Sabado, Marso 31, 2012


Ang Talambuhay ni Wency E. Merano
ako po ito :)
Ako nga pala si Wency E. Merano, pero bago ko lubusang ipakilala ang sarili ko, gusto ko munang ikwento sa inyo ang dahilan kung bakit nandito ako sa mundo. Kukwento ko sa inyo kung paano nagkaibigan ang aking mga magulang. Nakatira silang dalawa sa parehong lunsod ng Davao. Sa edad na labing-anim na taong gulang grumaduate si Mama ng highschool, pero sa kawalan ng pinansyal mas pinili na lamang ng aking ina na lumuwas na lang sa Maynila upang manilbihan bilang katulong upang makatulong naman siya kahit papaano sa kanyang magulang at para na rin makatulong sa kanyang mga kapatid na nag-aaral pa lamang.
Sa kabilang dako naman ang aking tatay ay nakatira sa Barangay Dumanlas Buhangin, Davao City. Mahirap lang ang pamilya ng aking tatay kung kaya’t ang tanging ikinabubuhay lang ng magulang ng aking tatay ay pagtatanim ng palay at saging. Malayo sa bayan ang tinitirahan ng aking tatay kung kaya’t malayo sila sa kabihasnan at higit sa lahat wala silang kuryente kung kaya’t maaga pa lang kinakailangan ng gawin ang mga dapat kailngang gawin bago pa man lumubog ang haring araw at nang tumungtong sa edad na labing-walong taong gulang ang aking tatay ay naisipan ring makipagsapalaran sa Maynila upang hanapin kung saan naroroon ang aking ina. Bata pa lang kasi sila iniwan na sila ng kanilang ina upang magtrabaho. Namasukan si itay bilang kargador at di kalaaunan ay natanggap naman ito.
ito ang aking nanay :)
Sa paglipas ng panahon, nagpatuloy ang kanilang pakikipagsapalaran. Si mama ay nagpatuloy pa rin sa pagiging katulong sa Malate, Manila at si papa naman ay nagdedeliver na lamang ng mineral water hanggang sa magkatagpo ang dalawa. Noong nagdedeliver si papa ng tubig sa bahay ng pinapasukan ng aking ina, nagkataong wala ang amo ng aking ina kung kaya’t ang aking ina na lang ang kumuha ng idineliver na tubig ng aking ama. Natulala siya kay mama na animoy nakakita ng multo na love at 1st sight pala ito sa kanya, hanggang sa dumating na araw-araw na pinapuntahan ng aking ama si mama upang masilayan lang nito ang kanyang muka. Di kalaaunan ang matagal na paghihintay ng aking ama ay nauwi rin sa masayang pagtityaga. Nakuha ng tatay ko ang loob ng aking ina. Sa maraming taong nakalipas nananatili pa rin ang matamis nilang pag-iibigan at kasabay nito nagkita ang mag-ina ang tatay ang lola ko. Ipinakilala ng itay ko kay lola ang aking ina at agad namang tinanggap ito ng aking lola. Hanggang sa magkaroon ng sapat na pera umuwi ang aking ina sa Davao upang makatulong na sa kanyang mga magulang. Makalipas ang ilang buwan, binalikan ni mama si papa sa Davao City upang yayain na magpakasal at tinanggap naman ito ng aking ina. Pinili nilang mabuhay na magkasama sa ibang lugar kaya’t napadpad sila sa Lungsod ng San Pablo sa lalawigan ng Laguna. Bunga ng kanilang pagsasama ipinanganak ng aking ina ang malusog na sanggol.

Ipinanganak ako noong Hunyo 17, 1995, sabi ng nanay ko ako daw ay ipinaglihi niya sa balot dahil noong siya ay naglilihi pa lang ay kain na lang ng kain ng balot ang kayang ginawa at sa tuwing uuwi ang aking ama ng gabi galling sa kanyang trabaho. Lumipas man ang ilang taon, patuloy pa rin ang takbo ng aming buhay kasabay nito ang unti-unti kong paglaki.
At ng nagging pitong taon na ko, sinimulan ko ng pumasok ng unang baitang sa paaralan ng elementarya ng San Gregorio. Unang araw sa school kung kaya’t abot-abot ang kaba ko, 1st mapalayo sa magulang kaya naman umiiyak ako sa tuwing siya ay umaalis sa aking tabi. Pero ganon pa man nasanay na rin ako dahil na rin sa aking mga kaibigan sila kasi ang nagpapasaya sa akin noong oras na wala sa aking tabi ang aking magulang at ng mga ilang araw ako ay tuluyan ng nasanay na sa pagpasok.
At pagtungtong ko ng grade-2 kami pa rin ang magkaklase, ang saya kasi wala ng magkakahiyaan sa amin sa araw-araw naming pagsasama-sama. Mga bata kami kung kaya’t di pa rin mawawala sa amin ang maglaro gaya ng habul-habulan, tumbang-preso, tagu-taguan, patintero, sikyo at marami pang iba kaya pagkatapos naming maglaro grabe an gaming pawis, tagaktak talaga.
Grade-3 na ako medyo may pagbabago na pagdating ng ikatlong baitang hanggang ikalimang baitang dahil marurunong na kami mahiya at medyo may mga crush na kami. Sa pagtungtong naming sa grade-6 madami na sa amin ang nagkaroon ng pagbabago, ang dating madaldal ay ngayon ay nagging mahinhin na, ang dating pala away ngayon ay mabait na, mga pagbabago sa sarili, gaya ng paglaki ng mga dibdib ng mga babae, paglagong ng boses ng mga lalak. At pagminsan naman di maiwasan ang pag-aawayan sanhi ng di pagkakaunawaan pero sa bandang huli nagkakabati rin naman. Kaya noong grumaduate kami marami sa amin ang naiyak at nalungkot sa paghihiwalay naming iyon umaasa kaming pag nagkita ulit kami kung hindi man sa school edi sa kasalukuyan. Naging masakit at malungkot din sa akin ang aming paghihiwalay pero alam ko namang baling araw magkikita at magkikita rin kami. Bakasyon na pero malungkot pa rin ako dahil sa paghihwalay naming magbabarkada ganon pa man excited pa rin ako sa pagpasok sa highschool upang makahanap ng bagong kaibigan at nagtagumpay naman ako sa aking paghahanap ng kaibigan. Marami akong nagging kaibigan lahat sila ay gusto akong maging kaibigan. Naging masaya din ako sa buhay highschool akala ko magiging mahirap sa akin madali lang pala. Maraming pagkakaiba dito kumpara noong ako ay elementarya pa lang. Noong ako ay 2nd year nagkaroon ako ng crush ditto. Dito ko lang naramdaman ang tunay na kahulugan ng pag-ibig. Hindi ko na pinasyang ipaalam sa kanya ang tunay kong nararamdaman dahil baka magalit siya inilihim ko na lang ito sa kanya, hanggang titig na lang ako sa kanya. Hindi ko rin kasi kayang makipagkaibigan man lang sa kanya, kasi sobra talaga akong nahihiya sa kanya. Masasaya rin ang mga kaganapan noong ako ay 2nd year gaya ng kami’y nag florante’t laura kami isa rin kami sa maraming naghahangad na makamit ang 1st place kung kaya’t lahat kami ay porsigidong porsigido hindi man nakamit namin ang aming minimithi masaya pa rin kami sa pagakat an gaming Flerida na si Roamay Irah Rubiato ay nakakuha ng 1st place ang aming Aladin naman na si John Emil Cosico ay nakakuha ng 2nd place.
Pirmahan na ng clearance, hindi talaga madali ang daming kailangang gawin para mapirmahan lang aming clearance. Sa pag-akyat namin ng 3rd year hindi namin alam kung sinu-sino ang magkakaklase iniisip ko na sana kami pa rin ang magkaklase. Mabuti na lang kami ulit, wow! Tumaas ng isa ang king section mula sa F patunggong E at higit sa lahat kasama ko ulit ang aking mga kaibigan na si Paula, Janice, Giselle at Michelle. At may isa pang dahilan kung kaya’t labis labis ang aking kaligayahan sa pagiging 3rd year ko kauna-unahan kong mararanasan ang J.S. Prom Hawaiian ang theme kung kaya’t medyo kakaiba. Pinaghahandaan ko ang aking susuotin nagging excited ako at noong araw na iyon dumating na ang pinakahihintay namin. Kasama kong pumunta sa Central Gym ang kaklase kong si Michelle na kaklase ko rin ng elementarya. Kung kaya’t sanay na ako sa kanya kaya itinuturing ko na siya bilang aking bestfriend sa tagal ba naming magkasama kaya alam na namin ang tungkol sa isa’t-isa. Nagsimula ang J.S. sa mananayaw na may gamit na apoy, ang ganda nilang tingnan at ang lahat ay wiling-wili na mapanood ang mga mananayaw. Kumain kami ng sabay-sabay sa may sulok. At nang tumugtog na ang sweet lahat ng kalalakihan ay nagsisitayuan upang maghanap ng mga babaeng gusting makisayaw sa kanila. At dumating din ang punto na tinugtog ang paborito kong kanta ang pamagat ay “I LOVE YOU, MORE THAN YOU EVER KNOW” kasi sa tuwing tinutugtog iyon naiisip ko yung mga memory na magaganda at nakakakilig at syempre makakalimutan ko ba naman ang aking crush. Syempre hindi!, kaya habang tinutugtog iyon nag iimagine ako na kasayaw ko siya. Ang saya talaga ng araw na iyon.Hinding hindi ko makalimutan ang pang yayaring iyon.Paguwi kinabukasan ang mga pagmumuka namen ay puro loshang na kaya nga nakakahiyang sumakay sa tricycle kasi pinagtitinginan ka ng maraming tao at talaga naman nakakaantok pagdating ko sa aming bahay deresto agad ako sa aking kama hindi na nga ako nag almusal nagising ako na alas dose saktong tanghalian natulog ulet ako pagkatapos.At pag ka gising ko ng hapon nadulas ako sa likod ng aming bahay habang may dala ng pangmiriyenda sayang lang tuloy bukod sa wala akong nakaen andumi dumi ko pa puro putek ang bandang pwetan ko kaya dalidali akong naligo .                                                                
Pagkalipas ng ilang buwan bakasyon na naman at mag 4th year nako bumaba ang seksyon ko napahiwalay ako sa iba ko pang mga kaibigan sino sino kaya ang magiging kong kaibigan ngayong 4f ako o 4faraday.Wow ! naglevel up na ang mga seksyon nagkapangalan na magbago kaya ang takbo ng aking buhay ? Unang pasok sa room marami akong kilala na naging klasmate ko na date at meron din namang hindi pero alam ko balang araw magiging kaibigan ko din sila.Di naman ako nabigo naging close ko naman sila ang totoo masaya nga silang kasama eh ! nagkaroon ako ng mga kaibigan na sabay sabay kameng kumakaen at marami pang ibang masasayang pangyayari sumunod na ilang araw nagkaron kame ng edeya ng 4 faraday na magkaroon ng hiking ito ay sa balumbong pero nakakatawa ang pinagdaang hiking ay nauwi sa palpak na paguusap ang nangyari tuloy apat lang kameng magkakaklase ang dumalo sa hiking kasama ang ibang di kilalang personalidad pero sa huli umuwi kame ng masaya kahit nabasa ang aming pantalon un nga lang nakakapagod talaga HAyyy !! kelan kaya ulit mauulit.Lumipas ang ilang buwan lalo naming nakikilala ang bawat isa pero pagminsan hindi talaga maiiwasan ang mga iringan at hindi pagkakaunawaan pero sa huli nagkakabati naman walang araw na lilipas na hindi kame tumatawa ang saya talaga pero hindi maaalis sa isipan namen ang graduation nakakalungkot mang isipin na may iiwanang kang isang taong na mahal na mahal mo nakilala ko lang siya nung naging player ako di ko nga alam kung bakit ko siya naging crush eh ! di ko naman siya nakikita kasi maghiwalay ang aming pi nagtetriningan siguro na love at first sight ako sa kanya kaya siguro ganon nalang kabilis ang pagtibok ng aking puso.
Isa sa pinaka masayang nangyari sa buhay ko ay noong nagkaroon kame ng fieldtrip ang dame nameng pinuntahan gaya ng museum sa up Lb, residence inn sa tagaytay ,novali at ang pinaka masaya sa lahat ay ang enchanted kingdom.Papunta namen doon pinuntahan agad namin ang space shuttle grabe ang lakas ng kabog ng puso ko first time ko lang makasakay doon buti nalang nandun ang crush ko kaya nabawasan ang tibok ng puso ko at nang malapit na kame sobra sobra ang aking nararamdaman di ko maipaliwanag di ko alam kung maiiyak ako o magsisisigaw sobrang kaba ng kami na ang sumunod nagsimula ng umandar grabe nakakatakot ang tunog at ng nagsimula na kameng tumaas ambilis bilis pumaibaba grave para kameng kame ay itatapon sa sobrang bilis kaya nung pagbaba namen para kameng nalugi, marami sa amin ang nahilo pero parang gusto ko ulit ulitin un. umuwi kame ng masaya sa bus nakaranas ako ng sobrang pagkahilo at nasusuka grabe di ko alam ang gagawin.Gustong-gusto ko nang umuwi sa bahay at ng makarating ako saming bahay nagsuka talaga ako at nung nakahiga ako sa kama piling ko parang nakasakay  parin ako sa mga rides ng enchanted kingdom.Kinabukasan traning ulet ng badminton. Division meet na kaya ako ay kabado gagawin ko ang lahat para sa laban namen pero ok lang din naman kahit di manalo basta alam kong ibinigay ko ang lahat, pagkatapos nun pinuntahan ko ang aking crush sa dizon kasi lalaban na siya at nung lumaban na siya nakakatuwa kasi nanalo siya kaya proud na proud ako sa kanya, Pagkatapos ng division meet pasukan na naman balik na naman sa date pero ung crush ko natetreyning parin  para sa STACAA na gaganapin sa sta.cruz laguna. Masaya ako kasi araw araw ko siyang nakikita at talagang nagkataon sa tuwing napapractice sila ng parada ay nasa harap ng room namen ang saya talaga ang sarap niya talang titigan gusto ko na talang sabihin sa kanya ang aking tunay na nararamdaman ngunit pinangungunahan lang ako ng kaba malapit na ang graduation kung kayat' desidido na ako na ipaalam sa kanya na mahal na mahal ko siya at para naman saking mga kaibigan sana walang magkakalimutan kahit grumaduate na kame sana wala paring magbabago sa  habang panahon.Hanggang dito muna ang aking masayang talambuhay abangan  ang mga susunod na kaganapan sa aking buhay.  

Huwebes, Marso 22, 2012


Ang Talambuhay ni Joe Mari Castillo Chozas

Jome
 Ako po ay si Joe Mari Castillo Chozas, labinlimang taong gulang na po ako. Ako po ay ipinanganak noong ika-12 ng hunyo taong 1996. Ako po ay nakatira sa Barangay Sta. Elena, San Pablo City, Laguna. Ako po ay kasalukuyang nasa ika-apat na taon sa sekundarya. Ang aking mga butihing magulang ay sina Francisco Chozas at Mylene Chozas. Ako ay may tatlong mabubuti at mapagmahal na kapatid, dalawang lalake at isang babae, sila ay sina Justine ang panganay, Joyce Ann ang sumunod sa akin at Jan Rances ang aming cute na bunso. Ako nga po pala ay pangalawa sa aming magkakapatid.





Kuya Justine
Joyce Ann
Jan Rances


Noong ako ay limang taong gulang ay doon ko sinimulan ang aking responsibilidad sa pag-aaral. Pumasok ako ng “Kinder Garten” sa mababang paaralan ng Barangay Sta. Elena. Habang lumilipas ang mga araw ng aking pagpasok ay nakakakilala ako ng mga kaibigan, mga mababait at masisipag din sila tulad ko J. Tuwing awasan naman ay hindi agad ako nakakauwi sa amin dahil nakikipaglaro pa ako sa kanila. Minsan ay umabot pa sa puntong sinundo na ako ng aking Nanay sa eskwelahan para ako ay pauwiin na. Kahit na mahilig akong maglaro noon ay hindi ko pinabayaan ang aking pag-aaral. Nagsumikap pa rin ako at ang bunga nito ay noong ako ay nakapagtapos na may karangalang natanggap.

Noong ako naman ay umakyat sa ika-unang baiting ay Section – A ako. Ang aming guro ay si Gng. Castillo mabait sya  kaya mas nagsumikap ako sa pag-aaral at mabilis kong natututunan ang mga itinuturo niya. Masaya pala talaga pagelementarya dahil meron pala ditong school intramurals, noong ika-unang baitang red team ang aming section, tuwang tuwa ako dahil  maraming palaro at ang red team ang nanalo hanggang matapos ang itrams, ang saya naming mga magkakaklase. Nang sumapit ang buwan ng Disyembre ay nagkaroon kami ng tinatawag na “Christmas Party” na kung saan ay nag kakasyahan ang bawat isa, may mga palaro,papremyo, at marami pang iba. Mawawala ba naman ang pinaka hihintay ng lahat ang mga pagkain kung saan kumuha sila ng pagkain sa “JOLLIBEE”. Napakasarap ng mga pagkain doon. Naaalala ko pa nga noong bata pa ko na paborito ko si Jollibee. Nang matapos na ang Grade one ko. Dumating na ang bakasyon at sumapit na ang pagiging Grade two ko.

Nang ako ay sumapit sa ikalawang-Baitang ako ay nasa pinaka mataas na seksyon. Ang aking guro ay si Gng. Milan siya ay mabait, ngunit may katarayan din. Mahal ko ang pagaaral ko, kaya gigalingan ko sa lahat ng pagkakataon upang matuwa sa akin ang aking mga magulang. Sa tuwing sasapit ang mga pagsusulit, ako ay nagaaral upang makapasa. At nang sumapit na ulit ang Intrams gaya ng date, masaya padin. Sabi nga nila “Be Sports” walang dayaan. Blue Team naman ako ngayong taong ito, mas sinisikap kong gumaling sa larangan ng Sports katulad ng Basketball at Volleyball. Naging kampeon ang aming Team dahil sa aming pagtutulungan.  

Noong ako ay umakyat sa ika-tatlong baitang ay na Section – A parin ako dahil hindi ko pinababayaan ang pag-aaral ko, masaya dahil merong mga bagong kaeskwela na nagmula sa ibang paaralan at ibang section, kya meron nanaman akong bagong mga kaibigan. Heto nanaman ang shool intrams ang sasaya nanaman ng mga estudyante sa Placido Escudero Memorial School at aming section ay blue team naman, matagumpay namang natapos ang programa at talagang masaya ang lahat ng mga estudyante. Hanggang magtapos ako ng ika-tatlong baitang ay mataas pa rin ang aking marka.

Noong ako naman ay nasa ika-apat na baitang nasa pinakamataas na seksyon. Ang aking guro ay si Gng. Ricaforte. Ganun pa rin gaya ng mga nakalipas na pasukan masaya ulit ako. Gaya ng nakaraang taon hindi ko pinababayaan ang aking pagaaral. Kahit ako ay hindi nagiging top one sa school matataas parin naman ang aking mga grado. Subalit unti-unti akong nagiging “Matured” lalo pang nakikilala ang aking pagkatao sa pagiging bata hanggang sa pagiging matanda. Nang makalipas na ang panahon dumating ang bakasyon hindi ko lubos maisip na ang mga panahon na iyon ang magiging simula ng aking pagbibinata. Sinamahan ako ng aking Ama sa Doktor upang magpatuli iyon ang tawag sa mga lalaking nagbibinata na.

Noong naman ako ay nasa ika-limang baitang siyempre nasa pinamataas padin akong seksyon. Ang aking guro ay si Gng. Reyes ang Pinaka gustong guro. Siya ay mabait, marami akong natututunan sa kanya. Gaya noon hindi ko pa din pinababayaan ang aking pagaaral matataas padin ang aking mga marka. Nang dumaan ang mga panahon nagkaroon sa amin ng “Camping” ng mga boys scout at girls scout. Sumali ako para mgkaroon ako ng mgagandang karanasan sa loob ng paaralan. Ang camping na ito ay binubuo ng ibat-ibang patimpalak. At pagsapit ng gabi nagkakaroon ng “Camp Fire”, sinisindihan ito n gaming guro na si Sr. Diola, lahatay naging masaya sa nangyaring Camping. Kaya’t umuwi ang lahat sa amin ng may ngiti sa kanilang mga labi.

Ang aking pinakihihintay na taon ang ika-anim na Baitang nasa pinakamataas na seksyon ulit ako. Ang aking guro ay si Gng. Cuevas siya ay mabait. Madami  akong natututunan sa kanya. Sa tuwing umaga ng flag ceremony kami ng aking pinsan at kaklase ko na din. Napunta kame sa Canteen upang tumulongsa pag-gagyat ng mga kakailanganin sa pagluluto upang ibenta sa mga estudyante. Ang aking ibang mga kaklase ay Canteener.Kapag kame ay nagleleksyon kada oras, lumilipat kame ng classroom upang doon naman magturo si Bb. Diola ng EPP. Doon kame natuto ng mga gawaing bahay at marami pang iba. At pagsapit ng Recess kumakain, naglalaro ang iba. Pagsapit naman ng Hapon tinatawag kameng garden boys, ang tungkulin namen bilang garden boys ay magdilig,ayusin, at alagaan ang mga halaman na nasa loob ng paaralan. At nang lumipas ang mga panahon, palapit na ng palapit ang pinakakahintay ng lahat ang Graduation ngunit ang lahat madami munang pagdadaanan ang bawat isa sa amin. Nagka roon ng pirmahan ng Clearance na kung saan ay binubuo dito ang mga guro mo sa loob ng anim na taon. Simula noong Unang baitang hanggang nagayon. Nag pa-picture kme na may suot na toga, hudyat iyon na malapit na ang graduation. Nang kame ay nkapagpapicture, sinundan ang mga araw na magkaroon kami ng Class Picture,kasama ang aming adviser,principal, at mga subject teacher. Sumapit na ang Recognition Day ako ay nagka award ng Best in Home Economics, Best in Agricultural Arts at Active Boys Scout. Medalya para sa Banda ng aming paaralan. At nang matapos na ang Recognition Day sinundan naman ito ng pinakahihintay ng lahat ang Graduation Day. Graduation day ang pinaka mahalagang parte ng iyong pagaaral. Ayan na nga ang Graduation Day, Exited na ang lahat kahit ang mga magulang ay exited na din. Eto na lalakad na kame sa pathway syempre in alphabetical order kami. Nang ang lahat ay nasa kanila ng mga upuan ay nagsalita na ang mga pangunahing panauhin. Hangang inanunsyo na ang mga pangalan na bibigyan ng diploma at parangal. Nang matapos na ang programang iyon kumanta kami ng aming graduation song. Nang kame ay umuwi na nagkaroon ng konting salo-salo sa aming bahay. Lahat ng aking mga kakilala ay aking niyaya at pinakain sa aming bahay. Masayang masaya ako nang araw na yon kase, naka-graduate na kame. Bakasyon, malapit na akong mag first year, at dahil ang kuya ko ay nag-aral sa maynila ay  nagdesisyon ang aking mga magulang na sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School na ako papasukin dahil baka daw kapusin kami sa pera, pero ok lng basta nakakapag-aral ako.

First year! Unang taon ng High School. Madami siguro akong magiging bagong kaibigan at bagong guro. Ako ay nasa pangatlong pinakamataas na seksyon. Ang akin nga palang adviser ay si Mrs. Nenette Baylon. Gaya ng dati pinag iigihan ko pa din ang aking pagaaral nananatili pa ding magaganda ang aking mga marka. Madami naman akong naging mga kaibigan. Noon naiilang ako na makipagkilala sa kanila pero habang tumatagal ay unti-unti din akong nasasanay. At nang dumaan ang mga panahon nagkaroon ng Aquaintance Party na kung saan nag kakaroon ng program. Dito nagkakakilakilala ang mga estudyante. Dito rin ako nagkameron ng crush si Ashley C. Leonzon, siya nga pala ang unang nagtanong ng pangalan ko nung unang pasukan. Nagdaan pa ang mga panahon kaming mga magkakaklase ay lubusan na talagang magkakakilala, nagtutulungan kami sa mga tuntunin sa paaralan. Dumating ang ikaapat na markahan nagkaroon kami ng palabas tungkol sa Ibong Adarna, kami ay nagpapraktis tuwing walang klase at nang dumating na ang araw ng kompetisyon ay kaming magkakaklase ay kinakabahan..pero sa wakas ay naipakita naman naming ito ng maayos sa mga manonood. Mabuti at hanggang ika-apat na markahan ay maganda ang aking marka. Nang dumating na ang kalaghatinan ng marso nagsimula na kaming magpapirma ng clearance unang araw pa lng ng pirmahan eh halos mapirmahan na lahat, kaso nakakasura yung isa kong kaklase, kinolekta lahat ng notebook sa Edukasyon sa Pagpapapahalaga tapos ipapass daw tapos umalis kami ng iba kong kaklase para puntahan sa kanilang bahay ang isa naming guro kasi siya na lng ang hindi pa nakakapirma sa aming clearance kasi tanghali na hindi pa rin sya napunta sa paaralan tapos nung bumalik kami ibinalik daw yung mga notebook tapos ung akin nawala, ayun tuloy hindi napirmahan yung clearance ko kya noong pasukan na lng ako nagpapirma sa E.P.

Ang seksyon ko noong Second Year ako ay kagaya rin nung First Year ako, B. Ang aming adviser ay si Mrs. Sotalbo, mukha syang mataray pero mabait at ang galling nyang magturo sa T.L.E. Kami-kami parin ang mga magkakaklase kya wala na kaming ilangan sa isa’t-isa noong magpasukan, dito ko nga pala naging kaklase si Aljohn R. Caballa na hanggang ngayong Fourth Year ay kaklase ko pa rin at si Kenneth S. Cabela na idol ko sa math, sa kanya ako nagpapaturo kapag hindi ko maintindihan ang itinuturo ni Ms. Nuevo na ngayon si Mrs. Laloon na. Ang seksyon naming ay sumali sa isang play na requirement sa Filipino, ang play na ito ay tungkol sa Florante at Laura at ako ang role ko dito ay mambibigkas ang kawal.





Ako at kaklase ko noong nagplay kame ng florante at laura :)

Mabuti naman at maganda ang kinalabasan ng play kaya kami ay nakapasa sa Filipino. 










Shadow Fiend ( Nevermroe )
Second Year din ako talagang naadik ako sa “COMPUTER" dahil natuto akong mag"Dota" talaga kasing nakakaadik ang larong ito. Minsan pa nga ay nalelate ako sa pagpasok o di kaya ay nakakapagcutting dahil dito.

<------- Fav. hero ko po sa Dota haha..


Pero nagpapasalamat naman ako at ako ay nakapasa sa second year at pati narin ang aking mga kaklase walang bumagsak...




Third year na ako at sa kabutihang palad ay B pa rin ang seksyon ko kahit paloko-loko at bumaba ang grado. Ang aming guro ay sina Ms. Lee at Mrs. Umali. Si Ms. Lee ay may pagkamataray pero mahilig magbiro, magaling magturo at mahilig makipagkwentuhan tungkol sa lovelife. Si Mrs. Umali naman ay isang TLE teacher at tungkols sa cosmethics ang itinuturo niya kaya hindi ko siya naging guro at kaya hindi ko kayang ilarawan ang istilo nya sa pagtuturo, pero ang alam mo ko mabait din siya.

Kaso dito talaga kami nagsimula ng kalokohan, kaming mga lalaki ng 3-B. Lagi kaming magkakasama kahit san magpunta sa computer,tambayan at tindahan ni tita Lanie. Dumating sa punto na pati pagkacutting magkakasama kaya ayon kameng lahat eh bumaba ng seksyon. Ako naman at si Aljohn ay problema ang MAPEH dahil halos hindi na kami pumapasok, kaya pinapatawag lagi ang aking magulang at ayun pinagproyekto ako ng dalawang tarpaulin at tapos sa pasukan daw ng fourth year eh maglilinis ako sa faculty ng dalawang markahan, kaya nakapasa ako ng third year ng walang bagsak. Salamat nalang.



Fourth year na ako at napakalayo ng ibinaba ng seksyon ko! 4-F haha, ok lang, ako din naman ang may kasalanan luko-luko kasi nung thirdyear. Halos lahat ng kaklase ko ay bago, noong una nga eh tingin ko mahihirapan ako mag-adjust sa kanila pero di nagtagal naging ka close ko din sila. Iba't - iba ang ugali meron mayabang, mabait, papansin, maarte pero ayus lng ang mahalaga naman para sa akin ay ang makagraduate na. Noong unang markahan ako ay naging top 1 dahil talagang nagpupursigi ako dahil nasa isip ko fourth year na nga kaya dapat 
intrams 2011
pagbutihin ko na, tapos nung second grading napili ako para maging escort sa intrams, pumayag na lang ako kahit mahiyain ako kasi naisip ko na fourth na rin naman ako at last na naman ito bilang high school, sa kabutihang palad na second runner up naman ako :). Makalipas ang ilang linggo tinawag na naman kami para mag audition para sa Mr. and Ms. Dizon High, at ayun nakapasok naman ako sa audition nakapasok din si Charles Elrain C. Duran na escort din noong intrams. Simula nun nagpraktis na kame mula sa pagsasalita hanggang sa pagrampa. Nang mag October 21, 2011 nagkaroon kami ng talent portion sa 
SM tour w/ other candidates
SM City San Pablo, mabuti naman at nakapagperform ako ng maayos. 

Nagkaroon din kame ng Mall tour sa SM City San Pablo, ansaya namen kung saan- saan kame nagpipipicture at pinakain kami sa Mang Inasal. Pagkatapos ng Mall Tour ay hindi muna kami umuwi at naggala pa sa SM at nagworld of fun at pagkatapos ay kumain ulit, ang iba ay umuwi na at  
ang iba naman ay gabi nang umuwi.









@library

Ansaya palang sumali sa gantong pageant, nagkakaroon ka ng bagong kakilala at bagong kaibigan. Nang dumating na ang coronation night, kabado kami kasi halos lahat kami ay first time sumali sa gantong pageant. Ang daming tao mga hiyawan ang kanya-kanyang fans.Ang naging Mr.Dizon ay si Miguelle Andre Arenas at ang Ms. Dizon naman ay si Abegail Gacusan Abbas. Masaya ako kahit wala akong nakuhang award kahit isa kasi marami naman akong natutunan ditong bagay at napataas nito ang confidence ko sa sarili ko.

Ako at ang maganda kong Adviser si Mrs. Laloon
Pebrero 11, 2012 ay nagkaroon kami ng Juniors and Seniors Prom at marami akong naisayaw, marami rin nagpapicture, masaya ang naging Prom hanggang matapos.









ako at ang mga kaklase ko na seryoso haha :">









Ngayon ay Marso 23, 2012 at ako ay kasalukuyang nagtatype ng talambuhay kong ito at masayang ibinabahagi sa inyo ang kwento ng buhay ko... maraming SALAMAT..

Martes, Marso 20, 2012

Ang Talambuhay ni Rosechelle Mariano



Ako noong apat na taon at ngayong labing limang taong gulang .
Ako po si Rosechelle Mariano . Ako po ay labing limang taon gulang na  Ipinaganak ako noong  Mayo 16 1996 . Ako ay nakatira sa brgy.del remedio san Pablo city .

      Ang aking magulang ay sina Melanie Mariano ang aking ina at Roosevelt Capinpin Jr po ang aking ama.Nagkakilala ang aking magulang nasa edad na labing anim bata ang aking ina ng sila ng aking ama ay nagkaroon ng relasyon.Hindi ko alam kung ano ang kabuuan ng kwento kung paano at kung bakit hiwalay ang aking magulang. 

Si Kate Nathalie ang bunso kong kapatid

  Ang aking ama at ina ay hiwalay , kaya ako po ay malungkot dahil hindi buo ang aking pamilya, ako po ay may anim na kapatid ito ay sila mark russel , sander , carl vince , neithan at ang bunso ay si kate Nathalie. Ako po ay hiwalay sa kanila ako po ay sa aking lola at lolo nakatira.  Ngunit ganun pa man masaya , malungkot man o sa hirap at ginhawa ay kinakaya ko para sa aking magulang at higit para sa aking lola at lolo na si zenaida sanico at souviner sanico sa kadahilanang sa kanila ako lumaki . ang aking lolo at lola ang nag alaga sa akin simula nang ako ay sanggol pa lamang , at sila ang nagpapaaral sa akin kung kaya’t lubos ang aking pasasalamat sa kanila .

    Noong limang taong gulang ako ay pumasok sa aming brgy.Day Care Center.Dito ako natuto kung paano sumulat at bumasa ,pag uwi ko sa bahay galing sa skul ako ay tinuturuan kung paano ang tamang pagsulat at pagbasa .Pinasusulat nila ako sa isang papel at pinalalagyan nila ng aking pangalan upang gayahin ko ito .Simula noon paulit ulit na ganon ang ginagawa hanggang sa ako ay matuto kung paano magsulat naka graduate ako ng kinder. Ang aking mga karanasan simula ako ay nasa sa edad na 5 limang taong gulang at ngayon na 15 labing limang taon na ay aking ikukwento ang aking naging mga karanasan . Ako po ay nagsimulang mag aral ay limang taon , pumasok po ako sa day care center at ang naging unang guro ko ay si mrs.decano  nakagraduate ako ng kinder .


lola at lolo ko
     Ito ay ang aking Lola at Lolo sila po ang nag alaga at nagpapaaral sa akin dito po ako lumaki sa piling nila .Halos sila na ang tumayong magulang ko, nagpapasalamat ako dahil kahit na mahigpit sila alam ko namang para sa akin din ang ginagawa nila upang ako ay mapabuti.Minsan pag napapagalitan dahl gabi na nakakauwi medyo nasama ang loob ko pero naiintindihan ko naman dahil gabi na , mamaya kung ano pa ang mangyari .Naalala ko nung nasa elementarya pa ako lagi ako hinahatid ng lola ko sa iskul tapos bago kami pumasok ipinaghahanda kami ng almusal ! hindi nga kami pwede umalis hanggang hindi pa ubos
ung pagkain namin, tapos ibibili pa kami ng aming baon ,sobra ang pag aalaga nila pero minsan masyado na din mahigpit kasi bawal kami lumabas ng aming bahay kaya hindi ko masyado naranasan ang maglaro sa labas ng bahay . Alam ko naman na ayaw lang kami maging batang laging layas ! Kaya lumaki kami na nasa loob lamang nang aming bahay , masaya din kasi tamang laro na lang sa skul , dun ao nakakapaglaro kasi pag sa bahay hindi masyado eh . Ok lang yon kasi dahil doon lumaki naman ako ng may disiplina at ito ako nagayon lumaki ng maayos .
mama ko at lola

Lola ko at ang aking mama ang sweet sweet nila noh sobrang saya ko talaga kasi may roong akong ina na kagaya niya kasi minsan sa kanya ako nag sasabi ng problema ko tungkol sa kaibigan,sa skul, at sa lovelife ko sa kanya ako nagkwekwento .Minsan nga tampo ako kay mama kasi gusto ko sumama sa kanya pero hindi naman siya pumayag pag ako kasi ay masama ang loob tapos wala ako masabihan idinadaan ko na lang sa sulat .Nang nagkataon naman na nagkasakit ako nabasa ng mama ko yung sulat ko at sinulatan niya din ako na pasensiya na daw kung hindi niya ako naisama dahil alam ko naman ang sitwasyon namin , hindi naman papayag ang lola na sumama ako kahit na gustuhin ni mama habang binabasa ko ang sulat niya napapaiyak ako . kahit na hindi ako sa kanya kumaki alam ko na mahal na mahal niya ako , kami ng kapatid ko .Basta sobrang dami na naming pinagdaanan at nagpapasalamat ako kasi nauunawaan niya ako kapg nag oopen ako sa kanya.Mahal na mahal ko po siya .

Ako
            Ako outing sa Infanta Quezon , sobrang saya ilang linggo kami doon , nangitim nga ako ay grabe pag balik ko sa San Pablo , ang itim ko na kakalangoy .Halos ilang linggo bago bumalik ang kulay ko di pala bagay sa akin ang maitim buti na lang maputi ako . Ang saya talaga doon at ang lawak pa problema nga lang ang hirap pag matutulog sa aplaya kasi  sobrang lamig grabe tapos naglalagay na lang kami ng apoy para mainit .Sa tabing dagat ang sarap pala matulog dahil naririnig mo ang tunog ng dalampasigan magaan sa pakiramdam .Kaya nga lang nakakainis kasi nilagnat ako ayan tuloy di nakapagswimming ng ayos .Pero ok lang naging masaya naman at naka bonding ko ang aking pamilya at iba ko pang kamag anak .Pacute pa ang aking letrato eh ang ganda sa infanta kasi ang sarap ng hangin tapos tahimik ,kapag gabi na hampas ng alon lang ang maririnig mo . Ang gaan sa pakiramdam .

         Ako ay pumasok ng elemtarya sa “Del Remedio Elementary School . Dito sa iskwelahan na ito ako maraming naunawaan , natuto mag pahalaga sa bawat bagay , nagkaroon ng kaalaman tungkol sa ibat ibang bagay na kailangan natin unawain sa ating sarili . Naalala ko pa noong ako ay nasa ika -3 baitang pa lamang hilig ko pan makipaghabulan , makipaglaro sa kung sino sinong bata . isa po akong makulit , masayahin , palabiro , iyakin .Noong ako ay nasa ika- 5 na baitang dito ko naranasan at naunawaan ang mga salitang paghanga , masyado pa bata diba hehe pero ano ang magagawa dito ako ay humanga sa aking kaklase na si Jeric Hantic ngunit di niya ito alam dahil kaibigan ko siya

       .Nang ako ay grade 6 na ako ay nagkaroon ng sakit  , ako po ay na Dengue kung kaya’t dahil doon ako ay na-confine sa ospital sa San Pablo ngunit hindi ako kaya gamutin dito kaya ako ay dinala sa maynila PCMC “Philippine children medical center”. Ako ay sinalinan ng dugo kase kailangan . Noong ako ay inilabas na sa ospital hindi ko alam noon na kami ay nasa maynila dahil nang dalhin nila ako ay nanghihina talaga at din a kaya . Sa kabutihan palad ako ay makakauwi na ilang lingo din akong na-confine doon matagal tagal din . nung  kami ay umuwi na sa San Pablo nakita ko ang aking matatalik na kaibigan na sila mary joy, jonaleen , mae ann , rose ann , shaira mae at iba ko pang mga kaibigan . Sobrang saya ko dahil nakilala ko sila . nang lubos na akong magaling ako ay pumasok na muli ako sa aming iskwelahan . Kinamusta ako ng iba kong mga kaklase . Naging masaya ang bawat araw na lumilipas ngunit may lungkot akong nadarama dahil alam kong magkakahiwa hiwalay kami ng aking mga kaibigan , sobrang mamimiss ko talaga sila yung mga kulitan,asaran, awayan,tampuhan,kwentuhan ay hinding hindi ko makakalimutan . sobrang saya ko dahil ako ay naka-graduate na sa elementary ngunit may halong lungkot ang aking nadarama dahil ito ang huli kami magkakasama at huling araw na sabay sabay kaming aakyat sa stage para kuhanin ang aming diploma .


ako at ang aking pamilya
   
 Bonding moment namin sa Pagsanjan Falls .Sobrang saya noong nagpunta kami sa Pagsanjan kaso nakakainis kasi ang mahal ng bayad tapos hindi naman kami nakarating doon sa pinaka Falls ang daya talaga noong sumakay kami sa bangka nakakatakot kasi parang tataob yung bangka na sinasakyan namin .Kasi naman ang lilikot ng mga kasama namin mga bata .Ayon si tito thomas sobra pong bait niya samin at tsaka marunong makisama sa mga bata minsan nga nakakatuwa kasi nakikipaglaro siya , si tit souzen naman mabait din pag ka minsan at tsaka siya ang nagbigay sa akin ng cellphone kaso binawi naman gawa ng ako ay napagalitan ang sabi napapabayaan ko na daw ang pagaaral ko , wala na daw ako inatupag kung di magtext pero akala lang naman nila yon !! basta ang saya saya talaga ...

ako at ang aking best friend

      Sa Col.lauro d. Dizon Memorial National High School ako ay nag aral. noong ako ay First year marami po ako nakilala at nagging kaibigan dito ko po nakilala ang aking matalik na kaibigan hanggang  ngayon siya ay si rachelle ann lopez . sa lahat ng pagsubok ay siya na ang palagi ko kasama . Naalala ko pa kahit na kami ay nag kakatampuhan kami ay nag kakabati din ka agad , meron pa akong isang kaibigan na nakilala pero di ko siya masyado naging close hindi ko alam kung bakit , siya ay si Justine mae morales . Tatlo kaming magkakaibigan noong ako ay first year pa lamang tinawag kming tatlo ng aming mga kaklase na RRJ .dahil sa lahat ng oras at araw ay kami ang magkakasama  , dahil nga kami ni Rachelle ay palagi magkasama madalas napag kakamalan kaming kambal  kasi hindi daw kami mapag hiwalay . nung minsan mayroong nagging boyfriend ang aking kaibigan na si Rachelle tapos yung kabarkada ng boyfriend niya ay aking hinangaan magtatapos na ang taon noong oras na nalaman ko na may nararamdaman pala ako para sa kanya . Siya ang first crush ko , ang kanya pong pangalan ay Wilmart Silva .
.
       Ngayon ako ay Second Year High School na dito kasama ko pa rin ang aking best friend na si rachelle , hay ayaw talaga kami pag hiwalayin masaya ako dahil magkasama pa rin kaming dalawa dito hindi na naming kaklase ang isa naming kaibigan na si Justine mae .

ito ang c-boys mga barkada ko

      Bagong kaklase , bagong kaibigan o barkada.ang tawag samin ay tropang archuletzx dahil magkakasama kami palagi . ako si rosechelle , rachelle ann , mary ann at si jackielyn akming apat. Masaya naman sa bawat araw lalo na at nakilala namin ang bagong kaibigan na ang tawag sa kanila ay C-BOYS dahil madalas sila ay cutting boys . sila ay sina neil marvin , francis john , jonathan , jeric , john , aries , marvince .kapag kami ay magkakasama sa tambayan puro kami kalokohan , tatawa , asaran ,pikonan , kanya kanyang kwentuhan at kung ano ano pa .simula ng kami ay napa barkada sa c-boys tinawag na rin an gaming grupo na c-girls dahil kasama naming ang c-boys akala nila pati kami ay nagcucutting class , pero kahit naman kabarkada naming sila hindi amn kami nagcucutting .ganun pa man dito sa edad na 13 anyos ako nagsimulang magmahal ditto una ako nagkaroon ng boyfriend , medyo isip bata pa wala pa masyado alam sa love kaya sobra akong nasaktan lalo na ng malaman ko na nagkaroon din pala ng relation ang aking matalik na kaibigan at ang lalaking una kong minahal . si neil marvin matagal bago ko siya nakalimutan siguro nga hanggang ngayon may nararamdan pa rin ako sa kanya pero alam kong mali dahil bata pa nga ako para sa ganun mga bagay pero ano magagawa ko naramdaman ko ng di ko inaasahan palgi na siya nasa isip ko , hanggang sa magkakahiwa-hiwalay na kami dahil nga sa titigil na sila . sobrang nakakalungkot pero kahit hindi na sila napasok nagkikita kita pa naman kami pa minsan minsan pag may oras.

Neil Marvin

      Siya si Neil Marvin  .Sa kanya ko naranasan kung paano ang magmahal at masaktan di ko akalain na kahit ganyan siya ay sobrang hirap niya makalimutan lalo na sa panahon ng aking ika-labing apat na taong gulang ay kasama ko siya sobrang saya ko talaga dahil sa simpleng biro niya sobra talaga ang saya ko .Pero alam ko naman hindi siya seryoso eh kaya hinanda ko ang sarili ko ang di ko lang matanggap ng may nalaman ako tungkol sa kanila ng aking matalik na kaibigan di ko akalain na papatulan niya ang ex ko dahil alam niya naman na mahal na mahal ko ito . Sino nga ba ako para pigilan siya , para maging sila eh ex ko lang naman si Neil pero sana man lang iginalang niya ako bilang kanyang kaibigan.


      Third year high school dito mas naging maayos ako bilang isang dalaga kasi may pag ka isip bata ako ay pero ganun pa man masaya kami magkakaibigan , bago kong mga kaklase at iba pa .noong ako ay third year section 3-I .nag volunteer ako bilang c.a.t ngunit dir in naman nag tagal dahil pinag quit ako ng aking lola dahil ginagabi ako ng uwi kaya wala ako magagawa kung hindi sumunod sa utos ng aking lola dahil siya ang nagpapa aral sa akin , naalala ko pa noong second year ako 2-I sumali ako sa sayaw ang naka grupo ko ay sila august lumaban kami sa library tapos ayon nakapasok naman ang grupo naming pero natanggal ako kase kabado ako ay palibhasa hindi sanay . ayon ung mga ka grupo ko lang ang naka pasok malungkot pero masaya .
      Hilig ko kase magsayaw pero kahit minsan hindi ko maipakita sa iba dahil ako ay nahihiya , palagi kabado pag nasa harap ng ibang tao ganun pa man masaya ako dahil kahit hindi ako nakasama sa final naipakita ko sa kanila na marunong din ako makiharap sa iba .ngayong third year sobrang daming pingdaanan ,mayroong malungkot , masaya , at pag minsan nagkaka tampuhan kaming magkakaibigan palagi naming kasama pag aawas kami ang aking mga kabarkada na C-boys.
      Nagturo din kami ng florante at laura sa second year dito nakilala ko si genisis , ang ganap niya sa florante at laura ay si adolfo kung kaya’t kami ang nagturo hanggang sa hindi inaasahan madevelop sa isat-isa kaya ayon sa madaling salita naging kami pero wala naman ako nararamdaman para sa kanya lalo na ang mga kaklase niya palagi kami pinaguusapan  hindi ko alam kung bakit pero nasaktan ko siya , noong sinagot ko siya kita ko sa kanya na masaya siya kaya nakonsensya ako kase parang pinaasa ko lang siya sa ginawa ko kaya naisip ko makipaghiwalay .
     Nasa lake kami magkakaibigan kinausap ko siya at doon sinabi ko sa kanya na maghiwalay na lang kami kase bata pa naman kami eh .noong nakipaghiwalay ako alam ko sobra siya nasaktan tapos alam ko inisip niya na parang balewala lang siya sakin pero ginawa ko lang yon para na rin sa kanya kase ayoko siya masaktan ng sobra .simula noon naiwas na ako sa kanya hindi ko siya pinapansin kapag magkasalubong kami sa school hanggang ngayon hindi ko pa din siya pinapansin kasi nahihiya ako sa nagawa ko noon sa kanya .dumating ang bakasyon nagtetext siya at tumatawag pero hindi ko sinasagot dahil natatakot ako , ewan ko hindi ko maintindihan .sobrang nakakamiss ang bawat araw na magkakasama kami ng aking mga kaibigan at ngayon magkakahiwalay na kami kasi hindi na kami magkakaklase kaya hindi na kami madalas magsama , minsan pag may oras tsaka lang kami nakakapag usap noong js prom naming sobrang saya di ko malimutan ang araw na yon kasi syempre unang beses ko yon naranasan .


ako at ang ex ko si junpaul
       Bakasyon na pag may okasyon sa san.mateo sa lola nita ko pumupunta ako lalo na pag pinapunta ako ng aking pinsan na si reni jane , dito ko nakilala si jun paul fiesta sa san.marcos at sila ay nagpunta din kabarkada ng pinsan ko si jun paul pinakilala ako ng pinsan ko sa lahat ng kabarkada niya at maging sa boyfriend niya hindi ko alam pero ang saya nila kasama kung kaya’t ginabi ako ng uwi sa amin at ako ay napagalitan nang aking lola .hinatid ako ni erwin at ni reni jane sa amin upang hindi ako masyado mapagalitan , at nang makapunta ako sa kwarto nakatext ko si junpaul at naging kami April 26 2011 .naka tatlong buwan kami kahit na malayo siya at minsan lang kami magkita masaya ako na nakilala siya dahil siya ang naging inspirasyon ko para pag butihin lalo ang aking pag aaral .

rachelle(yhubx), ako at janice(labx
    
     4th year high school na ko unang araw sa eskwela akala ko section E kami ni rachelle ayon pala binago naging F tuloy kami , medyo na oout of place kami sa room palibhasa magkakaklase na sila nung third year pang hapon kami medyo nakakapanibago kasi nasanay na ako nang pang umaga pero hindi rin nagtagal nasanay na din na pang hapon .mayroon nga akong kaklase hinahangaan ko pero di ko sinasabi nahihiya ako , ayon ang 4-Faraday palipat lipat ng room hindi maintindihan naging pang umaga  ,naging half day tapos nabago na naman naging buong araw ganun pa man masaya lalo na kanya kanya kwentuhan ,tawanan ,asaran tapos bago na namang tropa o kaibigan .tungkol naman sa boyfriend ko hanggang ngayon di pa kami nagkikita ulit nahihirapan na ko sa sitwasyon naming nalulungkot ako kase 4th year na din siya pero tumigil siya hindi ko alam kung bakit nanghihinayang lang ako kasi di pa niya tinapos ilang buwan na lang graduation

       Di ko na kinaya ang sitwasyon naming kasi nahihirapan ako kaya nakipag hiwalay na lang ako kahit na nahihirapan na ako pero sa bagay bata pa naman kami at marami pa kami pag dadaanan na pagsubok sa buhay gaya nito nangyayari sa amin ngayon . sa pamilya ko naman hiwalay ang aking ama at ina may roon na silang kanya kanyang buhay ako sa lola at lolo ko nakatira , lola ko ang nagpapaaral at nagpalaki sa akin . simula bata hanggang ngayon na ako ay graduating na gusto ko makatapos para masuklian ko ang pag aaruga at mga ginawa para sa akin ng aking lolo at lola sobrang nagpapasalamat ako sa kanila .papa ko hindi ko alam simula noon hindi ko siya tinawag na papa dahil nahihiya ako kaya nga pag nagkikita kami hindi ko siya pinapansin . minsan nga niyakap niya ako ng mahigpit tinanong niya ako kung bakit ba hindi ko siya pinapansin , hindi naman ako makasagot kasi hindi ko alam ang isasagot ko .
      Tuwing pasko napunta ako sa kanila pero ni minsan naman hindi ko siya nakausap nang maayos ano magagawa ko ayon ang nararamdaman ko basta hindi ko siya kaya harapin siguro dahil na din sa tampo ako sa kanya , yung asawa niya ngayon si tita joan mabait naman siya sa amin ng kapatid ko , tungkol naman sa kapatid kong si mark russel ayon ang bata bata pa ayaw na mag aral , pag pinapapasok lagi nagcucutting ayaw mag aral nag aaway nga si mama at papa dahil sa kanya kasi napaka kulit kung ano ano ang pinggagawa sa eskwelahan, o kung saan man sa mama ko naman close ako minsan nga sa kanya ako nag oopen nang problema ko mahal na mahal ko siya hindi man niya ako napag aral nararamdaman ko naman na mahal na mahal niya ako , kami ng kapatid ko .

4-Faraday boys
4-Faraday girls
    Ngayon nasa 4th year high school na ko malapit na ang graduation madami na pinagdaanan ang 4-faraday sobrang makaka miss .palagi man kami napapagalitan nang aming guro nag papasalamat kami sa kanila .Junior senior naming sobra saya di ko makakalimutan , dalawamput anim ang naka sayaw ko ang una kong nakasayaw ay si el claud ang aking partner nakakalungkot lang kasi hindi ko naka sayaw ang aking crush .ganun pa man masaya lagi kami nagkukuhanan nang mga letrato para may remembrance kami .tapos yung kabarkada ko nagpunta sa central gym upang kami ay magkita ngayong js prom night namin, kulitan lang kami ng mga kaklase ko asaran , tawanan at kanya kanya kuhanan ng letrato .Sayang lang hindi kumpleto ang mga girls ayaw kasi sumama ng iba ay kaya ayan di tuloy sila nakasama . Sana lang lahat kami sabay sabay na aakyat sa stage upang kuhanin ang aming diploma .Pagbubutihin po namin dahil para sa aming magulang alam namin na lahat gingawa nila mapag aral lang kami .

ako :))
     Ako simple lang kahit na minsan ay patamad tamad handa pa din gawin ang lahat para makatulong sa aking magulang , lalo na sa mga taong ginagawa ang lahat para mapabuti ako . Nais ko lang naman na masuklian ito .Alam ko na kahit hindi man ako sa mama ko lumaki nararamdam ko na gusto niya lang ako mapabuti sa kamay ng lola at lolo ko .Kaya mahal na mahal ko po sila .

      Kaya sobrang thankful ako sa kanila ...


ako at ang boyfriend co (khupz co)
 Ito ang boyfriend ko si Ivan Christian P.Padilla akala ko sa una hanggang magkaibigan lang kami palage niya ako inaasar ,pinapatawa ,at kung ano ano pa nitong mga huling araw ng pasukan naging mas sweet kami . i mean mas naging malapit kami sa isat isa hanggang sa umamin na kami sa totoong nararamdaman namin .Madami na din kami napagdaanan kahit hindi pa nagiging kami madami ang parang hadlang sa amin pero hindi ko pinansin nahulog na loob ko sa kanya eh ano magagawa ko ! Graduation namin gabi noon (March 30,2012 , 8:31pm) magkatext kami at noon time na yon sinabi niya sa akin na mahal niya nga daw ako so di ko na pinalampas yon inamin ko na sa kanya na mahal na mahal ko din siya ! at heto bakasyon na minsan na lang kami magkita miss na miss ko na siya kung alam niya lang walang araw ang lumipas na hindi ko siya naalala . ganun po ba tlaga pag mahal mo ang isang tao ? basta sana magtagal kami seryoso ako sa kanya kasi sobrang saya ko talaga kapag kasama ko siya di ko maipaliwanag ang alam ko lang ! Masayang masaya ako kapag magkasama kami .Mahal ko talaga siya .

Lunes, Marso 19, 2012

Ang Aking Talambuhay ( Charlene V. Cruz )


CHARLENE


June 23, 1996 nang ako ay pinanganak .  Ako nga pala si Maria Redenia Charlene Vargas Cruz also known as Denia or Misxz Junie .  Yan ang ipinangalan sa akin 
ng lolo ko na kasalukuyang sumalangit na .  Ito ay kumbinasyon ng pangalan ng tatay ko pero hindi nasunod dahil ang nailagay lang sa Birthcertificate ko ay Charlene.
Hanggang ngayon ang pangalan na yan ang ginagamit ko .  Ma.Corazon Cruz ang pangalan ng nanay ko, Reden Cruz naman ang tatay ko .  Mahal na mahal ko sila kahit hindi ko
napapakita pero deep inside mahal ko sila .  Ang aking palayaw ay Junie pero ito ay pinalitan dahil sobrang sakitin ako halos labas pasok ako sa hospital .  
Dahil dito pinalitan at ginawa na itong denia at hanggang sa lumaki ako ito na ang palayaw ko na kinalakihan .

Meron akong mga kapatid at lahat ay babae .  Si Maria Cecillia Cruz-Capisanan napangasawa si kuya Michael Capisanan at naging bunga ay si Marcuz Aethan Capisanan .  Sumunod
naman si ate Criselda Cruz-Olivar na napangasawa si kuya Marlon Olivar at naging bunga si Maricel Eunice Olivar .  Pangatlo si ate Ma.Cristina Cruz-salta napangasawa si kuya
Robert Salta at may dalawang anak sina Rodelia Cruz at Francis Bryan Salta .  Pangapat si Ma.Carlota Cruz-Comia at napangasawa si kuya Raffy Comia at naging bunga ang kauna-unahan
kong pamangkin na si Ashlley Kyle Comia .  Panglima naman si ate Camille Cruz, single at napakasungit kaya away bati kami .  Si ate Clarisse Cruz naman ang sumunod kay ate camille 
pero sa kasamaang palad siya ay sumalangit na at hindi ko man lamang siya nasilayan .  Siya ang aking sinundan at sumunod naman sa akin si Rodenzon Cruz na kaisa-isa kong kapatid na 
lalaki pero napakaagang nawala .Kahit minsan ay nag-aaway-away kami at may mga problema na dumadating sa buhay namin ay hindi kami sumusuko at inaayos o nagkakaayos pa din at kahit hindi namin maipakita ang pagmamahal
Mga Pamangkin ko
sa isa't isa alam ng PANGINOON na nagmamahalan kami .

Lumipas ang panahon at nagsisimula na akong tuklasin ang mga bagay-bagay sa buhay ko .  Nang ako ay magsimulang mag-aral dito ko natutunan kung paano makisalamuha sa ibang tao .  4 years old ako ng magsimulang mag-aral .
Day Care ako nun .  Hatid sundo pa ako ng mama ko kahit ng mga ate ko .  Laging madaming baon na pagkain sa lunch box ko halos ipamigay ko na nga iyung iba kasi busog na ako .
Hanggang sa nagkinder ako ganun pa din walang pinagbago sa daycare .  Pero nung nag Grade 1 ako nag iba ang lahat, hindi na ako hatid sundo, wala na din akong lunch box .  Nakakamiss yung mga araw na lumipas pero walang
magagawa Life Must Go On .  Dito ko nakilala ang makukulit kong mga kaibigang sina Veverly Acuña, Vince Bantatua, Monica Perez, Mark Jay Vargas, Merry Chris Mabilangan, Jemalyn, Erick, Marvin, Rochelle, Honey Grace Recare
at ang kambal na si Nonnie at Nannie .  Pati na rin si Kenidie at Ferdie .  Sila ang nakasama ko sa 6 na taon na pananatili ko sa elementarya .  Kahit paminsan-minsan ay nag-aaway-away kami ay naaayos namin ito at sana tumagal 
pa ang pagsasamahan namin .  Hanggang nagtapos kami at tumungtong sa sekondarya, hindi namin makakalimutan ang paaralang bumuo samin ito ang MARINIG SOUTH ELEMENTARY SCHOOL .  Sa pagtungtong ko ng 1st-year high school may mga
Graduation Grade 6
panibago nanaman akong nakilala at panibagong pakikisama na naman .  Pumasok ako sa paaralang National ng Cabuyao .  Si Mrs. Cadag ang kauna-unahan kong naging adviser .  Siya ay napakabait at napaka mapagpasensya .  Wala kang
masasabi sa ugali niya kahit sobrang pasaway namin .  Siyempre kami ang mga pasaway .  Ako si Jayvee, dionis, christian, gerald, lerry, micah, ria, na kaklase ko din nung elementary at syempre si adrian na crush ko also known
as kirat .  Kahit pasaway kami hindi namen pinapabayaan ang pag-aaral namin .  Kami ang mga officer in charge kaya kami ang namamalakad sa room pero kahit ganun walang nagmamalaki at nagmamagaling samin .  Halos lahat ay 
magkakaibigan kami .  Masaya ang samahan namin pero hindi ko inaasahan na pagseselosan ako ng Bestfriend ko . 

Si kuya Istian, yan ang tawag namin lahat sa kanya kasi siya ang pinakamatanda samin .  Siya din ang escort dahil may angking kagandahang lalaki .  Hindi namin inaasahan na magkakagusto si dionis sa kanya .  Wala kaming alam dun at matagal niyang nilihim kahit sa akin na bestfriend niya .  Super close kami ni kuya istian halos magkapatid na turingan namin .  Siya ang naging kuya ko .  Alam naman nating wala akong naging kapatid na lalaki kaya sabik ako
na merong kuya .  Habang  nagpipicture-an kami ay bigla na lang nagwalk-out si dionis .  Laking taka namin at tanong BAKIT ? may nakapagsabi lang na nagselos dun sa picture namin ni kuya istian .  Nagalit ako sa kanya kasi dahil lang dun tatapusin niya ang pagsasamahan namin hanggang sa mag sorry siya sa akin .  Tagal din namin tiniis ang isa't isa hanggang nagkaayos din. 
My Parents

Bukod sa nagyayari sa school meron din sa bahay .  Aalis ang tatay ko papuntang visaya .
Dun siya nadistino ng work niya .  First time namin mapapalayo sa tatay namin kaya sobrang lungkot .  Tapos kailangan sumunod ni mama dun para may kasamang pamilya si tatay .  Agad agad kaming humanap ng malilipatang bahay dahil kami 
na lang ni ate Camille ang maiiwan .  Napakalaki ng bahay namin para sa aming 2 ng ate ko .  Nakahanap si mama sa isang subdivision maganda naman at sapat lang para sa amin ni ate .  August kami lumipat dun at isinabay ang pablessing
ng bahay namin sa kasal ng pangatlo kong ate .  Napakasaya ng araw na iyon at sinulit na namin dahil bukas na bukas aalis na si mama para sumunod kay tatay .  Kinabukasan ay agad naming inihatid si mama .  Halos maluha kami kasi 1st
time kaming magkahiwalay .  Pagdating dun ni mama tumawag agad sa cellphone ni ate at kinausap ako, bibilihan daw ako ni tatay ng cellphone dahil wala akong magamit dahil dala ni mama .  Sobrang saya ko nun at hindi na makapag-antay .
Sa pag-alis nila hindi ko inaasahan na magiging dalaga na agad ako .
May crush ako sa isang lalaki .  Napakaganda ng mata niyang singkit, kaso parang lahat at ng ayaw ko sa lalaki nasa kanya na .  Isang umaga nun may sulat na binabasa ang ate ko at ang pinsan ko nang nagising ako sa tilian nila . 


Meron din isang picture pero hindi ko to pinansin at nagtakip pa ako ng unan sa tenga .  Hanggang may marinig akong  boses ng lalaki, si marlon pala tropa niya .  Nakikinig lang ako, tinatanong ni ate kung para kanino yung sulat at picture .
Ang sabi ay para daw sa nakapulang damit na babae .  Laking gulat ko paglingon ko ako ang itinuturo .  Bigla kong tanong "ako?", tinignan ko ang picture at sabay basa sa sulat, "pwede ko bang malaman ang pangalan mo ? .  Ako nga pala si
Me with Pinoi Pride
Josua Garcia .  PS: kung ayaw mo pakibalik na lang yung picture .  Ang lalaki palang iyon ang crush ko .  Pinasabi na lang namin kay marlon kung ano ang pangalan ko "Ako nga pala si Junie" at ibinalik ko ang picture . 

November noong dumating si mama galing visaya .  Habang nakasakay ako sa jeep kasama si belay nakita niya si mama at agad sinabi sakin, agad akong lumingon at bumaba ng jeep at tinawag si mama sabay kuha ng mga bitbitin .  Sa jeep pa lamang 
ay inabot na ni mama sakin ang bagong cellphone na bigay ng tatay ko .  Tuwang-tuwa ako ng araw na yon halos hindi kami naubusan ng ikekwento sa isa't isa .  Pagdating namin agad akong kinausap ng tatay ko sa cellphone .  Lubos akong nagpasalamat
kay tatay .  Pero ilang araw lang umalis na ulit si mama at pupunta na ulit kay tatay sa negros .  

November 6, 2008 nagulat ako ng may kumatok sa pinto namin na napakalakas .  Tumayo ang ate ko upang buksan ito, bumungad samin ang PANSIT at CAKE .  Agad itong tinanggap ng ate ko at nagpasalamat sabay tanong at sabi, "kanino galing ito ? Bakit 
puro pang-bara wala bang panulak ? Joke !" Sabay alis ni marlon at sara ng pinto .  Habang naggagawa ako ng report para bukas, may muling kumatok sa pintuan namin .  Nataranta kami kasi ang ngipin namin ay puno ng tsokolate at pansit .  May dalang
pop cola at sinundan pa ng ice cream .  Busog na busog ako ng araw na iyon hindi ko alam kung paano magpapasalamat hindi ko nga alam eh kung nanliligaw na .  After New Year, umuwi ulit si mama at kinausap si josua .  February 14, una ko siyang pinaasa, 
nagtampo siya sa akin at ilang araw din kaming hindi nagpansinan, naguilty ako at di nagtagal naging kami .  February 26 noon, 3am in the morning bago ko siya sagutin sabi ko sa kanya isigaw niya na MAHAL NIYA AKO ng 3 beses .  Ginawa nga niya ito at nahulog 
ang loob ko sa kanya .  Madami kaming pinagdaanan na pagsubok, ilang beses naghiwalay .  Ngayon ay natuluyan na at siguro hanggang dun na lang kami at hindi na magbabago at maibabalik pang muli .  Sayang man, pero wala nang magagawa, hindi ko na maikekwento lahat
dahil nasasaktan at naiiyak ako .  
Last Moment




Ngayong 4th year high school na ko ay hindi ko inaasahan na mapapalipat kami sa San Pablo at mapapalayo sa mga barkada ko lalo na sa GBOYS .  Sa pagpasok ko naging madali naman na makisama sa mga bagong kaklase ko .  Sa mga kadaldalan ko, sa Toi'ers, sa mot-mot groups,
sa haters #7, sa mga kaklase ko lalo na kay JONNA MAE (everelse) B. SAHAGUN'ers at CARINA dela CRUZ .  Madami kaming mga pinagsamahan lalo na sa mga kalokohan sa classroom .  Hindi ko rin makaklimutan ang napakaganda at blooming naming adviser na si Mrs. Janice Nuevo Laloon
Ngayong magtatapos na kami gusto ko lang iwan ang katagang, "huwag kang mag-alala, di ka nag-IISA" .    
Me with Carina & Jhona

GBOYS
Me with my Bhest
My Classmates