|
Ako |
Ako po si Aljon Mel Octavio Reyes.Ipinanganak ako sa lungsod ng San Pablo noong Pebrero 24, 1996.Sabi ng aking mga magulang ay hindi na nadala ang aking ina sa ospital dahil mabilis siyang napaanak at nadala na lamang siya sa spital ng ako ay mailabas na.Tatlo kaming magkakapatid at ako ang panganay.Noon daw na ako ay bata pa ay masyado daw akong iyakin lalo na kung aalis ang aking ama sa aming upang mag trabaho.Kahit hindi ko natatandaan ay alam kong maganda ang naging pagdiriwang ng aking unang kaarawan dahil sa mga pictures ko nung ako ay bata pa.Marami daw na nakukyutan sa akin nung baby pa ako dahil daw maputi at mataba daw ako noon.Noong apat na taong gulang na ako ay saka ako namayat dahil sa pagkakasakit ko.Nawawalan na kasi ako noon ng ganang kumain kaya ako namayat,pero nung gumaling na ako ay medyo nabawi ko na ang aking lakas pero hindi na ulit ako noon tumaba.
|
ako nung tatlong taong gulang pa ako |
Noong limang taong gulang na ako ay pumasok na ako bilang kinder.Takot na takot pa ako noon lalo na sa aking teacher dahil mukha itong mataray at may hawak pa itong mahabang stick na akala ko ay pamalo niya.Nang tumagal tagal naman ay naging maganda na ang aking pag aaral sa kinder.Lagi pa akong pinupuri ng aking teacher dahil ang galing ko daw.Ang mga kaklase ko naman ay masyadong tahimik dahil natatakot sila sa aming teacher dahil mukha nga itong mataray,pero yung iba ay matatalino at lagi ding napupuri ng aming teacher.Kaya nung graduation namin ay nagkaroon ako ng medal.Ikinain pa nga ako noon ng aking ina sa Jolibee dahil sa natanggap ko at dahil na rin sa ako ay nakapagtapos ng kinder.
|
ako nung nag 2years old ako |
Pagkatapos ng bakasyon ay pumasok na ako sa San Pablo Central School bilang isang grade one.Sinabi sa akin ng aking ina na huwag daw akong makulit dito dahil matataray na daw ang mga teacher dito kaya naging tahimik na lang ako.Marami akong kaklaseng naging mabait sa akin at marami din ang makukulit.Naging maganda naman ang aking pag aaral bilang grade one.Matataas ang mga nakukuha ko sa mga test kaya matataas din ang aking mga grades.Tanda ko pa noon ay ikinakain ako ng aking ina sa Jolibee o kaya ay sa McDo kapag matataas ang mga nakukuha kong mga grades.Ang pinaka problema lang sa akin ay masyado lang akong tamad magsulat dahil kapag tapos na ang mga kaklase ko at ako na lang ang natitirang nag susulat ay hindi ko na tinatapos ang aking s.inusulat kaya dun lang ako napapagalitan ng aking teacher at ng aking ina.Para sa akin ay madali lang ang grade one dahil kayang kaya kong sagutin ang mga itinatanongng aking teacher .Natapos ko ang pagiging grade one ko na may matataas na marka kaya tuwang tuwa sa akin ang aking mga magulang.
Nung bakasyon pagkatapos ko ng grade one ay wala kaming ginawa ng kapatid ko kundi maglaro na lamang ng maglaro hanggang maghapon.Minsan ay nagswiswimming kami upang makapag enjoy daw kami sa aming bakasyon.Halos isang linggo kami dun kapag kami ay nagswiswimming.Minsan pa nga ay napapagalitan ako ng aking ama dahil basta basta na lang akong nawawala dahil gustong gusto ko talagang magswimmin na kaya nagpunta na ako kaagad sa swimming pool ng walang paalam ng aking magulang.Dahil sa aking ginawa ay napagalitan ako at hindi na ako pinagswimming kaagad.Napakabilis na lumipas ang araw ng aming bakasyon.Nagpasukan na naman!!.
|
ako nung six years old na ako |
Nag grade two na ako,dun pa rin sa San Pablo Central School.Nanibago ako dito dahil yung iba ay magkakakilala na dahil magkaklase sila mula pa nung grade one at yung iba ay nung kinder pa nga.Parang ako lang ang walang kakilaladahil tumaas ang section ko na mula sa section seven ko noong grade one ay naging section two na ako.Ako na ata ang pinaka tahimiksa aming mga magkakaklase dahil wala naman akong kakilalang pwede kong makausap at makadaldalan.Di naman nagtagal ay may nakakilala na rin ako dahil kanya akong kinausap dahil napakatahimik ko nga raw kasi.Tungkol naman sa aking pag aaral ay naging maayos pa rin naman.Matataas pa rin ang nakukuha ko sa aming mga pag susulit at matataas pa rin ang nakukuha kong mga marka sa kard.Ngayong grade two ako natutong makipaglaro sa aking mga kaklase.Kahit anung maisipan naming laruin ay nilalaro amin.Pero tuwing recess lang ako nakakapaglaro dahil hindi na ako pinapaglaro ng aking ina tuwing lunch time dahil busog pa raw ako atbaka daw ako pa ay pagpawisan pa.Hanggang katapusan ng aking pag aaral sa grade two ay matataas pa rin ang mga nakukuha kong mga marka mula sa aking guro.
Nang grade three na ako ay masyado ko na ditong napabayaan ang aking pag aaral dahil puro laro na lamang ang iniintindi ko.Laro dito laro doon lang ang alam ko noon kaya napakalaki ng pinagkaiba ng grades ko nung grade two at grade one ako kumpara noong grade three na ako.Araw araw ay lagi akong late pumasok at pawisan pa lagi dahil galing ako sa aking paglalaro.Tuwing recess,lunch time at pagkaawas ay lagi kong kasama ang aking mga kaklase at iba ko pang mga kalaro.Lagi na nga akong late na makauwi sa amin dahil lang dito kaya lagi na nga akong napapagalitan sa amin pag kauwi ko dahil halos maggagabi na kapag ako ay nauwi sa amin.Minsan pa nga ay kinakaon pa ako kapag masyado na akong late sa paguwi ko.Pati ang teacher ko ay napapagsabihan na nga ako dahil sa aking mga pinapaggagawa.Kapag ibibigay nga ang aming kard ay natatakot akong ibigay ito sa aking mga magulang,baka kasi ako ay pagalitan pa dahil sobrang bababa ng mga grades ko.Madalas nga akong mapasama sa mga away kasi ang akala ko ay maglalaro lang kami yun pala ay may kaaway sila dahil lamang sa di sinasadyang pagkakatulak sa kaklase ko dahil sa aming paglalaro.Napa principal ako noon,takot na takot nga ako dahil pinatatawag ang aking nanay.Pagdating na pagdating ng nanay ko ay nakurot na niya kagad ako kasi galit na galit na siya.Hindi naman daw ako ganun nung grade two ako bat daw ako nagkaganun.Minsan ay naitatanong ko rin ito sa sarili ko,ang naisasagot ko lamang sa aking sarili ay dahil nageenjoy naman ako sa aking mga pinapaggagawa kaya hindi ko ito maiwan iwan ng ganun ganun na lamang.Sabi sakin ng aking magulang ay mapipilitan silang patigilin ako sa aking pag aaral dahil sakit daw sa kanilang ulo ang aking pinapaggagawa.Pinilit ko talagang magtino noon,ginawa ko ang lahat para mapataas lamang ang aking mga grades pero bakit kaya ganun?,parang hindi ko na kaya talagang bawiin ang mabababa kong grades.
Simula nung bakasyon pagkatapos ng school year na yun ay ako na lagi ang tagawalis at tagamap ng aming sahig,parusa ko lamang daw ito dahil sa aking mga pinaggagawa nung ako ay nasa grade three pa.Mabuti nga daw ay ipinasa ako ng aking teacher dahil nabigyan ako ng special project noon.Talagang pinagsisihan ko ng todo ang aking pinaggagawa kaya sa amin ay nagtiyaga akong mag aral kahit bakasyon naman.Sabi ko noon sa aking sarili ay babawi ako sa mga nagawa kong mga kamalian ngayong grade four na ako.di naman nagtagal ay nagpasukan na naman.
Medyo excited na ako ngayong pumasok dahil may binitawan akong mga salita sa aking sarili.Alam ko sa aking sarili na mas mahirap sigurado ang maging grade four kaysa sa pagiging grade three kaya umpisang umpisa pa lamang ng pasukan ay naging masipag na ako lalo na sa pagsusulat.Dito ay may nakilala akong naging kaibigan ko.Alam kong lapitin siya ng away pero mabait naman siya pagdating sa kanyang mga kaibigan.Noong grade four din ako nagsimulang magkagusto sa isang babae.Nagkagusto ako sa aking kaklase dahil napakaganda niya at napakabait pa.Ewan ko kung bakit hindi ko masabisabi sa kanya na gusto ko siya.Hindi naman ako yung tipong nahihiya pagdating sa mga ganitong mga pag amin lamang.Pero sa kanya ako ay hiyang hiya talaga.Nagpatulong ako noon sa aking kaibigan na kung maaari ay siya na ang magsabi dahil medyo close naman sila dahil kaklase na niya ito nung grade one pa daw.Hindi ko talaga maisip na magugustuhan niya ako dahil ang alam ko ay iba ang crush nya at hindi ako.Sinabi lamang ng aking kaibigan sa akin na ako daw ang crush noon.Pero ako naman ang hindi makaamin amin sa kanya ng harapan.Naging maganda naman ang resulta ng aking pag aaral dahil may mataas akong nakukuhang grades at yung iba ay yung tama lang na hindi mataas at hindi rin mababa.Napakabait pati kasi ng naging adviser ko,naiintindihan niya kami kapag hindi namin maintindihang masyado ang mga itinuturo niya.Pero minsan ay nagiging mataray ito lalo na kung masyado na kaming maingay at hindi na kami makuha sa iisang salita lamang.Nung Christmas Party nga namin noong grade four ako ay napakasaya ko dahil kapartner ko pa sa sayaw namin ang babaeng gusto ko noon.Inaasar pa nga ako ng mga kaklase ko kasi sinadya ko daw talagang siya ang bunutin ko para makapartner ko.Tinatawanan ko na lang ang kanilang pangaasar dahil saktuhan nga lang ito at siya lamang naman talaga ang gusto kong makapartner noon.Kahit na napangitan ako sa natanggap ko noong exchange gift dahil dalawang pares lang ng picture frame ang aking natanggap ay napakasaya ko pa rin ng araw na iyon.Tapos nung nagbirthday ako ay 1st time kong makantahan sa school ng happy birthday.Sakto pa noon ay ang camping namin sa boy scout.Dun kami natulog sa aming classroom.Nagkatakutan pa nga noon kasi ang alam namin ay maraming nagpapakita sa Central lalo na dun sa Rizal Building dahil napakadilim nga naman doon.Halos alas dose na nga kami nakatulog doon dahil sa sobrang saya namin noon.Alas dose kami natulog pero nagising ako ay alas kwatro pa lamang.Pinilit ko pang makatulog noon pero hindi na ako nakatulog dahil nagising na rin ang iba kong mga kaklase kaya naging napakaingay na kaagad.Kami nga ang pinakamaagang nagising sa lahat ng mga campers noon.Ginala namin ang buong Central kahit medyo madilim pa rin.Nung pagkadating namin dun sa may grade two ay kala namin ay may nagpapakita sa aming multo,yun pala ay teacher lang pala namin na kanina pa daw naghahanap sa amin.Napagtawanan nga namin yung isa kong kaklase na muntik pang mapatakbo dahil sa sobrang takot niya.Nang naguwian na kami ay agad agad akong nakatulog dahil kaunting oras lang ako nakatulog sa camping namin.Halos mag gagabi na nga nang ako ay magising.Nang nag summer vacation na ay doon pa akong parang tinamad.Kahit inaantay ko pa ang summer para magbakasyon na ay hindi ko inaasahan na parang gusto ko pa ang napasok ako kaysa sa nasa amin lang ako at walang ginagawa kundi maglaro lang at manood ng T.V.
Kaya ganun na lang ang aking tuwa ng nagpasukan na.Hindi pa rin nagbago ang aking section.Katulad nung grade four ay section four pa rin ako hanggang grade five ako.Napakarami ko pa ring kaklase dito mula nung grade four pa ako kaya hindi ako nanibago sa pasukan.Ang kaso nga lang ay masyadong mataray naman ang aming naging adviser.Yung teacher kong yun ang naging pinakaayaw kong teacher sa lahat ng naging teacher ko simula nung ako ay pumasok ng kinder hanggang ako ay grade five na.Napakababa pa niyang magbigay ng mga grades kahit matataas naman ang aking mga nakukuha sa mga test namin.Iniisip ko nga kung parang galit sa amin ang aming adviser na ito dahil walang nagdaan na araw na wala kaming natatanggap na sermon mula sa kanya.Kahit nung nag Christmas Party nga kami ay napagalitan pa kami dahil ayaw daw naming sumali lagi sa mga kanyang palaro.Napakapangit naman kasi ng kanyang laro,tapos yung prize pa ay isang plastik lang ng mga candy kaya nakakatamad sumali.Mabuti na lang at mabilis na natapos ang school year na yun.Excited na excited na nga akong magbakasyon noon kasi nakakatamad namang magturo ang aming adviser na yun,masyadong nakakaantok siyang magturo.
|
ako at mga kaklase ko!!hahaha |
Nang ako ay nag grade six ay may nagustuhan talaga akong babae dito.Katabi ko pa siya kaya lalo pa akong nagkagusto sa kanya.Sa tingin ko ay mayroon din syang gusto sa akin dahil iba ang pakitungo niya sa akin kaysa sa aking mga kaklaseng lalake.Napakabait niya sa akin.Pero kahit iniisip ko na nga siyang ligawan ay hndi ko magawa dahil parang walang wala pa talaga kami sa aming tamang edad upang mapapunta sa ganoong sitwasyon.Ang akin na lang ginawa ay inamin ko na lang sa kanya ang pagkakagusto ko sa kanya at kung bakit ko siya nagustuhan.Hindi nga siya makapagsalita noon dahil noon lang daw siya nakaranas ng mayroong umamin sa kanya ng harapan kahit alam niyang maraming nagkakagusto sa kanya.Hindi daw niya inaasahan na magtatapat ako sa kanya.Pero nagtapat lang naman ako noong malapit na kaming gumraduate.Kinabukasan nga ay nagaalangan akong pumasok dahil medyo nahihiya pa ako sa kanya dahil katabi ko pa siya.Pero hindi ako pinayagan ng aking magulang na ako ay umabsent dahil gagraduate na nga daw ako ay aabsent pa ako.Kaya wala akong nagawa,kahit ayaw kong pumasok ay napilitan ako.Hindi ko siya matingnan ng maayos dahil nahihiya pa talaga ako sa kanya.Siya rin ay ganun,hindi din siya makatingin sa akin.Ni hindi nga niya ako makausap,siya pa nga ata ang nahihiya sa akin eh.Napaka tahimik naming dalawa doon.Kahit recess na o kaya ay wala pa kaming teacher ay kami lang ang hindi nakikipagimikan.Mabuti na lang at niyaya siya ng kanyang mga kaibigan na kumain na.Ako naman ay nagpunta sa tabi ng aking kaibigan.Doon lang ako nakapagsalita ng ayos.Hanggang kami ay makagraduate ay halos wala kaming imikan sa isat isa.Nung tapos na ang aming graduation ay ako na ang unang bumati sa kanya ng”Congrats”.Nagpasalamat siya at sabay bati rin sa akin at agad na siyang umalis.Parang nanghinayang ako kasi hindi ko pa siya niligawan noong time na nagtapat ako sa kanya na gusto ko siya.Nung bakasyon naman ay lagi akong nasa Basketball court sa may lake.Kalaro ko ang mga taong nandun.Mababait naman sila kahit minsan ay nagkakabargasan na ng laro ay hindi sila mahilig makipagaway.Naging kaibigan ko sila.Mula alas otso nang umaga ay aalis na ako sa amin upang makipaglaro doon ng basketball at babalik ako sa amin ng tanghalian na,minsan ay hapon na nga ako nakakabalik dahil napapasarap ako sa paglalaro ng basketball.Ayos lamang sa aking tatayang ganung maglaro ng basketball wag lang daw laging gabi nauwi kasi marami na daw mga luko pag ganung oras.Nasunod naman ako sa kanilang mga payo.Alam kong malapit na akong mag high school kaya sinusulit ko na ang pagbabasketball ko.Ngayong mag ha high school na ako kinakabahan dahil ibang iba na ito sa buhay ko bilang isang elementary.Sabi din pati ng magulang ko na iba talga dito dahil iba na ang magiging kong mga kaklase kaya wag daw akong masyadong mayabang dito dahil malaki na raw ako at medyo lapitin na daw siguro ako ng mga away.
|
ako nung JS namin ng 4th year |
Nung nag high school na ako ay kabadong kabado na ako dahil parang hindi ko talaga alam ang aking gagawin ngayong high school na ako.Kasama ko pa nga rin ang aking ina nung ako ay pumasok bilang first year high school.Akala ko pa nga ay hindi pa magpapasukan noon dahil parang napakatagal ng flag ceremony dahil napakarami pang speech ng principal.Bigla na lamang akong tinawag ng aking ina dahil doon daw sa grandstand namin titingnan kung ano ang aking section.Nakita ko ang aking pangalan sa section D.Napakatagal pa nga nung mahanap ko ang aking section kasi napakarami din palang nag eenroll na first year.Mga 15 minutes kaming naghahanap ng aking section.Agad naming pinuntahan ang aking room upang maka enroll na daw ako.Kinabahan nga ako kasi parang mukhang mga luko luko ang mga kaklase ko dahil sa kanilang mga itsura.Yung iba ay matatanda na nga.Pero mababait naman pala sila,kala ko nga ay hindi ako makakasundo ng mga yun kasi ay mukha silang mga palaaway pero nakasundo ko pa rin sila.Tatlo ang naging kabarkada ko sa kanila.Buti na lang at sa kanila ako napasama dahil mga takot kasi yung mga yun na mag cutting classes.Kahit na alam namin na kayang kaya namin na bigla na lang kaming mawala dun sa school dahil napakadali pang makapag cutting classes nung first year pa ako.Napakahilig lamang nilang mag gala pag awas kaya napapasama na ako sa kanila.Isang araw ay ipinakilala ako ng isa sa kanila sa kanya daw kaklase noong grade six daw siya.Allysa ang kaniyang pangalan.Unang unang kita ko pa lamang sa kaniya ay nagkagusto na ako sa kanya.Napakaganda kasi niya at halos lahat ng gusto ko sa isang babae ay nasa kanya na.Sinabihan ako ng aking mga kabarkada na ligawan ko daw siya kasi para daw na may gusto din siya sa akin.Sinunod ko sila,niligawan ko siya.Ilang linggo ay sinagot na niya ako.Masayang masaya ako noon dahil unang beses ko lang kasing magkaroon ng girlfriend.Kada monthsary namin ay lagi akong absent dahil siya lang ang gusto kong kasama kapag monthsary namin.Kapag bakasyon lang kami halos di nagkikita kasi nandun ako lagi sa aking lolo upang magbakasyon.At nung bakasyon ding iyon ay may problema pa ako dahil hindi ko pa nakukumpleto ang pirma sa aking clearance.At nung malapit na ang pasukan ay ilang beses pa akong nagpa balik balik sa school pero hindi pa nadating ang aking teacher na hindi pa nakakapirma sa aking clearance.Kinabahan ako noon dahil ang akala ko ay mag reretired na yung teacher kong iyon dahil medyo may edad na ito.
