1Simula pagkabata ang aking mga magulang ay magkakilala na sapagkat sila ay magkapitbahay.Hindi nila lubos na akalain na sila ang magkakatuluyan sapagkat hindi naman silang lubos na nagkikita sa dahilang ang aking ama ay nakapagtrabaho sa malayong at dun siya napadestino samantalang ang aking ina ay dito lang sa San Pablo.Nakapagtapos ang aking ina sa kursong Bachelor of Business Administration(BSBA).Noong taong 1983 sa San Pablo Colleges at dito na din siya nakapagtrabaho sa lungsod ng San Pablo.Makaraan ang dalawang taon,umuwi ang aking ama dito sa San Pablo buhat sa kanyang trabaho.At niyakag ng ama ko ang ina ko na magpakasal.At simula noon dito na nakapagtrabaho ang aking ama bilang isang empleyado ng gobyerno.
Dahil sa kanilang lubos na pagmamahalan ay biniyayaan sila ng limang supling na anak.Tatlo kameng lalake at ang aming bunso ay kambal na babae kaya kame naging lima .
NUNG AKOY BININYAGAN |
ako at kua ko |
At noong tatlong taong gulang pa lamang ako ay nasugod na ako sa San Pablo Medical Center sa kadahilanang mataas ang aking lagnat.Yun pala ay tutubuan na pala ako ng napakaraming bulutong tubig.Makalipas ang tatlong araw,kinausap ni doktora Tee, isang Pediatrician ang aking mga magulang na pede na akong makalabas ng hospital at dun na lang daw ako magpagaling sa aming bahay.Makalipas ang tatlong buwan habang naggagawa ng nbubong ng kusina ang aking ama ay pumunta ako dun,at dun ako naglaro,pinababa na ako nun ng aking ama pero hindi ko sinunod ang utos niya.Walang nagawa ang aking ama nun kaya pinabayaan niya na lang ako dun na maglaro pero pinaalalahanan niya ako na wag masyadong malikot baka mahulog daw ako.At nung kasagsagan na nang paggagawa ng
bubong ng aming kusina ay pinababa na ako,at nung pababa na ako sa taas ay nahulog ako,dali daling nagsibabaan sina papa.At ang tiyo ko upang tulungan ako,at nung bumagsak ako ay hindi ko napansin angsakit dahil nabigla ako nun, bali ang kamay at paa ko kaya nun ay nagsisi na ako na dapat ay sinunod ko si papa.
ako nung nsa laia |
ayos kame ng aming mga gamit dahil kame ay uuwi na.At pagkauwi namin sa aming bahay ay natulog ulit ako dahil sa pagod na pagod ako nun.
At noong hunyo taong 2002 ay pumasok ako ng grade one sa paaralan ng Dapdapan Elementary School.Dito ko nakilala si Wendy,unang naging kaibigan ko.Dito ay lalo pa akong nagpursige sa pagaaral dahil gusto ko talagang matuto at makapagtapos ng pagaaral.Di ko akalain ng makilala ko si Jayson ay nasira ang pagaaral ko dahil napasama ako sa kanyang katarantaduhan.Hindi na nga ako makaiwas sa gulo dahil sa kanila.Bumagsak ako nun sa Filipino at sa English dahil hindi na ako nakakapagaral at napapasama ako sa kanila.Pinagsabihan ako noon ng aking ina na kung hindi ako titigil sa katarantaduhan ko ay hindi niya na lamang ako papapasukin.Dahil sa gusto ko talagang magaral at matuto ay nagbago ako,umiwas ako sa pag sama sa kanila,at nung hindi na ako nagsasama sa kanila ay naging mabuti ang aking pagaaral at naipasa ko yung mga subject na bumagsak ako.
At noong grade 2 na ako ay lalo pa akong nagsipag sa pagaaral.Lagi akonung nagawa ng project at hindi ako nawawalan ng sagot sa mga quiz at assignment ko.Noon ay sumali ako sa math club.Lalo ko pang nagustuhan nagustuhan ang subject na math at madame akong natutunan noon.At nang dahil sa math club na yun ay madame akong nakilala at madame din din akong naging kaibigan isa na sa makilala ko ay si Pauline.Naging close kam nun nagtutulungan kame lage nun kapag kame ay may project at may assignment.Nang dahil sa kanya ay nagkaroon ako ng awardat malake ang pasasalamat ko sa kanya dahil tinutulungan diya ako sa lahat ng bagay.
Samantalang noong grade three ako ay dito na ako natutong bumarkada at napabayaan ko na ang aking pagaaral.Dito na din akong natutong umuwi na ng late at lumiban sa klase dito ay tuluyan nang bumaba ang aking mga grado at medyo hindi ko na din nasusunod ang mga inuutos ng aking ina.At dito ko na din nakilala si Raven,nagtransfer siya galing siya sa SPC akala ko,siya ay matino pero nung nakasama ko siya ay parang lalong nawalan ako ng panahon sa pagaaral dahil lagi kameng naggagala at lagi kameng napapaaway sa ibang school.At noong wala kameng teacher ay nakipagsuntukan ako nun sa aking kaklase dahil sa aking pagbabago ay lagi na akong hinahabol ng away at lagi na ding napapatawag si mama sa office.
At noong sampung taon ako ay nagdagasa ako nun sa bike.Nasira ang bike ko nun at nagkandasugatsugat ang aking katawan.Napagpalo ako noon ng akingama dahil umuwi ako nang naiyak at duguan at nasira pa ang bike ko.Simula noon ay hindi na ako pinahawak at hindi na din ulit ako binili ni papa ng bagong bisikleta.
grade 6 graduate |
humingi na din ako ng paumanhin sa mga nagagawa kong kasalanan sa kanya noon.At ito ang pangyayari na hindi ko makakalimutan habang buhay.
At noong bakasyon na iyon ay lagi kameng nagsiswimming ng aking mga pinsan,at noong kame ay nagswimming ng mga tiyahin ko sa boying ay napakasaya dahil solo lang namin yung poolat kame lang ang tao dun.Nagpicturan kame dun,naglaro at kumanta.Makalipas ang isang buwan ay nagkaroon ng summer league dito samen,sumali ako at nakapaglaro naman ako.Noong huling laro na ng liga ay nagkaroon ako ng injury sa ilong dahil sa hindi sinasadya na bagsakan ng siko.Ito ang dahilan kung bakit hindi ako nakapaglaro nang chmpionship pero ayos na din yun dahil kame naman ang nagwagi at kame ang naging champion noong ligang yun.Kinabukasan ay awarding na,nagsipuntahan ang mga taga samen upang malaman kung sino ang nagin MVP samen ay si Jericho.Karapatdapat lang talaga siyang maging MVP dahil siya ay magaling talaga.At hindi ko akalain na nakasama ako sa mitikal five.Napasigaw ako noon at tuwang tuwa dahil hindi ko talaga akalain na mapapasama ako sa mitikal five.
ang akin pag bibinata |
Nawala ang pangamba ko dahil naging kaklase ko sina Leobert Culla,Marvin Rosales,Dhan Dinglasan at si Jonathan Corcolon noong 2nd year hanggang 3rd year.Sila ang naging kabarkada ko at pinagkakatiwalaan ko sila at mabait sila sa akin at sa aming mga kabarkada.Sila ay masarap kasama pero minsan ay nakakasura minsan dahil sa kanilang sobrang pang aasar at hindi ka nila iiwan pagdating sa gulo lalaban at lalaban sila at malalapitan mo sila kapag ikaw ay may problema.
bonding with my friends |
Makalipas ang isang buwan ay niyakag ako ng pinsan ko na maglaro ng basketball nanalo kami noon at masaya ako dahil wala kaming talo at madami ang pera ko noon dahil malaki ang pusta.Pag uwi ko ay pinuntahan ako ni Reden upang samahan siya sa pangunguha ng mangga.At sumama naman ako sa kanila at nung nandun na kami ay hindi ko akalain na kami pala ay mangunguha ng walang paalam pumasok sila doon sa bakod at sumunod ako madami kami noong nakuhang mangga at ipagbebenta daw namin ito sa palengke at noong paalis na kami ay nakita kami noong may ari nag sipagtakbuhan kami samantalang ako ay lumusot doon sa alambre habang natakbo ako ay hindi ko namalayan na may sugat ako sa kaliwang braso na nakuha ko to nung lumusot ako sa alambre pag uwi ko sa amin ay hinugasan ko agad ito at ginamot ko.Kinabukasan ay nilagnat ako tiningnan ko ang aking kaliwang kamay at nakita ko itong kulay itim na ang sugat dali dali kong sinabi sa aking ina at pinagbihis na agad ako ni mama at dadalhin daw ako sa hospital upang suriin ang aking sugat.Sinabi ng doktor sa aking ina na icoconfine ako dahil ang sakit ko pala ay tetano.Tumagal ako ng tatlong araw sa hospital ang hirap ng pinagdaanan ko dahil sobrang sakit ng aking buong katawan.At paguwi ko ay namahinga na muna ako ng ilang araw at hindi na ako pinapabarkada ni mama dito sa amin at baka daw maulit uli ang nangyari sa akin.
js prom |
AKO AT SI KAYE |
At ito ang aking mga karanasang hinding hindi ko makakalimutan magpakailan man ito ang aking talambuhay.
AKO AT ANG AKING MGA KABARKADA |
haha ang cute noong bata ka pa :)
TumugonBurahin