahil sa tuwing makikita ko siya ay inuunahan ng kba ang aking dibdib at hindi ko maipaliwanag ang aking nadarama. 4th year na ako at ang seksyon ko ay 4-F, anlayo ng ibinaba ng seksyon ko dahil kasi sa kapabayaan ko. Masaya na rin ako dahil hindi ko na kaklase ang babaing hinahangaan ko at makakagalaw na ako ng maayos sa eskwelahan. Ang aking guro ay si Mrs. Laloon at napakagaling magturo ni ma`am kahit math ang subject niya. Kahit naman sa bago kong seksyon ay hindi rin naman maiiwasan ang magkaroon ng hahangaan kaya lang ay iba dahil nagagawa kong makausap ang babaing hinahangaan ko pero hindi niya alam na hinahangaaan ko siya.Mabuti na nga lamang at naisayaw ko siya sa JS Prom namin nang hindi niya nahahalata na may paghanga ako sa kanya na lubos ko namang ikinatuwa. Masaya rin ang bagong seksyon dahil may bagong kaibigan at hindi yung dati. Sa umpisa ay parang nakakailang pero pag tagal ay hindi na rin nakakailang dahil magkakakilala na ngayon ay
Pebrero 23,2012 nagtytype ako ng aking talambuhay sa computer na ito at nakangiti dahi naibahagi ko sa inyo ang aking talambuhay……SALAMAT
Ang Pangalan nga po pala ng babaing akin matagal ng hinahangaan ay SHYLLA

Ang Talambuhay ni Glien Paolo Payos


          Ako po si Glien Paolo Payos anak po ako nina Lilibeth Payos at di kop o kilala ang aking ama. Nung mula ako ay ipinanganak ay hiwalay na ata ang aking mga magulang di ko alam kung bakit sila nagkahiwalay. Hindi sa akin sinsabi ng nanay ko kung bakit sila nagkahiwalay. Ipinanganak ako noong Agosto 11 taong 1995 pero ang tunay kong birthday ay Agosto 8, 1995. Nag – iisa lang akong anak. Ako ay pinag – aaral ng day care nung apat na taon ako. Ako ay nagtapos noong Marso 25, 2000. Ako ay nagkinder pero hindi ko tinuloy di ko alam kung bakit ako pinatigil kaya wala akong picture nung kinder. Nung grade – 1 ako natatakot pa akong pumasok dahil iniiwan ako ng mama ko. Nang grade – 1 ako nagkaroon na ng bagong asawa ang mama ko. Nakatira ang bago kong ama sa Calauan, Laguna. At hindi nagtagal ay dun na ako pinapasok ng grade – 1. Di ko akalain na malayo pala ang school doon pero dun pa rin ako pumasok. At nang ako ay grade – 2 ay sa Guadalupe Elementary School na ako pumasok, inaalagaan ako ng aking lola. Nang ako ay grade – 2 ay parang matapang ang teacher namin at ako ay tahimik lamang sa aming klase. Lagi akong may kaaway sa classroom lagi kaming napapagalitan. Naging kaklasse ko si Ian. Siya ay tahimik na tao di ko siya naging kaibigan. Naging masaya kaming lahat. At malapit na ang bakasyon ay tuwang – tuwa ang mga kaklase ko dahil mawawalan na ng pasok. Nang bakasyon na ay sa bahay ng bago kong ama nagbakasyon ayaw ko naman don kasi wala akong kilala at nakakatamad pa don. Iyak ako ng iyak kasi ayaw ko talaga don gusto kong bumalik sa lola ko dahil mas marami akong kilala. At malapit na ang pasukan ay pinabalik na uli ako sa lola ko, ang saya at bumalik na ulit ako. Nung grade – 3 na ako ay sa Ambray Elementary School na ako pumasok, palipat – lipat ako ng pinapasukan. Wala akong kilalang kaklase nung grade – 3 ako. Nakakatakot non kasi parang ang aangas ng mga kaklase ko, di nagtagal ay nagkaroon ako ng bagong kaibigan ay napaaway pa ako di man lang ako tinulungan ng kaibigan ko pero patas lang naman kami ng kaaway ko. Nang pagkatapos ay tumigil na kami sa pag – aaway muntikan pa kami makita ng teacher ko. Kinabukasan ay nagkabati na kami. Pagkatapos non ay masaya naman ang pasukan. Nung ako ay grade – 4 na ay hiwalay ako sa aking kaklase dati. Wala na naman akong kilala at ang taray pa ng teacher ko. Lagi na lang akong nahahampas sa kamay ng stick dahil maingay ako. Kaya non ay tumatahimik na lang ako pero di ko mapigilan. Naging matalik kong kaibigan si Jayfrille kami ay gayahan sa test at sabay pinaparusahan. Isang araw ay nakita kaming nag – iingay pinarushan tuloy kami at pinapasok sa lower section. Di ko alam na sa lahat ng kaingayan ko ay magreretiro na pala ang teacher naming. Nalungkot kaming lahat nung sinabi yun. Pero pagkatapos non ay nakapasa kaming lahat. Nung ako naman ay grade – 5 ay sa lower section naman ako napapunta mabait naman ang naging teacher ko. At naging maayos naman ang lahat ng ako ay grade – 5. Nang simula ako sa grade – 6 ay hindi na ako napalipat ng section naiinis ako dahil bakit ako hindi napapunta sa higher section mas magaling ako sa mga tumaas na section na kaklase ko. Nung ako ay grade – 6 ay ako ang naging magaling sa klase. At binigyan ako ng teacher ko ng sabit at simula na ng graduation ay nakakalungkot isipin na iiwan na namin ang school.
Nang 1st year ay natatakot akong pumasok kasi ngayon ko lang naranasan ang malayong school na pumasok mag – isa. Nang pasukan na ay wala akong kilala sa mga kaklase ko ang hirap ng umpisa nun dahil di dko alam kung saan ako pupunta pero di nagtagal ay nagkaroon na ako ng kakilala din a ako natatakot dahil may kasama na ako. Sa kalagitnaan ng pasukan ay pumunta kaming magkaklase sa Lake at may lumapit sa akin na babae, kaklase kop ala yon. At bigla akong hinigit at sinabi sa akin na may gusto siya pero ako hindi ako nasagot at maya – maya ay lumapit ulit at hindi umalis sa tabi ko. Kinabukasn ay pumasok ako tinanong ko siya kung nagbibiro lang pero ang sabi niya ay hindi siya nagbibiro may pakanta – kanta pa at tinawanan ko lamang. Ang pangalan niya ay Nerizza Exconde. Pero di nagtagal ay tumigil na rin siya at malapit na ang march ay kinakabaduhan na kaming lahat baka kami mapasama sa Deliber pero wala namang napasama nanloko lang pala ang teacher namin. Ang teacher namin ay Mrs. Brinas at ang lahat ay nakapasa.
         2nd year na, at ako ay nagulat na tumaas ang section ko di ko akalain yun mga bagong kaklase ulit parang ang tatapang ng kaklase. Ako lang kasi ang nag – iisang tumaas ang section. Di ko akalain na sa sarili ko na matatapang sila pero mabait pala dun pa nga akong natutong mag – computer at naadik na ako. Lagi na lang kami nagko – computer dun na nauubos ang pera ko di na ako kumain makapag – computer lang. Nagsasalawan pa kami sa room ng mga kaklase ko. Kahit may teacher mabait naman ang teacher namin. Isang araw ay pinarusahan kaming lahat n imam Delos Angeles dahil sa wala kaming mga assignment pinag – duckwalk kaming lahat walang nakakaalam sa amin kung ano yun para kaming tanga. Galit na galit kaming lahat ka Mam Delos Angeles. Pagkatapos non ay lagi kaming gumagawa ng assignment sa kanya. Kapag hapon ay lagi kaming nagka – cutting para makapag – computer lang pero kahit ganon nakapasa pa rin kaming lahat. Pag dating ng papirmahan ng clearance ay pinahirapan kami sa science dahil pinagawa pa kami ng project, naggawa nga kami di naman tinatanggap pinapaulit – ulit pa kami sa project. At bago pirmahan ay nagpa recite pa pero sa bandang huli ay pinirmahan din.
          Pagdating ng 3rd year ay hindi kami nagkahiwa – hiwalay sama – sama pa rin kami, mula nung unang pasukan ay masasalaw pa rin kami pero nagbago ang lahat ng dumating si Mam Bondad mataray siya pero hindi naman masyado. Ang swerte nga namin dahil buntis ang teacher namin lagi siyang wala kaya simula na naman ng salawan. Sa tabi ng room namin ay may tindahan una bumibili kami may bayad pero hindi nagtagal ay nangungutang na kami ang iba pa nga ay hindi nababayaran. Kaya kami umuutang ay nagko – computer kami dun naming nauubos ang pera naming sa hindi inaasahang pagkakataon may tindang sampaloc lagi kaming bumibili ng sampaloc at pinapaltok namin ang buto. Lagi kaming nagpapaltukanng buto sa oras ng science ay tahimik kami pero yung isa naming kaklase ay may hawak na buto at pinaltok sa iba tumama sa kaklase naming babaeng mataray napagbintangan akong ako ang pumaltok bigla akong kinurot galit na galit muntik ko ng suntukin buti’t napipigilan ko ang sarili ko at mayroon pa habang kami ay nagpapaltukan ay may dumaang kaklase namin na babae sigaw ng sigaw pasok yung buto sa bibig tawang – tawa ang kaklase ko pero siya nahihiya at galit na galit muntik na kaming mapaguidance nun buti’t mabait yung kaklase namin nag – sorry yung barkada ko. Nagkaroon kami ng ambagan para sa Christmas party pero wala namang nagyari sa ambagan galit na galit ang lahat di namin alam kung nasaan yung pinag – ambagan pero natuloy ang Christmas party namin naging masaya naman ang Christmas party namin pero hindi mawawala dun ang pagiging salaw muntikan pang mapaguidance ang kabarkada ko kasi nahuli silang nagkakara. At natuloy naman ang Christmas party. At pagakatapos non ay nagsem – break na, pahinga na namin. Nung pasko malungkot ako dahil di ko kasama ang mga kapatid ko pero nung bagong taon ay masaya naman ako dahil kasama ko ang mga kapatid ko, muntikan pa akong maputukan non, buti’t hindi pumutok, natakot talaga ako. Nung pasukan na ay nagkita – kita na ulit ang barkada dating gawi ulit lagi kaming nagkakara sa oval at nahuli kami ni sir.laino,hinabol ang mga kabarkada ko at hindi naabutan pero ako hindi ako kasali nun.
At pag dating naman nang junior senior prom ay nag usap-usap kami kung sasali kasi wala pa silang pambayad pero sa huli sumali pa rin kami. Ng junior senior prom ay kabado kami kasi 1st time lang namen sumale at ng pumasok na kami sa loob  ay maganda, binigyan kami nang lay at sa likod pa kami naka pwesto, kami ay nakaupo lang habang nagsasayawan ang iba, pagkatapos ng sayawan ay nagkainan na kami. Nainis kami kasi wala man lamang patungan ng pagkain at ang lambot pa ng kutsara naming, ang iba ay nagkamay na lamang nakakatawang kumain hindi man lang sila nahihiya. Pagkatapos naming kumain ay nagsimula na ulit ang sayawan pero ako ay naka upo lang kasi nahihiya akong magsayaw, pero di nagtagal pinilit ako nang mga kabarkada ko na mag-sayaw pero ayaw ko talaga naiinggit ako sa mga kabarkada ko dahil may naisasayaw na sila samantalang ako wala pa, lumakas ang loob ko na magsayaw at nakasayaw na rin ako sa tagal ng oras. Dalawa lang ang naisayaw ko sa junior senior prom. At pagkatapos ng junior senior prom namin ay nagkaroon ng girlfriend ang kabarkada ko. Mula nun di na kami pinapansin kaya hindi na naming siya pinapansin. Sa di nagtagal ay nag-away si john paul at Melvin sa kadahilanang pinaltok siya ng bato pero di naman niya pinaltok,napag bintangan lang siya. Umuwi si John Paul na umiiyak kasi sinuntok sa muka di siya umiyak dahil sa suntok dahil sa napahiya siya mula nun di na nagpapansinan ang dalawa. Kahit malapit na ang March ay nag – aaway pa sila. at nang dumating na ang March ay naghahapit na kami sa mga project at tumitino kami kasi baka kami di makapasa. Ang lahat naman ay nakapasa ngunit magkakahiwalay kami, nakakainis nga at bakit kami pinaghiwa – hiwalay.
          At nang ako ay 4th year na ay may mga bagong kaklase na naman, may bagong kabarkada, may bagong kakilala. Ang adviser pa namin ay si Mam Laloon sabi daw ay mahigpit daw na teacher yun kaya tumatahimik na lang ako.  Masaya ako dahil 4th na ako at sa wakas graduating na rin ako . Pero nangangamba kami kasi baka di  kami makagraduate.   Sa umpisa ay di kami kontento dahil naninibago kami sa isat isa, mga bagong kakilala at mga bagong magiging kaibigan. Pero habang tumatagal nakikilala ko sila ng lubos, lahat kami ay nag kakaisa sa tuwing may mga kasiyahan. Ang barkada ko ngayong 4th year ay sina mc. Lester Diaz, Christian Paul Enmacino, Aljon Caballa at John Rexter Dionglay. Masaya ako dahil nagkaroon ako ng mga kaibigan tulad nila. lagi man kaming nagyayabangan hindi naman kami nagkakapikunan. At sa tuwing recess nagyayabang si Diaz dahil ayaw niyang kumain ng booger na tig - sasampo dahil ang gusto niya ay yung may julay natig - kikinse. Nagpapayabangan kami na ayaw namin ng mumurahing gamit dahil kami ay naglolokohan na lahat kami ay "RICH GUY". Habang tumatagal maraming good memories na nangyari sa amin tulad ng pagsuporta namin sa Tiklad ng Col. Lauro D. Dizon na sumayaw sa Showtime noong Pebrero 18, 2012. Pagkatapos ng showtime ay nagkayayaan kami na pumunta sa bahay ng isa naming kaklase na si Patrick Lim-an. Meron ding ilang babae na kaklase namin ang sumama sila Marix, Misty, Sharra, at Joana. Habang kami ay nagbabasketball ang mga kasama namang babae ay nagtatawanan at nagpipicturan. Pagkatapos non ay nagutom kami kung kaya't kami ay nagkayayaan na bumli ng fishball, kikyam, French Fries at Pepsi. Nilibre ako ni El ng French Fries. At bago kami umuwi ay nagkayayaan kami sa Ultimart pero ang iba sa amin ay umuwi na.

           Masaya ako dahil sila ang naging mga kaklase ko at Proud ako bilang FARADAYNIANS. Sana po ay nasiyahan kayo sa aking talambuhay

Ang Talambuhay ni Maricar Biado Quintos



         Ang bawat isa sa atin ay may sarili – sariling kwento o karanasan sa ating buhay. May kanya – kanya tayong tinataglay na talento o ipnagkaloob sa atin ng Diyos na kailangan nating pag – ingatan o pahalagahan. Ang bawat isa sa atin ay may tungkulin na dapat gampanan. At ng sinimulan kong gampanan ang aking tungkulin dito ko nakilala ang sarili ko.
         Ako si Maricar Biado Quintos, ipinanganak ako noong Hulyo 10, 1996 sa San Pablo City Hospital araw ng Miyerkules at sa oras ng alas – onse ng gabi. At ng ako ay ipinanganak tuwang – tuwa ang mga magulang ko. Kinabukasan ako ay dinala sa Pediatrician dahil ako ay na overdue. Sa isang araw dalawang beses akong tinuturukan umabot ito ng isang linggo. At ang aking doctora ay si Doctora Luz Emlano Exconde. At pagkatapos ng isang kami ay umuwi na.
bininyagan ako
         Pagkalipas ng ilang buwan, napagpasayahan ng mga magulang ko na ako ay pabinyagan na. At sa araw ng Enero 15, 1997 ako ay biniyagan sa San Pablo Cathedral. Pagkatapos ng binyagan kami ay umuwi na upang kumain, dahil sa araw ng aking binyag ay kasabay nito ang Fiesta dito sa amin sa Brgy. Bagong Pook, San Pablo City. Maraming tao ang dumalo sa aking binyag kaya ang mga magulang ko ay maraming ginagawa para asikasuhin ang mga bisita. Masaya ang araw ng binyag ko. Nagpalaro pa ang mama ko para sa mga bata.


1st birthday ko
          Habang tumatagal ako ay sinasanay na nang mga magulang  ko na maglakad para masanay. At pagkalipas ng mga ilang buwan sumapit na ang aking unang kaarawan. Ang lahat ay abala para paghandaan ang aking kaarawan. Ang iba ay nagluluto at ang iba naman ay inaayos ang mga palaro. Ng magsimula na ang aking kaarawan marami ang nasiyahan dahil sa mga hinandang palaro, marami ang nag – enjoy sa aking party. Pagtapos ng party ko binuksan na ang mga regalo ko. Marami akong natanggap na regalo at ang gaganda nito. Isa ito sa magagandang nangyari sa aking buhay.
          At nang ako ay lumalaki na ako ay natututo ng maglakad ng mabilis. Natututo na rin akong magsalita. At tuwang – tuwa ang mga magulang ko na sina Marina Biado Quintos at si Carlito Olivar Quintos. Sila ang mga magulang ko. Mahal na mahal nila ako at mahal na mahal ko rin sila.


nung bata pa ako
         Habang ako ay lumalaki ako ay nagiging makulit kaya sa sobrang sura ng mama ko sa akin ako ay kanyang ipinasok na agad sa paaralan noong ako ay apat na taong gulang pa lamang. Ayos lang sa mama ko na ako ay pumasok ng maaga dahil para daw kahit papaano mabawasan ang kanyang sakit sa ulo. Pero ang guro ko naman ang sumakit ang ulo dahil sa akin. Noong ako ay napasok na ng day – care ako ay nadede pa sa aking dede. Sa sobrang kakulitan ko ako ay naghuhubad ng uniform ko dahil sa sobrang init. Kaya kapag ako ay sinusundo ng mama ko ako ay nakahubad. Kaya ako ay napapgalitan. At ng ako ay kinder na may nagagawa pa rin akong kalokohan. Mayroon akong kaklase na nanghinge ng iniinom ko, binigyan ko siya pero habang iniinom niya yung chocolait tinabig ko ang kanyang iniinom kaya natapon lahat sa kanyang uniform. Umiyak na lang siya ng umiyak dahil imbis na mag – sorry ako inaasar ko pa siya.
kami ng teacher ko
         At nang ako ay nag elementary na masaya na ang mama ko.Nagsimula na ko mag grade-1.Akala ng mama ko ako ay matino na pero hindi pa pala. May ginawa na naman akong kalokohan, sinapa ko ang guro ko sa paa sa kadahilanang ayaw kong kumanta ng Lupang Hinirang kaya siya ay sinipa ko sa sobrang inis ko. Kaya pinatawag ang mama ko sinabi ng adviser ko na si Mrs. Magayam ililipat daw ako sa ibang section kay Mrs. Mandap, para daw doon hindi ako makakagawa ng kalokohan dahil si Mrs. Mandap ay sobrang taray. Kaya ako ay nanahimik dahil mataray ang maestra ko. Nang ako ay nag grade – 2 nagkaroon na naman ako ng bagong kakilala. May nagawa na naman akong kalokohan, ginupit ko ang collar ng kaklase kong babae, at tinusok ko sa mga mata ng lapis ko ang kaklase kong lalaki, at mayroon pa akong ginupit ang buhok. Kaya hindi nagtagal sa akin ang mga kaibigan ko, natakot na sila sa aking kaya lumayo na lang sila sa akin. At nang ako ay nag grade – 3 himdi ko pa rin naiwasan na hindi makagawa ng kasalanan, dahil nawala ang pencil case na ibinigay sa akin ng mama ko pero alam kong yung kaklase ko ang kumuha ng pencil case ko kaya ang ginawa ko kinuha ko ang bag niya nilagay ko sa banyo pero hindi ako nakuntento nilagay ko sa bowl ang bag niya pero naisip ko na yung ilalim lang ng bag niya ang mababasa kaya ang ginawa ko nilagay ko sa drum ang bag niya at binukasan ko ang gripo para ito ay mabasa. Umalis na ko sa banyo, dumating na ang kaklase ko at hinanap niya ang bag niya hindi ako naimik pero ako ay sinumbong ng iba kong kaklase kaya ako ay kinausap na ng guro ko at umamin na ako kaya pinatawag ulit ang mama ko. Kinausap ng guro ko ang mama ko napagpasyahan nila na ibili na langng bagong notebook ang kaklase ko.Ibinili ng mama ko ng gamit ang kaklase ko,nang pagkabigay kinausap ako ng mama ko na hindi na daw dapat ibili iyon ng notebook dahil ubos na puno na nang sulat,at kampi sa akin ang mama ko.Marami pa akong ginagawang kalokohan.At nang akoy mag grade-4 akala nang mama ko matino na ako pero hindi pa rin pala may nagawa pa rin akong kalokohan.  Hinampas ko nang walis ting-ting ang kaklase kong may lagnat dahil ayaw niyang magwalis. Umiyak siya at sa sobrang galit niya sa akin sinumbong niya ako sa aming guro.Sa sobrang galit ko nung pagka-awas namin hinila  ko ang buhok niya,sinumbong na naman ako. At pagsapit nang grade-5 may ginawa na naman akong kalokohan nagwala ako dahil pinilit akong mag sign sa autograph notebook ng kaklase ko,sa sobrang inis ko naipagpapaltok ko ang mga notebook na nakikita ko. At nang lumipas ang mga ilang oras mahinahon na ako. Kaya nung kinahapunan kami ay naglaro ng sikyo, ng di sinasadyang may nagdagasa sa may kanal , dugong-dugo ang nguso ng kaklase ko kaya tinulungan ko na hugasan ito. Sa sobrang lakas ng paghampas ng nguso niya sa kanal natanggal ang isang ngipin niya sa unahan. At nang akoy nag grade-6 lahat kami ay nagsipagtino na dahil kami ay graduating na. Inaayos namin ang mga sarili namin at ang mga grades namin para kami ay makagraduate. Masaya naman ang samahan ng aming section. Marami kaming mamimis sa San Pablo Central School kapag kami ay gumaraduate na. At mga masasayang ala-ala na mga ginawa naming. At nang nalalapit na ang aming graduation kami ay nagpapractice na nang martsa para sa graduation. Ngunit ako ay nangamba dahil ako ay may lagnat. Nangangamba ako na baka ako ay hindi maka attend ng graduation. At nang araw na ng aming graduation nawala ang lagnat ko kaya laking tuwa ko nang mawala ito dahil makaka attend na ako. Pina ayusan na ako ng buhok at pina make-upan na rin ako. Pero ng kami ay paalis na nang bahay bigla akong pinantal at nagkalagnat na naman ako. Kaya napag desisyunan na ng mga magulang ko na huwag na lang akong umattend. Kaya sa bahay na lamang ako at nagpagaling. Pumunta na lang ang mama  ko sa school namin para kuhanin ang diploma ko. At ng bakasyon malimit akong mag-gala kasama ang mga barkada ko.
1st year ako


         Pasukan na naman. Highschool na ako. Excited ako at medyo kinakabahan dahil panibagong yugto na naman ng buhay ko. Marami na naman akong makikilala bagong kaibigan. Bagong pakikisamahan at pakikitunguhan.At nang akoy nagsisimula ng mag 1st year ako ay nagkaroon agad ng mga mga naging barkada ko ay sina Zharrina,Honey Joyce, Icca at Marjorie. Kami ay matatalik na magkakaibigan. Magkakasama kami sa mga kalokohan namin. At sa tuwing time ng MAPEH kami ay naglalaro ng luksong – baka. At tuwing tanghaling tapat kami ay nag – exercise. At pasapit ng alas – dos tsaka pa lang kami titigil. Kahit mainit at mahirap kami naman ay masaya naeenjoy namin ang lahat ng pagkakataon na kami ay magkakasama. Ganon lang ang buhay namin nung 1st year medyo may pagkaisip – bata. Nagbakasyon na naman, wala na naman gagawin sa bahay kung hindi matulog, kumain at maligo. Kaya gusto ko nang magpasukan.
2nd year ako
             2nd yaer na ako sa pasukan. Marami na naman akong makikilalang bagong kaibigan nakakalungkot at hindi kami kumpleto. Si Zharrina lumipat sa City High at si Marjorie lumipat sa Sto. Anghel at si Icca iba ang section, ang natira na lang ay kaming dalawa ni Honey Joyce. Kami lagi ang magkakasama at nang tumagal naging barkada namin si Jettcell. Ang saya – saya lagi namin. At nung nang Florante’t Laura na kami ay ako ang napiling Laura, pero hindi ko sineryoso ang pagganap ko dito kaya ang ginawa pinalitan ako kaya naging mang – aawit ako hanggang sa malipat ako sa mambabasa. Hindi namin masyadong napaghandaan an gaming tungkulin. Ngunit papaano ay may place na nakuha ang ibang characters namin. Kahit hindi man kami ang nagchampion masaya naman kami sa nagawa namin. Pagkatapos ng aming ginawa napagtripan namin magpabutas sa dila naging exciting ito para sa amin dahil 1st time namin ito. Pagkatapos ng pagbutas sa amin kami ay kumain para sanayin ang aming dila. Tumagal ng limang araw sa akin ang butas ko sa dila kaya hindi ito nagtagal nalaman ng mama ko kaya pinatanggal ito. Pero pagkalipas ng isang linggo, nagbutas ulit ako sa dila ko ng sarili ko, sabay – sabay kami ng pinsan ko at kaibigan ko. Pero nakita kami ng tito ko kaya sinumbong ako sa mama ko kaya pinatanggal ulit ito. Kaya tinanggal ko. Pero dahil matigas ang ulo ko nagbutas ulit ako sa kapit – bahay ko. Pero ito ay nakita ng kapit – bahay ko kaya sinumbong na naman ako sa mama ko. Kaya ayon pinatanggal  ulit at hanggang sa hindi na ko nagpabutas. Bakasyon na naman, boring na naman. Wala na komng ginawa kung hindi gumala ng gumala.
miming namin


          Pasukan na naman. 3rd year na ako panibagong yugto ng buhay ko. Mga bagong kaklase at kaibigan ang nakilala ko. At ang mga naging barkada ko ay sina Honey Joyce, Jettcell, Jan Norinell, Clarissa Joy at Cleverlynn. Kami ay masasaya lagi magkakasama kami lagi sa kalokohan. Lagi kaming naggagala sama – sama kaming naglalagalag. Nung Christmas party kami ay nagdiretso sa Balumbong para magswimming. Masaya kaming nagswimming ng araw na iyon pagkatapos non umuwi na kami. At ang mga sumunod na araw kami ay malimit maggala dahil nilulubos na namin ang mga bawat oras na kami ay magkakasama dahil malapit na ang bakasyon. Ngunit isang araw, ang sumira n gaming kaligayahan. Nabalitaan namin na nalunod sina Clever at ang kanyang boyfriend na si Ian. Nung una hindi ako naniniwala, pero napatunayan namin na patay na talaga sina Clever at Ian. Kaya kami ay nagpasiyang pumunta sa burol nila. At nang makita ko si Clever sa kabaong di ko napigilan na hindi mapaiyak. Halos yakapin ko na ang kabaong niya, dahil hindi ko matanggap na wala na ang kaibigan ko. Sobrang miss ko na ang kaibigan ko. At nang dumating na ang araw na ililibing na sila hindi ko talaga mapigilan ang iyak ko. Sabay silang minisahan sobrang iyak na iyak kaming magbabarkada. Pagkatapos ilibing ilang linggo akong di makarecover dahil hindi ko talaga tanggap na wala na sila. Kaya hinarap na lamang namin ito dahil ito ang totoo. Kahit sobrang hirap pilit kinakaya.
4th year na ko


          Kaya nung nag 4th year kami lalo kaming nalungkot dahil si Clarissa Joy ay 4-Keats at sa Jettcell lumipat na ng Lake City at si Jan Norinell ay 4-Harvey at si Honey Joyce ay 4-Irving at ako ay 4-Faraday sobrang lungkot ko talaga. At nung ako ay pumasok na sa 4-Faraday gusto kong magpalipat ng ibang secton, dahil piling ko wala akong kaibigan. Pero hindi kalaanunan nagkaroon ako ng mga kaibigan sina Mariel at Maxwell masaya kami sa tuwing kami ay nagkakalokohan.






kami ng kambal ko
          Ngunit ng tumagal naging ka - tropa ko sina Jhuncel (Fudge), Misty (Kambal), Kayee (Mahal), Mae (Thart), Nikka (Wiszhart) , Fatima (Yhanie) , Vilanie (Mahmen), Shara (Poxzh) at Bibbo. Kami ay nabuo noong September 03, 2011. Noong kami ay nag tree – planting sa Malabanban. Hindi man kami nakaakyat sa tuktok ng bundok para magtanim masaya pa rin kami pagkatapos non nag – Ultimart kami. Pagkatapos non ay umuwi na kami. Pagkalipas ng isang buwan monthsary na naming magkakatropa pero hindi namin ito nacelebrate ng ayos dahil kami ay nag – act as a teacher. Masaya naman ang aming pagtuturo. Ginagalang kami bilang guro. Naranasan namin kung paano maghirap ang isang guro pero kahit mahirap masaya naman. Lumipas ang mga araw lalo kaming nagkakalapit sa isa’t – isa. Paminsan hindi maiiwasang hindi mag-away pero kahit nagkakaroon ng away nagkakaayos din masaya naming sinasalubong ang araw – araw. Nung kami ay half – day pa lagi kaming nasa amin para doon magpalipas ng oras, nanonood kami lagi ng horror. Pero panandalian lang ito dahil naging whole – day na kami. Nanibago na kami sa bago naming schedule. Marami kaming masasayang memories lalo na kapag may concert lagi kaming kumpleto para magsaya. At nang lumipas ang ilang buwan nagkaroon kami ng Fieldtrip. Madami kaming section sa isang bus. Pero sa lahat ng section kami ang pinakamagulo at pinakamaingay ang hinhintay lang naming mapuntahan ay ang Nuvali lalo na ang Enchanted Kingdom. At nang marating namin ang Nuvali sumakay agad kami sa speedboat para maikot ang Nuvali. Pagkatapos naming mag Nuvali ay sa Enchanted Kingdom naman ang sunod naming pinuntahan. Ang una naming sinakyan ay Space Shuttle. Mahigit isang oras kaming nakapila dahil maraming nakapila at nang kami ay sasakay na ng space shuttle lahat kami ay kinabahan dahil sobrang taas at bilis nito. Pagkababa namin ang buhok namin ay gulo – gulo, nakita naming ang mga stolen shots sa monitor, ang sasama ng picture namin. Ang sunod naming sinakyan ay  curse – away akala namin ay wala itong apekto pero nung sumakay na kami meron pa pala kahit nasa gitna kami may epekto din pala at pagkatapos non dali – dali kaming sumakay sa jungle – log nung sumakay kami don basang – basa kami ng tubig dahil sa lakas at bilis ng pagbagsak ng aming sinakyan. Sobrang saya talaga naming noon. Sayang at tatlo lang ang nasakan namin. Pagkatapos non ay umuwi na kami. Kina Yhanie kami dumeretso dahil dun kami matutulog kami nina Bibbo, Kambal, Tutxz. Kinabukaan umuwi na kami, baon namin ang masasayang ginawa namin. Pagkalipas ng ilang araw naisipan naming mangaroling dahil nalalapit na ang Christmas party. Ilang gabi kaming nangarolng kahit nakakapagod masaya naman. Naka 2900 kami isang linggo lang naming napangarolingan yon. At nang sumapit na ang Christmas party namin ang lahat ay nasayahan lalo na nung nagsimula na ang Ms. Bebot 2011 ang lahat ng contestant ay abala dahil sa kanilang pagpapaganda at nang rumampa na an gaming mga kaklase ang lahat ay nagtlian. Ang iba ay nagtalo pa kung sino ang mananalo. At nang i – announce walang iba kung hindi si Junnel De Chavez.

 Maraming Salamat sa pagbasa ng aking talambuhay!!!

Ang Talambuhay ni Misty Claire Viray Millar

it's me
           Ako po si Misty Claire V. Millar anak po ako nila Frederick Millar at Jodelyn Viray. Ang aking ama ay nakatira sa Brgy. Del Remedio at ang aking ina naman ay nakatira sa Cavite. Ipinanganak ako noong Pebrero 3 taong 1996. Ako ay mayroong isang kapatid na lalaki. Dalawa lang kaming magkapatid.
kami ng kapatid ko


          Ako ay pinag-aral nang Day Care noong apat na taon ako dahil gusto ng tatay ko na maaga akong pumasok. Ako ay nagtapos ng Day Care noong Marso 22, 2000. At nung bakasyon ako ay ipinasok ng kinder sa San Pablo Central Elementary School. Ako ay pumasok ng kinder ng maaga kaya ako ay nakapag grade-1 ng maaga.
graduation ng kinder
              Nung grade 1 ako palagi akong umiiyak pag iniiwanan ako ng lola ko kaya hinahabol ko ang lola ko at ang lola ko naman ay tinataguan ako. Kaya walang magagawa yung teacher ko kung hindi habulin din ako habang ako ay tumatakbo palayo at umiiyak.
               Nung nag grade-2 naman ako ay nagkasakit ako bago magpasukan. At pinilit kong pumasok nung unang araw ng pasukan kahit may sakit pa ako. Nag birthday ako ng 7th birthday at ginanap ito sa amin. Masaya ako nung birthday ko, kasi madaming handa at may clown pa ako       . Pero nung gabi bago matapos ang birthday ko nalungkot ako. Dahil dumating sa akin ang balitang iniwan na daw kami ng nanay ko. Walang tigil ako noon sa pag-iyak, dahil nasaktan ako. Umalis at iniwan niya kami ng kapatid ko noonng birthday ko. Hinanap naming ng tatay ko ang nanay ko kasama ang lolo at lola ko. Ngunit nung nakita naming siya sa kanyang pinapasukan ay nag-away lang sila ng tatay ko. Pilit niya kaming pinaalis. Pero dahil bata pa ako noon wala akong naitulong sa tatay ko. Wala kaming nagawa kung hindi umalis na lang at iniwan siya. Ilang beses na nabuo at nasira ulit ang pamilya ko dahil palagi na lang silang nag-aaway. At dumating na sap unto na naghiwalay na talaga sila. Umiyak ako ng mabasa ko ang sulat ng nanay para sa amin. Pero simula noon nasanay na kami ng kapatid ko sa lolo at lola ko. Sila ang nag palaki at nag-alaga sa amin, sila din ang kumukupkop sa amin. At nung nag grade-3 ako lola ko na ang nag-iintindi sa amin. Naging masaya naman ako sa pangkat na kinabibilangan ko.
               Grade-3 /section 9 – Maunawain at nung grade-3 ako ay may nagawa akong kalokohan sa isa kong kaklase. Binuhusan ko ng tubig ang test paper niya. Kasi naman kumakanta siya nainis ako, kasi hindi naman kagandahan ang boses niya. Buti na lang at hindi ako napagalitan ng teacher namin.
                Nung grade-4 ako naging section-8 feldspar at masaya kami sa aming section. Ngunit napalipat ako sa section-7 –Amethyst kasama ang piling mga kamag-aaral.
                Nung grade-5 ako naging section 9-Sarungbanggi at palagi kami noon napapagalitan ng mga teacher naming, dahil sa aming sobrang kaingayan. Madami akong naging kaibigan , ngunit meron akong bestfriend. Parang kapatid na ang turingan namin sa isa’t-isa. At meron kaming naging kaklase na kinaiinisan namin ng bestfriend ko dahil ginagawa niya kaming katulong kung anu-ano ang pinapagawa niya sa amin. Lagi na lang niya kaming kinakawawa. At dahil sa sobrang nainis na ako sa kanya ay sinagot ko na siya. At dahil doon nag-aaway kami at nagkasagutan. Pero hindi rin nagtagal at nagkaayos din kami. Naging masaya ang aming Christmas party noon. Dahil kami ay magsasayaw sa harap ng aming mga kaklase. Nag pa-practice kami kapag wala kaming klase. Pagod kami palagi bago umuwi dahil nag pa-practice kami ng sayaw ng aking mga kaklase. Pero ayos lang yon dahil masaya naman. Kahit pagod kami balewala na dahil gusto talaga naming maging maganda at maayos ang gagawin ng sayaw. At nung matapos na kami sa pag pa-practice nag-ayos naman kami ng classroom namin. Pinaganda namin ang aming classroom, nilinis namin ito at nilagyan ng iba’t- ibang desenyo. At pagkatapos noon ng sayaw na kami, naging masaya kaming lahat. At nagkainan na kami at di nagtagal ay nagbigayan na kami ng regalo. At nang tapos na ang aming Christmas party masaya kaming nag uwian. Nung pasukan nung grade-5 masaya kami sa aming section kahit bumaba ang aking section, dahil naging section-9 –sarungbanggi. Pero ayos na din dahil kaklase ko pa din ang bestfriend ko. Isang araw, nagalit sa amin ang aming guro sa math. Lahat ng aking mga kaklase ay natatakot pati na rin ako. Lagi siyang nananawag sa unahan at ng lahat kami ay hindi nakasagot lalong nag-init ang kanyang ulo. Umabot ng ilang linggo bago niya kami tinuruan ng ayos dahil na rin sa nadala siya ng galit niya sa amin. Pero hindi rin nagtagal ay nagkaayos na kami ng aming guro sa math. Nag Christmas party kami at lahat kami ay masaya dahil ang pagkain namin ay Greenwich at ang aming bayad doon ay ang aming mga naipon sa araw-araw. Masaya kaming nagkainan at hindi nagtagal ay sumayaw na kami. Ang lahat ay nasiyahan sa aming ginawang pagsayaw. At masaya kaming nag uwian. Nung pumasok na ulit kami matapos an gaming maikling bakasyon ay naging masaya kami dahil nagkita – kita na ulit kami. Pero hindi naging maayos ang pagpasok naming dahil sa ilalim ng aming classroom ay may nakapasok daw na walong aso kaya lahat kami ay nagka allergy. Nagkaroon kami ng madaming sugat na dahil na rin sa pulgas nung aso. Pero pinipilit naming pumasok. Kaya inilipat kami ng ibang classroom ngunit hindi maganda ang nilipatan namin dahil madumi, mabaho ang banyo, madaming nakakalat na libro. Kaya lahat kami ay hindi nasiyahan sa aming nilipatan na classroom. Wala kaming ginawa  kung hindi linisin  ang pansamantalang magiging classroom namin. Minsan hindi na kami nagkaklase dahil palagi kaming inuutusan ng aming mga guro. At kung minsan naman ay pinapatulong kami sa paggawa ng costume para sa mga sasayaw sa street dancing. Pero noon ay ayos lang sa amin ang hindi magklase. At ng kami ay magbabakasyon na lahat kami ay malungkot dahil magkaka hiwa – hiwalay na naman kami. Pero wala naman kaming magagawa.
         At pasukan na naman at sa wakas grade – 6 na kami. Lahat kami ay Masaya dahil magkakaklase na naman kami ng aking mga kaibigan. Pero malungkot dahil napahiwalay ang iba sa amin dahil ang section naming ay grade – 6 section – 8 – Gumamela. Medyo Masaya na din dahil maraming bagong kakilala at maraming  maaaring maging bagong kaibigan. Masaya kami pag nagpa – practice kami ng sayaw namin sa intrams dahil wala na naman kaming klase. Lahat kami ay nagtatalunan sa saya. At Masaya naman kaming nagpa – practice ng sayaw dahil gusto naming manalo at sumayaw ulit at lumaban para sa division meet na magaganap. Lahat kami ay sumayaw ng maayos at sumunod sa mga patakaran upang maging maganda an gaming sayaw. At nung kami ay sasayaw na lahat kami ay nagpalakpakan sa amin. Kaya kaming lahat ay natuwa at lalo pa kaming ginanahan sa pagasayaw. Sumayaw kami ng maayos at maganda dahil sa kagustuhan naming manalo. At lahat kami ay nakinig na nang sasabihin na kung sino ang mananalo. At syempre sino pa ba ang mananalo? Wala nang iba kung hindi kaming mga grade – 6 students. At lahat kami ay natuwa sa sobrang saya namin ng kami ang manalo sa sayaw. Pilit kasi naming inayos at pinaganda an gaming sayaw. At makalipas ang ilang lingo, ay nagpa – practice na ulit kami ng aming sayaw. At Masaya kami dahil hindi na naman kami magkaklase at nag – ayos ulit kami nong kami ay sasayaw na. Ngunit ng kami ay sasayaw na ang lahat naman ay naguluhan sa bilang pero hindi rin nagtagal ay naayos na rin namin. Matapos nung kami ay makasayaw balik na ulit sa dati. Normal na naman ang klase. Isang araw, kami ay nakatalaga na maglinis ng labas ng aming classroom at nagwawalis na kami ng bigalng dumating ang isa kong kaibigan at pinahawakan niya sa akin ang kanyang walis dahil aayusin niya daw ito. Ginugupit niya ang mga labis nito at sa hindi inaasahan nagupit niya ang daliri ko at nagulat ako ng dugong – dugo na ang daliri ko. Dali – dali akong tumakbo sa loob ng aming classroom habang umiiyak at pinakita ko sa kanya ang nagyari sa daliri ko kaya pinatakbo ng aking guro ang isa kong kaklase ng dali –dali upang humingi ng betadine, alcohol at bulak. Napasigaw ako ng buhusan ng teacher ko ang daliri ko ng alcohol habang dumududgo at dahil don napaiyak ako. At sa wakas nalagyan na ng panyo ang daliri kong dumudugo. Panyo ng kaklase ko ang itinali niya sa daliri upang tumigil daw ang pagdurugo. At umuwi akong puro dugo ang suot – suot kong uniform. Simula noon nakaramdam ako ng galit sa aking kaibigan dahil hindi ko alam kung paano ko ito itatago sa lola ko dahil natatakot ako na baka ako ay mapagalitan niya. Pero inamin ko na sa lola ko ang nagyari buti na lang hindi niya ako pinagalitan. Masaya na kaming nag – eensayo n gaming graduation. Lahat kami ay nakadama ng lungkot dahil magkakahiwalay na kami at nangangamba na din a muli magkikita kita. At hindi rin nagtagal at kami ay gagraduate na. Nang araw ng aming graduation ang lahat ng aking kaklase pati na rin ako ay umiiyak dahil sa magkahalong lungkot at saya na aming nararamdaman. Dahil magkakahiwa- hiwalay na kami ng aking mga kaibigan at kaklase ngunit wala naman kaming magagawa.
ako to
               Nag- aral ako ng 1st year highschool sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National Highschool. Noong una ay kinakabahan pero napawi ito dahil ang iba kong kaklase ay naging kaklase ko na noong kami ay nag – aaral pa lang noong elementary sa San Pablo Central School. Naging masaya naman an gaming section. Ang aming section nung 1syear ay I-G masaya naman dahil nagkakaisa kami lalo na pagdating sa kalokohan. Kaya naman dumating yung oras na suki na an gaming section sa guidance office dahil sa aming mga kalokohan, lalo na yung iba kong kaklase. Nagpa – practice kami tuwing hapon bago umuwi ng Ibong Adarna. Pero hindi na kami nakasali kaya nagpagawa na lang an gaming guro ng ibang proyekto.
2nd year ako
              At nung 2nd year naman ako tumaas ang section ko naging II-E ang section ko. Naging masaya ang aming section nagkakaisa kami sa mga gawain at minsan pati na rin sa kalokohan. Nagpa- practice kami ng Florante’e Laura dahil may gagawin kaming role playing. Masaya at maayos naman dahil may nagtuturo sa amin at ang higit sa lahat ay nagkakaisa kami. Lahat kami ay nagiging seryoso at nawawala ang pagiging pasaway dahil lahat kami ay sumusunod sa itinituro sa amin n gaming tagapagturo. At nang dumating na ang oras na isasagawa na namin ang aming pinaghandaan na role play, lahat kami ay kinakabahan. Pero naging masaya kami ng makakuha kami ng mataas na marka sa aming pinaghirapan at pinaghandaan na role play ng Florante’t Laura.
C.A.T. Volunteer kami
Christmas party nung Volunteer
                At ng kami ay 3rd year na, masaya dahil III-E pa din kami ngunit madami sa amin ang napahiwalay pero ayos na din dahil nagkaroon kami ng madaming kakilala at sumali ako sa C.A.T. at naging C.A.T. volunteer ako. Nung una ay kinakabahan at natatakot ako pero habang tumatagal ay nawawala ng takot ko. Madaming mga bagay ang napatunayan ko sa sarili ko ng sumali ako sa C.A.T. nakaya ko pa lang gawin ang mga bagay na akala ko dati ay hindi ko magagawa. Madami kaming mga masasayang alaala kasama an gaming mga officer. Tumulong sila sa amin para mabawasan an gaming hiya. At higit sa lahat ang C.A.T. ay nakatulong sa akin upang maging matatag at nakatulong ito sa paghubog ng aking pagkatao. Noong bakasyon ay nasa school lamang dahil kami ay may summer training para sa C.A.T. pero ayos sa amin dahil masaya naman at madami kang matutunan sa bawat araw.
1st Battalion staff
kami ni bhest
                Nung 4th na year na kami bumababa ang section namin naging 4-faraday an gaming section. Nung una ay ayaw namin sa aming section ngunit hindi nagtagal ay unti – unti na rin naming minamahal ang aming section. Lahat kami ay nagkakaisa at nagtutulungan kami sa bawat isa. Kaya ang lahat sa amin ay nalulungkot kapag pinag – uusapan ang aming graduation. Kami ay masayang nag – Christmas party wala kaming masyadong naging ambagan dahil kami ay nag – Christmas carolling tuwing pagkatapos ng aming klase. Masaya kaming nagbigayan ng regalo at bago kami umuwi ay namasyal muna kami dahil medyo matagal din kaming hindi magkikita – kita. Umuwi kami na ang lahat masaya, kinabukasan Christmas party naman namin sa C.A.T.. ito ang pinakakakaibang party sa lahat dahil sobrang iba ang mga activity at palaro. Lahat kami ay sinusulit ang mga oras at araw na kami ay magkakasama pa. Dahil nalalapit na ang aming graduation. Kaya ang lahat sa amin ay malungkot   at hanggat maaari ayaw naming marinig o mabanggit man ang tungkol sa aming graduation dahil natatakot kaming magsimula ulit.Dahil masaya pa akong kasama ang tropa ko na sina Maricar (Kambal), Sharra (Munch), Joana (Mameh), Bibbo (Dadeh), Kayee (Bhezt), Jhuncel (Mhomhie), Vilanie (Kupal), Nikka (Tutxz) at Fatima (Yhatz).
kami ng kambal ko

              Maraming salamat po sa pagbasa ng talambuhay ko.