Buti na lang at pagkapasukang pasukan ay nakita ko kaagad yung teacher ko at agad akong nagpapirma ng aking clearance.Nawala bigla ang aking kaba dahil sa wakas ay nakuha ko na rin ang aking kard.Pagkatapos kong kunin ang aking kard ay pumunta na ako sa building ng second year para maka enroll na ako.Tiningnan ko muna ang section D kung nandun pa ako at buti na lang ay nandun nga ang aking pangalan.Halos lahat ng kaklase ko doon ay kaklase ko nung first year ako.Nang second year ako ay napakarami ko nang pinagbago.Hindi na ako yung taong kapag basta na lang sinasalaw ay hindi na lang pinapansin ang ginagawa sa akin,natuto na akong makisalaw din minsan nga ay ako pa ang masalaw lalo na sa isa kong kaklase.Naging adviser ko si Mrs. Dioso.Mabait naman siya pero minsan ay mataray lalo na pagdating sa pag kacutting.Nagtalaga nga siya ng isa kong kaklase bilang tagalista ng mga nagka cutting para daw mapagsabihan.Minsan ay nakasama na ako sa pag kacutting kasama ang aking mga kaklase ko.Napagalitan kami noon at napatawag pa ang aming mga magulang.Kinabahan ako noon dahil hindi daw papapasukin sa kanyang klase ang hindi kapag hindi pa daw nadadala ang magulang.Natatakot naman akong sabihin ito sa aking mga magulang dahil alam kong magagalit sila sa akin kaya hindi ko ito nasabi.Hanggang sa dumating na ako na lang ang hindi pa nagdadala ng aking magulang.Ako na lamang lagi ang nasa labas ng classroom namin kapag kami ay nagkaklase.Kinausap ako noon ng aking adviser kung bakit daw ayaw kong dalhin ang aking guardian.Sabi ko ay mayroon silang trabaho kaya hindi sila makakapunta.Hiningan na lamang ako ng aking adviser ng sulat para daw i-excuse ako sa aking kasalanan.Pero wala pa rin akong maibigay ng sulat,sinasabi ko na lamang sa aking teacher na naiiwanan ko ito kaya hindi ko pa maibigay pero wala pa talaga akong nagagawang sulat galing sa aking guardian.Nakaisip ako ng paraan,ako na lang ang naggawa ng sarili kong sulat.At hinulaan ko na lang ang pirma.Mabuti na lang at tinanggap ito ng aking teacher.Nung una pa nga ay naghihinala na ito na baka daw ako ang gumawa pero mabuti na nga lamang at tinanggap niya ito.Halos isang linggo rin ata ako dun sa labas ng aming classroom.Mabuti na lamang at nagawan ko ito kaagad ng paraan.Nung malapit nang magtapos ang pasukan na nagtetest kami ng aming 3rd periodical examination ay may nagdala sa amin ng sagot.Halos lahat kami ay gumaya doon.Ang kaso nga lang ay may nakapagsumbong sa aming teacher kaya muntik na kami noong mapa guidance.Pinatawag na lang ulit ang aming mga magulang.Hindi na pumayag ang aking teacher sa sulat lamang,dapat daw ay yung magulang talaga ang pupunta doon.Hindi ko na napapunta ang aking magulang doon kaya hanggang sa ngayon ay hindi pa nila alam ang aking pinaggagawa nung ako ay second year pa lamang at wala na nga akong planong sabihin ito sa kanila.Noong second year ako ay ayos pa rin naman kami ng aking gf.Noong nag unang taon nga na kami ay binigyan ko siya ng isang cute na teddy bear dahil alam kong mahilig siya sa mga teddy bears.Ang binigay naman niya sa akin ay isang bracelet na nakalagay ang kanyang pangalan.Nung bakasyon naman ay ilang beses kaming nagswimming.Andami kasing selebrasyon noong bakasyon.Halos sobrang itim ko nga nung bakasyon sa kakaswimming namin lagi.
|
JS Prom |
|
ako kasama ang aking mga barkada |
|
ako at ang aking kaibigan |
Nang ako ay 3rd year na ay sumali ako sa C.A.T. o Citizenship Advancement Training.Alam kong mahirap ito kaya nung una ay ayaw kong sumali.Sumali lang naman ako dahil sa aking mga kabarkada dahil lahat sila ay sumali.Ang amin nga yatang section ang pinakamarami dahil tatlo lang sa mga lalaki ang hindi sumali at sa mga babae naman ay tatlo lang ang sumali.Nung una ay tinatamad na nga ako dahil kailangan naming agahan ang aming gising at kailangan pa ang naka tuck-in lagi kapag nasa school kami.Dahil sa nagustuhan ko na rin na maging officer rin ng C.A.T. ay nakatagal ako pero nag quit rin ako nung malapit nang matapos ito at magiging officer na ako.Pinipilit nga ako ng aking mga kasama dun na wag na daw akong magquit dahil sayang daw ang aking pinaghirapan doon para maging officer lang pero magkiquit lang daw ako.Alam kong nakakapanghinayang nga ang magquit na lang ng basta pero wala na talaga akong time para sa iba pang bagay na mas mahalaga kesa sa maging officer ako.Tungkol naman sa amin ng aking gf noong ako ay 3rd year ay medyo nagkakalabuan na kami dahil napakadalang na naming magkita,tapos ay nagpalit pa siya ng number kaya hindi ko siya maitext o matawagan.Nung nagkita nga kami ay biniro ko siya at tinanong ko na kung kami pa ba.Natawa lamang siya at sinabi niyang hindi pa naman daw kami break eh at tinanong niya kung bakit daw ganito ako magtanong,minsan na nga lamang daw kami magkita ay ganun pa ako magtanong.Pero sa akin ay seryoso yung tanong ko dahil para kasing gusto ko na siyang i-break.Nagalit siya sa akin at kinabukasan pagkakita namin ay nag usap kami.Nakipagbreak na nga ako noon dahil wala rin naman talagang mangyayari kung magiging kami pa. Alam kong napakalungkot niya noon dahil hindi niya iyon inaasahan pero wala na naman talga siyang magagawa dahil kailangan din kasi niyang irespeto ang aking naging disesyon.Pati rin naman ako ay nalungkot noon kasi ay nakakapanibago talaga na wala na siya sa akin pero para sa akin ay tama ang aking naging disesyon dahil mas malulungkot lang kami kung hindi ko iyon gagawin.Kaya ng nag JS kami nung february ay hindi ko na enjoy ito masyado dahil noon lang ako sasali sa JS.Halos record na naman ang nagawa namin dahil iilan lang ang hindi sumali sa JS.Sabi ng aming teacher ay bibigyan daw kaming plus sa aming card dahil kami daw ata ang pinakamaraming sasali.Noong 3rd year ako ay wala pa sa aking isip ang muling mag girlfriend dahil alam kong medyo naapektuhan ang aking pag aaral dahil nahahati ang aking priority na dapat ay sa pag aaral lamang.Ang kaso nga lang ay naging bisyo ko naman simula noon ay ang mag computer lagi.Lagi akong nag cocomputer noon kada aawas ako at minsan pa nga ay kapag excited na excited na akong mag computer ay hindi na ako napasok ng maghapon.Nasasanay akong gawin ito kasi para naman walang pakielam ang aking adviser kahit may nakakakita sa akin na ako ay nagcocomputer lang at hindi ako napasok.Nung nag 15th birthday nga ako ay napakaaga kong pumasok pero dun lang ako nagpunta sa Dual V,dito ako nagcocomputer lage.Hanggang gabi nga ay nagcocomputer ako ang hindi ko alam ay inaantay pala ako na dumating sa amin dahil nandun ang mga tita at mga pinsan ko.Umuwi ako ay alas syete na pero hindi ako pinagalitan dahil birthday ko naman daw.Napakarami ko noong pera dahil maraming nagbigay sa akin ng pera.Kinabukasan nga ay halos maubos na ang aking pera dahil halos lahat ng aking kakilala ay angpalibre sa akin.Hindi naman ako makatanggi dahil birthday ko naman talaga.twenty pesos nga lang ang natira sa akin dahil sa mga yun.Ok lang yun dahil inisip ko na lang na babawi na lamang ako kapag sila naman ang nag birthday dahil marami sa kanila ay sa March mag bibirthday.Pero ng birthday kong iyon ay talgang parang may kulang sa mga bumati sa akin.Sa dami ng bumati sa akin ng personal,sa text at sa facebook ay para sa akin ay may kulang pa rin.Pero ayos na yun dahil wala na naman kami eh.Nang mag pirmahan na ng clearance ay nakakasura ang aking adviser dahil napakahirap pa ng pinasaulo sa akin para lamang pirmahan ang aking clearance.Nung pasukan ko pa nga natapos ang aking clearance dahil napakadami ng pinasaulo sa akin.
|
ako at ang aking mga barkada |
At ngayong 4th year high school na ako ay bumaba ang aking section na mula section D ay naging section F na.Pero dito ko talagang gustong mapabilang dahil dito ako naging pinakamasaya sa lahat ng naging section ko.Napakarami ko kasing nakilala noong mga bago kong kaklase,mga lalake at pati mga babae.Naging adviser ko si Mrs. Janice Laloon.Akala ko ay mataray siya dahil naging teacher siya ng aking kapatid at ang sabi niya ay napakataray daw nito dahil lagi daw siyang napapatayo sa unahan at ieexplain daw ang mga sagot.Kaya ako ay kinabahan dahil akala ko ay totoong mataray si Mam Laloon pero ng tumagal tagal ay nakilala ko talaga si Mam at masasabi ko na hindi naman siya ganun kataray,minsan pa nga ay nakikipag asaran siya sa amin.Kaya si Mam Laloon ang naging favorite teacher ko sa lahat ng aking naging teacher.Naging favorite teacher ko si Mam dahil lahat ng itinuturo niya sa amin ay naiintindihan namin dahil para sa akin ay siya ang pinakamagaling na teacher ko.Wala akong hindi naintindihan sa kanyang mga itinuturo.Napakabait pa ni mam.Tungkol naman sa aking mga kaklase ay npakaayos din dahil lahat naman ay aking kasundo.Kahit minsan ay sinasalaw nila ako ay ayos lang dahil nakikipagsalawan din naman ako.Hindi naman ako napipikon sa mga asar nila kaya madali din nila akong nakasundo kahit na napakasalaw ko rin naman minsan.Nang mag JS Prom kami ay talagang pinaghandaan ko ito dahil ito na ang pinakalast na sali ko dito Inenjoy ko talaga ito kahit na manakit ang aking paa ay ayos lang basta mag enjoy ako.Halos lahat ng kaklase kong babae ay aking isinayaw,yung iba ay hindi ko na naisayaw dahil minsan ko lang talaga sila makitang nakaupo sa kanilang upuan.Hindi nga ako tinamaan ng antok kahit isang beses lang.Talaga naman kasing hindi ka aantukin doon dahil sa mga tugtog doon.Pagkatapos ng JS ay agad akong umuwi at hindi ko pa nahuhubad ang aking pinang JS ay nakatulog na ako dahil sa sobra kong pagod.Ginising na lamang ako ng aking nanay nung umaga dahil napakabanas daw noong pinantulog ko at ako ay pinagpalit na ng damit at sinabing kumain daw muna ako.Pagkapalit ko ng aking damit ay hindi na ako nakakain dahil napahiga na naman ako at tinamad na akong tumayo hanggang sa ako ay makatulog na.Ngayong gagraduate na ako ay hinding hindi ko makakalimutan ang mga pangyayari sa aking buhay nang ako ay high school dahil alam kong wala nang hihigit pa sa kasiyahan na maging isang high school.Ngayon ko nga lang na realize kung bakit ginawa ang kantang High School Life dahil dati hindi ako naniniwala na ganito sa high school ngayon ay alam ko na kung gaano kasaya ang pagiging isang high school.Naiisip ko nga ngayon na sana ay inabot na lamang kami ng K+12 para hanggang sa susunod na school year ay high school pa rin kami para hindi pa kami magkahiwahiwalay.Pero wala na akong magagawa doon,ayos na rin naman ito dahil alam ko na malapit na akong humakbang sa susunod na yugto ng aking buhay bilang isang taong naghahanapbuhay na at makabuo ng sarili kong pamilya.
AT ITO ANG AKING BUONG TALAMBUHAY.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento