Sabado, Marso 31, 2012


Ang Talambuhay ni Wency E. Merano
ako po ito :)
Ako nga pala si Wency E. Merano, pero bago ko lubusang ipakilala ang sarili ko, gusto ko munang ikwento sa inyo ang dahilan kung bakit nandito ako sa mundo. Kukwento ko sa inyo kung paano nagkaibigan ang aking mga magulang. Nakatira silang dalawa sa parehong lunsod ng Davao. Sa edad na labing-anim na taong gulang grumaduate si Mama ng highschool, pero sa kawalan ng pinansyal mas pinili na lamang ng aking ina na lumuwas na lang sa Maynila upang manilbihan bilang katulong upang makatulong naman siya kahit papaano sa kanyang magulang at para na rin makatulong sa kanyang mga kapatid na nag-aaral pa lamang.
Sa kabilang dako naman ang aking tatay ay nakatira sa Barangay Dumanlas Buhangin, Davao City. Mahirap lang ang pamilya ng aking tatay kung kaya’t ang tanging ikinabubuhay lang ng magulang ng aking tatay ay pagtatanim ng palay at saging. Malayo sa bayan ang tinitirahan ng aking tatay kung kaya’t malayo sila sa kabihasnan at higit sa lahat wala silang kuryente kung kaya’t maaga pa lang kinakailangan ng gawin ang mga dapat kailngang gawin bago pa man lumubog ang haring araw at nang tumungtong sa edad na labing-walong taong gulang ang aking tatay ay naisipan ring makipagsapalaran sa Maynila upang hanapin kung saan naroroon ang aking ina. Bata pa lang kasi sila iniwan na sila ng kanilang ina upang magtrabaho. Namasukan si itay bilang kargador at di kalaaunan ay natanggap naman ito.
ito ang aking nanay :)
Sa paglipas ng panahon, nagpatuloy ang kanilang pakikipagsapalaran. Si mama ay nagpatuloy pa rin sa pagiging katulong sa Malate, Manila at si papa naman ay nagdedeliver na lamang ng mineral water hanggang sa magkatagpo ang dalawa. Noong nagdedeliver si papa ng tubig sa bahay ng pinapasukan ng aking ina, nagkataong wala ang amo ng aking ina kung kaya’t ang aking ina na lang ang kumuha ng idineliver na tubig ng aking ama. Natulala siya kay mama na animoy nakakita ng multo na love at 1st sight pala ito sa kanya, hanggang sa dumating na araw-araw na pinapuntahan ng aking ama si mama upang masilayan lang nito ang kanyang muka. Di kalaaunan ang matagal na paghihintay ng aking ama ay nauwi rin sa masayang pagtityaga. Nakuha ng tatay ko ang loob ng aking ina. Sa maraming taong nakalipas nananatili pa rin ang matamis nilang pag-iibigan at kasabay nito nagkita ang mag-ina ang tatay ang lola ko. Ipinakilala ng itay ko kay lola ang aking ina at agad namang tinanggap ito ng aking lola. Hanggang sa magkaroon ng sapat na pera umuwi ang aking ina sa Davao upang makatulong na sa kanyang mga magulang. Makalipas ang ilang buwan, binalikan ni mama si papa sa Davao City upang yayain na magpakasal at tinanggap naman ito ng aking ina. Pinili nilang mabuhay na magkasama sa ibang lugar kaya’t napadpad sila sa Lungsod ng San Pablo sa lalawigan ng Laguna. Bunga ng kanilang pagsasama ipinanganak ng aking ina ang malusog na sanggol.

Ipinanganak ako noong Hunyo 17, 1995, sabi ng nanay ko ako daw ay ipinaglihi niya sa balot dahil noong siya ay naglilihi pa lang ay kain na lang ng kain ng balot ang kayang ginawa at sa tuwing uuwi ang aking ama ng gabi galling sa kanyang trabaho. Lumipas man ang ilang taon, patuloy pa rin ang takbo ng aming buhay kasabay nito ang unti-unti kong paglaki.
At ng nagging pitong taon na ko, sinimulan ko ng pumasok ng unang baitang sa paaralan ng elementarya ng San Gregorio. Unang araw sa school kung kaya’t abot-abot ang kaba ko, 1st mapalayo sa magulang kaya naman umiiyak ako sa tuwing siya ay umaalis sa aking tabi. Pero ganon pa man nasanay na rin ako dahil na rin sa aking mga kaibigan sila kasi ang nagpapasaya sa akin noong oras na wala sa aking tabi ang aking magulang at ng mga ilang araw ako ay tuluyan ng nasanay na sa pagpasok.
At pagtungtong ko ng grade-2 kami pa rin ang magkaklase, ang saya kasi wala ng magkakahiyaan sa amin sa araw-araw naming pagsasama-sama. Mga bata kami kung kaya’t di pa rin mawawala sa amin ang maglaro gaya ng habul-habulan, tumbang-preso, tagu-taguan, patintero, sikyo at marami pang iba kaya pagkatapos naming maglaro grabe an gaming pawis, tagaktak talaga.
Grade-3 na ako medyo may pagbabago na pagdating ng ikatlong baitang hanggang ikalimang baitang dahil marurunong na kami mahiya at medyo may mga crush na kami. Sa pagtungtong naming sa grade-6 madami na sa amin ang nagkaroon ng pagbabago, ang dating madaldal ay ngayon ay nagging mahinhin na, ang dating pala away ngayon ay mabait na, mga pagbabago sa sarili, gaya ng paglaki ng mga dibdib ng mga babae, paglagong ng boses ng mga lalak. At pagminsan naman di maiwasan ang pag-aawayan sanhi ng di pagkakaunawaan pero sa bandang huli nagkakabati rin naman. Kaya noong grumaduate kami marami sa amin ang naiyak at nalungkot sa paghihiwalay naming iyon umaasa kaming pag nagkita ulit kami kung hindi man sa school edi sa kasalukuyan. Naging masakit at malungkot din sa akin ang aming paghihiwalay pero alam ko namang baling araw magkikita at magkikita rin kami. Bakasyon na pero malungkot pa rin ako dahil sa paghihwalay naming magbabarkada ganon pa man excited pa rin ako sa pagpasok sa highschool upang makahanap ng bagong kaibigan at nagtagumpay naman ako sa aking paghahanap ng kaibigan. Marami akong nagging kaibigan lahat sila ay gusto akong maging kaibigan. Naging masaya din ako sa buhay highschool akala ko magiging mahirap sa akin madali lang pala. Maraming pagkakaiba dito kumpara noong ako ay elementarya pa lang. Noong ako ay 2nd year nagkaroon ako ng crush ditto. Dito ko lang naramdaman ang tunay na kahulugan ng pag-ibig. Hindi ko na pinasyang ipaalam sa kanya ang tunay kong nararamdaman dahil baka magalit siya inilihim ko na lang ito sa kanya, hanggang titig na lang ako sa kanya. Hindi ko rin kasi kayang makipagkaibigan man lang sa kanya, kasi sobra talaga akong nahihiya sa kanya. Masasaya rin ang mga kaganapan noong ako ay 2nd year gaya ng kami’y nag florante’t laura kami isa rin kami sa maraming naghahangad na makamit ang 1st place kung kaya’t lahat kami ay porsigidong porsigido hindi man nakamit namin ang aming minimithi masaya pa rin kami sa pagakat an gaming Flerida na si Roamay Irah Rubiato ay nakakuha ng 1st place ang aming Aladin naman na si John Emil Cosico ay nakakuha ng 2nd place.
Pirmahan na ng clearance, hindi talaga madali ang daming kailangang gawin para mapirmahan lang aming clearance. Sa pag-akyat namin ng 3rd year hindi namin alam kung sinu-sino ang magkakaklase iniisip ko na sana kami pa rin ang magkaklase. Mabuti na lang kami ulit, wow! Tumaas ng isa ang king section mula sa F patunggong E at higit sa lahat kasama ko ulit ang aking mga kaibigan na si Paula, Janice, Giselle at Michelle. At may isa pang dahilan kung kaya’t labis labis ang aking kaligayahan sa pagiging 3rd year ko kauna-unahan kong mararanasan ang J.S. Prom Hawaiian ang theme kung kaya’t medyo kakaiba. Pinaghahandaan ko ang aking susuotin nagging excited ako at noong araw na iyon dumating na ang pinakahihintay namin. Kasama kong pumunta sa Central Gym ang kaklase kong si Michelle na kaklase ko rin ng elementarya. Kung kaya’t sanay na ako sa kanya kaya itinuturing ko na siya bilang aking bestfriend sa tagal ba naming magkasama kaya alam na namin ang tungkol sa isa’t-isa. Nagsimula ang J.S. sa mananayaw na may gamit na apoy, ang ganda nilang tingnan at ang lahat ay wiling-wili na mapanood ang mga mananayaw. Kumain kami ng sabay-sabay sa may sulok. At nang tumugtog na ang sweet lahat ng kalalakihan ay nagsisitayuan upang maghanap ng mga babaeng gusting makisayaw sa kanila. At dumating din ang punto na tinugtog ang paborito kong kanta ang pamagat ay “I LOVE YOU, MORE THAN YOU EVER KNOW” kasi sa tuwing tinutugtog iyon naiisip ko yung mga memory na magaganda at nakakakilig at syempre makakalimutan ko ba naman ang aking crush. Syempre hindi!, kaya habang tinutugtog iyon nag iimagine ako na kasayaw ko siya. Ang saya talaga ng araw na iyon.Hinding hindi ko makalimutan ang pang yayaring iyon.Paguwi kinabukasan ang mga pagmumuka namen ay puro loshang na kaya nga nakakahiyang sumakay sa tricycle kasi pinagtitinginan ka ng maraming tao at talaga naman nakakaantok pagdating ko sa aming bahay deresto agad ako sa aking kama hindi na nga ako nag almusal nagising ako na alas dose saktong tanghalian natulog ulet ako pagkatapos.At pag ka gising ko ng hapon nadulas ako sa likod ng aming bahay habang may dala ng pangmiriyenda sayang lang tuloy bukod sa wala akong nakaen andumi dumi ko pa puro putek ang bandang pwetan ko kaya dalidali akong naligo .                                                                
Pagkalipas ng ilang buwan bakasyon na naman at mag 4th year nako bumaba ang seksyon ko napahiwalay ako sa iba ko pang mga kaibigan sino sino kaya ang magiging kong kaibigan ngayong 4f ako o 4faraday.Wow ! naglevel up na ang mga seksyon nagkapangalan na magbago kaya ang takbo ng aking buhay ? Unang pasok sa room marami akong kilala na naging klasmate ko na date at meron din namang hindi pero alam ko balang araw magiging kaibigan ko din sila.Di naman ako nabigo naging close ko naman sila ang totoo masaya nga silang kasama eh ! nagkaroon ako ng mga kaibigan na sabay sabay kameng kumakaen at marami pang ibang masasayang pangyayari sumunod na ilang araw nagkaron kame ng edeya ng 4 faraday na magkaroon ng hiking ito ay sa balumbong pero nakakatawa ang pinagdaang hiking ay nauwi sa palpak na paguusap ang nangyari tuloy apat lang kameng magkakaklase ang dumalo sa hiking kasama ang ibang di kilalang personalidad pero sa huli umuwi kame ng masaya kahit nabasa ang aming pantalon un nga lang nakakapagod talaga HAyyy !! kelan kaya ulit mauulit.Lumipas ang ilang buwan lalo naming nakikilala ang bawat isa pero pagminsan hindi talaga maiiwasan ang mga iringan at hindi pagkakaunawaan pero sa huli nagkakabati naman walang araw na lilipas na hindi kame tumatawa ang saya talaga pero hindi maaalis sa isipan namen ang graduation nakakalungkot mang isipin na may iiwanang kang isang taong na mahal na mahal mo nakilala ko lang siya nung naging player ako di ko nga alam kung bakit ko siya naging crush eh ! di ko naman siya nakikita kasi maghiwalay ang aming pi nagtetriningan siguro na love at first sight ako sa kanya kaya siguro ganon nalang kabilis ang pagtibok ng aking puso.
Isa sa pinaka masayang nangyari sa buhay ko ay noong nagkaroon kame ng fieldtrip ang dame nameng pinuntahan gaya ng museum sa up Lb, residence inn sa tagaytay ,novali at ang pinaka masaya sa lahat ay ang enchanted kingdom.Papunta namen doon pinuntahan agad namin ang space shuttle grabe ang lakas ng kabog ng puso ko first time ko lang makasakay doon buti nalang nandun ang crush ko kaya nabawasan ang tibok ng puso ko at nang malapit na kame sobra sobra ang aking nararamdaman di ko maipaliwanag di ko alam kung maiiyak ako o magsisisigaw sobrang kaba ng kami na ang sumunod nagsimula ng umandar grabe nakakatakot ang tunog at ng nagsimula na kameng tumaas ambilis bilis pumaibaba grave para kameng kame ay itatapon sa sobrang bilis kaya nung pagbaba namen para kameng nalugi, marami sa amin ang nahilo pero parang gusto ko ulit ulitin un. umuwi kame ng masaya sa bus nakaranas ako ng sobrang pagkahilo at nasusuka grabe di ko alam ang gagawin.Gustong-gusto ko nang umuwi sa bahay at ng makarating ako saming bahay nagsuka talaga ako at nung nakahiga ako sa kama piling ko parang nakasakay  parin ako sa mga rides ng enchanted kingdom.Kinabukasan traning ulet ng badminton. Division meet na kaya ako ay kabado gagawin ko ang lahat para sa laban namen pero ok lang din naman kahit di manalo basta alam kong ibinigay ko ang lahat, pagkatapos nun pinuntahan ko ang aking crush sa dizon kasi lalaban na siya at nung lumaban na siya nakakatuwa kasi nanalo siya kaya proud na proud ako sa kanya, Pagkatapos ng division meet pasukan na naman balik na naman sa date pero ung crush ko natetreyning parin  para sa STACAA na gaganapin sa sta.cruz laguna. Masaya ako kasi araw araw ko siyang nakikita at talagang nagkataon sa tuwing napapractice sila ng parada ay nasa harap ng room namen ang saya talaga ang sarap niya talang titigan gusto ko na talang sabihin sa kanya ang aking tunay na nararamdaman ngunit pinangungunahan lang ako ng kaba malapit na ang graduation kung kayat' desidido na ako na ipaalam sa kanya na mahal na mahal ko siya at para naman saking mga kaibigan sana walang magkakalimutan kahit grumaduate na kame sana wala paring magbabago sa  habang panahon.Hanggang dito muna ang aking masayang talambuhay abangan  ang mga susunod na kaganapan sa aking buhay.  

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento