CHARLENE |
June 23, 1996 nang ako ay pinanganak . Ako nga pala si Maria Redenia Charlene Vargas Cruz also known as Denia or Misxz Junie . Yan ang ipinangalan sa akin
ng lolo ko na kasalukuyang sumalangit na . Ito ay kumbinasyon ng pangalan ng tatay ko pero hindi nasunod dahil ang nailagay lang sa Birthcertificate ko ay Charlene.
Hanggang ngayon ang pangalan na yan ang ginagamit ko . Ma.Corazon Cruz ang pangalan ng nanay ko, Reden Cruz naman ang tatay ko . Mahal na mahal ko sila kahit hindi ko
napapakita pero deep inside mahal ko sila . Ang aking palayaw ay Junie pero ito ay pinalitan dahil sobrang sakitin ako halos labas pasok ako sa hospital .
Dahil dito pinalitan at ginawa na itong denia at hanggang sa lumaki ako ito na ang palayaw ko na kinalakihan .
Meron akong mga kapatid at lahat ay babae . Si Maria Cecillia Cruz-Capisanan napangasawa si kuya Michael Capisanan at naging bunga ay si Marcuz Aethan Capisanan . Sumunod
naman si ate Criselda Cruz-Olivar na napangasawa si kuya Marlon Olivar at naging bunga si Maricel Eunice Olivar . Pangatlo si ate Ma.Cristina Cruz-salta napangasawa si kuya
Robert Salta at may dalawang anak sina Rodelia Cruz at Francis Bryan Salta . Pangapat si Ma.Carlota Cruz-Comia at napangasawa si kuya Raffy Comia at naging bunga ang kauna-unahan
kong pamangkin na si Ashlley Kyle Comia . Panglima naman si ate Camille Cruz, single at napakasungit kaya away bati kami . Si ate Clarisse Cruz naman ang sumunod kay ate camille
pero sa kasamaang palad siya ay sumalangit na at hindi ko man lamang siya nasilayan . Siya ang aking sinundan at sumunod naman sa akin si Rodenzon Cruz na kaisa-isa kong kapatid na
lalaki pero napakaagang nawala .Kahit minsan ay nag-aaway-away kami at may mga problema na dumadating sa buhay namin ay hindi kami sumusuko at inaayos o nagkakaayos pa din at kahit hindi namin maipakita ang pagmamahal
Mga Pamangkin ko |
sa isa't isa alam ng PANGINOON na nagmamahalan kami .
Lumipas ang panahon at nagsisimula na akong tuklasin ang mga bagay-bagay sa buhay ko . Nang ako ay magsimulang mag-aral dito ko natutunan kung paano makisalamuha sa ibang tao . 4 years old ako ng magsimulang mag-aral .
Day Care ako nun . Hatid sundo pa ako ng mama ko kahit ng mga ate ko . Laging madaming baon na pagkain sa lunch box ko halos ipamigay ko na nga iyung iba kasi busog na ako .
Hanggang sa nagkinder ako ganun pa din walang pinagbago sa daycare . Pero nung nag Grade 1 ako nag iba ang lahat, hindi na ako hatid sundo, wala na din akong lunch box . Nakakamiss yung mga araw na lumipas pero walang
magagawa Life Must Go On . Dito ko nakilala ang makukulit kong mga kaibigang sina Veverly Acuña, Vince Bantatua, Monica Perez, Mark Jay Vargas, Merry Chris Mabilangan, Jemalyn, Erick, Marvin, Rochelle, Honey Grace Recare
at ang kambal na si Nonnie at Nannie . Pati na rin si Kenidie at Ferdie . Sila ang nakasama ko sa 6 na taon na pananatili ko sa elementarya . Kahit paminsan-minsan ay nag-aaway-away kami ay naaayos namin ito at sana tumagal
pa ang pagsasamahan namin . Hanggang nagtapos kami at tumungtong sa sekondarya, hindi namin makakalimutan ang paaralang bumuo samin ito ang MARINIG SOUTH ELEMENTARY SCHOOL . Sa pagtungtong ko ng 1st-year high school may mga
Graduation Grade 6 |
panibago nanaman akong nakilala at panibagong pakikisama na naman . Pumasok ako sa paaralang National ng Cabuyao . Si Mrs. Cadag ang kauna-unahan kong naging adviser . Siya ay napakabait at napaka mapagpasensya . Wala kang
masasabi sa ugali niya kahit sobrang pasaway namin . Siyempre kami ang mga pasaway . Ako si Jayvee, dionis, christian, gerald, lerry, micah, ria, na kaklase ko din nung elementary at syempre si adrian na crush ko also known
as kirat . Kahit pasaway kami hindi namen pinapabayaan ang pag-aaral namin . Kami ang mga officer in charge kaya kami ang namamalakad sa room pero kahit ganun walang nagmamalaki at nagmamagaling samin . Halos lahat ay
magkakaibigan kami . Masaya ang samahan namin pero hindi ko inaasahan na pagseselosan ako ng Bestfriend ko .
Si kuya Istian, yan ang tawag namin lahat sa kanya kasi siya ang pinakamatanda samin . Siya din ang escort dahil may angking kagandahang lalaki . Hindi namin inaasahan na magkakagusto si dionis sa kanya . Wala kaming alam dun at matagal niyang nilihim kahit sa akin na bestfriend niya . Super close kami ni kuya istian halos magkapatid na turingan namin . Siya ang naging kuya ko . Alam naman nating wala akong naging kapatid na lalaki kaya sabik ako
na merong kuya . Habang nagpipicture-an kami ay bigla na lang nagwalk-out si dionis . Laking taka namin at tanong BAKIT ? may nakapagsabi lang na nagselos dun sa picture namin ni kuya istian . Nagalit ako sa kanya kasi dahil lang dun tatapusin niya ang pagsasamahan namin hanggang sa mag sorry siya sa akin . Tagal din namin tiniis ang isa't isa hanggang nagkaayos din.
My Parents |
Bukod sa nagyayari sa school meron din sa bahay . Aalis ang tatay ko papuntang visaya .
Dun siya nadistino ng work niya . First time namin mapapalayo sa tatay namin kaya sobrang lungkot . Tapos kailangan sumunod ni mama dun para may kasamang pamilya si tatay . Agad agad kaming humanap ng malilipatang bahay dahil kami
na lang ni ate Camille ang maiiwan . Napakalaki ng bahay namin para sa aming 2 ng ate ko . Nakahanap si mama sa isang subdivision maganda naman at sapat lang para sa amin ni ate . August kami lumipat dun at isinabay ang pablessing
ng bahay namin sa kasal ng pangatlo kong ate . Napakasaya ng araw na iyon at sinulit na namin dahil bukas na bukas aalis na si mama para sumunod kay tatay . Kinabukasan ay agad naming inihatid si mama . Halos maluha kami kasi 1st
time kaming magkahiwalay . Pagdating dun ni mama tumawag agad sa cellphone ni ate at kinausap ako, bibilihan daw ako ni tatay ng cellphone dahil wala akong magamit dahil dala ni mama . Sobrang saya ko nun at hindi na makapag-antay .
Sa pag-alis nila hindi ko inaasahan na magiging dalaga na agad ako .
May crush ako sa isang lalaki . Napakaganda ng mata niyang singkit, kaso parang lahat at ng ayaw ko sa lalaki nasa kanya na . Isang umaga nun may sulat na binabasa ang ate ko at ang pinsan ko nang nagising ako sa tilian nila .
Meron din isang picture pero hindi ko to pinansin at nagtakip pa ako ng unan sa tenga . Hanggang may marinig akong boses ng lalaki, si marlon pala tropa niya . Nakikinig lang ako, tinatanong ni ate kung para kanino yung sulat at picture .
Ang sabi ay para daw sa nakapulang damit na babae . Laking gulat ko paglingon ko ako ang itinuturo . Bigla kong tanong "ako?", tinignan ko ang picture at sabay basa sa sulat, "pwede ko bang malaman ang pangalan mo ? . Ako nga pala si
Me with Pinoi Pride |
Josua Garcia . PS: kung ayaw mo pakibalik na lang yung picture . Ang lalaki palang iyon ang crush ko . Pinasabi na lang namin kay marlon kung ano ang pangalan ko "Ako nga pala si Junie" at ibinalik ko ang picture .
November noong dumating si mama galing visaya . Habang nakasakay ako sa jeep kasama si belay nakita niya si mama at agad sinabi sakin, agad akong lumingon at bumaba ng jeep at tinawag si mama sabay kuha ng mga bitbitin . Sa jeep pa lamang
ay inabot na ni mama sakin ang bagong cellphone na bigay ng tatay ko . Tuwang-tuwa ako ng araw na yon halos hindi kami naubusan ng ikekwento sa isa't isa . Pagdating namin agad akong kinausap ng tatay ko sa cellphone . Lubos akong nagpasalamat
kay tatay . Pero ilang araw lang umalis na ulit si mama at pupunta na ulit kay tatay sa negros .
November 6, 2008 nagulat ako ng may kumatok sa pinto namin na napakalakas . Tumayo ang ate ko upang buksan ito, bumungad samin ang PANSIT at CAKE . Agad itong tinanggap ng ate ko at nagpasalamat sabay tanong at sabi, "kanino galing ito ? Bakit
puro pang-bara wala bang panulak ? Joke !" Sabay alis ni marlon at sara ng pinto . Habang naggagawa ako ng report para bukas, may muling kumatok sa pintuan namin . Nataranta kami kasi ang ngipin namin ay puno ng tsokolate at pansit . May dalang
pop cola at sinundan pa ng ice cream . Busog na busog ako ng araw na iyon hindi ko alam kung paano magpapasalamat hindi ko nga alam eh kung nanliligaw na . After New Year, umuwi ulit si mama at kinausap si josua . February 14, una ko siyang pinaasa,
nagtampo siya sa akin at ilang araw din kaming hindi nagpansinan, naguilty ako at di nagtagal naging kami . February 26 noon, 3am in the morning bago ko siya sagutin sabi ko sa kanya isigaw niya na MAHAL NIYA AKO ng 3 beses . Ginawa nga niya ito at nahulog
ang loob ko sa kanya . Madami kaming pinagdaanan na pagsubok, ilang beses naghiwalay . Ngayon ay natuluyan na at siguro hanggang dun na lang kami at hindi na magbabago at maibabalik pang muli . Sayang man, pero wala nang magagawa, hindi ko na maikekwento lahat
dahil nasasaktan at naiiyak ako .
Last Moment |
Ngayong 4th year high school na ko ay hindi ko inaasahan na mapapalipat kami sa San Pablo at mapapalayo sa mga barkada ko lalo na sa GBOYS . Sa pagpasok ko naging madali naman na makisama sa mga bagong kaklase ko . Sa mga kadaldalan ko, sa Toi'ers, sa mot-mot groups,
sa haters #7, sa mga kaklase ko lalo na kay JONNA MAE (everelse) B. SAHAGUN'ers at CARINA dela CRUZ . Madami kaming mga pinagsamahan lalo na sa mga kalokohan sa classroom . Hindi ko rin makaklimutan ang napakaganda at blooming naming adviser na si Mrs. Janice Nuevo Laloon
Ngayong magtatapos na kami gusto ko lang iwan ang katagang, "huwag kang mag-alala, di ka nag-IISA" .
Me with Carina & Jhona |
GBOYS |
Me with my Bhest |
My Classmates |
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento