Ang
Talambuhay ni Joe Mari Castillo Chozas
Jome |
Ako po ay si Joe Mari Castillo Chozas,
labinlimang taong gulang na po ako. Ako po ay ipinanganak noong ika-12 ng hunyo
taong 1996. Ako po ay nakatira sa Barangay Sta. Elena, San Pablo City, Laguna. Ako po ay kasalukuyang nasa
ika-apat na taon sa sekundarya. Ang
aking mga butihing magulang ay sina Francisco Chozas at Mylene Chozas. Ako ay
may tatlong mabubuti at mapagmahal na kapatid, dalawang lalake at isang babae,
sila ay sina Justine ang panganay, Joyce Ann ang sumunod sa akin at Jan Rances ang
aming cute na bunso. Ako nga po pala ay pangalawa sa aming magkakapatid.
Kuya Justine |
Joyce Ann |
Jan Rances |
Noong ako ay limang taong gulang ay doon
ko sinimulan ang aking responsibilidad sa pag-aaral. Pumasok ako ng “Kinder
Garten” sa mababang paaralan ng Barangay Sta. Elena. Habang lumilipas ang mga
araw ng aking pagpasok ay nakakakilala ako ng mga kaibigan, mga mababait at
masisipag din sila tulad ko J.
Tuwing awasan naman ay hindi agad ako nakakauwi sa amin dahil nakikipaglaro pa
ako sa kanila. Minsan ay umabot pa sa puntong sinundo na ako ng aking Nanay sa
eskwelahan para ako ay pauwiin na. Kahit na mahilig akong maglaro noon ay hindi
ko pinabayaan ang aking pag-aaral. Nagsumikap pa rin ako at ang bunga nito ay
noong ako ay nakapagtapos na may karangalang natanggap.
Noong ako naman ay umakyat sa ika-unang baiting
ay Section – A ako. Ang aming guro ay si Gng. Castillo mabait sya kaya mas nagsumikap ako sa pag-aaral at
mabilis kong natututunan ang mga itinuturo niya. Masaya pala talaga
pagelementarya dahil meron pala ditong school intramurals, noong ika-unang
baitang red team ang aming section, tuwang tuwa ako dahil maraming palaro at ang red team ang nanalo
hanggang matapos ang itrams, ang saya naming mga magkakaklase. Nang sumapit ang
buwan ng Disyembre ay nagkaroon kami ng tinatawag na “Christmas Party” na kung
saan ay nag kakasyahan ang bawat isa, may mga palaro,papremyo, at marami pang
iba. Mawawala ba naman ang pinaka hihintay ng lahat ang mga pagkain kung saan
kumuha sila ng pagkain sa “JOLLIBEE”. Napakasarap ng mga pagkain doon. Naaalala
ko pa nga noong bata pa ko na paborito ko si Jollibee. Nang matapos na ang
Grade one ko. Dumating na ang bakasyon at sumapit na ang pagiging Grade two ko.
Nang ako ay sumapit sa ikalawang-Baitang
ako ay nasa pinaka mataas na seksyon. Ang aking guro ay si Gng. Milan siya ay
mabait, ngunit may katarayan din. Mahal ko ang pagaaral ko, kaya gigalingan ko
sa lahat ng pagkakataon upang matuwa sa akin ang aking mga magulang. Sa tuwing
sasapit ang mga pagsusulit, ako ay nagaaral upang makapasa. At nang sumapit na
ulit ang Intrams gaya ng date, masaya padin. Sabi nga nila “Be Sports” walang
dayaan. Blue Team naman ako ngayong taong ito, mas sinisikap kong gumaling sa
larangan ng Sports katulad ng Basketball at Volleyball. Naging kampeon ang aming
Team dahil sa aming pagtutulungan.
Noong ako ay umakyat sa ika-tatlong
baitang ay na Section – A parin ako dahil hindi ko pinababayaan ang pag-aaral
ko, masaya dahil merong mga bagong kaeskwela na nagmula sa ibang paaralan at
ibang section, kya meron nanaman akong bagong mga kaibigan. Heto nanaman ang
shool intrams ang sasaya nanaman ng mga estudyante sa Placido Escudero Memorial
School at aming section ay blue team naman, matagumpay namang natapos ang
programa at talagang masaya ang lahat ng mga estudyante. Hanggang magtapos ako
ng ika-tatlong baitang ay mataas pa rin ang aking marka.
Noong ako naman ay nasa ika-apat na
baitang nasa pinakamataas na seksyon. Ang aking guro ay si Gng. Ricaforte. Ganun
pa rin gaya ng mga nakalipas na pasukan masaya ulit ako. Gaya ng nakaraang taon
hindi ko pinababayaan ang aking pagaaral. Kahit ako ay hindi nagiging top one
sa school matataas parin naman ang aking mga grado. Subalit unti-unti akong nagiging
“Matured” lalo pang nakikilala ang aking pagkatao sa pagiging bata hanggang sa
pagiging matanda. Nang makalipas na ang panahon dumating ang bakasyon hindi ko
lubos maisip na ang mga panahon na iyon ang magiging simula ng aking
pagbibinata. Sinamahan ako ng aking Ama sa Doktor upang magpatuli iyon ang
tawag sa mga lalaking nagbibinata na.
Noong naman ako ay nasa ika-limang
baitang siyempre nasa pinamataas padin akong seksyon. Ang aking guro ay si Gng.
Reyes ang Pinaka gustong guro. Siya ay mabait, marami akong natututunan sa
kanya. Gaya noon hindi ko pa din pinababayaan ang aking pagaaral matataas padin
ang aking mga marka. Nang dumaan ang mga panahon nagkaroon sa amin ng “Camping”
ng mga boys scout at girls scout. Sumali ako para mgkaroon ako ng mgagandang karanasan
sa loob ng paaralan. Ang camping na ito ay binubuo ng ibat-ibang patimpalak. At
pagsapit ng gabi nagkakaroon ng “Camp Fire”, sinisindihan ito n gaming guro na
si Sr. Diola, lahatay naging masaya sa nangyaring Camping. Kaya’t umuwi ang
lahat sa amin ng may ngiti sa kanilang mga labi.
Ang aking pinakihihintay na taon ang
ika-anim na Baitang nasa pinakamataas na seksyon ulit ako. Ang aking guro ay si
Gng. Cuevas siya ay mabait. Madami akong
natututunan sa kanya. Sa tuwing umaga ng flag ceremony kami ng aking pinsan at
kaklase ko na din. Napunta kame sa Canteen upang tumulongsa pag-gagyat ng mga
kakailanganin sa pagluluto upang ibenta sa mga estudyante. Ang aking ibang mga
kaklase ay Canteener.Kapag kame ay nagleleksyon kada oras, lumilipat kame ng
classroom upang doon naman magturo si Bb. Diola ng EPP. Doon kame natuto ng mga
gawaing bahay at marami pang iba. At pagsapit ng Recess kumakain, naglalaro ang
iba. Pagsapit naman ng Hapon tinatawag kameng garden boys, ang tungkulin namen
bilang garden boys ay magdilig,ayusin, at alagaan ang mga halaman na nasa loob
ng paaralan. At nang lumipas ang mga panahon, palapit na ng palapit ang
pinakakahintay ng lahat ang Graduation ngunit ang lahat madami munang
pagdadaanan ang bawat isa sa amin. Nagka roon ng pirmahan ng Clearance na kung
saan ay binubuo dito ang mga guro mo sa loob ng anim na taon. Simula noong
Unang baitang hanggang nagayon. Nag pa-picture kme na may suot na toga, hudyat
iyon na malapit na ang graduation. Nang kame ay nkapagpapicture, sinundan ang
mga araw na magkaroon kami ng Class Picture,kasama ang aming adviser,principal,
at mga subject teacher. Sumapit na ang Recognition Day ako ay nagka award ng
Best in Home Economics, Best in Agricultural Arts at Active Boys Scout. Medalya
para sa Banda ng aming paaralan. At nang matapos na ang Recognition Day sinundan
naman ito ng pinakahihintay ng lahat ang Graduation Day. Graduation day ang pinaka
mahalagang parte ng iyong pagaaral. Ayan na nga ang Graduation Day, Exited na
ang lahat kahit ang mga magulang ay exited na din. Eto na lalakad na kame sa
pathway syempre in alphabetical order kami. Nang ang lahat ay nasa kanila ng
mga upuan ay nagsalita na ang mga pangunahing panauhin. Hangang inanunsyo na
ang mga pangalan na bibigyan ng diploma at parangal. Nang matapos na ang
programang iyon kumanta kami ng aming graduation song. Nang kame ay umuwi na
nagkaroon ng konting salo-salo sa aming bahay. Lahat ng aking mga kakilala ay
aking niyaya at pinakain sa aming bahay. Masayang masaya ako nang araw na yon
kase, naka-graduate na kame. Bakasyon, malapit na akong mag first year, at dahil ang kuya ko ay nag-aral sa maynila ay nagdesisyon ang aking mga magulang na sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School na ako papasukin dahil baka daw kapusin kami sa pera, pero ok lng basta nakakapag-aral ako.
First year! Unang taon ng High School.
Madami siguro akong magiging bagong kaibigan at bagong guro. Ako ay nasa
pangatlong pinakamataas na seksyon. Ang akin nga palang adviser ay si Mrs.
Nenette Baylon. Gaya ng dati pinag iigihan ko pa din ang aking pagaaral
nananatili pa ding magaganda ang aking mga marka. Madami naman akong naging mga
kaibigan. Noon naiilang ako na makipagkilala sa kanila pero habang tumatagal ay
unti-unti din akong nasasanay. At nang dumaan ang mga panahon nagkaroon ng Aquaintance
Party na kung saan nag kakaroon ng program. Dito nagkakakilakilala ang mga
estudyante. Dito rin ako nagkameron ng crush si Ashley C. Leonzon, siya nga
pala ang unang nagtanong ng pangalan ko nung unang pasukan. Nagdaan pa ang mga
panahon kaming mga magkakaklase ay lubusan na talagang magkakakilala,
nagtutulungan kami sa mga tuntunin sa paaralan. Dumating ang ikaapat na
markahan nagkaroon kami ng palabas tungkol sa Ibong Adarna, kami ay
nagpapraktis tuwing walang klase at nang dumating na ang araw ng kompetisyon ay
kaming magkakaklase ay kinakabahan..pero sa wakas ay naipakita naman naming ito
ng maayos sa mga manonood. Mabuti at hanggang ika-apat na markahan ay maganda
ang aking marka. Nang dumating na ang kalaghatinan ng marso nagsimula na kaming
magpapirma ng clearance unang araw pa lng ng pirmahan eh halos mapirmahan na
lahat, kaso nakakasura yung isa kong kaklase, kinolekta lahat ng notebook sa
Edukasyon sa Pagpapapahalaga tapos ipapass daw tapos umalis kami ng iba kong
kaklase para puntahan sa kanilang bahay ang isa naming guro kasi siya na lng
ang hindi pa nakakapirma sa aming clearance kasi tanghali na hindi pa rin sya
napunta sa paaralan tapos nung bumalik kami ibinalik daw yung mga notebook
tapos ung akin nawala, ayun tuloy hindi napirmahan yung clearance ko kya noong
pasukan na lng ako nagpapirma sa E.P.
Ang seksyon ko noong Second Year ako ay
kagaya rin nung First Year ako, B. Ang aming adviser ay si Mrs. Sotalbo, mukha
syang mataray pero mabait at ang galling nyang magturo sa T.L.E. Kami-kami
parin ang mga magkakaklase kya wala na kaming ilangan sa isa’t-isa noong
magpasukan, dito ko nga pala naging kaklase si Aljohn R. Caballa na hanggang
ngayong Fourth Year ay kaklase ko pa rin at si Kenneth S. Cabela na idol ko sa
math, sa kanya ako nagpapaturo kapag hindi ko maintindihan ang itinuturo ni Ms.
Nuevo na ngayon si Mrs. Laloon na. Ang seksyon naming ay sumali sa isang play
na requirement sa Filipino, ang play na ito ay tungkol sa Florante at Laura at
ako ang role ko dito ay mambibigkas ang kawal.
Ako at kaklase ko noong nagplay kame ng florante at laura :) |
Mabuti naman at maganda ang kinalabasan ng play kaya kami ay nakapasa sa Filipino.
Shadow Fiend ( Nevermroe ) |
Second Year din ako talagang naadik ako sa “COMPUTER" dahil natuto akong mag"Dota" talaga kasing nakakaadik ang larong ito. Minsan pa nga ay nalelate ako sa pagpasok o di kaya ay nakakapagcutting dahil dito.
<------- Fav. hero ko po sa Dota haha..
Pero nagpapasalamat naman ako at ako ay nakapasa sa second year at pati narin ang aking mga kaklase walang bumagsak...
Third year na ako at sa kabutihang palad ay B pa rin ang seksyon ko kahit paloko-loko at bumaba ang grado. Ang aming guro ay sina Ms. Lee at Mrs. Umali. Si Ms. Lee ay may pagkamataray pero mahilig magbiro, magaling magturo at mahilig makipagkwentuhan tungkol sa lovelife. Si Mrs. Umali naman ay isang TLE teacher at tungkols sa cosmethics ang itinuturo niya kaya hindi ko siya naging guro at kaya hindi ko kayang ilarawan ang istilo nya sa pagtuturo, pero ang alam mo ko mabait din siya.
Kaso dito talaga kami nagsimula ng kalokohan, kaming mga lalaki ng 3-B. Lagi kaming magkakasama kahit san magpunta sa computer,tambayan at tindahan ni tita Lanie. Dumating sa punto na pati pagkacutting magkakasama kaya ayon kameng lahat eh bumaba ng seksyon. Ako naman at si Aljohn ay problema ang MAPEH dahil halos hindi na kami pumapasok, kaya pinapatawag lagi ang aking magulang at ayun pinagproyekto ako ng dalawang tarpaulin at tapos sa pasukan daw ng fourth year eh maglilinis ako sa faculty ng dalawang markahan, kaya nakapasa ako ng third year ng walang bagsak. Salamat nalang.
Fourth year na ako at napakalayo ng ibinaba ng seksyon ko! 4-F haha, ok lang, ako din naman ang may kasalanan luko-luko kasi nung thirdyear. Halos lahat ng kaklase ko ay bago, noong una nga eh tingin ko mahihirapan ako mag-adjust sa kanila pero di nagtagal naging ka close ko din sila. Iba't - iba ang ugali meron mayabang, mabait, papansin, maarte pero ayus lng ang mahalaga naman para sa akin ay ang makagraduate na. Noong unang markahan ako ay naging top 1 dahil talagang nagpupursigi ako dahil nasa isip ko fourth year na nga kaya dapat
intrams 2011 |
pagbutihin ko na, tapos nung second grading napili ako para maging escort sa intrams, pumayag na lang ako kahit mahiyain ako kasi naisip ko na fourth na rin naman ako at last na naman ito bilang high school, sa kabutihang palad na second runner up naman ako :). Makalipas ang ilang linggo tinawag na naman kami para mag audition para sa Mr. and Ms. Dizon High, at ayun nakapasok naman ako sa audition nakapasok din si Charles Elrain C. Duran na escort din noong intrams. Simula nun nagpraktis na kame mula sa pagsasalita hanggang sa pagrampa. Nang mag October 21, 2011 nagkaroon kami ng talent portion sa
SM tour w/ other candidates |
SM City San Pablo, mabuti naman at nakapagperform ako ng maayos.
Nagkaroon din kame ng Mall tour sa SM City San Pablo, ansaya namen kung saan- saan kame nagpipipicture at pinakain kami sa Mang Inasal. Pagkatapos ng Mall Tour ay hindi muna kami umuwi at naggala pa sa SM at nagworld of fun at pagkatapos ay kumain ulit, ang iba ay umuwi na at
ang iba naman ay gabi nang umuwi.
@library |
Ansaya palang sumali sa gantong pageant, nagkakaroon ka ng bagong kakilala at bagong kaibigan. Nang dumating na ang coronation night, kabado kami kasi halos lahat kami ay first time sumali sa gantong pageant. Ang daming tao mga hiyawan ang kanya-kanyang fans.Ang naging Mr.Dizon ay si Miguelle Andre Arenas at ang Ms. Dizon naman ay si Abegail Gacusan Abbas. Masaya ako kahit wala akong nakuhang award kahit isa kasi marami naman akong natutunan ditong bagay at napataas nito ang confidence ko sa sarili ko.
Ako at ang maganda kong Adviser si Mrs. Laloon |
Pebrero 11, 2012 ay nagkaroon kami ng Juniors and Seniors Prom at marami akong naisayaw, marami rin nagpapicture, masaya ang naging Prom hanggang matapos.
ako at ang mga kaklase ko na seryoso haha :"> |
Ngayon ay Marso 23, 2012 at ako ay kasalukuyang nagtatype ng talambuhay kong ito at masayang ibinabahagi sa inyo ang kwento ng buhay ko... maraming SALAMAT..
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento